KABANATA 3
JOSEN
"Aman, seryoso ba ito?" Ibinagsak ni Matteo ang hawak na papel sa mesa. Ngumiwi si Josen sa marahas nitong reaksyon sa sinabi ng kanilang ama. Para sa kaniya, naging sobra ang inis na nadarama nito. Hindi naman ganoon kasama ang desisyon ng Don. But then, it's Matteo. "Gusto ninyong ikasal kami sa taong hindi namin kilala?"Si Matteo De Leon ang pinakaelegante sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang tagapamahala sa aspetong kalakalan. Kakambal ito ni Marco at mas matanda ng limang segundo. Ang obligasyon ni Marco ay sa politika. Isa siyang gobernador sa isang malayong syudad at minsanan lamang kung umuwi. Si Josen naman ang panganay sa kanila. Ang responsibilidad niya ay ang hukbo ng De Leon Jia at ang seguridad nito.Pinangalagaan nilang tatlo ang De Leon Jia habang ang Don Franco naman ang nagpapalago rito. Sinikap nilang maging mapayapa ang kanilang pamumuhay sa gitna ng maraming banta bilang ikalawang malakas na pamilya sa Asya ngunit dahil sa luho ng kaniyang ama, masisira ang kanilang relasyon sa isa't isa.Bagay na laging nangyayari; away sa pagitan ng pamilya. Hindi na siya magugulat kung buong taon na namang hindi magpapansinan ang mga ito.
Una sa lahat, ang pamilya De Leon ay puro lalaki na lamang. With the amount of tostesterone in the area, hindi na dapat ipagtaka ang pag-aaway ng mga ito.
"I've announced it. Ang mga imbitasyon ay naipadala na rin. Busy kayo sa trabaho—hindi ninyo nabasa ang mga liham ko." Nag-iwas ng tingin ang Don at tinanaw ang malawak na hardin. "Nalulungkot ang inyong Aman. Sobra. Kay liit lang ng oras na hinihingi ko para magbasa kayo—alam n'yo bang ako mismo ang nagsulat sa mga salitang 'yon? Bawat bantas, ako."
"Aman," pambabasag ni Matteo sa pagkukunwari nito, "ang isang mensahe mo'y batas para sa lahat. Kung may ipinadala nga kayong sobre, mabilis na darating sa 'min `yon. Quit this act, please."Natigilan ang Don. Sumimangot ang kanilang ama sa kawalan. "Oh, isang sumpa `yang katalinuhan mo, Matteo. Makikita mo kapag nakilala mo na sa ball ang iyong mapapangasawa—""Na siyang hindi mangyayari kung hindi ninyo ako pipilitin, Aman." Tumayo si Matteo at pinagpagan ang lapel ng suot na tailored suit. "Wala ng mas mababa pa sa taong ibibigay ang kaniyang sarili sa unang pagkikita. Where's the love in that? Aman, pera lang ang habol nila sa 'tin.""Aya, ang sabi kapag nakapili ka ay may tatlong buwan kayong mamamalagi sa isang isla para magpalagayan ng loob. May posibilidad ng pagkakaroon ng totohanang pag-ibig. Siguro sa inyo pero hindi sa 'kin. It depends." Nangunot ang noo ni Marco. "Hindi ako payag sa tatlong buwan, Aman. Sinong gagawa ng trabaho namin?"Ngumisi si Don Franco sa kanila. "Oh, don't you worry. May inutusan na ako. Darating siya sa susunod na linggo.""What!" singhal ni Matteo kay Marco, "You agreed to his whim?" Mapang-akusa ang tingin na iginawad nito kay Josen. "Don't tell me ikaw din, Aya?"Nagkibit-balikat si Josen kahit pa ang disgusto sa kaniyang sikmura ay nagpapahirap sa kaniyang huminga. Kinailangan niyang pumagitna sa mga ito bilang siya ang nakatatandang kapatid. "Tumatanda na rin ako. Hulog na `ko sa kalendaryo sa susunod na taon. Magandang oportunidad 'to para makapagsimula na ng pamilya.""But—" Napahilamos ng palad si Matteo. Pinangunutan ito ng noo ni Don Franco. "Ano ba talaga ang problema, Matteo?""May girlfriend na ako. Si Steff! Paano ko ipapaliwanag sa kaniya itong mangyayaring... ganito?" Kahit pa problemado ay walang kahit isang buhok ang wala sa lugar kay Matteo. Walang gusot ang suot nitong polo. For Josen, this guy looked like the rival party in any romance flicks. Ang problema lang ay wala itong amor. "I'll marry her.""You're telling us that as if you are about to order 90 proof poison, Matteo." Ngumisi si Marco. "Sigurado kang papakasalan mo si Steff?"Kahit ang ama nila ay kitang kita ang sagot sa tanong na iyon. Even Josen can see it clear as day that he didn't. Ang totoo niyan ay ayaw nito sa commitment. Nasasabi lang nito iyon dahil sa bigla at pagmamatigas.
