“Mag iingat ka doon, ha? Always lock your door, also double check your windows,” paalala ni Ruru sa akin bago ako umalis.
Maaga akong nagising dahil malayo layo ang pupuntahan ko.
Hugo offered me his old house in La Union, wala na raw nakatira doon dahil patay na ang mga magulang niya. Ang isa niyang Kuya ay nasa abroad naman daw kaya bakante ang kanilang bahay ngayon. Pumayag ako, mas maganda nga sigurong sa probinsya muna ako, gusto ko ng sariwang hangin at mas malayo dito sa siyudad. Gusto ko ng tahimik at payapang lugar para mas makapag-isip.
“Here’s the key, medyo maalikabok lang doon pero konting linis lang ayos na. Magiging komportable ka naman doon dahil may kama sa kwarto ko, may mga gamit din pang luto tsaka may ref ako doon,” utas naman ni Hugo.
“Thank you, Hugo.”
He smiled and nodded.
“Call me from time to time alright? Magsisinungaling nalang ako kay Tita na hindi ka pumunta dito since you want time for yourself, alam ko namang ipapahanap ka agad ng mga ‘yon.”
“Just don’t tell them, Ru! uuwi din ako soon,” ani ko sakanya.
“Alright, take care hm?”
I nodded.
Hinatid nila akong dalawa pababa ng condo unit nila hanggang sa parking lot. Bago ako sumakay ng kotse ay niyakap ako ni Ruru. I bid my goodbye to them then start the engine of my car.
It’s 6:00 in the morning, limang oras lang daw ang byahe, pero depende pa rin kung traffic. Hindi pa ako nakapag drive ng malayo layo kaya siguro matatagalan ako bago makarating dahil mapipilitan akong huminto-hinto dahil sa pagod.
Nakailang stop over ako bago tuluyang mabasa ang arko na “Welcome to La Union.”
At last... Nakarating din, buti hindi ako naligaw.
Andito na ako sa probinsya, ang sabi naman ni Hugo ay mahigit kalahating oras pa bago ako makarating sa dati niyang tinitirhan. Binigyan naman niya ako ng mapa kaya hindi na mahirap hanapin.
Nakita ko ang isang maliit na bungalow na may green na gate na medyo kinakalawang na. Mukha pa namang maayos 'tong bahay, sementado naman tsaka ang mga bintana ay mukhang secured.
Hindi siya malaki gaya ng mansyon namin pero hindi naman ako maarte sa tinutuluyan. Wala rin siyang kalapit na kapitbahay. Para ‘tong isang subdivision pero maliliit ang mga bahay, ang pinaka malapit na bahay sakanya ay ang nasa kabilang parte ng kalsada pa.
Bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang gate. May tunog pa ito na masakit sa tenga sa unang bukas. Sumakay uli ako sa kotse ko at pinasok ‘to sa bakuran ng bahay.
Napabuntong hininga ako sa pagod. Sinulyapan ko ang oras sa relo ko, it’s 3:00 PM already. 8 hours din pala ang ginugol ko papunta dito.
Pinasok ko ang maleta ko sa loob ng bahay, medyo maalikabok nga dito. May tatlong pinto akong nakita, binuksan ko ang mga ‘yon.
There’s a bathroom and two bedroom in this house. Maayos naman ang kitchen nila dito tsaka malinis naman ang ibang mga gamit, ang sahig lang ang medyo maalikabok. May mga picture pa sila Hugo dito na nakasabit.
Tutal maaga pa naman, maglilinis muna ako bago maligo tapos diretso pahinga na. Nakahanap naman ako ng walis sa likod ng pintuan kaya nagsimula na ako.
Nilinis ko ang lahat, pati ang kwartong tutuluyan ko.
Tapos na akong maglinis nang tumunog ang cellphone ko.
I saw Ruru calling, I answer it.
“Hell—”
She cut me off. “Nakarating ka na ba? Hindi ba I told you to text me? You’re making me worried, Lawliet Sabrina!” oa niyang ani.
I chuckled, pinunasan ko ang pawis sa noo ko.
“Kanina pa, I just forgot to text you kase naglilinis ako dito sa bahay.”
“Ow, are you done?”
“Yes, papahinga lang saglit tsaka maliligo na," ani ko tsaka binalik na ang walis sa likod ng pinto.
“Do you have foods there? Sabi ni Hugo may malapit na grocery store diyan, bumili ka ng groceries mo or just order food," paalala niya.
