Share

KABANATA 2

Author: twtl_trtd
last update Last Updated: 2021-07-04 18:28:59

KABANATA 2

MIRANDA

Nabulunan si Shanelle sa ininom na alak. Ilang beses itong umubo't nagdilat ng mata sa kaniyang harapan bago tuluyang kumalma. "What?" pag-uulit nito, "Sasama ang Maman mo?"

Nagtagis ang bagang ni Miranda. Halos mapudpod ang mga ngipin niya dahil sa pagkakadiin. Kahit siya mismo ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang ina. Sasama ito dahil lang sa napakababaw na dahilan! Makakaya naman niyang mag-practice na gumamit ng kubyertos habang wala pa ang event!

"Hmn, iyon na nga." Iniangat niya ang paa at idinantay sa maliit na lamesang nasa kaniyang harapan. Awtomatikong iniangat ni Shanelle ang baso upang hindi matabig ng kaniyang sapatos ang inumin. Napatango si Miranda dahil sa ginawa nito. Shanelle is a very sensible person. Hindi na ito kailangan pang sabihan. "The last time we talked, I thought I could convince her pero... nakalimutan ko na gano'n pala siya."

"Aaminin ko, valid ang reason ng iyong Maman." Humalakhak si Shanelle. Kaagad itong natahimik noong nakitang hindi nakangiti si Miranda. Tumikhim nito bago inipit ang buhok sa likod ng tainga. "Kung nando'n ang Maman mo, baka posible ngang mapansin ka ng isang De Leon. Like, baka magwala siya, o magkunwaring inaatake ng sakit kahit wala naman talaga siyang iniinda."

"Mauunang manganak ng bibe ang mga aso bago mangyari `yan." Binasa ni Miranda ang mga magasin patungkol sa tatlong binatang anak ni Don Franco. Kahit magsuot siya ng gown na may sampung balloon sa loob, hindi siya mapapansin ng mga iyon. Those guys loved that voluptuous, elegant curves of a white woman. Hindi pasok ang kulay yema niyang kompleksyon sa mga pagpipilian ng mga ito. Not to mention, siya ay payat at matangkad!

Miranda Isle is an acquired taste.

"Huh." Kuminang ang mga mata ni Shanelle. "Aaminin ko, ha, no'ng una kong narinig na plano mong nakawan ang De Leon Jia, gusto ko ng limang porsyento ng magiging dali mo bilang isang tapat na confidante."

Doon lamang sumilay ang ngiti sa mukha ni Miranda. Hindi siya nagkamali sa pagpili ng kaniyang kaibigan. Kaya pala noong una ay hindi ito natakot at nagawa pa siyang saluduhan. Iyon pala ay gusto ng komisyon. Hindi magiging kuripot na kaibigan si Miranda rito. Shanelle deserves more.

"Si Jed, kumusta?" Iminuwestra ni Miranda ang bintana. "Uuwi na si Karlo sa loob ng dalawang linggo."

Si Karlo Isle ay ang utak ng pangatlong henerasyon ng Isle Jia. Sa oras na maluklok si Miranda sa panahon na magpasyang umatras na ang kaniyang ina, ito ang magiging kanang kamay niya. Nasa militarya ito ngayon at nakikipagbakbakan sa silangan. Si Jed naman ay kasintahan ni Shanelle. Hindi singlaki ng Isle Jia ang pamilya ni Shanelle ngunit makapangyarihan ito. Si Jed at Karlo ay matalik na magkaibigan kahit pa isa lamang taong komon si Jed.

Miranda looked up to Karlos. Idolo niya ang pinsang iyon. He's her first favorite.

Hindi sinusunod ni Karlos ang sistema ng pakikipagsosyo ng kanilang mundo. Ang mayayaman ay sa mayayaman. Ang mahihirap, para sa mahirap. Ayaw ni Karlos sa ganoon dahil para dito, ang kakayahan ng tao ay wala sa pamilyang nasa likod nito. Iyon ang dahilan kung bakit perpekto ito bilang kanang kamay niya.

"Ah! Si Aya Karlo!" tili ni Shanelle, "Tawagan mo `ko kapag susunduin n'yo na siya sa paliparan, ha." Nag-uumapaw pa rin ang paghanga ni Shanelle kay Karlos. Noong una'y naging crush pa nito iyon. Pagkatapos ng sandaling saya ay sumimangot ito. "Ayon, si Jed? Nag-away kami. Ayaw niya kasing dumalo ako sa annual ball ng De Leon Jia."

