Princess Tala and Prince Uncharming

Princess Tala and Prince Uncharming

last updateLast Updated :
By:  Ukiyoto Publishing  Completed
Language: English
goodnovel4goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
33Chapters
2.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Édition

Latest chapter

Free Preview

A Princess Child Bride

Noong nakaraang linggo lang nireregla si Tala, saktong isang buwan pagkatapos ng ika-labing dalawa nitong kaarawan. Pinagmasdan ni Mahalia ang anak habang inaayusan niya ito bilang paghahanda sa nalalapit na kasal. Black beauty, ito ang madalas na hambing ng mga tao kay Tala. Namana nito sa ama ang kabuuan nitong itsura gaya ng kayumagging kaligatang kulay, bilugang mga mata, matangos na ilong, at manipis na mapululang labi. Mahahabang pilik-mata, makinis na kutis, tindigan, at pangangatawan naman ang nakuha nito sa ina. “Bakit hindi po ako mistisa gaya mo Mama?” Minsan ay tanong ni Tala sa kanya. “Ang ganda kaya ng kulay mo, hindi mapusiyaw at hindi maitim, tamang-tama lang. Tsaka pag binigay ni God sa iyo ang kulay ko, ibibigay niya rin ang ilong ko sa iyo,” birong paliwanag ni Mahalia sa anak, hindi kasi katangusan ang kanyang ilong at masiyado ring makapal ang kanyang mga labi. “Okay lang po 'yon, ganito na lang po gagawin ko araw-araw,” at iipitin ni

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

default avatar
Salazar Castro Marita Chua
Ganda ng kwento, good lesson
2021-09-11 08:27:24
0
default avatar
Salazar Castro Marita Chua
Verry good writer
2021-09-11 08:29:20
0
33 Chapters

A Princess Child Bride

  Noong nakaraang linggo lang nireregla si Tala, saktong isang buwan pagkatapos ng ika-labing dalawa nitong kaarawan. Pinagmasdan ni Mahalia ang anak habang inaayusan niya ito bilang paghahanda sa nalalapit na kasal. Black beauty, ito ang madalas na hambing ng mga tao kay Tala. Namana nito sa ama ang kabuuan nitong itsura gaya ng kayumagging kaligatang kulay, bilugang mga mata, matangos na ilong, at manipis na mapululang labi. Mahahabang pilik-mata, makinis na kutis, tindigan, at pangangatawan naman ang nakuha nito sa ina.   “Bakit hindi po ako mistisa gaya mo Mama?” Minsan ay tanong ni Tala sa kanya. “Ang ganda kaya ng kulay mo, hindi mapusiyaw at hindi maitim, tamang-tama lang. Tsaka pag binigay ni God sa iyo ang kulay ko, ibibigay niya rin ang ilong ko sa iyo,” birong paliwanag ni Mahalia sa anak, hindi kasi katangusan ang kanyang ilong at masiyado ring makapal ang kanyang mga labi. “Okay lang po 'yon, ganito na lang po gagawin ko araw-araw,” at iipitin ni
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Hindi Bayani Si Bayani

  Naglingunan ang lahat, si Yani na ama ni Tala ang dumating sa reception. Tapos na ang kasal, patapos na rin ang reception ng sumugod ang lasing na lasing na lalaki.  “Limuel, ipasok mo ang mga bata sa loob.” Utos ni Datu Jano. “Opo.” Napaigtad si Tala sa higpit ng kapit ni Limuel sa kanyang kamay saka siya hinatak nito papasok ng isa pang bakanteng silid kasama ni Nuel at ng iba pang mga kabataang naroroon. Takot na takot si Tala sa naririnig na sigawan at pagkakagulo sa labas dahil lang sa kanya. Napatingin lang siya kay Limuel na sa mga mata ni Tala ay naging kuya niyang muli na ipagtatanggol siya sa mga kalaban. Nasa malapit ito sa pintuan at tila nakaharang doon. Si Nimuel ang naramdaman niyang tumabi sa kanya.  “Wag kang matakot andyan si kuya, siya ang bahala sa atin,” sabi nito. Napayapa naman si Tala. First time niyang nakitang naging mabait sa kanya si Nimuel at umastang kuya niya rin gaya ni Limuel.  “Ito o pinirmahan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Dalisay Na Pagkakaibigan