"Yes! Mas mabuti nang siya kaysa kung sinu-sino riyan..." Matt's eyes darted everywhere but their eyes. Sa paraan pa lamang ng pag-iiwas nito ay alam nilang nagloloko lang ito.
Naaasiwa si Josen sa maarteng ugali ni Matteo. Ayaw nito sa hindi organisadong bagay. Kinikilabutan ito tuwing nakakakita ng maling paggamit ng mga kubyertos at hindi ito nag-abalang itago sa mga miron ang kakaiba niyang disgusto sa kahit anong magulo at marumi.Kung paano natagalan ni Matteo ang kalakaran sa sentro sa estadong iyan ay hindi niya alam.
Hindi ganoon si Marco kahit pa kakambal niya si Matteo. Payak ito, tuwid at may diretsong salita. Gusto ni Josen ang pag-uugali nito pero pantay ang pagmamahal niya sa dalawang kapatid. Walang nakakahigit kaysa sa isa. Sadyang nakakabanas lang ang ugali ng bawat isa madalas.Mabuti na lamang at nasanay na siya.
"Hindi ko alam kung paanong natatagalan ng kung sino `yang ugali mo, Matteo." Umiling ang Don. "Iiyak ka ng dugo oras na makilala mo ang tatapat sa `yo!"
"Hindi mangyayari `yan. I'll make sure that she won't change who I am. Ang mga taong pinipilit ng mga partner na magbago, should clearly find another. Kasi hindi sila gusto ng karelasyon nila sa kung ano sila mismo. Gusto pang binabago sila!"Umirap ang Don at namulsa. Tinanaw nito ang malawak na espasyo sa kanilang harapan. "Pinayagan ko ang pagpapadala ng isang sobre sa Isle Jia," kaswal nitong pahayag.Hindi napigilan ni Josen ang mapangiwi samantalang kuryosong iniangat lamang ni Matteo ang kilay. Kakaiba ang naging reaksyon ni Marco dahil naging blanko ang ekspresyon nito bilang tugon.Josen huffed. "Dinig ko nagpumilit si Doña Agatha. Naging masiyado kang mabait, Aman. Paano kung maging banta sila sa seguridad natin?"Hindi bingi ang lahat sa krisis na kinakaharap ng Isle Jia. Wala kahit isa sa mga malalakas na pamilya ang nais timumulong sa mga ito. Isle Jia bites the hand that feeds them. Ganito ang usap-usapan sa labas.
Umiling si Marco. "Hindi tayo babanggain ng Isle Jia nang wala silang backer. Sa ngayon, putol lahat ng koneksyon nila."
"Isle Jia?" Umiling si Matteo. "Walang may magandang asal sa pamilyang `yon. You shouldn't have invited them, Aman. Paano nalang ang reputasyon natin sa pagpapapasok natin sa kanila?""Hindi santo ang mga Jia, Matteo. Alam mo `yan," saway ng kanilang Aman. Tumikhim ito pagkatapos. "Tama si Marco. Hayaan n'yo silang makapasok pero bantayan nang maigi.""Hangad siguro ng Doña na may papansin sa unica hija ng Isle Jia," gatong ni Josen na siyang ginantimpalaan ng isang nagbababalang tingin mula sa kaniyang ama. Ngumisi siya. "Nagsasabi lang ng totoo, Aman.""Aman, si Steff. Paano na?"Suminghal si Marco. "Padalhan ng sobre ang babaeng `yan. Kunwari sa sayawan lang kayo unang nagkakilala pagkatapos siya ang iaanunsyong pinili mo. Tapos."Sinilip ni Josen ang tensyunadong ekspresyon ng kapatid saka napayuko. Bigla na lamang umangat ang inis dito.
