Bakasyon nang malaman ni Tala ang totong sakit ng ina. Nabalot ng matinding takot ang batang puso ni Tala. Anong mangyayari kapag hindi gumaling ang ina? Sa paunti unting paliwanag ay sinabi ni Mahalia kay Tala ang totoong dahilan kung bakit siya pinakasal kay Limuel. “Si kuya Limuel mo, malaki ang utang na loob natin sa kanya. Siya ang mag-aalaga sa iyo kapag wala na ako. Mahal ka naman ni papa mo pero baka hindi ka niya masyadong maprotektahan lalo at palagi siyang nasa malayo…at meron din siyang mga bisyo na hindi niya kayang iwanan,” inaayos ni Mahalia ang magulong buhok ng anak habang kinakausap ito. Iyak ng iyak si Tala hindi dahil nalaman niya ang totoo sa kasal nila ni Limuel. Hindi na importante sa kanya ‘yon. Ang importante sa kanya ay ang gumaling ang kanyang ina. Pero hindi gumaling si Mahalia. Sa huling sandali ay palagi na lamang itong nakahiga sa kama at doon ay palaging nakabantay si Tala. “Mama magpagaling ka na po please,” hih
Naging madalang umuwi si Limuel, Christmas break at summer na lamang ito nauwi ng Bohol. Noon ay naka dadalaw pa siya pag araw ng patay pero dahil busy sa school ay nangako na lamang siya sa ina na magbabakasyon ng matagal-tagal kapag summer. Sa umpisang pag-uwi ay naiilang na si Tala sa binata. Nakikita rin ni Limuel ang pagbabago ng dalagita. Maraming ganap sa buhay ni Limuel kaya hindi rin sila madalas magka-usap nito. Kahit nakabakasyon ay madalas ang alis ni Limuel kasama ng mga barkada nitong sabik makahuntahan at kung hindi naman ay nauutusan ito ni Dalisay para asikasuhin ang maliit nilang taniman, bumisita at i-manage ang lugar para makapahinga si Dalisay. Matapos ang trabaho ay papasiyal naman ang barkadahan nila Limuel sa mga magagandang spots sa Anda kasama ng kabataang kalalakihan at minsan ay may mga kadalagahan din. Kapag nawala na ang pagka-ilang at nasanay na si Tala na nakikita si Limuel ay lihim niyang hinihintay ang binata sa pag-
“Uy nakita ko ang asawa mo sa Poblacion, grabe! Ang gwapo!” sabi ni Carol ang pinsan niya, anak ni tita Baby na kapatid din ng mama niya pero madalang umuwi ng Anda.Hindi kumikibo si Tala, bigla niyang maaalalang tinawag siya nitong katulong. Parang sasabat naman ang ina niya sa kanyang isip. Malaki ang utang na loob mo kay Limuel, wag kang magagalit sa kanya. “‘Wag ka nang mangarap, may girlfriend na ‘yon sa Maynila,” sabi ni Tala “Kahit na, ikaw ang asawa,” “Hay, naku! Ilusyon. Iyo na siya kung gusto mo!” Sige, ha, sabi mo! Dadalhin ko siya dito sa bahay aayain kong mag-inom.” “Hala wag!” ewan ba ni Tala, joke 'yon pero bakit affected siya? Tumawa lang ang makulit na pinsan. “Tayo na lang ang mag-inom, gusto mo?” aya ni Tala. Inum, ito naman ang masamang bisyong natutunan ni Tala sa mga pinsan niya. Noong una ay ayaw niyang uminom, lasengero kasi ang tatay niya. “Kaunti lang aralin mo. Kasi mas nakakatakot kapag n
