Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1091 - Chapter 1100

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1091 - Chapter 1100

2346 Chapters

Kabanata 1091

Nagulat si Wesley.Walang iba ang nakakaalam sa pumatay bukod kay Mason, kaya paano nalaman nito…“Alam ko rin… na ang nararamdaman mo kay Catherine Jones ay hindi dalisay simula umpisa.”Biglang tumawa sa mababang boses ang tao. “Maaaring ang ibang tao ay may pag-ibig na walang pag-aalinlangan, ngunit ang pagmamahal ni Wesley Lyons ay ang pinakamagaling manlinlang.”Nanginig ang katawan ni Wesley.Sino ba ang tao na ito?Bakit alam ng tao na ito ang sikreto niya na wala dapat makaalam?“Huwag mo hahawakan si Catherine Jones. Huwan mo siya hahawakan, o sa susunod na makita kita, magiging bangkay ka. Maaari mo subukan…”Ang nakamaskara na lalaki sa passenger seat ay nagbukas ng pinto ng sasakyan.Pagkatapos, isang itim na kotse na walang plaka ang umalis.Ang lalaki sa kabilang panig ni Wesley ay umalis na rin.Ang dalawang lalaki ay mabilis na pumasok sa kotse ay umalis.Sinuntok ni Wesley ang itim na leather backrest, ang mainit at gwapo niyang mukha ay puno ng galit at ta
Read more

Kabanata 1092

”Nasa akin… ang magiging apo ng pamilyang Snow.”Binaba ni Sarah ang ulo niya at biglang hinawakan ang tiyan niya. “Oo, itinakwil si Rodney mula sa pamilyang Snow, ngunit ang mga anak niya ay laman at dugo pa rin ng pamilyang Snow. Pagkatapos ng mahabang panahon at hindi na galit ang pamilyang Snow, magbabalik ang bata sa pamilya.”Gumalaw ng kaunti ang mata ni Wesley. “Sarah Neeson, sobrang sama mo.”“Hindi ba at parehas tayo, kung gayon? Not to mention… ayaw mo ba tikman ang babae na dating naranasan ni Shaun noon?” Lumapit si Sarah at marahan na kinagat ang tainga niya.Mabilis na nagreact ang katawan ni Wesley. Dinaganan niya si Sarah at ngumisi, “Ikaw ay isang babae lang na hindi gusto ni Shaun. Kailanman ay hindi ka niya hinawakan dati.”Nanigas ang mukha ni Sarah, ngunit pinilit niya tumawa. “Hindi mo iyon pwede sabihin. Ako ang paborito niya noong bata pa kami. Kung hindi nagpakita si Catherine, hindi magiging ganito ito. At saka… Maaari kita sabihan ng sikreto.”“Anong s
Read more

Kabanata 1093

Nang 9:00 p.m., naliligo si Catherine sa banyo ng kwarto. Ninerbyos siya ng sobra dahil sa tunog ng tumatakbong tubig. Nang inisip niya na gagawin na niya iyon kasama si Wesley mamaya, tumatanggi ang katawan niya.Gayon pa man, may mga bagay na hindi na niya matatanggihan pagkatapos ng unang hakbang, tama?Hindi niya maaari gugulin ang buhay niya nang si Shaun lang ang tinatanggap.Nagngitngit siya ng ngipin at lumabas.Gayon pa man, ang bumati sa kanya ay si Wesley na may hawak na kumot at naghahanda na umalis.“Cathy, sa tingin ko hindi ka pa handa sa utak. Gusto kita bigyan ng oras para sa sarili mo.” Ngumiti si Wesley. “At saka, sobrang abala ko rin sa trabaho sa kasalukuyan at kailangan ko magtrabaho ng overtime sa gabi, kaya sa katabing kwarto muna ako matutulog.” “...” Kinagat ni Catherine ang labi niya, naantig siya. “Wesley, maaari ko-”“Huwag mo pilitin ang sarili mo. Ayaw ko na pinipilit ka sa kahit ano,” Ginambala siya ni Wesley.Sobrang naantig si Catherine na pak
Read more