Kalmadong tumango si Matteo at umambang aalis na. "Kayo na ang bahala riyan. Iyon lang ang problema ko sa party, Aman. Si Josen na ang bahala sa Isle Jia. Rinig ko ay mga barbaro sila. Not my thing."
Asar na pinanood ni Marco ang papalayong si Matteo. Umiling si Josen dito. "`Wag mo gayahin ang kayabangan no'n." Bumaling siya sa Don. "Aman, susundin ba natin `yong mungkahi ni Marco?"Kumurap ang Don. Lumabas ang hindi pantay nitong mga ngipin noong sarkastiko itong ngumiti. "Ayaw niya sa mga barbaro?""Ganoon talaga si Matteo, Aman. `Wag niyo iyong alalahanin.""`Wag alalahanin? Josen, hindi maganda ang tingin ng batang `yon sa mundo!"Napahilot sa sintido si Josen. "Aman..."Humalakhak sa pagkakataong iyon si Marco. "Aya, lagi mong pinagbibigyan si Aya Theo sa mga gusto nito. Let Aman do what he think is right."Pinandilatan ito ni Josen ngunit nag-iwas lamang ito ng tingin. Nagtataka siya kung bakit may nararamdaman siyang tila ba pumapanig ito sa Isle Jia. Tumango ang Don. "Tama si Marco. Josen, `nak, magiging busy ka sa paghahanda. Mabuting mag-umpisa na kayo sa pag-iisip ng mga nais ninyong idagdag bilang pang-aliw sa ating kasiyahan. Iyong ikatutuwa ng ina ninyo sa langit, okay?""Yes, Aman!" Bagsak ang balikat na sumang-ayon si Josen. Iniisip kung paano iiwasan ang sayawan sa araw na iyon nang hindi binibigo ang kaniyang Aman at ina sa langit. Sa totoo lang ay dagdag pagsasayang lamang ng oras ang maghahanap ng mapapangasawa. Gusto niya ng tahimik na buhay!"Ikaw rin, Marco.""Opo, Aman."Sabay na umalis ng hardin ang dalawang magkapatid. Noong umabot na sila sa pinto ay tinawag ng Don si Marco. Mabilis na lumingon ang lalaki. Pinanood ni Josen ang dalawa habang nakapamulsa. "Ano `yon, Aman?""Ayos ka ba sa ginawa ng Aman?" nahihiyang tanong ng Don. Napangiti si Josen."Opo, Aman." Napakislot si Josen noong marinig ang lalim ng boses ni Marco. Nagbago ang tono nito. Hindi ito ayos. "Para sa amin ang ginawa ng Aman."Nakahinga nang maluwag si Don Franco. Hindi malaman ni Josen kung talagang napaniwala ito o sadyang tamad lamang alamin kung anong mayro'n kay Marco. Inusisa niya ang bunso noong makaalis na sila nang tuluyan sa hardin."Marco, may problema ba?" Binilisan niya ang paghakbang upang maabutan ito. "Magsabi ka kay Aya. Makikinig ako."Mabilis na lumingon si Marco. "Aya, kilala mo ba kung sino ang papalit sa 'tin oras na magbakasyon tayo?"Napasimangot si Josen. Nawala iyon sa isip niya noong marinig ang salitang 'magpakasal'. Kahit salita lamang iyon, binabago noon ang takbo ng buhay sa hinaharap ng isang lalaki. Puwedeng masama o mabuti."Bakit?"Ngumisi si Marco at humalukipkip. "Isang tao ang hahawak ng trabaho nating tatlo sa loob ng tatlong buwan."Kinilabutan si Josen dahil doon. "Huh, kakaiba nga iyon. Baka isang mahikero?"Nag-iwas ng tingin si Marco. "Hindi mo rin alam," bulong nito."May ideya ka?" tanong niya, "Sino?"Nalukot ang mukha ni Marco. "Wala, Aya. Nagtataka lang ako. Iyon lang."Nagpatiuna ito at hindi siya nilingon noong maglakad ito paalis ng mansyon. Naiwan si Josen na nakatitig sa papalayo nitong katawan. Mukhang may itinatago si Marco ngunit hindi siya sigurado.Maging siya ay hindi na kilala ang mga kapatid.Naging malapit sila noong pagkabata. Sabay na nag-aral sa isang eskwelahan, at sabay na lumaki. Kahit sa pagtulog ay sa iisang silid lamang sila inilalagay noon! Nang tumuntong sila