“Kahit na mabuti ang pakiramdam mo ngayon, kailangan mo pa ring uminom ng gamot mamaya. Halika, i-b-braid ko ang buhok mo.”Dinampot ni Catherine si Suzie at nagsimulang ayusin ang kanyang buhok.Matapos ang lahat ng pagsasaayos ay naglakad si Catherine palabas buhat-buhat si Suzie sa kanyang mga bisig.Wala si Shaun noong mga oras na iyon at hindi mapigilan ni Catherine ang sariling magreklamo. May sakit ang bata ngunit maaga pa ring umalis ang lalaki.Noong naisipan niyang buksan ang fridge upang ipagluto ng agahan si Suzie, bumalik si Shaun suot ang isang puting damit, sweatpants, at running shoes. Mamula-mula ang kanyang mukha buhat ng pag-eehersisyo ay may mga natirang bakas ng pawis sa buhok na nakadikit sa kanyang noo. Manipis ang kanyang suot na damit kaya tambad ang kanyang kahali-halinang abs.Napabuntong-hininga na lamang sa kanyang loob si Catherine. Tiyak na sa sandaling kumuha ang lalaki ng endorsement para sa isang sports brand ay mauubos agad ang mga produkto nito
Sumasakit ang ulo ni Shaun nang isinabi sa kanya ni Hadley ang balita. “Nakuha ni Sarah si Stevens, ang pinakamagaling na abogado ng Country Y, upang i-represent siya sa demanda.”“Stevens?” Laking gulat ni Shaun. Pantay lamang ang estado nila ni Stevens sa larangan ng pag-aabogasya. Hindi sila ang tipong nasisilaw sa pera. Hindi niya inaasahang makukuha ni Sarah si Stevens upang ilaban ang kanyang kaso.Tila’y kailangan niya muling baguhin ang kanyang tingin kay Sarah.“Eldest Young Master Hill, bukod sa pagiging makapangyarihan, malupit at mabagsik din ‘yang si Stevens. Nangangamba akong mahihirapan tayo ngayon.” Pag-aalinlangan ni Hadley. “Hindi naman po siguro si Young Master Snow ang tumulong sa kanyang hanapin si Stevens, ano?”“Wala nang kinalaman ang mga Snow kay Rodney. Tiyak akong hindi papayag si Stevens kung gayon ang kaso.”Tumaas ang mga kilay ni Shaun at ngumiti. “‘Wag kang mag-alala, Australia ito, hindi Country Y. Mukhang mas papanigan ako ng mga husgado.”“Pero…
Noo’y sumusunod ang mga tauhan ng Snowden sa mga utos ni Rodney.Ngunit ngayo’y si Freya na ang kanilang pinoprotektahan.Mistula’y nagpalit sila ni Freya ng pagkakakilanlan.“Director Lynch, babalik ka na ba sa trabaho?” Hindi maganda ang mood ni Rodney, at halata iyon sa tinig ng kanyang boses.Sinulyapan lamang siya ni Freya at kanyang kinurba ang kanyang mamula-mulang mga labi. “Hindi.”Agad niyang iniabot kay Rodney ang kanyang resignation letter.“Bibitiw ka sa pwesto?” Mistulang naging maulap ang itsura ni Rodney.“Tama ka diyan!” Tungo ni Freya. Maganda ang kanyang mood.Kumulo ang dugo ni Rodney. “Noong ibinigay ko sa’yo ang ten percent ng mga share ng Osher, pumirma tayo ng kontrata. Hindi mo pwedeng basta-basta sabihing bibitiw ka na.”“Kung gayo’y ibabalik ko sa’yo ang shares,” Walang imik na sagot ni Freya.Hindi inaasahan ni Rodney ang pagiging prangka ng babae kaya’t nanigas siya nang ilang mga sandali bago ngumisi. “Ano? Tingin mo ba’y nagbago na ang estado mo
Hah! Akala ba ni Freya na ang pagsisimula ng negosyo ay ganun kadali?Gayunpaman, kung may suporta siya ng pamilyang Snow, kasabay ang galing skills ni Freya, baka maging kalaban siya ng Osher sa hinaharap.Nangilabot ang anit ni Rodney.Anong klaseng sama ng loob ang mayroon si Freya sa kanya sa kanilang nakaraang buhay?Hindi lang sa ninakaw niya ang pamilya ng lalaki, pero magsisimula rin siya ng kumpanya para nakawin din ang negosyo ng lalaki....“Gusto mong magsimula ng sarili mong cosmetic company?”Nanigas si Catherine nang matanggap niya ang tawag ni Freya.“Oo.”Ngumiti si Freya at sinabi, “Nang kausapin ko si Godmother kahapon, sabi niya na ang mga produkto ko ay sobrang ganda at isang kahihiyan na nagtatrabaho ako para sa ibang tao. Pwede akong magsimula ng sarili kong kumpanya. Ang pamilyang Snow ay tutulungan akong asikasuhin ang ilang mga importanteng dokumento.”Sa pagsabi ng ‘Godmother’, ibig niyang sabihin ay asawa ni Nathan Snow.Hindi mapigilan ni Catheri
