Share

Eternal Flame
Eternal Flame
Author: TaigaHopeRainbow

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2021-07-03 14:15:21

Isang payapang umaga na naman at normal lang din gaya ng pagpasok ko sa trabaho.

Katulad din ng salubong ng bagong umaga ang araw-araw na ginagawa ni Ren, sinusundo niya pa rin ako pagkatapos ng trabaho. Pero ako naman di naaapektuhan sa mga ginagawa niyang iyon. Balita sa lugar na ito na isa siyang playboy gaya ng bestfriend niya. Kaya hindi na din ako magtataka kung bakit niya 'to ginagawa. Gusto niya sigurong makuha ako. Pero nagkamali siya ng target ngayon dahil hindi ako interesado.

"Wala ka ba talagang balak sagutin ang isang 'yon Laine? Lagi naman siyang nandyan para sunduin ka saka dinadalan ka pa niya ng mga pagkain." imik bigla ni Dionne habang naghuhugas ng pinggan.

"Hindi ko alam, malay mo." pabiro kong sagot ng may ngiti sa aking labi.

"Ikaw talaga, ang hiwaga mo laging sumagot." natatawa niyang sabi.

Madami na din akong iniisip ngayon kaya hindi ko na dapat idagdag pa ang lalaking 'yon. Wala naman siyang maitutulong sa buhay ko ngayon.

Habang nasa trabaho ako ay bigla na lang akong nahilo. Naririnig ko pa ang mga nag-aalalang tao sa'kin pero tuluyan ng dumilim ang lahat.

Nang ibukas ko ang aking mata ay nasa hindi pamilyar na lugar ako. Binalot ako bigla ng kaba at saka umupo agad para tingnan mabuti ang paligid.

"Nasaan ako?" natatakot kong tanong sa sarili ako.

"Lalaine, I'm glad you're awake." biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at may pumasok na isang tao. Nakangiting lumapit sa'kin si Ren at niyakap ako. Gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko ang mukha niya.

"Ren? Anong nangyari?" nagtataka kong tanong ng mapagtanto kong nasa ospital pala ako.

Umalis siya sa pagkakayap sa'kin at nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya.

"Nahimatay ka kanina."

Napatakip ako sa mukha ko ng sabihin niya iyon. Naisip ko kasi na mababawasan na naman ang sweldo ko dahil hindi ako makakapasok.

"May masakit pa rin ba sayo?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi. Okey na ko Ren. Salamat sayo." nakangiti kong sagot nang tumingin na ko sa kanya.

"Lalaine, sabi ng doctor mapapadalas mo daw mararamdaman ang pagkahilo or pagsusuka." seryoso niyang sabi.

"Huh? Bakit naman daw? May sakit ba ko?" nagtataka kong tanong.

Sandaling katahimikan ang nangyari. Nakatingin siya sa'kin. Isang malungkot na tingin.

"May sakit ba ko?" tanong ko ulit sa kanya. Kahit na medyo kinakabahan din ako.

Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. At ang sagot niya ay halos pumatay sa aking puso.

"Buntis ka daw."

Isang nakakapangilabot na kalagayan ko ngayon. Para sa'kin, wala itong pinagkaiba kung malaman ko mang may sakit ako.

Napaiwas ako ng tingin at halos sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Bakit 'to sa'kin nangyayari? Anong gagawin ko ngayon? Ayoko ng mabuhay. Bakit puro kamalasan na lang ang nangyayari sa'kin?

Puno ng tanong ang isip ko at pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

"May maitutulong ba ko sayo Lalaine?"

Narinig ko ang tanong niya pero hindi ko na 'yon pinansin dahil sa sobrang sakit na katotohanan. Hindi ako masaya sa narinig kong 'yon. Ayokong mabuntis!

"Pwede bang iwan mo muna akong mag-isa Ren?"

"But you're still not fine." nag-aalala niyang sabi.

"Gusto ko munang mapag-isa." sabi ko pero hindi pa rin siya natinag kung nasaan siya. Kaya naman tumingin na ko sa kanya.