sa hustong edad na bente uno, pumihit sa hindi makitang bilis ang takbo ng kanilang relasyon.Itinapon sa kanila ang kaniya-kaniyang responsibilidad. Sa loob ng mahabang panahon ay mga gawaing magpapabuti sa De Leon Jia ang kanilang inisip. Umabot sa puntong tuwing annual ball na lamang ng De Leon Jia sila nagkikita—madalas ay nag-aaway-away pa o hindi kaya busy sa trabaho.Ngayon lamang sila naging libre. Sa paraan pang kahit isa sa kanila ay hindi gusto.Pinaghirapan nilang palaguin ang pamilya De Leon sa maraming aspeto subalit kapalit ng paglagong iyon ay paglayo rin ng agwat nila sa isa't isa. Pamilya kapalit ng karangalan. Bilang panganay ay ayaw niya sa ganito.Maagang naulila sa ina silang tatlong magkapatid pero lumaki silang tila naroon pa rin ito dahil sa kwento, mga litrato at recipe na iniwan nito sa kanila. Hindi naabutan ni Josen ang ina ngunit alam niyang napakaganda at napakabuti nito. Naging masaya ito sa piling ng kaniyang Aman kahit saglit lamang.Gusto ni Josen na magkaroon ng ganoon. Isang pamilya na bubuuin niya katabi ang isang babaeng siya mismo ang nakatuklas nang hindi iniutos ng kaniyang Aman. Hangad niya iyong natural na kuwento ng pagmamahalan. Hindi itong tila inareglong kasalan.Walang taong makikilala ang isa't isa sa loob lamang ng tatlong buwan! Kahit si Matteo na pitong taon nang kasintahan si Steff Genio ay hindi nito naisipang pakasalan—ngayon lamang na napipilitan ito.Kahit anong gawin niya, hindi niya magawang aluin ang sarili at masabing ayos lang ang lahat ng ito. Alam niya mula sa kaniyang mga buto na mali ang ganito. Subalit huli na para ilabas ang boses ng isang anak na buong buhay ay nagtatago sa balat ng isang masunuring tao. Sa sobrang pag-oo, nakalimutan na niya kung paano ang humindi.MIRANDA"Hija! Maman doesn't understand— bakit ayaw mong nandito ang Maman habang binibihisan ka?" Malakas na hinila ng ina ni Miranda ang pangharap na bahagi ng kaniyang bestida, umaaasang may iaaangat pa ang maliit niyang dibdib. "Nako, Miranda. You should put a more happy face! `Nak, 'wag ka masiyadong sumimangot. Paano kapag natakot sa `yo ang mga anak ni Don Franco?"Ngumiti si Miranda. Mas mainam pa nga ba mahindik ang nga ito sa kaniya at manakbo. Mas malayo, mas maganda. "Handa na po ba si David? Naayusan na po ba siya?""Yes, naman." Sumimangot ito. "Ayokong isipin na nanghingi ka ng isang maliit na sobre sa mababang Shanelle Boros na `yon, `nak.""Magaling ang Boros Jia sa kapitolyo, Maman," paalala niya rito, "nangunguna sa trading industry.""Wala pa rin sila sa listahan—""Parang tayo. Ngayon." Natahimik ang Maman sa kaniyang sinabi. Hindi niya nagustuhan ang pangmamaliit nito sa kaniyang ka
MIRANDAHindi alam ni Miranda kung saan siya nagkamali. Kung saan nag-umpisa iyon at kung paano niya iyon sana naiwasan. Siguro doon sa parteng binago niya ang unang plano at dumaan sa kaliwang bahagi ng mansyon—mas marami ang bantay ng orihinal niyang daan, wala siyang pagpipilian kundi ang libre at mas madali.Nakalimutan niyang wala nga palang madali sa mundong ito. Kaunti man ang bantay, marami naman ang camera sa puwestong iyon. Huli na noong napansin niyang nakuha siya sa akto. Nasa ikalawang palapag na siya at binabagtas ang daan papunta sa pinakagitnang bahagi ng De Leon Jia. Ang opisina ni Josen De Leon.Noong maisip niyang kakaunti na lang ang kaniyang oras, nagdesisyon siyang isabahala na ang ginto, alahas at pera—mas mahal sa panahong ito ang mga impormasyon. Kung sino-sino ang koneksyon ng De Leon Jia, sino ang kanilang supplier ng mga orig na armas, at sino ang sumusuporta sa kanila. Mahal pa sa isang kilong ginto an
