Noong nakaraang linggo lang nireregla si Tala, saktong isang buwan pagkatapos ng ika-labing dalawa nitong kaarawan. Pinagmasdan ni Mahalia ang anak habang inaayusan niya ito bilang paghahanda sa nalalapit na kasal. Black beauty, ito ang madalas na hambing ng mga tao kay Tala. Namana nito sa ama ang kabuuan nitong itsura gaya ng kayumagging kaligatang kulay, bilugang mga mata, matangos na ilong, at manipis na mapululang labi. Mahahabang pilik-mata, makinis na kutis, tindigan, at pangangatawan naman ang nakuha nito sa ina. “Bakit hindi po ako mistisa gaya mo Mama?” Minsan ay tanong ni Tala sa kanya. “Ang ganda kaya ng kulay mo, hindi mapusiyaw at hindi maitim, tamang-tama lang. Tsaka pag binigay ni God sa iyo ang kulay ko, ibibigay niya rin ang ilong ko sa iyo,” birong paliwanag ni Mahalia sa anak, hindi kasi katangusan ang kanyang ilong at masiyado ring makapal ang kanyang mga labi. “Okay lang po 'yon, ganito na lang po gagawin ko araw-araw,” at iipitin ni
Last Updated : 2021-07-12 Read more