Oo nga pala, wala pa akong pagkain dito. Hindi ako marunong magluto, cup noodles lang alam ko tsaka canned goods, I also don’t know how to cook rice.
I sighed. I guess I have no choice but to order.
“I’ll just order my food, I don’t know how to cook baka masunog ko pa bahay ni Hugo.”
I heard Hugo chuckled on the other line. Magkasama pala sila.
“Prinsesa ka nga pala kaya wala kang alam sa gawaing bahay, okay just order food and don’t starve yourself okay?”
“Alright.”
Pinatay na niya ang tawag, nag d******d nalang ako ng foodpanda at nag order ng makaka-kain. Kumakain naman ako ng fastfood, sinanay ako ni Ruru simula highschool na kumain ng gano’n. She’s a rebel kaya nagagawa niya mga gusto niya kahit ayaw ng family niya. Lagi niya akong binibigyan ng pagkain na inoorder ni Hugo para sakanya.
Hugo being poor, can't afford expensive meals for Ruru but she's fine with it. She actually love those simple things from Hugo, pag-ibig nga naman.
Katatapos ko lang maligo nang marinig kong tumunog uli ang cellphone ko.
This time, ang pinsan kong si Connor ang tumatawag.
Oh damn. Mukhang alam na niya.
Sinagot ko ang tawag niya. “Hello?”
“Do you want to tell me where on earth are you or I’ll just track you down?” aniya sa malamig na boses.
“K-Kuya Con, I need time for myself. Ayoko sa idea nila Daddy!” ani ko sakanya.
“Tita Fatima is crying all day, come back now.”
“No, Kuya! Please? I need time to think!” naiinis kong sigaw sakanya sa cellphone.
“Don’t be such a hardheaded, Lawliet! Alam mong ayaw tumanggap ni Tito ng tulong mula sa amin, marrying that guy will save your company,” pilit niya.
“You don’t understand, Kuya. I said I need time.”
“No, come back no—”
Pinatayan ko agad siya ng tawag, tinanggal ko ang simcard ko tsaka ang battery ng aking cellphone. Nakapag withdraw ako ng pera na sapat para sa isang linggo kong pananatili dito, ayokong gumamit ng credit card dito dahil mata-track ako ng mga pinsan ko, especially Kuya Connor.
Dumating ang order ko at nagsimula na akong kumain. Bahala sila, time lang ang kailangan ko ngayon hindi pa nila maibigay. Ayoko nang pinipilit ako.
Bibili nalang ako ng cellphone tsaka bagong simcard bukas. Kailangan ko ding pumunta sa grocery store dahil hindi naman naoorder ang tampons sa food panda, monthly period ko pa naman ngayon.
Natulog akong naka bathrobe at hindi na nakapag palit pa nang kung ano dahil sa pagod. Masarap ang tulog ko dahil sa lamig, kahit walang aircon dito sa bahay ni Hugo e hindi mo mararamdaman ang init dahil sa naglalakihang puno sa labas.
“Miss, can I ask? Where can I buy a new phone here?” tanong ko sa cashier ng grocery store na binilhan ko ng mga kailangan ko.
“Ah, Ma’am, sa Mana Mall po meron. If you go outside, you will see the mall po,” aniya sa mahinang boses.
“Oh, thank you! Here," utas ko sabay abot na sakanya ng bayad sa mga pinamili ko.
Tama nga siya, paglabas ko ng grocery store na ‘to nakita ko na agad ang malaking sign na MANA MALL. Iniwan ko muna ang ibang pinamili ko sa kotse ko sabay pasok na sa mall para bumili ng bagong cellphone.
Pumili ako ng hindi gaano kamahalan dahil pansamantala lang naman gagamitin, bumili na din ako ng simcard na may load na.
Tatawagan ko si Ruru mamaya, baka nag-aalala nanaman yung bruhang ‘yon.
“The DM CORPORATIONS are now facing a huge problem when one of their employee stole a large amount of money on the company. Mr. Bernardo De Montesur doesn’t release a statement about the issue, he remained silent and so his wife. Is this really the end of the Top Corporation of Asia or they will still operate and continue the legacy of the De Montesurs?”
Nandito ako ngayon sa sala, nakikinig ng balita. Hindi ko maiwasang makonsensya, gusto ko ng umuwi pero wala pa akong isang linggo dito.