JOSENKung may pinakaayaw man si Josen De Leon, iyon ay ang salitang 'abala'. Abala ang ginawang pagnanakaw ni Miranda Isle sa kanilang mansyon—ni hindi ito naisalba ang sarili palabas. Napakahinang nilalang. Abala rin ang pinsan nitong si David Isle na ngayo'y posibleng nabuko na ni Matteo.Josen did a brief check about Miranda and what he found out about her screams red flags for him. The woman was terrific. Hindi niya inasahan ang kahindik-hindik na nakaraan ng dalaga. The report doesn't contain anything to ruin her reputation as a woman but her record of being an opportunist and mild sadism was worthy of surprise.Inilabas ni Josen ang telepono at mabilis na tinawagan ang numero ng kapatid. Sa unang ring pa lamang ay tinanggap na nito ang tawag. Kaagad na nanlamig ang kaniyang mga kamay. Matt wasn't the type of person who brings his personal phone anywhere. Oftentimes, Josen had to contact his secretary. "Matteo, may n
MIRANDAMukhang hindi nga nagkamali si Miranda sa nauna niyang impresyon kay Josen. Diktador ito kahit sa maliliit na bagay at hindi tumatanggap ng pagkakamali. It's easy for her to deduce that Josen had kept this matter from his own father. Walang lalaking gaya nito na kayang tumanggap ng talo. Masyadong malaki ang pride nito.That made her walk back and forth inside the yacht's little living room. She stretched uncomfortable in her dress. Kahit ang tela ay nagpapakati sa kaniyang balat. She will curse this man to death kung mangyari nga iyon.Him and his inconvenient plans.Josen had his stern eyes on her the whole time. Alam ni Miranda na walang malisya dito. Kung titingnan nang maigi, baka nga ay gusto pa siya nitong itulak o hindi kaya ay ihulog sa dagat. She could only restrain herself from smirking. He can do nothing to her. For now. Subalit ayos na iyon upang makampante siya saglit.Hanggang sa pagkain ay hindi t
MIRANDAMabagal ang ginawang paghakbang ni Miranda palabas ng silid na ibinigay sa kaniya. Suot niya ang isang mamahaling blusa na binurdahan ng maraming bulaklak, sapatos na may mataas na takong at mabibigat na alahas sa katawan. Pati mga bukung-bukong niya ay hindi pinalampas!Pakiramdam ni Miranda ay isa siyang matandang dalaga dahil sa kaniyang get-up.May mas makapal ring kolorete sa kaniyang mukha—nilagyan pa siya ng nakabubulag sa kinang na mga padikit bilang abubot sa kaniyang pisngi! Hindi pa man naikakasal ay para na siyang ihahain para sa honeymoon. Kahit siya ay hindi makilala ang sarili sa salamin. Hindi niya man gusto ay aminado siyang sa lagay na ito, hindi siya makikilala ni David. Lalo naman si Josen.Iiyak ang kaniyang Maman habang iniisip na sa ganito na lamang nauwi ang kaniyang unica hija. Para siyang manikang pangkulto."Si Matteo ang sasalubong sa atin kasama ang pinsan mo," ani J