Mukhang hindi pa rin nagbabago ang maliit na tingin ni Jed sa sarili kahit pa matagal na silang nagsasama ni Shanelle.

Tumuwid ang likod ni Miranda. Isang ideya ang namumuo sa kaniyang isip. "Bakit naman, Shan?"

Ang mga pamilyang wala sa top 10 ay hindi personal na mensahe ang laman ng sobre ng imbitasyon. Walang pangalan. Iyon ay dahil walang nasa mababang posisyon ang tatanggi sa tawag ng isang malakas na Jia. Ang mga nasa listahan ay dapat tratuhin nang may importansya. Pakikipaglapit at pagpapalakas sa isa't isa.

"Eh!" Namula ang pisngi ni Shanelle. Lumabas ang isang bungisngis kay Miranda. Hindi siya pinansin ng babae at nagreklamo. "Iniisip niya na baka mapansin ako ng isang De Leon at yayain ng kasal. I mean, ako? Mira? Patawa!"

Nabura ang saya sa mukha ni Mira. "Bakit? Imposible ba? Para sa 'kin, hindi naman. Ang ganda mo. Binasa ko `yong nakasulat sa nakaraang interbyu sa mga binatang De Leon. Pasok ka sa mga tipo nila." Tumango-tango siya. "Magugustuhan ka kaya ni Jed kung hindi ka kapuri-puri, ha, Shan?"

"Ey!" Ngumisi nang pagkalapad-lapad si Shanelle. "Masiyado kang mabait sa `kin. Tutulungan naman kita kahit 'di mo na 'ko bolahin, eh."

Nagkibit-balikat si Miranda at kunwari'y pinagpagan ang balikat. "Maliit na bagay."

"Pero seryoso. Hindi ko naman gustong mapansin ng mga anak ni Don Franco. You know I love parties, 'di ba?" Niyakap ni Shanelle ang sarili. Humablot ng unan si Mira sa kaniyang gilid upang itapon dito. Kitang kita niya noon pa ang pagkahilig nito sa mga magagarbong bagay. "Magarbo ang venue, for sure!"

Oras na pakasalan ito ni Jed, kailangang maging handa ang lalaki. Shanelle loved sparkly things. Lahat ng engrande ay nasa puso nito. "Mamumulubi si Jed sa `yo, Shan," pabiro niyang sabi. "Ipaliwanag mo na lang sa kaniya `yang gusto mo. Sigurado akong maiintindihan ka niya."

"Yeah, gusto kong dumalo pero mas mahalaga 'yong exam ni Jed sa susunod na linggo. Gusto kong maging abogado siya. Hindi siya mapapanatag kapag nag-aalala siya sa `kin."

Nakaramdam ng inggit si Miranda. Hindi kay Shanelle kundi kay Jed. May taong nag-iisip ng kaniyang ikabubuti nang walang hinihintay na kapalit. Wala siya niyan. Kahit pamilya niya, ipapain siya sa mga lobo upang makaligtas lang oras na magipit. Siguradong taon lang matapos makapasa bilang abogado, magpapakasal na ang dalawa. Hindi lingid sa pamilya ng dalawa ang pag-iipon na ginagawa nila.

Ipinilig niya ang ulo sa kanan at ngumiti kaunti sa kaibigan. "Hmn, kung gano'n, 'di mo na kailangan ang sobre mo."

Hindi naging mabagal si Shan at mabilis na naintindihan ang kaniyang ibig sabihin. Nagkagat-labi si Shanelle sabay sabi, "Bayad muna."

Bumangon si Miranda sa silya at inilapit ang mukha kay Shanelle. Hinalikan niya ito sa noo, isang mabagal at malambot na halik. "Bayad na `ko."

Ngumuso si Shanelle bago tumango sa kaniya. Mukhang hindi ito nasiyahan sa ginawa niyang pambayad. Umiling si Miranda. Wala siyang maibibigay sa ngayon. Kahit pamilya niya'y wala kahit isang libo ngayon. "Anong gagawin mo sa sobre?" tanong nito.

"Isasama ko si David." Gusto ni Mira na makadalo ito sa isang kasiyahang pangmayaman. Kahit isang beses ay hindi ito pumunta sa kahit saang sayawan. Iniisip lagi ang pag-aaral. Ngayon ay gusto ni Mira na magsaya ito. Para na rin mabigyan siya ng daan sa kaniyang gagawin.