  Matagal na hindi nagsalita sina Dalisay at Mahalia. Nagulat si Dalisay sa pagbalik ng cancer ng kaibigan, sakit na ikinamatay din ng kanyang asawa. Her heart goes out for Tala, lalo nang malaman niyang hindi na balak magpagamot pa ni Mahalia. Nagulat naman si Mahalia sa suggestion ni Yasmin na gawin nila para sa buhay ni Tala, pero tiwala siya sa kapatid niya at sa best friend niya.  “It’s foolproof. Mababalik sa Mezati tribe si Tala kapag pinakasal siya sa isang taga Mezati gaya ni Limuel,” paliwanag ni Yasmin. “Hindi ba masyadong mabigat na responsibilidad ang ibibigay natin kay Limuel kung sakali?” nag-aalalang tanong ni Mahalia. “Kaya naman nandyan si Dalisay, as an adult to assist Limuel. Ngayon kapag 18 years old na si Tala ay pwede na siyang magdesisyong ipawalang bisa ang kasal niya, anyway sa tribo lang naman natin register ito at hindi pa sa munisipyo,” patuloy na paliwanag ni Yasmin. Napaisip si Mahalia, kung sabagay ay kampante siya sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Misis Tala

  Bakasyon nang malaman ni Tala ang totong sakit ng ina. Nabalot ng matinding takot ang batang puso ni Tala. Anong mangyayari kapag hindi gumaling ang ina? Sa paunti unting paliwanag ay sinabi ni Mahalia kay Tala ang totoong dahilan kung bakit siya pinakasal kay Limuel.  “Si kuya Limuel mo, malaki ang utang na loob natin sa kanya. Siya ang mag-aalaga sa iyo kapag wala na ako. Mahal ka naman ni papa mo pero baka hindi ka niya masyadong maprotektahan lalo at palagi siyang nasa malayo…at meron din siyang mga bisyo na hindi niya kayang iwanan,” inaayos ni Mahalia ang magulong buhok ng anak habang kinakausap ito.   Iyak ng iyak si Tala hindi dahil nalaman niya ang totoo sa kasal nila ni Limuel. Hindi na importante sa kanya ‘yon. Ang importante sa kanya ay ang gumaling ang kanyang ina. Pero hindi gumaling si Mahalia. Sa huling sandali ay palagi na lamang itong nakahiga sa kama at doon ay palaging nakabantay si Tala.  “Mama magpagaling ka na po please,” hih
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Bahay-Bahayan

  Naging madalang umuwi si Limuel, Christmas break at summer na lamang ito nauwi ng Bohol. Noon ay naka dadalaw pa siya pag araw ng patay pero dahil busy sa school ay nangako na lamang siya sa ina na magbabakasyon ng matagal-tagal kapag summer.  Sa umpisang pag-uwi ay naiilang na si Tala sa binata. Nakikita rin ni Limuel ang pagbabago ng dalagita. Maraming ganap sa buhay ni Limuel kaya hindi rin sila madalas magka-usap nito. Kahit nakabakasyon ay madalas ang alis ni Limuel kasama ng mga barkada nitong sabik makahuntahan at kung hindi naman ay nauutusan ito ni Dalisay para asikasuhin ang maliit nilang taniman, bumisita at i-manage ang lugar para makapahinga si Dalisay. Matapos ang trabaho ay papasiyal naman ang barkadahan nila Limuel sa mga magagandang spots sa Anda kasama ng kabataang kalalakihan at minsan ay may mga kadalagahan din.  Kapag nawala na ang pagka-ilang at nasanay na si Tala na nakikita si Limuel ay lihim niyang hinihintay ang binata sa pag-
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Lessons From Heaven

  “Uy nakita ko ang asawa mo sa Poblacion, grabe! Ang gwapo!” sabi ni Carol ang pinsan niya, anak ni tita Baby na kapatid din ng mama niya pero madalang umuwi ng Anda.Hindi kumikibo si Tala, bigla niyang maaalalang tinawag siya nitong katulong. Parang sasabat naman ang ina niya sa kanyang isip. Malaki ang utang na loob mo kay Limuel, wag kang magagalit sa kanya.  “‘Wag ka nang mangarap, may girlfriend na ‘yon sa Maynila,” sabi ni Tala “Kahit na, ikaw ang asawa,” “Hay, naku! Ilusyon. Iyo na siya kung gusto mo!” Sige, ha, sabi mo! Dadalhin ko siya dito sa bahay aayain kong mag-inom.” “Hala wag!” ewan ba ni Tala, joke 'yon pero bakit affected siya?  Tumawa lang ang makulit na pinsan.   “Tayo na lang ang mag-inom, gusto mo?” aya ni Tala.  Inum, ito naman ang masamang bisyong natutunan ni Tala sa mga pinsan niya. Noong una ay ayaw niyang uminom, lasengero kasi ang tatay niya. “Kaunti lang aralin mo. Kasi mas nakakatakot kapag n
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kislap Ng Tala

