Home / Romance / Eternal Flame / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Eternal Flame: Chapter 1 - Chapter 10

41 Chapters

Chapter 1

Isang payapang umaga na naman at normal lang din gaya ng pagpasok ko sa trabaho. Katulad din ng salubong ng bagong umaga ang araw-araw na ginagawa ni Ren, sinusundo niya pa rin ako pagkatapos ng trabaho. Pero ako naman di naaapektuhan sa mga ginagawa niyang iyon. Balita sa lugar na ito na isa siyang playboy gaya ng bestfriend niya. Kaya hindi na din ako magtataka kung bakit niya 'to ginagawa. Gusto niya sigurong makuha ako. Pero nagkamali siya ng target ngayon dahil hindi ako interesado. "Wala ka ba talagang balak sagutin ang isang 'yon Laine? Lagi naman siyang nandyan para sunduin ka saka dinadalan ka pa niya ng mga pagkain." imik bigla ni Dionne habang naghuhugas ng pinggan. "Hindi ko alam, malay mo." pabiro kong sagot ng may ngiti sa aking labi. "Ikaw talaga, ang hiwaga mo laging sumagot." natatawa niyang sabi. Madami na din a
Read more

Chapter 2

Ilang araw na ko sa ospital. Pero kahit na madali lang sana akong gumaling ay parang naging kritikal pa ang pagbubuntis ko. Sinabi ng doctor na dahil daw sa stress. Kaya din daw hindi pa maayos ang lagay ko. Pinipilit ko ng maging maayos na ang kalagayan ko dahil naisip kong ang laki na ng babayaran ko sa ospital. Paano kaya ang gagawin ko sa buhay ko ngayon? Habang nasa rooftop ako at nag-iisip, dama ko ang malamig na hangin. Namimiss ko 'yong mga araw na masaya pa ko at buo pa ang pamilya ko. I miss my mom and dad. I want to be with them. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang masayang nakaraan. "Mom! Ayaw ko po niyan." "Com'on princess, that dress is very beautiful to you." Dad said. "I told you." Mom smiled. Hayyy. Kailan kaya ako makakabili ng gusto kong style ngayon? Ang kuli
Read more

Chapter 3

Nang makita ko ulit si Shin na pumasok, parang nagliwanag ang araw ko. Kailangan kong magsorry sa kanya. Saka kailangan ko rin palang mag-thank you dahil ginawa niya 'yong report namin. Ang talino niya para gumawa ulit ng report. Inulit niya lahat ng ginawa ko. "Shin!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin kahit nakita naman niya ko. Hindi niya ba narinig na siya 'yong tinatawag ko? Sa bagay, kung iisipin nga naman. Parang hindi 'yon mangyayari dahil sa ang sama ng attitude ko sa kanya. "Shin. Bakit di ka pumasok last week?" tanong ko pero nakasubsob pa rin siya sa braso niya na nasa desk. I don't know kung nakatulog siya. Pero kakapasok lang namin ng room ah? "Shin! Sabay tayong kumain sa cafeteria." aya ko ng makalapit ako sa kanya. Lunch time na kasi namin ngayon. "Oy! Hello? Hindi mo ba ko naririnig?"
Read more

Chapter 4

Kasalukuyan kaming kumakain ni Shin pero hindi ko maiwasang tingnan siya ng may tanong sa aking isip. Hindi niya kasi ako inaasar ngayon. Kaya iniisip ko kung may nangyari ba. "Bakit ganyan kang makatingin sa'kin? May gusto ka pa bang ibang pagkain?" "I'm full. Kakaiba lang kasi ang kilos mo ngayon." Natawa siya sa sinabi ko bago ulit nagsalita. "You're just being paranoid." "Hindi noh. Saka may sakit ka na pala, bakit lumabas ka pa ng bahay niyo?" tanong ko. Nabanggit kasi niya na medyo masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok sa klase. Pero hindi naman daw malala. Sa tingin ko nga mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon, kumpara ng sinundo niya ko sa school kanina. Baka nga siguro nagugutom lang siya. Sandali siyang nag-isip, pero hindi na din niya naituloy ang sasabihin d
Read more

Chapter 5

Hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko matapos kong makita ang nangyari sa aking mga magulang. Dahil sa dami ng galit na tao sa nangyaring insidente sa aming kumpanya. Hindi ko na din pinatagal ang funeral nila mom and dad. Ayokong hanggang sa ganitong pangyayari ay makita ko pang nagagalit ang tao sa kanila. Hindi ko kakayanin na marinig ang kahit anong sasabihin nila sa aking mga magulang. Nakatingin ako sa puntod nila mom and dad. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko inaasahan na ngayon, wala na sila. Mag-isa na lang ako. At hindi ko din alam kung paano pa ako mabubuhay. "Mom, dad. I miss you so much." Hindi ko pa rin maiwang mapaluha habang nababasa ko ang pangalan nila sa lapida. "I'm sorry. Wala po akong nagawa para pigilan na mangyari 'to. I'm still weak for this. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili na bigyan ng ganitong sitwasyon." 
Read more

