All Chapters of An Everlasting Love (Book 1 & 2): Chapter 11 - Chapter 20

48 Chapters

CHAPTER ELEVEN

PAGKATAPOS naming kumain ay agad kaming pumaikot sa bonfire. Si Alex ang kumuha ng isang bote at inilagay sa gitna namin. "Spin the bottle tayo, guys. Truth or dare lang ang pagpipilian." "Alangan," sabad naman ni Nicko na natatawa. Marahan naman siyang kinutusan ni Alex. Agad namang inilapag ni George at Bettina ang mga alak na dala-dala ng una. "Uy, bawal ang alak," ani Armina. "Huwag ka ngang KJ, Armina! Iyong mga may gusto lang ang puwede, okay?" sabad ni Vanessa habang sinasalinan ang sarili niyang baso. "Huwag kang mag-alala, punch drink lang ang pupuwede sa inyong mga girls," ang pamamagitan ko sa usapan nila. Si Geo ay sinalinan ang baso na tangan-tangan, habang si Bettina naman ay binigyan si Alexandra ng punch drink. Pati ang mga kaibigan ni Armina ay kumuha rin ng kaniya-kaniyang iinumin. S
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more

CHAPTER TWELVE

ANDITO ako ngayon sa place nina Nicko. Kasalukuyang bumabanat sa billiards table si Nicko, habang hinihintay ko ang turn ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa kong paghalik kay Armina. Halos apat na araw na ang nakalilipas nang mangyari iyon pero parang kahapon lang iyon naganap dahil ramdam ko pa rin sa buong sistema ko ang malambot niyang mga labi. Ang mabango niyang amoy at napakalambot na katawan habang nakakandong ito sa akin ay dama ko pa rin. Kahit halos bumagsak na ako ng gabing iyon dahil sa kalasingan ay parang gising na gising naman ang diwa ko. Siya ang una kong halik kaya hindi ko makakalimutan ang halik na iyon. Bahagya akong binatukan ni Nicko kaya nagising ako sa pagda-daydreaming. "Aray ko! Ano ba, Nicko?!" "Ikaw kasi, Xander, kung saan saan lumilipad iyang utak mo. May hang-over ka pa yata!" "Hindi ah, hindi pa nga ako umiinom
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more

CHAPTER THIRTEEN

NAG-UMPISA na ang laro ng mga bestfriend kong sina Xander Luis at George. Kagagaling ko lang kasi sa field. Katatapos din ng practice game namin sa soccer. Basa pa nga ang buhok ko. Katatapos ko lang kasing mag-shower. Nakita ko ang stepsister ni Xander na matamang nanonood din habang katabi naman nito ang dalawa niyang bestfriend. Habang sa ikalawang hanay ay nakaupo naman sina Bettina at Vanessa. Siyempre, mawawala ba si Alexandra? Siyempre naroon din siya. Kakaumpisa pa lang ng laro pero maririnig na ang hiyawan ng mga manonood. Nagmadali na rin akong umupo sa tabi ni Alexandra. “Hoy, bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?” malakas na tanong nito sa akin. “Galing din ako sa practice game namin.” Agad kong tinakpan ang tainga ko nang marinig ko ang malakas na tili ni Alex. “Jusko! Alex, nag-uumpisa pa lang ang l
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more

CHAPTER FOURTEEN

February 18, 1970. ANDITO AKO ngayon sa Francine’s Salon kung saan suki si Mama. Andami-andami nilang nilalagay sa mukha at buhok ko. Wala rin namang magbabago dahil matagal na akong guwapo. Matapos spray-an ng baklang hair stylist ang pinakamamahal kong buhok ay pinayagan na niya akong magbihis. Pumasok ako sa fitting room nila at isinuot na ang Americana na binili ng Mama ko bago ako nagpasyang lumabas na. Muli kong pinasadahan sa malaking salamin ang aking porma. Isang simpatikong ngiti lang ang pumaskil sa aking mga mamula-mulang labi. Ibig sabihin niyon ay ganap kong nagustuhan ang repleksiyong nakita ko sa salamin. Paglabas ko sa fitting room ay nalabasan ko si Mama na kinakausap si Bruno, ang baklang nag-aasikaso sa akin at may-ari rin ng Francine Salon. Agad ko ring nakitang naghihintay si Daddy Armando at si Armina na suot na rin ang gown niya. Itim ang kulay ng suot nito. Nagkatinginan kami at sa pamamagitan ng aming mga tingin ay tila nag-uusap na
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more

CHAPTER FIFTEEN

MAIKSI kong tinapunan ng tingin ang esposa kong nasa aking tabi. “Ano ang nararamdaman mo, honeyblood?” “I’m perfectly okay, honeymunch! Medyo nakaka-hassle lang kasi ang mga nadadaanan natin sa daan.” Napatango-tango ako. Magaan kong hinimas ang maumbok niyang tiyan. Natutuwa ako dahil sa halos magdadalawang taon na paghihintay namin ay sa wakas! Biniyayaan na kami ng anak ng Diyos. “Gusto mo, bumaba muna tayo at kumain sa isang restaurant, honey blood?” Napailing lang siya. Patuloy lang ako sa maingat na pagda-drive. Maingat naman talaga akong magmaneho. Mas lalo pa ngayong lumalala ang krisis pang-ekonomiya. Mainam at tumigil na sa pag-aartista ang esposa ko. Dahil sa mga panahon na ito, sadyang mainit sa mga mata ng Pangulong Ferdinand Marcos ang mga taong nagtratrabaho sa media. Nakabukas ang
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more