“Hellooooo po…Hello? Helllooooo!” pinukpok ni Tala ang lamesa, saka pa lang tumingin si Nimuel sa kanya. Nasa tambayan ng mga estudyante sila sa ilalim ng puno ng mangga at naghahanda ng report nila para sa OJT immersion subject. “Oo nakikinig ako,” sabi ni Nuel. Tiningnan ni Tala ang tinitingnan nito. “Hmmm...Nakatingin ka na naman kay Bianca, lapitan mo na kasi.” “Hindi ah…” Tanggi ni Nimuel sabay namula ang tainga. Hinawakan ni Tala ang magkabilang pisngi ng kababata.“Magbestfriend tayo. Magkasama tayong lumaki at sabay tayong naliligong hubo’t hubad sa ilog, sabihin mo sa akin ang totoo. Malay mo matulungan kita,” makahulugang sabi ni Tala.“Parang t*nga to!” saka nito tinapik ang kamay ni Tala paalis sa mukha.“Bahala ka, may alam ako tungkol kay Bianca. Magsungit ka sa akin at hindi ko sasabihin sa iyo.” “Wag mo akong idamay sa pagiging love guru mo sa mga kaklase natin ha. Hindi mo ako mapapaniwala,” kunwari ay bumalik si Nuel sa g
Ang isang buwang bakasyon sa Butuan ay inabot ng anim na linggo, before Tala knew it, she only has two weeks to spend with Dalisay for the remaining days of her summer vacation. “Sorry po talaga Mamang ha, nadelay rin po kasi ang pag-uwi nila tita Yasmin,” si Tala “Okay lang 'yon, sa Pasko uuwi kayong lahat ha. Malungkot kung kami lang dalawa ni Nuel,” bilin ni Dalisay. “Opo Mamang, syempre.” Pag-uwi ni Tala mula sa CDO ay wala na sina Limuel at Nimuel, bumalik na ito sa Maynila bago pa matapos ang bakasyon para maghanda sa pasukan. Isang linggo bago magpasukan sana dapat na luluwas ng Maynila si Tala pero nagpalipas pa siya ng ilang araw dahil ayaw niyang iwan si Dalisay. Mamimiss niya sigurado ito. Kaya sa airport ay abot-abot ang bilin ni Dalisay sa kanya. “Kumpleto na lahat ng gamit mo? Ang ticket mo? Susunduin ka ni Nimuel sa airport, may usapan na kami ha. Anuman ang mangyari eh magte-text o tatawag ka sa akin ha.” “Opo Mam
Amoy ng mabangong almusal ang bumungad sa pupungas-pungas na si Nimuel nang lumabas ito ng silid. Sa kwarto ni Tala siya dati natutulog, pero dahil dadalawa lang ang kwarto ng condo na inuupahan nila, napasiksik siya sa kwarto ni Limuel para ibigay kay Tala ang kwarto niya. Kung ganito naman kaganda ang magigisnan niyang umaga, okay na rin na naging squatter siya sa kwarto ni Limuel. Nakaupo na sa lamesa si Limuel habang umiinom ng kape. Sa kusina ay nakatalikod naman si Tala habang sinasandok ang niluto nitong ulam. Sanay naman si Nimuel na may babae sa condo, gaya ng girlfriend ni Limuel na si Vanessa or kung sinumang babaeng nauuwi niya paminsan-minsan, pero syempre, iba si Tala. Iba ang babaeng probinsyana, isang tunay na dalagang Pilipina. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Limuel habang nakatitig siya kay Tala, nagbaba siya ng tingin sa pagkain sa lamesa. “Wow! Saan galing yan? Amoy luto ni Mamang ah…bagay to kung may kasamang tuyo!” “Hindi nagpadala s
Kanina pa naghihintay at tingin ng tingin sa oras si Limuel. Ewan ba niya pero hindi siya mapakali sa ideya na kasama ni Tala si Nimuel. Malamang na kung ano-anong ituturong masamang bisyo ng kapatid sa babae. Siya sana ang magpapasyal kay Tala sa Maynila at magtuturo sa pagpasok nito, pero wrong timing na dumating si Vanessa. Nakiramdam si Limuel sa magiging reaction ni Tala, cool naman ito, bagay na nakaka-disappoint. Ano bang inaasahan niya, ang magwala at magselos si Tala? Huminga ng malalim ang lalaki, sabay tingin ulit sa orasan.Nang marinig ni Limuel ang pamilyar na kalabog ay nauna pa siyang magbukas ng pintuan bago pa ito nagawa ng nasa labas. Nagulat siya dahil ang lasing na si Nimuel ang inaalalayan ni Tala. “Ang ganda ganda mo talaga…I love you, kiss…kiss…kiss…” sabi ng lasing na si Nimuel. “K-kuya…ahm...tulong,” sabi ni Tala nang Makita si Limuel. Agad naman nitong kinuha ang kapatid at pinaakbay sa balikat. “Tol, pogi…ang ka