Chapter 6

Ngayon ay nasa bahay na ko ni Mr. Edgar. Hindi ako makapaniwala na kukunin ko din ang tulong na inaalok niya. Actually, I usually do everything on my own. Ayoko kasing nakakaabala ako sa mga tao. But this time, I know that I can't fix it alone. Maybe I can be just a good girl to him like his own daughter or granddaughter. "Go to your room now. Pinahanda ko na 'yon." sabi ni Mr. Edgar ng makarating kami sa living room. Gaya nga ng inaasahan ko, napakalawak ng mansyon na tinitirhan niya. Medyo nahihiya tuloy akong gumalaw dahil naiisip ko na parang ginagamit ko ang yaman ni Mr. Edgar para masolusyonan ang problema ko. Pero utang lang naman 'to. Babayaran ko naman ang lahat ng magagastos niya sa tulong na 'to. "Thank you po for your help." sabi ko nang makita ko na ang maid na dumating para ituro kung saan ang kwarto ko. "It's too early to say that, Mira."
Read more

Chapter 7

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung dapat pa ba kong magalit ngayon dahil sa pinalagpas ko naman na ang nangyari. "Akala ko naman nalimutan mo na ko agad eh." natatawa niyang sabi. "Kung akala mong natuwa ako sa ginawa mo. Hindi." sabi ko. Siya 'yong humalik sa'kin. Hindi ako makapaniwalang ang lakas ng loob niyang lapitan ako pagkatapos ng ginawa niya. Tawa pa rin siya ng tawa. Napaka-feeling close niya sa'kin. "Bahala ka na dyan sa buhay mo. Madami pa kong gagawin." pagputol ko sa usapan namin dahil nasasayang lang ang oras ko. "Ooops. Wait lang." Tumigil ako sa paglalakad at tamad na tumingin sa kanya. "You're a rich guy kaya siguro wala kang magawa. Hindi mo ko kagaya. Kaya maghiwalay na tayo ng landas. Okay?" Tumalikod na ulit ako
Read more

Chapter 8

Umaga na at halos hindi ko alam kung paano ako haharap kay Mr. Edgar matapos lahat ng nakita ko kagabi.Kanina pa ko sumisilip sa labas kung may tao na ba, pagkatapos hihiga lang din ako ulit sa kama. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya, pero hindi pa rin magandang dahilan ang kahit ano para pumatay ka ng isang tao. Narinig kong may kumatok sa aking kwarto habang nakahiga at nag-iisip ako sa kama. Hindi ko nagawang lapitan yo'n o sumagot man lang para magtanong.Nakailang katok sa aking pinto hanggang sa may nagsalita na rin. "Mira, ayos ka lang ba? Gising ka na ba?" Kinilabutan ako ng malaman kong si Mr. Edgar ang kumakatok. Naiisip ko, paano na lang kung magalit siya sa'kin at bigla niya kong patayin? Saka paano kapag nalaman niyang nakita ko lahat ng nangyari kagabi? Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa a
Read more

Chapter 9

Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang humarap sa taong nakahuli sa'kin sa pag-alis ko. Alam kong pwede akong mamatay ngayong oras na 'to. "Hindi ko gustong mamatay, kaya nga ako aalis." "Katapusan na ng buhay mo sa oras na lumabas ka sa pinto na yan." "Bakit? Kapag nag-stay ako dito. Sigurado kong papatayin niyo rin ako." "Hindi ka niya papatayin. Hindi mo ba nakikita 'yon?" This time, tumingin na ko sa kanya. "Alam kong papatayin niya ko. Bakit ba nagsisinungalin ka pa sa'kin? Nakita ko lahat, alam kong alam mo 'yon." "Mahalaga ka sa kanya, kung may dahilan man siya para patayin ka. Iyon ay kung iiwan mo siya." Saglit akong natawa sa sinabi niya. "Wala siyang awa. Kaya bakit ako maniniw
Read more

Chapter 10

Nasa puntod ako ngayon nila mom at dad. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa kalagayan ko ngayon. Ang hirap kapag dumadating ka sa punto na gusto mo ng umalis sa isang sitwasyon pero hindi mo pa magagawa. Isa sa pinaka-hindi ko gustong bagay ay 'yong wala akong magawa para sa sitwasyon ko kapag nahihirapan na ko. Lahat naman ng tao pangarap na mabuhay ng tahimik at masaya. Kaya kapag sobra ng nahihirapan sa isang bagay, okey lang din kung bitawan mo na kapag sinubukan mo naman ng buong lakas mo pero hindi mo talaga kaya. "Mom, dad. Hindi ko po akalain na malakas din pala ako tulad niyo. Kasi sa kabila ng lahat, ito pa rin po ako at hindi sumusuko. Wala po kayong dapat alalahanin sa'kin, kaya ko na po ngayon ang sarili ko." Ngumiti ako matapos kong sabihin 'yon. Ano kayang naghihintay sa mga susunod na buwan? Magiging masaya pa kaya ako kagaya ng panahong kasama ko sila mom and dad? 
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status