Napabuntong hininga ako, sa last na pag-uusap namin ni Ruru ay sinabi niyang nakailang ulit ng tanong si Mommy sakanya kung nasaan ako.
Good thing hindi niya talaga sinasabi.
“I won’t tell her, basta isang linggo ka lang diyan, ha? Pag lumagpas ka, ako na mismo kokontak kay Tita,” banta niya pa sa akin bago pinatay ang tawag.
Pumasok na ako sa kwarto ko at handa nang matulog, naghubad ako ng short at tanging manipis na sando lang tsaka panty ang suot kong matutulog ngayon. Wala namang ibang tao dito kaya ayos lang.
Kain, tulog at panonood lang ng netflix ang ginagawa ko maghapon, ngayon ay nakakaramdam na ako ng antok kaya pinikit ko na ang mata ko at sinimulang matulog.
Bago ako hilain ng antok ay nakarinig pa ako ng sasakyan sa labas, ipinagsawalang bahala ko na ‘yon. Baka may bisita ang kapitbahay ko sa kabilang kalsada.
Mahimbing ang tulog ko nang maalimpungatan dahil sa paghalik sa mga braso ko.
Nanigas ako sa kinahihigaan ko, ramdam kong may tao sa likod ko at ‘yun ang humahalik sa braso ko at hinawakan pa ang bewang ko.
Sh*t!
Naninigas man sa kinahihigaan ay nagawa ko namang tumayo agad at pinindot ang switch ng ilaw para makita kung sino ang hinayupak na manyakis na ‘to.
Nagulat ako sa nakita. A tall man wearing black suit, blue mesmerizing eyes with his perfectly sharp jawline with some stubbles on it, his narrow nose, thick eyebrows and that smug look on his face. He freakin’ look like a walking god!
Hindi siya mukhang rapist o ano.
Gulat man sa nakita ay nagawa ko naman siyang tanungin.”Who the hell are you?”
Naglakad siya patungo sa pwesto ko.
“I said, who are you? Why are you in my house? Are you a rapist huh? I’ll call the police!” banta ko sakanya.
He chuckled.
The fuck? His chuckle sounds so hot. What the hell are you thinking Lawliet! He’s an intruder!
“You’re silly, mon amour. Ipapakulong mo ang mapapangasawa mo?”
I stiffened.
Mapapangasawa?
“Y-You’re my fian—”
“Yes, I’m Rio Yvl Folkvangr. Nice to meet you, mon amour,” he said in a playful tone.
The f? Bakit siya nandito?
“I’m not marrying you, Mr! Please get out of my house!”
Kahit anong kina -gwapo niya hindi ako agad papayag sa gusto nila, gwapo nga siya pero hindi ko siya gusto!
Lumapit siya sa akin at kinulong ang bewang ko sa mga matitigas niyang braso. He leaned on me and whispered on my ear.
Nagpumiglas ako pero parang bakal ang mga braso niya at hindi ako makagalaw.
"A-Ano ba!"
“You’ll marry me whether you like it or not. Stop running away, I will chase you no matter how far it is, Lawliet.”
Sinamaan ko siya ng tingin.
“I won’t marr—”
To stop me from talking, he grab my nape then forcefully kissed me.
“R-Rio!” utas ko ng pinakawalan niya saglit ang bibig ko.
This maniac! Nagpumiglas ako lalo.
Wala pang ilang saglit nang halikan niya uli ako, this time ay mas agresibo na hindi katulad kanina na mababaw at dampi lang.
Nanigas ako sa kinatatayuan. May kakaiba akong nararamdaman sa mga halik niya, parang hinahalukay ang tiyan ko at parang may nabubuhay na kung ano.
Natigil ako sa pagpupumiglas.
Drowning by a sudden lust, I hold his nape... but before I even respond on his kisses— he stopped.
“Like it my wife?” he chuckled.
Napayuko ako sa hiya. Damn! Nagpaubaya agad ako kahit ngayon ko pa lang siya nakilala, what the hell, Lawliet!
“Sleep now before I’ll do something that make you surely hate me.”
He tucked me to bed then switch the light off. He remove his suit then placed it on his shoulder.
“I’ll sleep on the couch outside, don’t ever think of escaping again, Lawliet. Your father already signed the contract, you won’t like it when I’m mad,” aniya at lumabas na ng kwarto.
Tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha!