"Anong balak mo?"

Siyempre, may kapalit ang kaunting kasiyahang kaniyang ibibigay. Mahal niya si David bilang pinsan ngunit siya ay Isle mula sa dugo at laman. Ang mga Isle ay oportunista. "Magpapanggap siyang ako. Hindi didikit lagi sa `kin si Maman. Makikipag-usap siya sa mga posibleng kasosyo ng Isle Jia. Magpapalit kami ni David ng damit. Lalabas siyang babae."

"Fudge, Miranda!" singhap ni Shanelle, "Gagawin mo ba talaga `yan kay David?"

Nakaramdam ng konsensya at awa si Miranda ngunit itinabi niya iyon kaagad. Isa sa mga bagay na gusto ni Miranda kay David ay ang pagkakahawig ng kanilang mukha. Pareho ng anggulo, hugis at tabas ang kanilang wangis. May kaliitan si David sa aspeto ng tangkad kumpara sa kaniya pero mareremedyuhan iyon ng mga sapin sa paang may nakakamatay sa taas na takon.

Manipis ang labi ni David, masiyadong singkit ang mga mata at maputla kaysa sa kaniya subalit naaayos ng kolorete ang mga bagay na iyon.

Kung iisiping mabuti, ito ang pinakamagandang solusyon!

Nakakailang man aminin ngunit mas mukha talaga itong babae kaysa sa kaniya.

"Hindi ko sasabihin sa kaniya kung bakit. Hindi naman no'n kinukuwestyon ang kilos ko." Ngumisi si Miranda. Tumayo siyang tuwid at naglakad paalis ng silid. "Sundan mo `ko. Hanapin natin siya."

"Kaya niya lang hindi pinagdududahan ang kilos mo ay dahil may tiwala siya sa `yo." Nag-aalalang hinawakan ni Shanelle ang kaniyang braso. "Mira, handa ka bang masira `yong tiwala na 'yon sa `yo? Pagsisisihan mo 'yon pagdating ng araw."

Nangasim ang ekspresyon ni Miranda. "Shan, come on. Para sa kaniya itong ginagawa ko. I promised him something, at tutuparin ko iyon. Oras na malaman niya ang totoo, patapos na siya sa eskwela. So? Don't sweat about it."

"Para sa kaniya ba talaga o ego mo lang ang nagpupumilit sa `yo—" Hinigit ni Mira ang balikat ni Shanelle at marahas itong hinalikan sa labi. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago niya itinulak ang babae. "Mi-Mira naman!" daing nito. May hindik sa mukha ni Shanelle.

Pinunasan ni Mira ang labi at ngumisi. "Praktis lang."

"Blegh!" Umarteng nasusuka si Shanelle. "Iw, Mira! Natatahimik naman ako kapag sinasabihan ng 'shut up', e. Isusumbong kita kay Jed."

Humalakhak si Miranda. "Baka pagtatawanan lang ako no'n oras na malamang ako ang first kiss mo no'ng elementary tayo. Sasabihin ko."

"Don't tell him that!" sigaw ni Shanelle, pinagpapapalo ang kaniyang likod. "Ewan ko sa `yo! Kung sinu-sino lang ang pinaghahahalikan mo kapag inaabot ka ng toyo mo!"

Dumaing si Miranda. "Aray! Ano naman? Okay, fine. Titigilan ko na. Alam mo namang nagbibiro lang ako, e."

"Bahala ka! Para kang 'di babae."

Bumulong-bulong si Shanelle ngunit ayaw naman nitong punasan ang labi. Alam ni Miranda na hindi ito nandidiri sa kaniya. Alam nito na kailangan niya ng panggulo sa isip niyang pinupuno ng kaba at takot sa magiging reaksyon ni David sa kaniyang gagawin. It's her way of deviating.

Ganoon siya kapag hindi balanse. Ginagawa niya lahat ng unang pumasok sa kaniyang isip para lamang makawala saglit sa pinoproblema. Sabi ni Karlo ay tutulungan siya nito oras na makauwi ito mula sa silangan.

Sana'y matulungan nito ang pagiging impulsive niya.

"Saan mo nakuha ang blueprint ng mansyon nila?" tanong ni Shanelle mayamaya. Naglakad sila papunta sa hardin dahil hindi nila nakita si David sa silid nito. "Ang bilis!"

