“Manahimik ka kung wala kang pruweba.” Tinignan ng masama ni Sally si Catherine. “Ano pa ba ang dadalhin mo sa pamilya bukod sa gulo? Nararapat sayo ang gulo na kinasasangkutan mo ngayon. Magkaroon ka nga ng oras para magmuni-muni tungkol sa sarili mo habang na sa bilangguan ka!” Isang panginginig ang dumapo kay Catherine. Palaging sinasabi ng mga tao na kahit ang mabangis na tigre ay hindi kakainin ang mga anak niya, ngunit pakiramdam niya ay mas mabangis sina Sally at Jeffret sa tigre.“Mapaparusahan kayong dalawa!” Galit niyang sinigaw, “Isang bagay na ang tratuhin ako ng malamig at may paglait dati ngunit hindi niyo dapat ako sineset up. Pinapangako ko na susulitin ko ang oras na sirain ang Summit!”Tumawa ng sarkastiko si Rebecca. “Sa tingin mo ba may natitira ka pang oras? Sabi ng abogado ni Clark na bibigyan ka ng sentensya ng hindi bababa sa benteng taon. My dear sister, mag-ingat ka sa bilangguan. Bibisita ako kapag may oras ako.”“Parang sigurado kayong lahat na matatal
Kabadong tinignan ni Catherine si Shaun at nakita niya lang na nanatili itong walang pake na para bang hindi siya ininsulto.“Ang isang piraso ng basura ay hindi karapat dapat na kausapin ako.”Binalik niya ang malamig niyang titig at lumingon papunta kay Catherine. “Sumama ka sa akin.”Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa courtroom. Mabilis siyang sumunod dito.Ngumiti si Haldley kay James. “Sabihin mo na kung ano gusto mo habang may pagkakataon ka pa.”Ang ngiti niya ay reserba at magalang, ngunit nagdala ito ng nginig pababa sa gulugod ni James. “Aunty, magiging okay lang ba ako?”Malambing siyang tinignan ni Sally. “Huwag ka mag-alala, binura na ng Uncle Jeffery mo lahat ng natitirang ebidensya. Andito ka lang bilang isang testigo.”“Sa susunod magpakabait ka kung duwag ka.” Suminghal si James ng may paglait. Sa totoo lang, hindi niya ganon kagusto si James ngunit gusto ni Sally ang pamangkin niya. Bukod doon, alam ni James kung paano sila pasayahin sa pagdala ng mga re
Subalit sa loob ng courtroom, nakakahindik ang pakiramdam ng atmospera sa panig ng nagdemanda.Si Miles ay may suot na nalugi na ekspresyon. Sa tabi niya, si Mr. Stewart, ang abogado, ay umiinom ng tubig habang mukhang kabado.Sa kabilang banda, si Catherine ay masayang nakikipag-usap kay Freya. Hindi makatigil sa pagtawa si Freya.Ang abogado sa tabi niya ay naglalaro sa phone niya "Titignan ko kung ano ang nangyayari." Kinakabahan si Jeffery habang lumalapit kay Miles. "Young Master Clark, anong problema ni Mr. Stewart? Hindi maayos ang itsura niya para sa akin."Sumagot si Miles ng may malamig na titig, "Kakaiba talaga ang anak mo "Naguguluhan si Jeffery. Ipaliwanag ni Mr. Stewart ng may buntong hininga, "Kinuha ni Catherine Jones ang alamat na hindi pa natatalo sa Australia bilang abogado niya. Mahihirapan talaga ako mapanalo ang kaso na ito."Hindi, wala siyang tiyansa ipanalo ito."Anong alamat na hindi pa natatalo?!" si Jeffery ay gulat. "Iyon ang pinangako mo. Sina
Di kalaunan, dinala sa loob ng courtroom si Terry Miller.Tinignan ni Shaun ang lalaki ng may nakakatakot na titig. “Sino ang tumulong sa iyo na palitan ang mga kable ng kuryente sa mas mababang kalidad?”Nakakandado ang mata ni Terry kay James at tinuro siya. “Siya iyon.”Sumigaw si James ng gulat, “Nagsisinungaling ka. Nakatanggap ka ba ng suhol mula kay Catherine?”Walang ekspresyon na sumagot si Terry, “Hindi siya iyon, ngunit ikaw ang nagsuhol sa akin. Pagkatapos ng sunog sa hotel, naglipat ka ng dalawang milyong dolyar sa anak ko na nakatira sa ibang bansa, at inutusan mo akong ibaling ang sisi kay Catherine Jones.”Lahat ng kulay sa mukha ni James ay nawala. Nagsisimula na rin mag-alala si Sally.Nagagalit si Miles. “So ikaw pala ang nagpalit ng mga kable ng kuryente! Anong problema mo? Sinusubukan mo ako lokohin sa paglipat ng sisi kay Catherine Jones?”Isang nakakaengganyong ngiti ang napunta sa mukha ni Shaun. “Mr. Clark, isinasakripisyo nga ng mga Jones ang sarili nil