Ang init at ang bango ng banyo nang pumasok si Limuel para maligo, kalalabas lang ni Tala mula sa paliligo rin nito. May kakaibang kilabot na umakyat sa katawan ng lalaki. Na- imagine niya bigla kung paano maligo si Tala. Inalis nito ang tila maduming naiisip at nag- concentrate sa paghahanda papasok sa trabaho. Habang naliligo ay naisip niya ang usapan nila ni Vanessa nang gabing nagdaan. “Hey, asan ka na?” kinaway ni Vanessa ang kamay nito malapit sa mukha ni Limuel. Naka check-in sila sa motel. Hindi na kasi muna pinapapunta ni Limuel si Vanessa sa bahay dahil wala nga silang mapwestuhan. “Pagod lang,” bumangon si Limuel sa kama at naupo sa gilid nito. “Pinagod ba kita,” humagikhik ang babae sabay halik sa leeg ng binata. “Kung medyo hindi kita maasikaso pagpasensyahan mo na ha, sobrang busy tapos may review pa ako,” hinanap ni Limuel ang mga damit nya. “Alam ko 'yon, nakakapagtampo nga eh,” sumandal muli si Vanessa sa headboard ng kama at humalukipkip i
About the AuthorAge is just a number! Lolakwentosera is your coolest grandma with a Gen. Z heart. A motivational speaker and writer, Lolakwentosera is an advocate of empowering teens by teaching them how to deal with mental health struggles, family issues, and matters of the heart through her written works and training programs. Though she built up her career in the academe, she has been writing stories as a young girl and using the power of words in the books she has read and written to travel the world and at times, escape the realities of life. Being born in an era where internet and smartphone technologies are non-existent, Lolakwentosera used only her power of imagination to make the best of her childhood.Today, inspired and in awe of how the new generation is living with technologies always in their hands, lolakwentosera infuses the wisdom of her life experiences with the lessons in the stories
“Ang ganda ganda mo, matutuwa ang mama mo kung makikita ka niya ngayon,” sabi ni Dalisay habang inaayos ang belo ni Tala. Nakasuot siya ng trahe de boda. Mabilisan lang ang pagpaplano ng kasal nila sa simbahang kristiyano. Si Limuel ang may gusto nito, gusto nitong pakasalan si Tala sa tamang edad at para mapatungan ang memorya na nagpakasal ito sa isang bata. Bilang asawa ay sumunod na lang si Tala sa gusto ni Limuel at hindi naman siya nagsisisi. Tama si Limuel, gusto niyang ikasal sa lalaki sa ganitong paraan. Halika na, umpisa na,” sabi ni Yasmin na sumilip sa kanila. Sumikdo ang puso ni Limuel nang makitang naglalakad palapit sa kanya ang asawa. It feels right. Hindi kagaya nung una nilang kasal, iba ang pakiramdam niya, hindi siya kumportable. Ngayon ang feeling ni Limuel kapag kasama niya si Tala bilang asawa niya, kaya niyang harapin kahit anong pagsubok o problema, at matutupad niya ang lahat niyang pangarap, ang pangarap nilang d