Wala na akong takas, I guess I’ll need to accept my situation now. Umiyak ako ng tahimik hanggang sa hilain na ng antok.
Bahala na.
Kanina pa ako gising pero nakatunganga lang ako dito sa kwarto ko. Parang ayokong lumabas, ayokong makita ang taong 'yon! Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya, na-track kaya ako ni Kuya Connor at siya ang pina-punta? Pero paano? Tinanggal ko ang sim ko tsaka naka off na ang dati kong cellphone! I sighed. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip! Idagdag mo pa na hinalikan niya ako kagabi! That's my first kiss for pete's sake! I just got stunned by his action kaya hindi nagsink-in sa utak ko kagabi ang ginawa niya. That maniac! Nakakainis na nakaka-kaba, hindi ako sanay sa presensya ng mga lalake except sa mga pinsan ko. Lalo pa sa isang tulad ni Rio. Aaminin kong gwapo siya pero naiinis pa rin ako! That damn soft lips... Stop it, Lawliet! Nababaliw na ata ako. Nag ring ang cellphone ko na nasa tabi ng kama ko. I saw Ruru calling.. sinagot ko agad. "Ru!" agad kong utas. "Oh, ano? Kamusta ka diyan? Bu
"Iha? Gising kana ba? The breakfast is ready, bumaba ka na at baka ma-late ka."Nagbibihis pa lang ako ng uniporme ko nang kinatok ako ni Mommy sa kwarto.Dali dali akong nag ayos ng sarili. Hindi naman ako masiyadong naglalagay ng kolorete sa mukha, lipgloss tsaka sunscreen lang nilalagay ko at kung minsan ay nakakalimutan ko pa. Hindi ko naman kase alam mag make-up tsaka sabi ni Mommy wag na daw ako maglagay ng kung ano-ano sa mukha dahil baka masira lang daw."Lawliet."Pababa na sana ako ng hagdan nang may tumawag sa pangalan ko, si Daddy.Nilingon ko siya. "Dad."Hindi ko pa alam kung paano siya pakikitunguhan dahil sa naging asal ko nung isang araw, 'yun ata ang kauna-unahang nasigawan ko siya at hindi ko naman sinasadya.I regret it."I wasn't able to see you yest
"How's your day?"Salubong sa akin ni Rio nang sinundo niya ako ngayong dismissal namin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko, ang tarantadong 'to nakailang text sa akin kanina at sinabing susunduin daw ako, hindi pa nakuntento at tumawag pa sa kasagsagan ng klase namin. Napagalitan tuloy ako ng professor ko!"Don't talk to me," galit na utas ko sabay pinagbuksan na ang sarili para pumasok sa sasakyan niya.Malakas kong binalibag ang pinto ng sasakyan niya para isara. Badtrip na badtrip ako ngayon dahil sa kahihiyang natamo ko kanina! Ikaw ba naman ang pagtawanan ng mga kaklase mo dahil pinagalitan ka ng prof ewan ko nalang!"What's your problem? I'm asking you young lady, don't give me that attitude."I can sense his irritation.Ha! At siya pa ang may ganang magsungit ngayon? Aba't–"Hindi ka ba
"She's pregnant."Napasinghap si Tito at Tita sa narinig mula sa doctor. Wala dito sina Kuya Angelo dahil pumasok na sa kani-kanilang opisina. Ako, si Hugo at ang parents ni Ruru lang ang nandito. Kanina pa kami naghihintay sa balita ng doctor tapos eto ang bungad niya sa amin?Naestatwa ako sa narinig. Pregnant? Buntis? Seryoso ba 'to?"Are you serious doc? Baka nagkamali lang kayo? Can you repeat the test again?" ani ni Tito.Halos lahat kami dito ay hindi makapaniwala. Ruru is just 20! Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Alam kong lagpas legal age na siya pero ang bata pa niya sa edad na 20 para mabuntis! I looked at Hugo, he looks surprised.Umiling ang doctor."I'm sorry but we can't perform the test again if the result was already given. Aside from being pregnant..."We looked at him inte
"Iha, eto na ang pinatimpla mong gatas."Maluha luhang tinanggal ko ang suot kong eyeglasses dahil sa antok ng pumasok si Manang Leticia sa kwarto ko.Bukas na ang exam namin, nagrereview ako ngayon para naman hindi ako mangulelat bukas. I've been so stressed this week! Pabalik balik ako sa hospital para dalawin si Ruru kahit sinabi niyang okay lang kahit tawagan ko nalang siya. Ayoko naman ng gano'n, hanggat kaya kong dumalaw e pupunta talaga ako.Ngayon ay nakalabas na siya ng hospital. She looks fine, mukhang hindi niya dinidibdib ang kalagayan niya, she looks so happy. I guess it is because of her baby, I just hope that she's not pretending. I don't want her hiding her emotions.Ang party na naka set for announcing the merging of the two largest companies ay pinostpone nila Daddy dahil nasa Italy si Rio. Hindi daw pwedeng hindi daluhan ni Rio ang mga 'yon dahil malaki ang chance na maging investors niya ang mga ka meeting niya