MIRANDANaging magaan ang hapunan nilang apat. Nagsasalita patungkol sa trabaho ang dalawang magkapatid habang sila ni David at Miranda ay tahimik lamang, pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi pinansin ni Miranda ang pabalik-balik na tingin ni Josen sa kaniya. Mula noong tumabi siya rito pagbaba ng yate ay nasa kaniya na lagi ang tingin nito. Siguro ay kinukuwestyon kung paano niya nakakaya ang magtiis sa kalagayan ngayon. Miranda felt as though she deserved the position on the highest pedestal. Magaling din pala siyang umarte!Lalo naman si David na kahit minsan ay hindi siya tiningnan o sinilip man lang. Miranda knew it because she's been focusing on him the whole time they're eating."Here, Miranda."Pinigilan ni Miranda na mapakislot sa malambing na pagtawag ni Matteo sa kaniyang pangalan. Naramdaman ni Josen ang paninigas ng kaniyang balikat bilang nakaupo sila sa isang mahabang silya at dikit na dikit. Ibinaba nito ang ka
JOSENTo say that Josen was disappointed was an underestatement. Walang nahita ang ginawa niyang paghabol sa kapatid—hindi niya kayang puwersahin ito. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Miranda Isle took Matteo's attention—the problem is that, hindi naman talagang si Miranda ang katabi nito. Hindi ito dapat nangyari."Josen, ano?" Miranda pulled her hair. Inilihis ni Josen ang tingin mula sa inis nitong hitsura. Miranda Isle still looked great even if she's in a desperate situation. Ganito ba lahat ng Isle? Kung oo ay hindi na siya magtataka kung bakit nahumaling si Matteo kay David. Dapat pinagbabawalan ang mga Isle na maglakad nang walang buong takip sa katawan, eh!The woman is lithe. Gayunpaman ay may sapat na muscle ito ito upang hindi magmukhang patpatin.'Aesthetically slim.' Kahit si Josen ay nakuha nitong pabigkasin ng prosa. 'It's a pity that they bite.'It's not even the bi
MIRANDAHindi naubusan ng posibilidad ang isip ni Miranda sa posibleng gawin ng Don sa kanila. Kitang kita na wala itong paki sa kung sinuman ang nais na pakasalan ng kaniyang mga anak. Ang importante lamang dito ay makasal ang mga ito. Hindi gaya sa kaniyang Maman na gahol sa yaman at reputasyon.Tumatanda na nga ang magkakapatid na De Leon. Hulog na sa kalendaryo si Josen, sunod naman ang kambal nitong mga kapatid. Dapat ngang maging aligaga ang Don. Baka hindi na nito maabutan ang pagkakaroon ng mga apo.Kung gayonman, sinong mamumuno sa De Leon Jia?Sa ngayon, para kay Miranda, hindi mainam si Josen. Lalo naman si Matteo. Hindi pa niya nakakasalamuha si Marco ngunit kung may pinagsamang ugali ito ng dalawang Aya, mas mabuting huwag na nga.Mas mainam kung maubos nalang ang lahi ng mga De Leon. Pagkatapos ng ilang dekada, mabubura din sila sa wakas sa listahan. Sa ganoon ay permanente.Nakaupo ang Don sa nag-ii
MIRANDAMay gustong manakit sa kanila ni Josen. Iyon ang alam ni Miranda. Dahil kung hindi, saan nanggaling ang kotseng iyon? She refused to think that there's another person out there who might be involved in the scheme at maging posibleng biktima. Sila itong papatakas.Was it Rigs? Naaalala ni Miranda, ito ang nagtawag ng taxi para kanilang masakyan. Although the idea is feasible, napaka-obvious naman kung ito iyon.But then, Rigs is a neophyte. Hindi masisisi ni Miranda ang lalaki kung iyon lang ang naisip nitong epektibong gawin upang magdispatsa ng tao. The thought made her laugh in panic. Ang baguhang iyon ay gamuntik ng magtagumpay na burahin ang mga potential heir ng Isle at De Leon.Kahanga-hanga.Josen, as the head security of the De Leon Jia, has another theory in mind. Ganoon pa man, he wouldn't tell Miranda what is it that is on his mind. Ang paulit-ulit nitong sinasabi ay ang tawagan si Karlo.