Kabanata 1094

”Ako ang kasama niya matulog. Nakatulog ako nang mahimbing…” May sama ng loob ang mukha ni Shaun. Sigurado, hindi siya pwede maging casual lang sa paghahanap ng rason. Nasunog niya ang sarili niya sa huli.“Shaun Hill…” Galit siyang tinignan ni Catherine. “Hindi ka talaga magaling na…”Ang salitang ‘tatay’ ay nakabara sa lalamunan niya. Muntik na niya ito masabi.“Oo, alam ko na hindi ako magaling na tiyuhin.” Hindi na ito inisip masyado ni Shaun at taos pusong inamin ang kasalanan niya. “Sinusubukan ko maigi maging bagong tatay ni Suzie.”“Bagong tatay?” Nanginig ang puso ni Catherine.“Oo, wala na si Liam sa paligid, kaya ako ang magiging tatay niya sa hinaharap. Susunduin at ihahatid ko siya sa kindergarten, matutulog ako kasama siya sa gabi, sasamahan ko siya magbasa ng libro at makikipaglaro sa kanya ng mga laruan…”Nagsalita ng mahabang oras si Shaun bago niya napagtanto na marami na siya sinasabi. Dali-dali niyang hininto ang bibig niya.“Sige, maaari mo pa siya samahan n
Read more

Kabanata 1095

”...”Tinignan ng masama ni Catherine si Shaun ng ilang saglit, ngunit sa huli, sinundan niya ito paakyat.Nilagay niya si Suzie sa malaking kama sa master bedroom. “Maaari ka magpahinga sa katabing kwarto. Mananatili ako dito kasama siya.”“Kalimutan mo na. Kung iiwan kita dito, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo kapag nagkaroon ulit siya ng lagnat.”Tinarayan siya ni Catherine. “Iwan mo sa akin ang thermometer. Ikaw ang matulog sa kabilang kwarto.”“...Okay.”Tumango si Shaun at tumalikod para lumabas.Ito ang kwarto niya, kaya hindi naglakas loob si Catherine matulog sa kama niya. Nanatili siya sa sofa sa gilid at nagpadala ng mensahe kay Wesley: [Kailangan ko magtrabaho ng overtime sa kumpanya hanggang madaling araw at hindi ako uuwi ngayong gabi. Pasensya na.]Pagkatapos niya ito ipadala, nag-init ang pisngi niya dahil sa pagsisisi.Pakiramdam niya ay isa siyang nangangaliwang babae sa asawa niya.Gayon pa man, nang nakita niya ang maliit at inosenteng mukha ni Suzie,
Read more

Kabanata 1096

Pagkatapos ng ilang sandali ay bumulong si Catherine, “‘Wag ka namang masyadong nega, magagaling na ang mga gamit ngayon, at isa pa… hindi naman sa sira na talaga ‘yan…”“Ewan ko na rin. Basta, ang alam ko lang ay gustong gusto ko kapag magkahawak tayo kagaya nito, ngunit hindi naman sumasagot.” Nanghihinayang na pagtatapat ni Shaun.Agad na namula ang mukha ni Catherine at nangalit ang kanyang mga ngipin. “Shaun Hill…”“Totoo ang sinasabi ko.” Mapait ang itsura ni Shaun. “Cathy, kilala mo ‘ko. Hindi ako basta-bastang susukong suyuin ka dahil mahal kita. Kahit na malugi man ang Hill Corporation. Lalo na ngayon at nalaman kong nagmamahalan naman pala talaga tayo noon. Araw gabi’y nananabik ako sa’yo. Gusto kong ibalik ang lahat ng alaala ko, nang sa gayo’y maaalala ko ang lahat ng pinagsamahan natin. At least, sa alaala ko’y nagsimula tayo at nagtapos.”“Ano bang pinagsasasabi mo?”Panenermon ni Catherine. “Mas matutungtong mo pa ang Mercury kaysa sa maibalik ‘yang alaala mo. Masis
Read more

Kabanata 1097

Tiyak si Shaun na hindi mabuting tao si Wesley.Subalit kulang na ang kanyang tauhan at masyadong magaling magtago si Wesley kaya’t hindi niya mahuli ang lalaki.Tinignan lamang siya ni Catherine. “Tatapatin kita: makasarili ka. Ayaw mo lang akong makitang kasama si Wesley, kaya’t kung ano-ano ang sinasabi mo. Kasuklam-suklam ka talaga!”Alam ni Shaun na hindi niya makukumbinse ang babae, kaya’t nag-isip siya ng ibang paraan. “Oo, kasuklam-suklam ako. Kaya’t aprubado ko dapat ang lalaking gusto mong makasama. Kapag pumayag lamang ako mo dapat siya samahan.”“Mamatay ka na.”Hindi mapigilan ni Catherine ang kanyang sarili na itaas ang kanyang binti upang sipain si Shaun sa kanyang hita.Umaray si Shaun at hinawakan ang binti ng babae. “Sige, sumipa ka. Wala rin namang mangyayari.”“... Pakawalan mo ‘ko.”Namumula ang mukha ni Catherine. Kahit na wala siyang magawa, hindi siya dapat hinahawakan nang ganoon ng lalaki. Babae rin naman siya, kaya’t normal lamang na makaramdam siya n
Read more