8:30 na nang lumabas ako sa mall, bitbit ang isang galon ng ice cream. Dumiretso agad ako sa parking lot, medyo madilim dito dahil parang pundido ang mga ilaw. I'm not scared of the dark, I actually love it.Gaya ng nakagawian ko, pinatunog ko muna ang kotse ko bago binuksan at sumakay na.Hindi ko pa man naisasara ang pinto ng sasakyan ko nang may biglang humablot sa akin palabas dito."A-Ah!" angil ko.Sa sobrang lakas ng paghila sa akin palabas ay nabitawan ko na ang dala kong ice cream at natapon pa.Gulat kong tinignan ang tatlong lalake na malalaki ang katawan, naka all black at naka mask na mata at bibig lang ang nakikita."W-Who are y-you?" ani ko sa natatakot na boses."Hindi mo na kailangang malaman, dalhin niyo na 'yan!" utos ng pinaka malaki sakanila.Hinawak
Nandito ako ngayon sa library kasalukuyang nag e-exam kasama ang iba pang mga hindi nakapag-take nito, most of them are the scholars. May convention ata silang pinuntahan kaya excused sila nung isang araw.It's quarter to 12 and I still have one major sub to answer. Pwede naman kaming mag lunch na muna bago ituloy ang pagsasagot pero nakita kong hindi tumayo ang mga katabi ko at tuloy pa rin sa pagsagot.I sighed. Nakakahiyang tumayo para mag lunch dahil mukhang wala silang balak, ganito ba talaga ka study-oriented ang mga scholar? Ang seryoso nilang tignan.I've decided to just answer the last sub so I can finally eat my lunch and go home. Or maybe, sa bahay na din ako kakain.Andiyan naman ang pinadalang bodyguard ni Rio, dinagdagan pa ni Mommy ng dalawa so bale anim na sila. Nakakainis nga na ba't kailangan ko pa ng bantay e nahuli naman na yung matandang uklubin na 'yon!&n
"Ninang ako ha? Gusto ko ako ang pinaka una sa listahan mo, magtatampo talaga ako pag hindi."Andito ako ngayon sa mansyon ng mga Madrigal. Maaga kong binisita si Ruru para mas mahaba ang oras ng pag-uusap namin. Nadatnan ko siyang nag aalmusal kaya tinabihan ko muna at nakipag-kwentuhan. Nakasalubong ko pa kanina si Kuya Valerio palabas, gaya ng lagi niyang ginagawa pag nakikita ako, he hugged me. Tinuturing na nila akong kapatid kaya gano'n kami magbatian, lalo na pag si Kuya Angelo lalanggamin ka sa sobrang sweet no'n. Kaibigan nilang dalawa ang pinsan kong si Kuya Connor."Of course, ikaw ata ang pinaka mayaman niyang magiging ninang," natatawang utas ni Ruru.Natawa din ako. "Mayaman my ass! That's my parent's wealth, not mine."She just shrugged."Where's Hugo btw?"Kanina ko pa hindi nakikita si Hugo e, akala ko mada
Nagising ako sa mga halik na dumadapo sa buong mukha ko. Nagmulat ako ng mata at natagpuan si Rio na pinapaulanan ako ng halik habang nakapatong sa akin ang kaniyang matipunong katawan. Napa-angil ako nang halikan niya ako sa labi at kinagat-kagat ang ibabang labi ko. "Rio, I'm still sleepy," asik ko sakanya at pumikit. "Then sleep, wife. Hindi naman kita pinipigilan–" "But you're kissing me, dumbass. Syempre magigising talaga ako," sinamaan ko siya ng tingin. He chuckled, "Ang ganda mo kahit nakasimangot," puri niya sa akin na ikinapula ng aking mga pisngi. "Oh, stop it, Rio. You're making me blush early in the morning." Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay dahil wagas siya kung makatitig. Tumawa lang ulit siya at tinanggal ang kamay ko sa mukha. Ang tawa niya ay naging banayad hanggang sa seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon. I can see lust and hunger on his eyes. Bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong labi. He didn't gave me a chance to talk and just claime