"Please?" I begged.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at saka siya lumabas.

Doon na tumulo ang luha ko. Humiga ako at inisip ang nakakatakot na pwedeng mangyari sa oras na ipanganak ko ang dinadala ko.

Ayoko ng mabuhay. Gusto ko ng mawala sa mundo. Wala naman na ding dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon.

Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at sa sobrang inis ko sa lahat ng kamalasan sa buhay ko. Hindi ko napigilan na mapahiyaw. Gusto kong ilabas yung sakit dahil di ko na kaya. Umupo ako at gulong-gulo na ang isip ko.

Agad kong narinig ang pagbukas ng pinto at isang yakap ang naramdaman ko.

I heard him hushed.

"Don't cry please. You're still not feeling well."

Umiiyak pa rin ako. At hindi ko alam kung paano ko papatigilin ang pagtakbo ng utak ko. Hindi ko pa maayos ang buhay ko, paano pa ngayon kapag nabuhay ang dinadala ko?

Kapahamakan pa ang idadala nito. 

Nadala na lang ako sa pag-iisip sa mga posibilidad na mangyari.

At hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako. Nang magising ako ay nakita ko si Ren na nakaupo sa upuan na nasa tabi ko at nakatulog na din siya.

I stared at him.

Siguro kung nakilala ko siya no'ng maayos pa lahat. Baka sakaling mabuksan ko ang puso ko para mahalin siya. Pero ngayon mukhang mas mahirap ng gawin 'yon. He deserve someone better than me.

At hindi ko siya ipapahamak.

"Kailangan mo pa ng maraming pahinga kaya kumain ka din ng mga prutas." sabay abot niya ng mansanas at orange.

"Okey na ko noh. Malakas ako." natatawa kong sabi dahil sa pag-aasikaso niya sa'kin.

"Hindi ka pa maingay, kaya hindi ka pa okey." sagot niya. Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"See? You know your self too. Kaya alam mong sinasabi ko ang totoo."

"You're a weird man Ren." I laughed.

"I know."

Nang lumabas si Ren para kausapin ang doctor ko. Naisipan ko munang maglakad-lakad. Ayaw niyang ako ang kumausap sa doctor dahil baka ma-stress pa daw ako.

Habang naglalakad ako ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao. I don't want him to see me. Nanginginig ako sa takot at naghanap ng matataguan. Sumilip ako ng kaunti at nakita kong may kausap siyang doctor. Pero hindi iyon ang doctor ko. Imposible namang mahanap niya ko di ba?

Halos hindi ako nakagalaw kahit na umalis na siya. Tulala ako at puno ng tanong muli ang isip ko. Paano na lang kung mahanap na niya ko?

Nakarating na siya dito. Ibig sabihin, pwede niya kong mahanap. Hindi pwede 'to.

"Lalaine? Ayos ka lang ba?" inalalayan akong tumayo ni Ren ng makita niya ko. Pero tila wala pa rin ako  sa sarili dahil sa pag-aalalang baka mahanap ako ng taong nakita ko.

"Ren, I want to go home." naiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya.

“I want to help you so you can go home. Kaya magpagaling ka na. And I promise as long as you stay here, you don't have to worry. Because I'm here." mahinahon niyang sabi. Nakita ko din sa mga mata niya na nag-aalala siya sa ikinikilos ko.

Nawala na ang pag-aalala ko ng maramdaman kong nasa tabi ko si Ren. Hindi niya ko iniiwan.

Kahit na sobrang kamalasan ang nakikita ko sa buhay ko. Natutuwa pa rin ako na nandyan si Ren para sa'kin. I know that this will be dangerous for both of us. I will never let him be in danger because of me. I just need time, then I'll do my best to protect him.

"Dionne ayos lang ako, 'wag ka ng mag-alala. Nagbabakasyon lang kami ngayon ni Ren." sabi ko sa kaibigan kong nakilala ko sa pinagtatrabahuan ko.