"Si Karlo." Namulsa si Miranda at yumuko upang tingnan ang pagsayaw ng laso sa kaniyang suot na roba dahil sa hangin. "Ayaw niyang sabihin kung sa'n galing."

"Nakakabilib talaga si Aya Karlos!"

Sumang-ayon si Miranda at hindi na nagsalita. Nasa hindi kalayuan at namimitas ng bulaklak si David. Payapa ito sa ilalim ng maaliwalas na tanghali. Literal na jack-of-all-trades si Karlo Isle. Si Miranda ang pangunahin nitong fan.

Naunang tumalilis si Shanelle at dumamba sa maliit na likod ni David. "Dev! Uuwi na si Aya Karlo pagkatapos ng tatlong linggo!" pahayag nito.

"Talaga?" nauutal na sabi ni David bago mahigpit na niyakap si Shanelle kahit pa may dumi ang kamay. "Uuwi na si Aya!"

Hinayaan ni Miranda na magsaya ang mga ito ng ilang minuto bago tumikhim. "David."

"Mira, uuwi na si Aya!" Nagtatakbo si David sa kaniya ngunit agad ding napahinto. "Teka, hindi ka ba masaya?"

"Masaya ako," umpisa ni Mira, "pero iniisip ko lang `yong deal na sinabi sa `kin ni Maman."

"Anong deal? Mapapahamak ka ba?" Nag-aalalang nilingon nito ang kaibigan ni Mira na si Shanelle. Nanginig ang kamay ng babae kaya agad na inagaw ni Mira ang atensyon ni David.

Kung nasa ibang pagkakataon lamang ito, maaawa siya kay David. Kahit importanteng balita ay ayaw ibahagi ng pamilya rito. Ngayon ay umaayon ito sa plano ni Miranda kaya dilat ang mga mata siyang nagsinungaling.

"Hindi naman, Dev. Tungkol ito sa pang-tuition mo sa Murdoc."

"Oh, akala ko salita mo lang `yon." Nahihiyang ngumiti si David. Humakbang palapit sa kanila si Shanelle. Ngunit agad na natapilok sa sunod na sinabi ni Dev. "Nakahanap ka talaga ng paraan, Mira? Legal ba 'yan? Ayoko ng napapahamak kayo."

"Oo, legal." Nagkibit-balikat si Mira at kalmadong ngumiti. "Ang kailangan mo lang gawin para matulungan ako ay dumalo sa annual ball party ng De Leon Jia sa susunod na linggo."

Namilog ang mga mata ni David. Nanginig ang pang-ibabang labi nito bago ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Payag ako!"

Tumango si Miranda at hindi pinansin ang nag-aalalang tingin na ibinigay sa kaniya ni Shanelle. Hindi dapat ito kabahan dahil magiging ayos din ang takbo ng lahat. Nararamdaman niyang uuwi siya nang wagi.

Related chapters

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 3

    KABANATA 3JOSEN"Aman, seryoso ba ito?" Ibinagsak ni Matteo ang hawak na papel sa mesa. Ngumiwi si Josen sa marahas nitong reaksyon sa sinabi ng kanilang ama. Para sa kaniya, naging sobra ang inis na nadarama nito. Hindi naman ganoon kasama ang desisyon ng Don. But then, it's Matteo. "Gusto ninyong ikasal kami sa taong hindi namin kilala?"Si Matteo De Leon ang pinakaelegante sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang tagapamahala sa aspetong kalakalan. Kakambal ito ni Marco at mas matanda ng limang segundo. Ang obligasyon ni Marco ay sa politika. Isa siyang gobernador sa isang malayong syudad at minsanan lamang kung umuwi. Si Josen naman ang panganay sa kanila. Ang responsibilidad niya ay ang hukbo ng De Leon Jia at ang seguridad nito.Pinangalagaan nilang tatlo ang De Leon Jia habang ang Don Franco naman ang nagpapalago rito. Sinikap nilang maging mapayapa ang kanilang pamumuhay sa gitna ng maraming banta bilang

    Last Updated : 2021-07-04
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 4