Nangyari lang din na si Wesley ay nakaitim na suit ngayong gabi.Talagang maganda ang itsura niya, pero kumpara kay Shaun, hindi siya mukhang kasing refined.Hindi mapigilan ni Catherine na magbuntong hininga sa kanyang puso.Ang mga suits ay mukha pa ring pinakabagay kay Shaun.Habang abala siya, tila may naramdaman si Shaun at lumingon para harapin ang babae.Agad siyang tumingin palayo at sumulyap kay Wesley na may konting guilt.Akala niya hindi magiging masaya si Wesley, ngunit sa hindi inaasahan, talagang hindi nakatingin sa kanya si Wesley. Ang mga mata ng lalaki ay nakapokus sa kabilang banda kung saan isang grupo ng makapangyarihang mga tao ang nakatipon.Bahagyang natigilan si Catherine. Matapos, lumingon si Wesley at sinabi sa babae, “Cathy, nandun si Freya. Tara at magsabi ng hello.”“Okay.” May parehong ideya si Catherine.Walang duda na si Freya ang pinaka-agaw pansin ngayong gabi. May suot siyang magandang gown, ang kanyang payat na pangangatawan at graceful per
Agad na tumingin ang mga bisita.Nakilala nila ang babae bilang si Chelsea Holt, ang bunsong anak ng pamilyang Holt. Narinig na nila na ang panganay na anak ng pamilyang Holt, si Joanne Holt, ay naging babae ni Mason Campos.Ang mga matatalino ay agad nalaman kung anong nangyayari nang makita nila ang eksenang ito. May maasikasong umabante at nagsabi, “Young Lady Holt, anong problema?”Tumuro si Chelsea kay Shaun na may namumulang mga mata at nagreklamo, “Nakita ko siyang nakatayo mag-isa rito kaya lumapit ako para i-greet siya pero matapos ng ilang salita nagsimula siyang landiin ako. Gusto kong umalis, pero hinablot niya ang kamay ko at hinila ako. Tinapon niya pa ang alak niya sa bestida ko. Oh paano ako haharap sa ibang tao ng ganito?”Hinablot niya ang dibdib niya at humikbi.“Walang hiya ka!” Isang binata ang agad na tumuro kay Shaun at sumigaw “Shaun Hill, sino sa tingin mo si Ms. Holt? Sa tingin mo pwede mo siyang pagbuhatan ng kamay? Bakit hindi ka kumuha ng salamin at ti
Tumingin si Freya kay Catherine na may malabong ngiti. "Hindi mo matiis na makita siyang ganon?""Huwag kang magpatawa." Umirap si Catherine. "Ako ay mabait na taong may pusong umaapaw ng hustisya. Hindi ko kayang makakita ng pag-asta ng bullying.""Pero ang puso ko ay hindi umaapaw ng hustisya. Hindi ko pa nakakalimutan kung paanong hinayaan ni Shaun si Thomas na saktan ako," Sadyang sinabi ni Freya.Catherine, “...”"Kalimutan mo na ito, nagbibiro lang ako." Biglang ngumiti si Freya. "Kapareho mo ako. Hindi ko gustong nakikita ang iba na binubully ang mahihina."Walang masabi si Catherine. Ang babaeng iyon ay talagang tinutukso siya."Maghintay ka rito."Iwinasiway si Freya ang kanyang buhok at nagpakita ng tila prinsesang pag-uugali bago lumapit tama lang para makita si Shaun na hinablot ang pulsuhan ng isang binata na tumutulak sa kanya."Aray, masakit!" Yumuko ang binata at sumigaw, "Tulong, binubully ako ni Shaun!""Lalaki ka rin, pero ang alam mo lang ay sumigaw para sa
Lumitaw si Freya sa sandaling iyon. Hinablot niya ang braso ni Jason na tila isang pampered na bata. “Kapag sinabihan mo siyang umalis ng ganun, magiging hindi kumbinsido siya. Kahit anong mangyari, ang party ngayong gabi ay para pa rin sa akin. Sa tingin ko para sa kapakanan ng pagiging patas, tignan natin ang surveillance footage. Magiging malinaw sa isang sulyap kung sino ang nasa tama at nasa mali.”Sa mga salitang iyon, ang mukha ng lahat ay biglang nagbago.Tumingin si Shaun kay Freya sa gulat. Akala niya ay sobrang kinamumuhian siya ni Freya.“Ms. Lynch, anong ibig mong sabihin?? Hindi ka naniniwala sa akin?” Natakot si Chelsea at agad na nagsalita na tila siya ang mali.“Oo, malinaw na siya ang nagsimula nito. Masakit pa rin ang kamay ko hanggang ngayon,” agad namang sabi ni Young Master Riley.“Kailan ko sinabing hindi ako naniniwala sayo?”Nagpanggap si Freya na parang naagrabyado at nagpout. “Ito ay dahil hindi kumbinsido si Shaun, at ayaw ko siyang bigyan ng pagkakata