“Mag iingat ka doon, ha? Always lock your door, also double check your windows,” paalala ni Ruru sa akin bago ako umalis. Maaga akong nagising dahil malayo layo ang pupuntahan ko. Hugo offered me his old house in La Union, wala na raw nakatira doon dahil patay na ang mga magulang niya. Ang isa niyang Kuya ay nasa abroad naman daw kaya bakante ang kanilang bahay ngayon. Pumayag ako, mas maganda nga sigurong sa probinsya muna ako, gusto ko ng sariwang hangin at mas malayo dito sa siyudad. Gusto ko ng tahimik at payapang lugar para mas makapag-isip. “Here’s the key, medyo maalikabok lang doon pero konting linis lang ayos na. Magiging komportable ka naman doon dahil may kama sa kwarto ko, may mga gamit din pang luto tsaka may ref ako doon,” utas naman ni Hugo. “Thank you, Hugo.” He smiled and nodded. “Call me from time to time alright? Magsisinungaling nalang ako kay Tita na hindi ka pumunta dito since you want time for yoursel
Last Updated : 2021-07-14 Read more