    MIRANDA"Hija! Maman doesn't understand— bakit ayaw mong nandito ang Maman habang binibihisan ka?" Malakas na hinila ng ina ni Miranda ang pangharap na bahagi ng kaniyang bestida, umaaasang may iaaangat pa ang maliit niyang dibdib. "Nako, Miranda. You should put a more happy face! `Nak, 'wag ka masiyadong sumimangot. Paano kapag natakot sa `yo ang mga anak ni Don Franco?"Ngumiti si Miranda. Mas mainam pa nga ba mahindik ang nga ito sa kaniya at manakbo. Mas malayo, mas maganda. "Handa na po ba si David? Naayusan na po ba siya?""Yes, naman." Sumimangot ito. "Ayokong isipin na nanghingi ka ng isang maliit na sobre sa mababang Shanelle Boros na `yon, `nak.""Magaling ang Boros Jia sa kapitolyo, Maman," paalala niya rito, "nangunguna sa trading industry.""Wala pa rin sila sa listahan—""Parang tayo. Ngayon." Natahimik ang Maman sa kaniyang sinabi. Hindi niya nagustuhan ang pangmamaliit nito sa kaniyang ka

    Last Updated : 2021-07-08
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 5

    MIRANDAHindi alam ni Miranda kung saan siya nagkamali. Kung saan nag-umpisa iyon at kung paano niya iyon sana naiwasan. Siguro doon sa parteng binago niya ang unang plano at dumaan sa kaliwang bahagi ng mansyon—mas marami ang bantay ng orihinal niyang daan, wala siyang pagpipilian kundi ang libre at mas madali.Nakalimutan niyang wala nga palang madali sa mundong ito. Kaunti man ang bantay, marami naman ang camera sa puwestong iyon. Huli na noong napansin niyang nakuha siya sa akto. Nasa ikalawang palapag na siya at binabagtas ang daan papunta sa pinakagitnang bahagi ng De Leon Jia. Ang opisina ni Josen De Leon.Noong maisip niyang kakaunti na lang ang kaniyang oras, nagdesisyon siyang isabahala na ang ginto, alahas at pera—mas mahal sa panahong ito ang mga impormasyon. Kung sino-sino ang koneksyon ng De Leon Jia, sino ang kanilang supplier ng mga orig na armas, at sino ang sumusuporta sa kanila. Mahal pa sa isang kilong ginto an

    Last Updated : 2021-07-08
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 6

    JOSENKung may pinakaayaw man si Josen De Leon, iyon ay ang salitang 'abala'. Abala ang ginawang pagnanakaw ni Miranda Isle sa kanilang mansyon—ni hindi ito naisalba ang sarili palabas. Napakahinang nilalang. Abala rin ang pinsan nitong si David Isle na ngayo'y posibleng nabuko na ni Matteo.Josen did a brief check about Miranda and what he found out about her screams red flags for him. The woman was terrific. Hindi niya inasahan ang kahindik-hindik na nakaraan ng dalaga. The report doesn't contain anything to ruin her reputation as a woman but her record of being an opportunist and mild sadism was worthy of surprise.Inilabas ni Josen ang telepono at mabilis na tinawagan ang numero ng kapatid. Sa unang ring pa lamang ay tinanggap na nito ang tawag. Kaagad na nanlamig ang kaniyang mga kamay. Matt wasn't the type of person who brings his personal phone anywhere. Oftentimes, Josen had to contact his secretary. "Matteo, may n

    Last Updated : 2021-07-08
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 7

    MIRANDAMukhang hindi nga nagkamali si Miranda sa nauna niyang impresyon kay Josen. Diktador ito kahit sa maliliit na bagay at hindi tumatanggap ng pagkakamali. It's easy for her to deduce that Josen had kept this matter from his own father. Walang lalaking gaya nito na kayang tumanggap ng talo. Masyadong malaki ang pride nito.That made her walk back and forth inside the yacht's little living room. She stretched uncomfortable in her dress. Kahit ang tela ay nagpapakati sa kaniyang balat. She will curse this man to death kung mangyari nga iyon.Him and his inconvenient plans.Josen had his stern eyes on her the whole time. Alam ni Miranda na walang malisya dito. Kung titingnan nang maigi, baka nga ay gusto pa siya nitong itulak o hindi kaya ay ihulog sa dagat. She could only restrain herself from smirking. He can do nothing to her. For now. Subalit ayos na iyon upang makampante siya saglit.Hanggang sa pagkain ay hindi t

    Last Updated : 2021-07-08
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 8