Nang tumunog muli ang gong ay hudyat ito para lapatan ng halik ni Limuel ang kanyang dibdib. Libo-libong kuryente na dumadaloy sa buong pagkatao ni Tala ang nagpalabas ng kakaibang ingay sa kanyang lalamunan. Palibhasa ay bagong experience kay Tala, nagulat siya sa reaksyon ng kanyang katawan. Sa huli ay sabay silang tila kinakapos ng hininga ni Limuel at napuno ng kakaibang ingay ang loob ng kanilang tolda. Halos makalimutan ng dalawa ang pagsunod sa bawat hakbang ng ritwal, kung hindi pa nagsalita ang isang matanda para ipaalala ang mga ito. Ngayon ay hinubaran ni Tala ng bahag ang asawa. Tumambad kay Tala ang harapan ng lalaki, handa na ito. Sa buong buhay ni Tala ay hindi niya hinagap kung anong itsura ng bahaging ito ng isang lalaki. Kahit sa internet ay hindi siya tumingin, hindi niya malaman ang magiging reaction pero alam niya kung anong dapat niyang gawin. Hinawakan ni Tala ang pagkalalaki ni Limuel, halos mapugto ang hininga nito. Matindin
Saktong paglabas ng pinto ni Yasmin ay tumunog ang phone ni Tala. Si Limuel, “Hello…” sabi nito sa kabilang linya. “Gising ka pa rin?” napaupo si Tala mula sa pagkakahiga. “Yup, ikaw? Bakit gising ka pa?” “A-alam mo na rin ba? Ang plano ni papa?” PATLANG “I will fight for you!” sabi lang ni Limuel. Sinabi rin ni Dalisay dito ang tungkol sa plano ni Bayani. Ngayon ay malinaw na rin sa kanya ang lahat, pati ang tungkol sa lalaking nakasagupa niya na nagpupumilit ipasok si Tala sa kotse nito. Hindi na nila muling napag-uusapan ang tungkol sa lalaki matapos ang insidente. Hindi na rin naman ito importante. Nakahinga ng maluwag si Tala sa narinig. “Pero I will always give you a choice. Hindi kita ikukulong sa kasunduan ng mga magulang natin. Pag gusto mong i-consider ang plano ng tatay mo…” “Hala! Ipamimigay mo ako sa iba?!” nasaktan si Tala sa narinig. “Teka muna hindi pa ako tapos! Pag gusto mong i-consider ang plano ng ta
Umamin naman agad ang dalawa. Hindi ito ang plano ni Limuel pero mukhang nangingialam ang tadhana sa kanila. Mas gusto niyang maging romantic ang proposal at announcement niya sa pamilya ng pagmamahal kay Tala pero mukhang hindi na ito matutuloy. “Sabi ko na nga ba eh…” sabi ni Dalisay na tuwang-tuwa “May nangyari na ba sa inyo sa Maynila?” prangka ang tanong ni Yasmin. Ang bilis ng iling ni Tala. “Wala po tita. Ang gusto ko po ay i-pa-register muna ang kasal, pero hindi ko alam na registered na pala. Magpapaalam pa lang ako sa inyo para pormal na hingin ang kamay ni Tala.” “I see…”Patlang. “Kayo ang masusunod, kukumpletuhin ninyo ang ritwal o hindi? Kung may nangyari na sa inyo noon siguro mas madali na ito sa inyo, pero since… birhen pa si Tala…” makahulugang sabi ni Yasmin.Tumingin si Limuel kay Tala. “Gusto ko ikaw ang magdesisyon Tala. Kung anong desisyon mo, susuportahan ko.” “P-pero ikaw ang lalaki…ikaw ang a-asawa
Sige, ikaw ang bahala, tawagan mo rin ang mamang para alam niya.” 'yon lang at binaba na ni Limuel ang cellphone. “Si Nimuel?” tanong ni Tala, nasa dining table sila at nagrereview para sa finals. As usual Tala is having a hard time reviewing her Math lessons. “Oo, hindi siya sasabay sa atin sa pag-uwi sa Anda. Susunod na lang daw siya dahil mag-e-enroll siya ng summer. Naghahabol ang loko, gustong makagraduate on time.” Umupo na ulit si Limuel sa tabi niya. “Asan na tayo?” “Secant…” “Okay kuha mo na ang sine at cosine…” “H-hindi.” tumingin si Tala kay Limuel, hinihintay na pagalitan siya nito. “Eh bakit tayo pupunta sa secant, hindi mo pa pala masyadong maintindihan ang unang lesson?” “Eh kasi, iwan muna natin si sine at cosine dahil baka mas madali ang secant, ” sabi ni Tala na nagpi-feeling matalino. “Hindi gano'n ‘yon. Sa math madalas interconnected ang mga topics. Sige solve mo ulit ito, sabihin mo sa akin kung saang parte ka nalilito.” Ang haba ng pa