"Do we have the deal or not?" Kanina pa ako nangangating bunutin ang baril ko sa tagiliran at iputok ito sa ulo ng kaharap ko. I've been so patient ever since we got here. Kahit pa ramdam kong kumukulo na ang dugo ko sa loob. But I can't ruin my plan, I need to know if we have the deal first before I kill him. Nakapwesto na rin ang iba kong tauhan at hinihintay nalang ang signal ko bago sila gumalaw. "Of course, Folkvangr. Walang makakatanggi sa offer mo, nagtataka lang ako kung bakit mukhang nagbago ata ang pananaw mo sa amin?" Nakangiti pa ito at tila tuwang tuwa sa presensya ko sa harap niya. I smirked, "Because is business is business. I don't take it too personal, we both want the same, and that is power and money. Now that I'm giving it to you, we can be partners too," I lied just to get his trust. Kapag pumirma siya sa kontrata, mamatay man siya ay magiging valid pa rin iyon at matutupad ang deal namin, I already have my lawyer and my associates to do the work for me. Makuk
Life for me was so messed up. Sometimes, the thought of killing myself was crossing my mind. I've been miserable for these past few years. I have everything I want now, except for one. It took me long to kill those bastards because I changed my plan. They're wicked, they're good at hiding too. And I can't risk targeting them now without a concrete plan, may humaharang sa mga plano ko noon pa at alam kong bigatin din ang pumo-protekta sakanila. So instead of rushing myself to kill them, I made them chill for 4 fucking years. So if I ever attack them anytime now, they will not have the chance to escape. I'm preparing for my element of surprise. Now I'm leading two organizations, and opportunities are knocking on my door. Pero kahit anong pagbabago ang nangyayari sa akin ngayon, there's still one thing that I've been longing for, I cannot erase her on my mind and I don't have the plan to. Sa malayo ko lang siya tinatanaw. She's living in Paris, and I'm happy to see her with a smile
RIO YVL'S POV Lagapak ng sampal ni Loviere ang naging sagot niya sa ginawa ko matapos niyang makita ang umiiyak na imahe ni Lawliet na mabilis na umalis nang makita ang ginagawa namin. "What the hell, Yvl! Are you crazy?" I know how mad she is right now because she called me using my second name. Tumalikod lang ako sakanya at nagsalin ng alak sa baso ko na nakapatong sa office table ko. Kanina pa ako umiinom dito bago ko naisip na gawin ang eksenang ito. "Answer me! Damn it! Your wife saw us, Yvl! Wala ka bang gagawin?" She's shouting at me now. Inisang lagok ko muna ang alak sa baso ko at tumingin sa glass wall ng opisina ko. I saw her... I saw my wife running, she's talking to someone on her phone while crying. Mabilis din itong nagmaneho paalis ng kumpanya ko. Doon ko lang nilingon si Loviere at pagod na tinignan. "It's for the better, go home now–" "Fuck you, Yvl! You're using me for what? I'm here to bid my goodbye but you just put me into a scene that broke your wife's
"What are you doing here?" Hinawakan ko ang coat niyang nilagay sa balikat ko at sinubukan itong tanggalin pero pinigilan niya ako. He hold my hand to stop me so I look at him sharply. "I'm not cold–" "You're shivering, kanina pa kita pinagmamasdan. You can't lie to me, wife." "Can you please stop calling me wife? Why don't you go back inside and dance with your girlfriend all night?" Asik ko sakanya. Halata ang pagka-inis sa boses ko. I saw him smirked and fixed his coat on my shoulder. "You're jealous, right?" I moved away from him and rolled my eyes. "In your dreams, Mr. Folkvangr." "It should be– my husband. Stop the formality," natatawa niyang sambit. Naiirita ako sa pagtawa tawa niya. Mukha ba akong clown dito at kung makatawa e akala mo nagbibiro ako? Maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ako sa braso para pigilan. "Hey, not so fast! Stay here," wika niya. I released a deep sigh before facing him. "What do you want, Rio? Nandito ako para magpahangin,