    MIRANDAMabagal ang ginawang paghakbang ni Miranda palabas ng silid na ibinigay sa kaniya. Suot niya ang isang mamahaling blusa na binurdahan ng maraming bulaklak, sapatos na may mataas na takong at mabibigat na alahas sa katawan. Pati mga bukung-bukong niya ay hindi pinalampas!Pakiramdam ni Miranda ay isa siyang matandang dalaga dahil sa kaniyang get-up.May mas makapal ring kolorete sa kaniyang mukha—nilagyan pa siya ng nakabubulag sa kinang na mga padikit bilang abubot sa kaniyang pisngi! Hindi pa man naikakasal ay para na siyang ihahain para sa honeymoon. Kahit siya ay hindi makilala ang sarili sa salamin. Hindi niya man gusto ay aminado siyang sa lagay na ito, hindi siya makikilala ni David. Lalo naman si Josen.Iiyak ang kaniyang Maman habang iniisip na sa ganito na lamang nauwi ang kaniyang unica hija. Para siyang manikang pangkulto."Si Matteo ang sasalubong sa atin kasama ang pinsan mo," ani J

    Last Updated : 2021-07-08
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 9

    MIRANDANaging magaan ang hapunan nilang apat. Nagsasalita patungkol sa trabaho ang dalawang magkapatid habang sila ni David at Miranda ay tahimik lamang, pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi pinansin ni Miranda ang pabalik-balik na tingin ni Josen sa kaniya. Mula noong tumabi siya rito pagbaba ng yate ay nasa kaniya na lagi ang tingin nito. Siguro ay kinukuwestyon kung paano niya nakakaya ang magtiis sa kalagayan ngayon. Miranda felt as though she deserved the position on the highest pedestal. Magaling din pala siyang umarte!Lalo naman si David na kahit minsan ay hindi siya tiningnan o sinilip man lang. Miranda knew it because she's been focusing on him the whole time they're eating."Here, Miranda."Pinigilan ni Miranda na mapakislot sa malambing na pagtawag ni Matteo sa kaniyang pangalan. Naramdaman ni Josen ang paninigas ng kaniyang balikat bilang nakaupo sila sa isang mahabang silya at dikit na dikit. Ibinaba nito ang ka

    Last Updated : 2021-07-08
  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 10

    JOSENTo say that Josen was disappointed was an underestatement. Walang nahita ang ginawa niyang paghabol sa kapatid—hindi niya kayang puwersahin ito. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Miranda Isle took Matteo's attention—the problem is that, hindi naman talagang si Miranda ang katabi nito. Hindi ito dapat nangyari."Josen, ano?" Miranda pulled her hair. Inilihis ni Josen ang tingin mula sa inis nitong hitsura. Miranda Isle still looked great even if she's in a desperate situation. Ganito ba lahat ng Isle? Kung oo ay hindi na siya magtataka kung bakit nahumaling si Matteo kay David. Dapat pinagbabawalan ang mga Isle na maglakad nang walang buong takip sa katawan, eh!The woman is lithe. Gayunpaman ay may sapat na muscle ito ito upang hindi magmukhang patpatin.'Aesthetically slim.' Kahit si Josen ay nakuha nitong pabigkasin ng prosa. 'It's a pity that they bite.'It's not even the bi

    Last Updated : 2021-07-08

Latest chapter

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 16

    MIRANDAMay gustong manakit sa kanila ni Josen. Iyon ang alam ni Miranda. Dahil kung hindi, saan nanggaling ang kotseng iyon? She refused to think that there's another person out there who might be involved in the scheme at maging posibleng biktima. Sila itong papatakas.Was it Rigs? Naaalala ni Miranda, ito ang nagtawag ng taxi para kanilang masakyan. Although the idea is feasible, napaka-obvious naman kung ito iyon.But then, Rigs is a neophyte. Hindi masisisi ni Miranda ang lalaki kung iyon lang ang naisip nitong epektibong gawin upang magdispatsa ng tao. The thought made her laugh in panic. Ang baguhang iyon ay gamuntik ng magtagumpay na burahin ang mga potential heir ng Isle at De Leon.Kahanga-hanga.Josen, as the head security of the De Leon Jia, has another theory in mind. Ganoon pa man, he wouldn't tell Miranda what is it that is on his mind. Ang paulit-ulit nitong sinasabi ay ang tawagan si Karlo.

