=ALLYSA’s POV=Nasa tapat na kami ng parking lot ni Iya habang hinihintay si tigidig. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinayupak. Humanda talaga sa akin ang bulutong na 'yon at may sermon de gulat siya sa akin mamaya. Tatawagan ko na sana ang ina ng mga nana nang may marinig ako sa likuran ko."Oo naman, darating ako ano ka ba. Yup, magpapaalam lang ako. Okay bye, ikaw din ingat." Aba ang malandi may kausap pa sa phone. At kung kiligin akala mo walang naghihintay sa kanya. Kung makangiti daig pa si joker na may binabalak na masama."Hi Allys, Hi Iya," bati niya sa amin pero hindi kami sumagot. "Galit kayo?" tanong niya na tinaasan ko ng kilay. "Okay, payn! Galit nga kayo, sorry at pinaghintay ko kayo ng-----" "Isang oras Faith. Isang oras kaming pinagpipyistahan ng mga lamok. Pag kami nagka-dengue ni Allysa, dugo mo talaga ipapa-abuno 
Last Updated : 2021-08-09 Read more