MIRANDAIbinaba ni Miranda ang paningin sa mabatong bahagi ng dalampasigan. Inaayos pa ng mga tauhan ang kanilang magiging pagbaba. Malamig ang hangin dito at malansa sa ilong. Huminga siya nang malalim at muling inalala ang script na kaniyang inihanda habang nasa biyahe. Sumilip siya saglit sa mukha ni Josen bago madamdaming umirap dito. "Hindi parin ako makapaniwala, Josen. You chose that useless stone over my gold body? Sinayang mo ang oras ko, De Leon! Hindi ako makapaniwala na ganito pala kayo!" sigaw niya sa buong boses. "Ano nalang ang masasabi ng Aman ko? Ng aking Aya? Naloko ako ng isang De Leon, hah!"Humalukipkip din siya at panaka-nakang pumikit upang makita ang kaniyang inis. Nagdadalawang-isip siya sa panginginig ng pang-ibabang labi. Pakiramdam niya ay sobra na iyon. Napagdesisyonan niya na mayamaya nalang iyon gawin. Tutal ay hindi nakatingin ang mga bantay sa kaniya."Ms. Charmaine, kaya hindi ako makumpirmi na
MIRANDAMiranda doesn't want to trust Josen easily. Turns out, she made the right choice. Matapos kasi ang ilang oras noong sila ay makauwi galing sa gubat, pinababa agad siya ni Birham para kuno ay makipag-usap kay Josen. That made her begin to grow weary. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Josen na ito.When she padded her way through the living room, she found Jahara's shit-eating grin immensely disturbing. Para bang napakasaya nito. Halos tumirik ang mga mata ni Miranda habang iniisip na baka umatras muli ang buntot ni Josen para sa babaeng ito. Tatanggalan niya talaga ng bayag ang lalaking 'yon. "Better say goodbye now, girl," sabi pa ni Jahara.Gusto niyang balikan ito upang bigwasan.Miranda flipped her hair and raise her middle finger as she went. Hindi inakala ng babae ang kaniyang reaksyon. Bumagsak ang panga nito. Miranda exerted an extra sway on her hips, showing her taunting skills that is rated top notch by
JOSENIt was dark when the matter between him and Jahara had settled. Sa katunayan ay hindi naman naging maayos ang pag-uusap nila at hindi iyon naisaayos. Napuno ito ng walang katapusang sumbatan at pakapalan ng mukha. Sa huli, bigong umalis si Josen sa harap ng babae. Lalo pa noong banggitin nito ang kaniyang Aman at kung paano itong pumayag sa kagustuhan ng kaniyang ex-girlfriend.Kaya pala nalaman ni Jahara ang kaniyang kinaroroonan ngayon. Ihinatid pa pala ito mismo ng kaniyang Aman!Tinawagan ni Birham ang kaniyang Aman at nagsumbong. Ang tanging payo lang ng kaniyang ama ay, 'Huwag madaliin, pakiramdamang mabuti ang puso. Nakikita ko parang hindi kayo magkasundo ni Charmaine. This will help you both decide, okay?' Pakiramdaman? Pakiramdaman, alright! Gigil niyang tinahak ang daang sinabing pinuntahan ni Miranda.Mukhang nag-swimming ang babae ayon sa mga bantay. Sa bigat ng mga pangyayari kanina, naiiintindihan ni Josen ang kagu
MIRANDAHindi pa man nakapagsisimula sa nais nilang gawin ay may dumating uling panggulo sa kanilang usapan. Sa pagkakataong ito, hindi kilala ni Miranda kung sino ang babaeng nagmamataas kung umasta na pumasok sa rest house. Ang alam lamang ni Miranda, nais niyang bangasan ang babae.Nagising siya dahil sa ingay na kaniyang narinig sa tanggapan ng bahay. Manipis ang bawat dingding kung kaya madali niyang nahagilap lahat ng sinabi ng panauhin nila ni Josen sa araw na iyon. Wala siyang nagustuhan sa mga sinabi nito.Nang malaman niyang ex-girlfriend iyon ni Josen, halos mapamura siya sa taste nito. Paano nito nagustuhan ang isang eskandalosa at napakaingay na babae? Mabuti na lamang at minsan lang mag-ingay si Mira at never, never siyang naging eskandalosa. Hindi niya aaminin iyon."...you brought that bitch here? In your Aman's place? The insult, Josen! This is downright insulting me as your ex!" tili ng babae, "Alam mo ba 'yon