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 15

    MIRANDAIbinaba ni Miranda ang paningin sa mabatong bahagi ng dalampasigan. Inaayos pa ng mga tauhan ang kanilang magiging pagbaba. Malamig ang hangin dito at malansa sa ilong. Huminga siya nang malalim at muling inalala ang script na kaniyang inihanda habang nasa biyahe. Sumilip siya saglit sa mukha ni Josen bago madamdaming umirap dito. "Hindi parin ako makapaniwala, Josen. You chose that useless stone over my gold body? Sinayang mo ang oras ko, De Leon! Hindi ako makapaniwala na ganito pala kayo!" sigaw niya sa buong boses. "Ano nalang ang masasabi ng Aman ko? Ng aking Aya? Naloko ako ng isang De Leon, hah!"Humalukipkip din siya at panaka-nakang pumikit upang makita ang kaniyang inis. Nagdadalawang-isip siya sa panginginig ng pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay sobra na iyon. Napagdesisyonan niya na mayamaya nalang iyon gawin. Tutal ay hindi nakatingin ang mga bantay sa kaniya."Ms. Charmaine, kaya hindi ako makumpirmi na

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 14

    MIRANDAMiranda doesn't want to trust Josen easily. Turns out, she made the right choice. Matapos kasi ang ilang oras noong sila ay makauwi galing sa gubat, pinababa agad siya ni Birham para kuno ay makipag-usap kay Josen. That made her begin to grow weary. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Josen na ito.When she padded her way through the living room, she found Jahara's shit-eating grin immensely disturbing. Para bang napakasaya nito. Halos tumirik ang mga mata ni Miranda habang iniisip na baka umatras muli ang buntot ni Josen para sa babaeng ito. Tatanggalan niya talaga ng bayag ang lalaking 'yon. "Better say goodbye now, girl," sabi pa ni Jahara.Gusto niyang balikan ito upang bigwasan.Miranda flipped her hair and raise her middle finger as she went. Hindi inakala ng babae ang kaniyang reaksyon. Bumagsak ang panga nito. Miranda exerted an extra sway on her hips, showing her taunting skills that is rated top notch by

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 13

    JOSENIt was dark when the matter between him and Jahara had settled. Sa katunayan ay hindi naman naging maayos ang pag-uusap nila at hindi iyon naisaayos. Napuno ito ng walang katapusang sumbatan at pakapalan ng mukha. Sa huli, bigong umalis si Josen sa harap ng babae. Lalo pa noong banggitin nito ang kaniyang Aman at kung paano itong pumayag sa kagustuhan ng kaniyang ex-girlfriend.Kaya pala nalaman ni Jahara ang kaniyang kinaroroonan ngayon. Ihinatid pa pala ito mismo ng kaniyang Aman!Tinawagan ni Birham ang kaniyang Aman at nagsumbong. Ang tanging payo lang ng kaniyang ama ay, 'Huwag madaliin, pakiramdamang mabuti ang puso. Nakikita ko parang hindi kayo magkasundo ni Charmaine. This will help you both decide, okay?' Pakiramdaman? Pakiramdaman, alright! Gigil niyang tinahak ang daang sinabing pinuntahan ni Miranda.Mukhang nag-swimming ang babae ayon sa mga bantay. Sa bigat ng mga pangyayari kanina, naiiintindihan ni Josen ang kagu

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 12

    MIRANDAHindi pa man nakapagsisimula sa nais nilang gawin ay may dumating uling panggulo sa kanilang usapan. Sa pagkakataong ito, hindi kilala ni Miranda kung sino ang babaeng nagmamataas kung umasta na pumasok sa rest house. Ang alam lamang ni Miranda, nais niyang bangasan ang babae.Nagising siya dahil sa ingay na kaniyang narinig sa tanggapan ng bahay. Manipis ang bawat dingding kung kaya madali niyang nahagilap lahat ng sinabi ng panauhin nila ni Josen sa araw na iyon. Wala siyang nagustuhan sa mga sinabi nito.Nang malaman niyang ex-girlfriend iyon ni Josen, halos mapamura siya sa taste nito. Paano nito nagustuhan ang isang eskandalosa at napakaingay na babae? Mabuti na lamang at minsan lang mag-ingay si Mira at never, never siyang naging eskandalosa. Hindi niya aaminin iyon."...you brought that bitch here? In your Aman's place? The insult, Josen! This is downright insulting me as your ex!" tili ng babae, "Alam mo ba 'yon