Kabanata 1098

“Kahit na mabuti ang pakiramdam mo ngayon, kailangan mo pa ring uminom ng gamot mamaya. Halika, i-b-braid ko ang buhok mo.”Dinampot ni Catherine si Suzie at nagsimulang ayusin ang kanyang buhok.Matapos ang lahat ng pagsasaayos ay naglakad si Catherine palabas buhat-buhat si Suzie sa kanyang mga bisig.Wala si Shaun noong mga oras na iyon at hindi mapigilan ni Catherine ang sariling magreklamo. May sakit ang bata ngunit maaga pa ring umalis ang lalaki.Noong naisipan niyang buksan ang fridge upang ipagluto ng agahan si Suzie, bumalik si Shaun suot ang isang puting damit, sweatpants, at running shoes. Mamula-mula ang kanyang mukha buhat ng pag-eehersisyo ay may mga natirang bakas ng pawis sa buhok na nakadikit sa kanyang noo. Manipis ang kanyang suot na damit kaya tambad ang kanyang kahali-halinang abs.Napabuntong-hininga na lamang sa kanyang loob si Catherine. Tiyak na sa sandaling kumuha ang lalaki ng endorsement para sa isang sports brand ay mauubos agad ang mga produkto nito
Read more

Kabanata 1099

Sumasakit ang ulo ni Shaun nang isinabi sa kanya ni Hadley ang balita. “Nakuha ni Sarah si Stevens, ang pinakamagaling na abogado ng Country Y, upang i-represent siya sa demanda.”“Stevens?” Laking gulat ni Shaun. Pantay lamang ang estado nila ni Stevens sa larangan ng pag-aabogasya. Hindi sila ang tipong nasisilaw sa pera. Hindi niya inaasahang makukuha ni Sarah si Stevens upang ilaban ang kanyang kaso.Tila’y kailangan niya muling baguhin ang kanyang tingin kay Sarah.“Eldest Young Master Hill, bukod sa pagiging makapangyarihan, malupit at mabagsik din ‘yang si Stevens. Nangangamba akong mahihirapan tayo ngayon.” Pag-aalinlangan ni Hadley. “Hindi naman po siguro si Young Master Snow ang tumulong sa kanyang hanapin si Stevens, ano?”“Wala nang kinalaman ang mga Snow kay Rodney. Tiyak akong hindi papayag si Stevens kung gayon ang kaso.”Tumaas ang mga kilay ni Shaun at ngumiti. “‘Wag kang mag-alala, Australia ito, hindi Country Y. Mukhang mas papanigan ako ng mga husgado.”“Pero…
Read more

Kabanata 1100

Noo’y sumusunod ang mga tauhan ng Snowden sa mga utos ni Rodney.Ngunit ngayo’y si Freya na ang kanilang pinoprotektahan.Mistula’y nagpalit sila ni Freya ng pagkakakilanlan.“Director Lynch, babalik ka na ba sa trabaho?” Hindi maganda ang mood ni Rodney, at halata iyon sa tinig ng kanyang boses.Sinulyapan lamang siya ni Freya at kanyang kinurba ang kanyang mamula-mulang mga labi. “Hindi.”Agad niyang iniabot kay Rodney ang kanyang resignation letter.“Bibitiw ka sa pwesto?” Mistulang naging maulap ang itsura ni Rodney.“Tama ka diyan!” Tungo ni Freya. Maganda ang kanyang mood.Kumulo ang dugo ni Rodney. “Noong ibinigay ko sa’yo ang ten percent ng mga share ng Osher, pumirma tayo ng kontrata. Hindi mo pwedeng basta-basta sabihing bibitiw ka na.”“Kung gayo’y ibabalik ko sa’yo ang shares,” Walang imik na sagot ni Freya.Hindi inaasahan ni Rodney ang pagiging prangka ng babae kaya’t nanigas siya nang ilang mga sandali bago ngumisi. “Ano? Tingin mo ba’y nagbago na ang estado mo
Read more
PREV
1
...
108109110111112
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status