CHAPTER SIXTEEN

MALUNGKOT akong nakatitig sa repleksiyon kong nasa salamin. Halos dalawa ang nag-aayos sa akin ngayon. Isa para sa make-up ko at ang isa naman ay para sa buhok ko. Yes, it’s my Wedding Day! Since that day ay marami na ang nagbago. Isa nga roon ay ang pakikipagkalas ko kay Xander Luis. Kahit labag sa loob ko at sobra-sobra ang sakit na idudulot nito sa aming dalawa ay kailangan kong gawin ito. I have no choice that time.   Muli ay napalingon ako sa pintuan kung saan iniluwa niyon ang bestfriend kong si Mikaela. Mapait akong napangiti. Maski siya’y tila maiiyak din. Hindi dahil sa masaya siya para sa akin . . . kun’di dahil ikakasal na ako. Naiiyak siya dahil sa awa sa akin. Sapagkat hindi si Xander Luis ang maghihintay sa akin sa harap ng altar, kun’di si Bobby.   Tatlong buwan na ang nakakaraan nang huli kaming mag-usap ni Xander. Ang tatlong buwang nakalipas ay maraming nangyaring hindi ko inaasahan. Isang butil ng luha ang humulagpos sa ak
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

CHAPTER SEVENTEEN

PAPUNTA ako ngayon sa pinag-usapan naming coffee shop ng bestfriend kong si Luisa. Hindi sana ako makakapunta dahil pinagbawalan na ako ni Bobby na makipagkita sa mga kaibigan ko. Ngunit ayon kay Luisa ay may mahalaga raw siyang sasabihin. Isa pa, babalik na siya sa America para doon na nga mag-stay for good. Ibig sabihin niyon ay hindi ko na ito makikita.   Papasok na ako sa entrada ng shop nang agad kong nakita kung saan siya nakaupo. Matipid niya lang akong nginitian na tila may pang-uuyam pa sa mga mata niya. Nakita ko rin ang maitim na pasa sa may kanang pisngi niya at leeg.   “Saan mo iyan nakuha?” ang agad kong tanong.   “Puwede ba, huwag natin pag-usapan ang tungkol sa akin. Narito ka, Armina, para malaman mo ang katotohanan tungkol sa asawa mo.”   Buhat doon ay napatutok bigla ang pansin ko sa mga pinagsasabi niya.   “Mabuti naman at may pakialam ka pala sa asawa mo, Arm
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

CHAPTER EIGHTEEN

ISANG LINGGONG hindi umuwi ang anak ko. Naroon ang pag-aalala ko bilang ina niya. Dinama ko ang kumikirot na mga sugat at pasa ko. Kagagawan lang naman ni Bobby ang mga ito. Wala naman nang bago. Ngunit nakalalamang ang kirot sa dibdib ko. Kagagaling ko lang kahapon sa hospital nina Mikaela. Napapadalas kasi ang pagkirot-kirot ng puso ko. Hanggang sa nawawalan na nga ako ng malay at kinakapos pa nga sa hininga. Ayon sa bestfriend ko, nasa stage four na raw ang cancer ko. Halos hindi ako makapaniwala, maski siya ay ganoon din. Ang uri ng cancer cell na tumama sa akin ay hindi agad nagpapakita o nagpaparamdam ng sintomas. Kapag malala na ay doon mo pa lang mararamdaman ang mga sintomas. Gusto kong manlumo, mag-iiyak. Ngunit wala itong maitutulong. Wala nang lunas ang sakit ko, iyon ang totoo. Ang mas masakit, anumang sandali ay mamatay na ako. Hindi ako natatakot sa kamatayang naghihintay sa akin. Mas natatakot akong iwan ang nag-iisa kong ana
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

CHAPTER NINETEEN

Year 1994. MULI ay babalik ako ng Pilipinas para tuparin ang iniwang habilin ni Bobby sa akin kahit napakalaki ng pagtutol ng aking anak na si Xyla. "Ba't ka naman babalik doon, Daddy? Iyan ka na naman. Mas inuuna mo pa ang kapakanan ng ibang tao. Tama nga si Mommy na never mo siyang minahal dahil sa babaeng nasa nakaraan mo. It's your fault why Mommy drink so much that night. That's why she met a car accident while she was driving her vehicle back home!" "Xyla, hija, your Tito Bobby needs me there. Kailangan kong ayusin sa madaling panahon ang mga properties ng mga Fontanilla at Deo Gracia. Kung hindi ay tuluyang mawawala ang lahat ng mga ito," patuloy ko. Ngunit mariin siyang napailing. "No, I don't get you, Daddy. Lagi na lang may dahilan ka para pumunta sa Pilipinas. Daddy, wala na ang dati mong buhay sa Pinas. Your life is here now in America!" 
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER TWENTY

MAKALIPAS ang limang Taon mula nang pumanaw si Lolo Luis ay napagkasunduan ng lahat na every Death Anniversary nito’y magkakaroon ng malaking event sa “ANGEL BLUE SKY HOME CARE” isang institusyon. Kung saan doon inilalagak ang mga may edad na, inaalagaan at binibigyan ng tamang pagkalinga na hindi makayanan maibigay ng mga kapamilya nito. Tanging sa charity funds at Government Donation umaasa ang institusyon. Mabuti na lamang at madami pa rin ang mga good samaritan. Dahil sa panahon ngayon ay iilan nalang ang may mabubuting kalooban. Matapos kong mapaupo si Lola Odette na isa na rin sa mga oldies sa Blue Sky ay agad na akong pumaroon sa harapan. Nakita kong napakalawak ng pagkakangiti ni Jxyll Dixon. Kababata ko at isa sa mga kabataan sa komunidad namin na nagvolunteer. Kahit may kaya sa buhay ay hindi ito nag-alangan tumulong. Sabagay apo rin naman ito nina Nichola
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status