  “Hellooooo po…Hello? Helllooooo!” pinukpok ni Tala ang lamesa, saka pa lang tumingin si Nimuel sa kanya. Nasa tambayan ng mga estudyante sila sa ilalim ng puno ng mangga at naghahanda ng report nila para sa OJT immersion subject. “Oo nakikinig ako,” sabi ni Nuel. Tiningnan ni Tala ang tinitingnan nito. “Hmmm...Nakatingin ka na naman kay Bianca, lapitan mo na kasi.” “Hindi ah…” Tanggi ni Nimuel sabay namula ang tainga.  Hinawakan ni Tala ang magkabilang pisngi ng kababata. “Magbestfriend tayo. Magkasama tayong lumaki at sabay tayong naliligong hubo’t hubad sa ilog, sabihin mo sa akin ang totoo. Malay mo matulungan kita,” makahulugang sabi ni Tala.“Parang t*nga to!” saka nito tinapik ang kamay ni Tala paalis sa mukha.“Bahala ka, may alam ako tungkol kay Bianca. Magsungit ka sa akin at hindi ko sasabihin sa iyo.” “Wag mo akong idamay sa pagiging love guru mo sa mga kaklase natin ha. Hindi mo ako mapapaniwala,” kunwari ay bumalik si Nuel sa g
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Sister’s Keeper

  Ang isang buwang bakasyon sa Butuan ay inabot ng anim na linggo, before Tala knew it, she only has two weeks to spend with Dalisay for the remaining days of her summer vacation.  “Sorry po talaga Mamang ha, nadelay rin po kasi ang pag-uwi nila tita Yasmin,” si Tala “Okay lang 'yon, sa Pasko uuwi kayong lahat ha. Malungkot kung kami lang dalawa ni Nuel,” bilin ni Dalisay. “Opo Mamang, syempre.”  Pag-uwi ni Tala mula sa CDO ay wala na sina Limuel at Nimuel, bumalik na ito sa Maynila bago pa matapos ang bakasyon para maghanda sa pasukan. Isang linggo bago magpasukan sana dapat na luluwas ng Maynila si Tala pero nagpalipas pa siya ng ilang araw dahil ayaw niyang iwan si Dalisay. Mamimiss niya sigurado ito.  Kaya sa airport ay abot-abot ang bilin ni Dalisay sa kanya.  “Kumpleto na lahat ng gamit mo? Ang ticket mo? Susunduin ka ni Nimuel sa airport, may usapan na kami ha. Anuman ang mangyari eh magte-text o tatawag ka sa akin ha.” “Opo Mam
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Ice - Breaker

  Amoy ng mabangong almusal ang bumungad sa pupungas-pungas na si Nimuel nang lumabas ito ng silid. Sa kwarto ni Tala siya dati natutulog, pero dahil dadalawa lang ang kwarto ng condo na inuupahan nila, napasiksik siya sa kwarto ni Limuel para ibigay kay Tala ang kwarto niya. Kung ganito naman kaganda ang magigisnan niyang umaga, okay na rin na naging squatter siya sa kwarto ni Limuel. Nakaupo na sa lamesa si Limuel habang umiinom ng kape. Sa kusina ay nakatalikod naman si Tala habang sinasandok ang niluto nitong ulam. Sanay naman si Nimuel na may babae sa condo, gaya ng girlfriend ni Limuel na si Vanessa or kung sinumang babaeng nauuwi niya paminsan-minsan, pero syempre, iba si Tala. Iba ang babaeng probinsyana, isang tunay na dalagang Pilipina. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Limuel habang nakatitig siya kay Tala, nagbaba siya ng tingin sa pagkain sa lamesa.  “Wow! Saan galing yan? Amoy luto ni Mamang ah…bagay to kung may kasamang tuyo!” “Hindi nagpadala s
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Campus Romance

  Kanina pa naghihintay at tingin ng tingin sa oras si Limuel. Ewan ba niya pero hindi siya mapakali sa ideya na kasama ni Tala si Nimuel. Malamang na kung ano-anong ituturong masamang bisyo ng kapatid sa babae.  Siya sana ang magpapasyal kay Tala sa Maynila at magtuturo sa pagpasok nito, pero wrong timing na dumating si Vanessa. Nakiramdam si Limuel sa magiging reaction ni Tala, cool naman ito, bagay na nakaka-disappoint. Ano bang inaasahan niya, ang magwala at magselos si Tala? Huminga ng malalim ang lalaki, sabay tingin ulit sa orasan. Nang marinig ni Limuel ang pamilyar na kalabog ay nauna pa siyang magbukas ng pintuan bago pa ito nagawa ng nasa labas. Nagulat siya dahil ang lasing na si Nimuel ang inaalalayan ni Tala.  “Ang ganda ganda mo talaga…I love you, kiss…kiss…kiss…” sabi ng lasing na si Nimuel. “K-kuya…ahm...tulong,” sabi ni Tala nang Makita si Limuel. Agad naman nitong kinuha ang kapatid at pinaakbay sa balikat. “Tol, pogi…ang ka
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status