“Sige na, sige na, bumalik na tayo sa main topic.”Bumalik agad ang kawalan ng pakialam sa kaaya-ayang mukha ni Shaun sa loob lamang ng ilang segundo.“Your Honor, bukod sa patagong pinalitan ni James Lennon ang mga kable ng kuryente sa Lublin Hotel sa mas mababang kalidad, gumamit din ito ng mga substandard na waterproof na mga materyales sa paggawa nito. Ganito rin ang ginawa sa ibang mga proyektong kanyang pinasinayaan bukod sa collaboration nilang ito kasama ang mga Clark. Ginawa niya rin ito sa mga villa, museum, at clubhouse.”“Hindi iyan totoo! Wala akong ginawang ganyan!” Sigaw ni James habang marahas na iniiling ang kanyang ulo. Paanong nalaman ng taong ito ang lahat?“Nagbigay rin ng mga negatibong komento at feedback and mga proprietor sa mga pagsasaayos na ginawa at nagbigay sila ng mga insidenteng tulad ng pagtagas ng tubig, short circuit, at iba pang mga kaso. Your Honor, naririto ang mga video recording na nanggaling pa mismo sa mga proprietor na ito.”Nagbigay ng p
Nang matapos ang paglilitis, nanghihinang napaupo si James sa sahig na para bang mawawalan siya ng malay.Idinampot siya ng mga pulis at dinala palabas ng silid.Kinuha naman nina Rebecca at ng kanyang mga magulang ang pagkakataong iyon upang lumabas bago pa man ito mapansin ninuman.Nasasabik at nagmamadaling niyakap ni Freya si Catherine. “Ang gandang balita naman nito! Ang galing mo, Mr. Hill! Akala ko noong una’y mahahatulan ng mga dalawampung taong pagkakakulong si James ngunit nakakuha siya ng pang-habambuhay na pagkakakulong na hindi mababawasan! Ang galing talaga! Idol na kita.”“Sang-ayon ako. Ang galing mo nga.”Tumungo ring sinabi ni Catherine. Mas mabilis ang naging proseso ng paglilitis kumpara sa kanyang inaakala ngunit pumabor din naman sa kanya ang resulta nito.Isa pa, nakatuon ang pansin ni Shaun sa dire-diretsong pag-aatake kay James. Bagama’t nakatakas nanaman ang mga Jones, naniniwala siyang hudyat na ito ng pagtatapos ng Summit. Wala nang makikipagsama pa ri
“Tama!” Sumali si Freya upang salbahin ang kanyang kaibigan. “May atraso na siya ngayon kay Mr. Hill, kaya’t kailangan niya talaga itong i-treat mamayang gabi.”“Oo naman, may nai-book na akong lugar. Kita kita na lang tayo mamaya,” ‘ika ni Catherine habang hinihila si Shaun palabas ng pintuan.Dahil kung hindi’y nag-aalala itong mas lalo pang lumala ang sitwasyon.Napasimangot na lamang sina Wesley at Ethan habang nagtataka nang nakita nilang hinihila ni Catherine palabas ang abogado.Lalo na’t nakausap na rin ni Wesley si Shaun noon pa. Alam nitong mayabang at walang pakundangan ang abogado, ngunit kaya itong hilahin palabas ni Catherine? Bigla nitong naalala kung paano nawala ang dalawang iyon mula sa restawran na kanilang kinainan noong isang araw. Doon niya napagtantuang may kakaibang pagsasama ang dalawang iyon.Hindi rin ikinatuwa ni Ethan ang mga pangyayari. Kinuwestiyon niya si Freya na naroon pa rin sa loob ng silid. “Mukhang maganda ang pagsasama ni Cathy kay Mr. Hill
“Sige, tumalon ka kung gusto mo.” Sinadyang ilapat ni Shaun ang kanyang kurbata habang sinabihan niya si Hadley na, “Bilisan mo. Doon ka sa bilis na ikamamatay niya agad kapag tinangka niyang tumalon palabas.”“...”Hindi makapaniwala si Catherine.Ito na yata ang demonyo mismo.Nang nararamdaman niyang binilisan nga ni Hadley ang takbo ng sasakyan, tinitigan niya nang masama si Shaun ngunit nawala na agad ang lakas ng loob niyang tumalon palabas ng sasakyan.“Halika rito.” Sa wakas ay sabik na itinuro ni Shaun kay Catherine kung saan siya nito gustong pumunta.“Basta ‘wag mo akong itatali,” nag-aalala niyang sinagot.“Sinabi ko bang itatali kita? Ikaw lang naman nag-iisip ng mga kalaswaang iyan.” Hindi na ito makapaghintay kaya’t sinunggab na siya nito upang kandungin siya.May kasama sila sa sasakyan! Agad na namula ang kanyang mga pisngi at hindi na niya tinangka pang gumalaw. Upang patayin ang malisya, nagsimula siya ng ibang usapin.“Ano ang gusto mong kainin mamayang gab