Pigil na pigil akong hindi tumingin sa kabilang side ng mga upuan dahil alam kong doon nakapwesto si Rio. Natapos na ang vows at kissing scene nila kaya naman oras na para sa picture taking. Pinauna muna ang parents ng mga ikinasal at sumunod na kaming mga pinsan at mga abay. Pumwesto ako sa gilid ni Ate Cannarie at binigyan muna siya ng halik sa pisngi bago humarap sa camera. "I'm sorry, I forgot to tell you. Mom said you almost tripped while walking on the aisle awhile ago, are you sure you're fine?" Pasimpleng tanong sa akin ng pinsan ko habang kinukuhaan kami ng picture. I can see on my peripheral vision that Rio is just beside Kuya Valerio's parents. Kaya naman tutok na tutok ang mata ko sa camera. "I'm fine, naapakan ko lang kanina ang gown ko kaya muntik na akong matumba. Don't worry about me, Ate. It's your day, let's just enjoy the party later," pabulong ko namang sagot. "Alright, just remember, hindi ka pwede sa kahit anong klase ng alak, drink water or juice will do,"
Kasalukuyan kaming kumakain nang tumunog ang cellphone ni Kuya Valerio at nakita ko ang paglitaw ng pangalan ni Rio. Katabi ko lang kase siya at nakapatong sa lamesa ang kaniyang cellphone. Napahinto ako sa pagkain at napatingin sakanya. "Excuse me, I will just answer this," paalam niya sa amin bago tumayo. Kumakain kase kami ng almusal, kasama ko sa hapag ang mga pinsan ko, at sila Ruru. Ako lang ata ang nakakita kung sino ang tumatawag. Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at agad na sinundan sa labas si Kuya Valerio. Susundan pa sana ako ng nurse ko nang senyasan ko siyang huwag na. I don't need any assistance or a chaperone dahil hindi naman ako lalabas ng mansyon. Hinanap ng mata ko kung nasaan si Kuya at nang makita ay mabilis akong lumapit sakanya. Sakto namang pagbaba niya ng cellphone niya kaya humarap na siya at napatingin sa akin. "Are you done eating?" I nodded. "I saw who's calling. May gusto lang sana ako itanong," diretso kong sambit. "Sure, go ahead." "U-Uh
Now it makes sense. I already noticed the tension between Loviere and Demethri 4 years ago. Noong oras na pinatay ang mommy ni Rio at nandoon si Loviere sa hideout nila sa mansion at ginagamot ang asawa ko. I saw how mad Demethri was when he told Loviere to get out. Loviere's first love was Rio. But when she met Demethri, things changed. He pursued her, he flirt with her until Loviere fell inlove with him. Kaya pala noong pinatay ang daddy at ang kapatid ni Rio ay kinancel nalang ni Loviere ang nalalapit sana nilang kasal dahil hindi maatim ng konsensya niyang lokohin si Rio. Demethri told me everything. But what confused me is the scene on Rio's office where Loviere was begging him to talk, alone. I still remember that. Alam kaya ni Rio na tinalo ng pinsan niya ang kaniyang fiancee? Ano kaya ang naramdaman niya about doon? Mukha naman silang walang alitan noon, o bulag lang talaga ako that time at hindi ko makita? Also the reason why they broke up too. Kung bakit iniwan din siya
It's been two days since I visited Rio and Demethri is still out of contact, I don't know if he's avoiding me or what. Maybe Leuco told him that he already blew the whistle and maybe Dem thinks that I'm mad at him. I'm kinda mad though. Pero mas nangingibabaw ang pagkaka-ibigan namin at ang pagkaka-intindi ko sa lahat ng ginawa nila. If it's for my safety, I don't have the right to be mad at him. He took care of me, he kept me safe for 4 years, I think that's long enough to forget that he lied to me. Ngayong araw na rin ay naisipan kong kailangan ko nang bumalik sa kumpanya ko. The board of directors are asking my secretary about me, bakit daw bigla akong nawala for days. Sinabi ko nalang sa secretary ko na nasa overseas meeting ako at may kailangan muna akong ayusin at ngayon nga ang balik ko. Mabuti nalang at hindi naman na umangal sila Kuya Connor at pinayagan ako sa gusto ko. I'm feeling quite better now. Nagsuot lang ako ng isang royal whole body suit na may anim na butone