Kahit na gusto kong magkwento sa kanya. Kailangan ko din siyang ilabas sa gulo ng buhay ko. Mas maganda ng konti lang ang nalalaman niya sa'kin.

"Why are you lying to her?" tanong ni Ren ng ibaba ko na ang tawag.

"This is for the better. Please, 'wag mong babanggitin kay Dionne ang nangyayari sa'kin ngayon."

"Okay. But I hope that you will always be honest with me. You can't do everything alone Lalaine." he said in a serious tone.

I just nod then I look away. Dahil alam kong hindi ko 'yon matutupad.

I need to run away from here. I need to leave if I want to live.

Kaugnay na kabanata

  • Eternal Flame   Chapter 2

    Ilang araw na ko sa ospital. Pero kahit na madali lang sana akong gumaling ay parang naging kritikal pa ang pagbubuntis ko. Sinabi ng doctor na dahil daw sa stress. Kaya din daw hindi pa maayos ang lagay ko. Pinipilit ko ng maging maayos na ang kalagayan ko dahil naisip kong ang laki na ng babayaran ko sa ospital. Paano kaya ang gagawin ko sa buhay ko ngayon?Habang nasa rooftop ako at nag-iisip, dama ko ang malamig na hangin.Namimiss ko 'yong mga araw na masaya pa ko at buo pa ang pamilya ko. I miss my mom and dad. I want to be with them.Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang masayang nakaraan."Mom! Ayaw ko po niyan.""Com'on princess, that dress is very beautiful to you." Dad said."I told you." Mom smiled.Hayyy. Kailan kaya ako makakabili ng gusto kong style ngayon? Ang kuli

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Eternal Flame   Chapter 3

    Nang makita ko ulit si Shin na pumasok, parang nagliwanag ang araw ko. Kailangan kong magsorry sa kanya. Saka kailangan ko rin palang mag-thank you dahil ginawa niya 'yong report namin. Ang talino niya para gumawa ulit ng report. Inulit niya lahat ng ginawa ko."Shin!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin kahit nakita naman niya ko.Hindi niya ba narinig na siya 'yong tinatawag ko? Sa bagay, kung iisipin nga naman. Parang hindi 'yon mangyayari dahil sa ang sama ng attitude ko sa kanya."Shin. Bakit di ka pumasok last week?" tanong ko pero nakasubsob pa rin siya sa braso niya na nasa desk. I don't know kung nakatulog siya. Pero kakapasok lang namin ng room ah?"Shin! Sabay tayong kumain sa cafeteria." aya ko ng makalapit ako sa kanya. Lunch time na kasi namin ngayon."Oy! Hello? Hindi mo ba ko naririnig?"

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Eternal Flame   Chapter 4

    Kasalukuyan kaming kumakain ni Shin pero hindi ko maiwasang tingnan siya ng may tanong sa aking isip. Hindi niya kasi ako inaasar ngayon. Kaya iniisip ko kung may nangyari ba."Bakit ganyan kang makatingin sa'kin? May gusto ka pa bang ibang pagkain?""I'm full. Kakaiba lang kasi ang kilos mo ngayon."Natawa siya sa sinabi ko bago ulit nagsalita."You're just being paranoid.""Hindi noh. Saka may sakit ka na pala, bakit lumabas ka pa ng bahay niyo?" tanong ko. Nabanggit kasi niya na medyo masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok sa klase. Pero hindi naman daw malala. Sa tingin ko nga mas maganda na ang pakiramdam niya ngayon, kumpara ng sinundo niya ko sa school kanina. Baka nga siguro nagugutom lang siya.Sandali siyang nag-isip, pero hindi na din niya naituloy ang sasabihin d

