MIRANDA "Hija! Maman doesn't understand— bakit ayaw mong nandito ang Maman habang binibihisan ka?" Malakas na hinila ng ina ni Miranda ang pangharap na bahagi ng kaniyang bestida, umaaasang may iaaangat pa ang maliit niyang dibdib. "Nako, Miranda. You should put a more happy face! `Nak, 'wag ka masiyadong sumimangot. Paano kapag natakot sa `yo ang mga anak ni Don Franco?"Ngumiti si Miranda. Mas mainam pa nga ba mahindik ang nga ito sa kaniya at manakbo. Mas malayo, mas maganda. "Handa na po ba si David? Naayusan na po ba siya?""Yes, naman." Sumimangot ito. "Ayokong isipin na nanghingi ka ng isang maliit na sobre sa mababang Shanelle Boros na `yon, `nak.""Magaling ang Boros Jia sa kapitolyo, Maman," paalala niya rito, "nangunguna sa trading industry.""Wala pa rin sila sa listahan—""Parang tayo. Ngayon." Natahimik ang Maman sa kaniyang sinabi. Hindi niya nagustuhan ang pangmamaliit nito sa kaniyang ka
Huling Na-update : 2021-07-08 Magbasa pa