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 11

    MIRANDAHindi naubusan ng posibilidad ang isip ni Miranda sa posibleng gawin ng Don sa kanila. Kitang kita na wala itong paki sa kung sinuman ang nais na pakasalan ng kaniyang mga anak. Ang importante lamang dito ay makasal ang mga ito. Hindi gaya sa kaniyang Maman na gahol sa yaman at reputasyon.Tumatanda na nga ang magkakapatid na De Leon. Hulog na sa kalendaryo si Josen, sunod naman ang kambal nitong mga kapatid. Dapat ngang maging aligaga ang Don. Baka hindi na nito maabutan ang pagkakaroon ng mga apo.Kung gayonman, sinong mamumuno sa De Leon Jia?Sa ngayon, para kay Miranda, hindi mainam si Josen. Lalo naman si Matteo. Hindi pa niya nakakasalamuha si Marco ngunit kung may pinagsamang ugali ito ng dalawang Aya, mas mabuting huwag na nga.Mas mainam kung maubos nalang ang lahi ng mga De Leon. Pagkatapos ng ilang dekada, mabubura din sila sa wakas sa listahan. Sa ganoon ay permanente.Nakaupo ang Don sa nag-ii

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 10

    JOSENTo say that Josen was disappointed was an underestatement. Walang nahita ang ginawa niyang paghabol sa kapatid—hindi niya kayang puwersahin ito. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Miranda Isle took Matteo's attention—the problem is that, hindi naman talagang si Miranda ang katabi nito. Hindi ito dapat nangyari."Josen, ano?" Miranda pulled her hair. Inilihis ni Josen ang tingin mula sa inis nitong hitsura. Miranda Isle still looked great even if she's in a desperate situation. Ganito ba lahat ng Isle? Kung oo ay hindi na siya magtataka kung bakit nahumaling si Matteo kay David. Dapat pinagbabawalan ang mga Isle na maglakad nang walang buong takip sa katawan, eh!The woman is lithe. Gayunpaman ay may sapat na muscle ito ito upang hindi magmukhang patpatin.'Aesthetically slim.' Kahit si Josen ay nakuha nitong pabigkasin ng prosa. 'It's a pity that they bite.'It's not even the bi

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 9

    MIRANDANaging magaan ang hapunan nilang apat. Nagsasalita patungkol sa trabaho ang dalawang magkapatid habang sila ni David at Miranda ay tahimik lamang, pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi pinansin ni Miranda ang pabalik-balik na tingin ni Josen sa kaniya. Mula noong tumabi siya rito pagbaba ng yate ay nasa kaniya na lagi ang tingin nito. Siguro ay kinukuwestyon kung paano niya nakakaya ang magtiis sa kalagayan ngayon. Miranda felt as though she deserved the position on the highest pedestal. Magaling din pala siyang umarte!Lalo naman si David na kahit minsan ay hindi siya tiningnan o sinilip man lang. Miranda knew it because she's been focusing on him the whole time they're eating."Here, Miranda."Pinigilan ni Miranda na mapakislot sa malambing na pagtawag ni Matteo sa kaniyang pangalan. Naramdaman ni Josen ang paninigas ng kaniyang balikat bilang nakaupo sila sa isang mahabang silya at dikit na dikit. Ibinaba nito ang ka

  • ISLE JIA — MONARKIYA (Tagalog)   KABANATA 8

    MIRANDAMabagal ang ginawang paghakbang ni Miranda palabas ng silid na ibinigay sa kaniya. Suot niya ang isang mamahaling blusa na binurdahan ng maraming bulaklak, sapatos na may mataas na takong at mabibigat na alahas sa katawan. Pati mga bukung-bukong niya ay hindi pinalampas!Pakiramdam ni Miranda ay isa siyang matandang dalaga dahil sa kaniyang get-up.May mas makapal ring kolorete sa kaniyang mukha—nilagyan pa siya ng nakabubulag sa kinang na mga padikit bilang abubot sa kaniyang pisngi! Hindi pa man naikakasal ay para na siyang ihahain para sa honeymoon. Kahit siya ay hindi makilala ang sarili sa salamin. Hindi niya man gusto ay aminado siyang sa lagay na ito, hindi siya makikilala ni David. Lalo naman si Josen.Iiyak ang kaniyang Maman habang iniisip na sa ganito na lamang nauwi ang kaniyang unica hija. Para siyang manikang pangkulto."Si Matteo ang sasalubong sa atin kasama ang pinsan mo," ani J

DMCA.com Protection Status