"Nasaan na?!" Sigaw niya sa mismong mukha ko, nanggagalaiti ang itsura niya at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg, namumula ang muka at parang gustong lumabas ng mga mata mula sa kinalalagyan. "Bakit mo hinahanap?" inosente kong tanong. Muli niya akong binigyan ng malutong na sampal dahilan upang tumimbawag ang upuan, kung saan nila ako itinali. Dinaklot niya ang aking buhok at ginamit iyon upang muli akong maitayo. "Wag mo akong gagalitin, dahil sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas sa teritoryo ko ng buhay!" Sigaw niya ulit na ikinainis ko ng sobra dahil sa mga laway na tumatalsik sa mukha ko.
Last Updated : 2021-07-05 Read more