Kabanata 37Visitor “I’m fine, Lynne. Stop overreacting,” tamad na sinabi ko sa kaniya at umirap sa kawalan. I focused my gaze on the ceiling and heave a deep sigh. Narinig ko rin ang marahas na buntong hininga ni Lynne sa kabilang linya. “Are you sure you’re still safe there? Bakit hindi na lang kayo umuwi rito. You can stay at our house, Acel,” puno ng pag-aalalang sabi niya sa’kin at sinabayan pa ng mura. Tiningnan ko ang anak ko na abala sa panonood ng kung ano. Seryoso ito at tila enjoy na enjoy. Maaliwalas nang muli ang mukha nito, hindi katulad noong isang araw nang mabungaran ko siya nang magising ako.
Read more