MIRANDAHindi naubusan ng posibilidad ang isip ni Miranda sa posibleng gawin ng Don sa kanila. Kitang kita na wala itong paki sa kung sinuman ang nais na pakasalan ng kaniyang mga anak. Ang importante lamang dito ay makasal ang mga ito. Hindi gaya sa kaniyang Maman na gahol sa yaman at reputasyon.Tumatanda na nga ang magkakapatid na De Leon. Hulog na sa kalendaryo si Josen, sunod naman ang kambal nitong mga kapatid. Dapat ngang maging aligaga ang Don. Baka hindi na nito maabutan ang pagkakaroon ng mga apo.Kung gayonman, sinong mamumuno sa De Leon Jia?Sa ngayon, para kay Miranda, hindi mainam si Josen. Lalo naman si Matteo. Hindi pa niya nakakasalamuha si Marco ngunit kung may pinagsamang ugali ito ng dalawang Aya, mas mabuting huwag na nga.Mas mainam kung maubos nalang ang lahi ng mga De Leon. Pagkatapos ng ilang dekada, mabubura din sila sa wakas sa listahan. Sa ganoon ay permanente.Nakaupo ang Don sa nag-ii
JOSENTo say that Josen was disappointed was an underestatement. Walang nahita ang ginawa niyang paghabol sa kapatid—hindi niya kayang puwersahin ito. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Miranda Isle took Matteo's attention—the problem is that, hindi naman talagang si Miranda ang katabi nito. Hindi ito dapat nangyari."Josen, ano?" Miranda pulled her hair. Inilihis ni Josen ang tingin mula sa inis nitong hitsura. Miranda Isle still looked great even if she's in a desperate situation. Ganito ba lahat ng Isle? Kung oo ay hindi na siya magtataka kung bakit nahumaling si Matteo kay David. Dapat pinagbabawalan ang mga Isle na maglakad nang walang buong takip sa katawan, eh!The woman is lithe. Gayunpaman ay may sapat na muscle ito ito upang hindi magmukhang patpatin.'Aesthetically slim.' Kahit si Josen ay nakuha nitong pabigkasin ng prosa. 'It's a pity that they bite.'It's not even the bi
MIRANDANaging magaan ang hapunan nilang apat. Nagsasalita patungkol sa trabaho ang dalawang magkapatid habang sila ni David at Miranda ay tahimik lamang, pinakikiramdaman ang bawat isa. Hindi pinansin ni Miranda ang pabalik-balik na tingin ni Josen sa kaniya. Mula noong tumabi siya rito pagbaba ng yate ay nasa kaniya na lagi ang tingin nito. Siguro ay kinukuwestyon kung paano niya nakakaya ang magtiis sa kalagayan ngayon. Miranda felt as though she deserved the position on the highest pedestal. Magaling din pala siyang umarte!Lalo naman si David na kahit minsan ay hindi siya tiningnan o sinilip man lang. Miranda knew it because she's been focusing on him the whole time they're eating."Here, Miranda."Pinigilan ni Miranda na mapakislot sa malambing na pagtawag ni Matteo sa kaniyang pangalan. Naramdaman ni Josen ang paninigas ng kaniyang balikat bilang nakaupo sila sa isang mahabang silya at dikit na dikit. Ibinaba nito ang ka
MIRANDAMabagal ang ginawang paghakbang ni Miranda palabas ng silid na ibinigay sa kaniya. Suot niya ang isang mamahaling blusa na binurdahan ng maraming bulaklak, sapatos na may mataas na takong at mabibigat na alahas sa katawan. Pati mga bukung-bukong niya ay hindi pinalampas!Pakiramdam ni Miranda ay isa siyang matandang dalaga dahil sa kaniyang get-up.May mas makapal ring kolorete sa kaniyang mukha—nilagyan pa siya ng nakabubulag sa kinang na mga padikit bilang abubot sa kaniyang pisngi! Hindi pa man naikakasal ay para na siyang ihahain para sa honeymoon. Kahit siya ay hindi makilala ang sarili sa salamin. Hindi niya man gusto ay aminado siyang sa lagay na ito, hindi siya makikilala ni David. Lalo naman si Josen.Iiyak ang kaniyang Maman habang iniisip na sa ganito na lamang nauwi ang kaniyang unica hija. Para siyang manikang pangkulto."Si Matteo ang sasalubong sa atin kasama ang pinsan mo," ani J