Corny, pero napabili si Limuel ng bulaklak at chocolate para kay Tala. Baka iwan niya na lang ito sa side table ng dalaga. Tinago ni Limuel ang regalo sa dalang backpack. Sa tanang buhay niya ay hindi siya naging ganito ka-cheesy. Sa mga past girlfriends niya, madalas sa sinehan o motel ang bagsak nila sa araw ng mga puso o araw ng mga puson para sa kanya. 'Yung gastusan niya ang babae ay sapat na, pero iba nga kasi si Tala. Asawa niya ito. Sumikdo ang puso ni Limuel sa isiping asawa niya si Tala, hindi na siya napipikon gaya ng dati dahil hindi na bata ang tingin niya sa babae, kundi isang tunay at ganap na itong dalaga sa mga mata niya. Nasabik lalo tuloy siyang umuwi para makita ito at makasabay man lang maghapunan. “…Nimuel ano ba! Bitiwan mo ako… ayoko! Ayoko!” ito ang narinig ni Limuel mula sa loob ng bahay. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niyang nakasandal sa dingding si Tala at pilit na nagpupumiglas sa pagkakayakap ni Nimuel sa kanya
Pagkatapos ng bagong taon ay bumalik na sa Maynila sina Tala. Balik sa dati, dumistansya sina Limuel at Tala sa isa’t-isa. May mga pagkakataon na gustong mainis ni Tala, Ugh! Hindi niya ako namiss samantalang ako, I miss him so much. Ang inaasahan ni Tala ay susuyuin siya nito dahil tahimik siya matapos ang bagong taon at makabalik sa bahay nila sa Anda. Kahit sa byahe ay tahimik lang rin sila. Dedma lang sa isa’t-isa. Nag-uusap, oo, pero pormal na ulit. Baka nagkabalikan na sila nung first love niya, sa isip-isip ni Tala. May konting galit na naramdaman ang dalaga. Stop torturing yourself Tala! Saway nito sa sarili. Si Nimuel na muli ang katabi niya sa buong byahe. Ang mga sumunod na araw ay naging routine ulit sa kanila. Balik eskwela at balik trabaho ang tatlo pagdating sa Maynila. Ano inom tayo, tagal na nating hindi nagpupunta sa favorite nating bistro,” akbay ni Nimuel kay Tala habang nasa campus sila. “Puro goodtime ang iniisip mo. Ang dami ko ka
Ramdam ni Limuel na may dinaramdam si Tala base sa pagtahimik nito. “Dito na ako sa baba matutulog para hindi ka masikipan sa kama,” sabi ni Limuel habang kinukuha ang isang unan sa tabi ni Tala. Nakahiga na ang babae. “Dito ka na sa tabi ko,” tinuro ni Tala ang bakanteng space. “Ayaw…ayaw kong mag-isa,” dugtong pa nito. Sumunod naman si Limuel. Humarap siya kay Tala gaya nang pagharap nito sa kanya. Kapwa sila nakatagilid ng pagkakahiga sa kama. “Anong sabi ng Papa mo?” tanong ni Limuel. “Kung pwede ko raw pirmahan ang deed of sale ng bahagi ng lupa namin dito. Bilang anak at tagapagmana ng parte ng mama ko, kailangan daw ang signature ko.” “Anong sabi mo?” “Sabi ko ikaw ang kausapin niya.”Tama, sa isip-isip ni Limuel. Pero legally hindi pa rehistrado ang kasal nila ni Tala kaya kung tutuusin may habol pa ang ama nito. “Anong gusto mong gawin natin?” kinumutan nito ang dalaga. “Hindi ko alam. Ikaw na lang ang magdesisyon,” sagot ni Tala. “