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Eternal Flame   Chapter 5

    Hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko matapos kong makita ang nangyari sa aking mga magulang. Dahil sa dami ng galit na tao sa nangyaring insidente sa aming kumpanya. Hindi ko na din pinatagal ang funeral nila mom and dad. Ayokong hanggang sa ganitong pangyayari ay makita ko pang nagagalit ang tao sa kanila. Hindi ko kakayanin na marinig ang kahit anong sasabihin nila sa aking mga magulang.Nakatingin ako sa puntod nila mom and dad. Napakabilis ng pangyayari. Hindi ko inaasahan na ngayon, wala na sila. Mag-isa na lang ako. At hindi ko din alam kung paano pa ako mabubuhay."Mom, dad. I miss you so much."Hindi ko pa rin maiwang mapaluha habang nababasa ko ang pangalan nila sa lapida."I'm sorry. Wala po akong nagawa para pigilan na mangyari 'to. I'm still weak for this. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili na bigyan ng ganitong sitwasyon."

    Huling Na-update : 2021-07-04
  • Eternal Flame   Chapter 6

    Ngayon ay nasa bahay na ko ni Mr. Edgar. Hindi ako makapaniwala na kukunin ko din ang tulong na inaalok niya. Actually, I usually do everything on my own. Ayoko kasing nakakaabala ako sa mga tao. But this time, I know that I can't fix it alone. Maybe I can be just a good girl to him like his own daughter or granddaughter."Go to your room now. Pinahanda ko na 'yon." sabi ni Mr. Edgar ng makarating kami sa living room.Gaya nga ng inaasahan ko, napakalawak ng mansyon na tinitirhan niya. Medyo nahihiya tuloy akong gumalaw dahil naiisip ko na parang ginagamit ko ang yaman ni Mr. Edgar para masolusyonan ang problema ko. Pero utang lang naman 'to. Babayaran ko naman ang lahat ng magagastos niya sa tulong na 'to."Thank you po for your help." sabi ko nang makita ko na ang maid na dumating para ituro kung saan ang kwarto ko."It's too early to say that, Mira."

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • Eternal Flame   Chapter 7

    Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung dapat pa ba kong magalit ngayon dahil sa pinalagpas ko naman na ang nangyari."Akala ko naman nalimutan mo na ko agad eh." natatawa niyang sabi."Kung akala mong natuwa ako sa ginawa mo. Hindi." sabi ko. Siya 'yong humalik sa'kin. Hindi ako makapaniwalang ang lakas ng loob niyang lapitan ako pagkatapos ng ginawa niya.Tawa pa rin siya ng tawa. Napaka-feeling close niya sa'kin."Bahala ka na dyan sa buhay mo. Madami pa kong gagawin." pagputol ko sa usapan namin dahil nasasayang lang ang oras ko."Ooops. Wait lang."Tumigil ako sa paglalakad at tamad na tumingin sa kanya."You're a rich guy kaya siguro wala kang magawa. Hindi mo ko kagaya. Kaya maghiwalay na tayo ng landas. Okay?"Tumalikod na ulit ako

    Huling Na-update : 2021-07-06
  • Eternal Flame   Chapter 8

    Umaga na at halos hindi ko alam kung paano ako haharap kay Mr. Edgar matapos lahat ng nakita ko kagabi.Kanina pa ko sumisilip sa labas kung may tao na ba, pagkatapos hihiga lang din ako ulit sa kama.Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya, pero hindi pa rin magandang dahilan ang kahit ano para pumatay ka ng isang tao.Narinig kong may kumatok sa aking kwarto habang nakahiga at nag-iisip ako sa kama. Hindi ko nagawang lapitan yo'n o sumagot man lang para magtanong.Nakailang katok sa aking pinto hanggang sa may nagsalita na rin."Mira, ayos ka lang ba? Gising ka na ba?"Kinilabutan ako ng malaman kong si Mr. Edgar ang kumakatok. Naiisip ko, paano na lang kung magalit siya sa'kin at bigla niya kong patayin?Saka paano kapag nalaman niyang nakita ko lahat ng nangyari kagabi?Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa a

    Huling Na-update : 2021-07-07
  • Eternal Flame   Chapter 9

    Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang humarap sa taong nakahuli sa'kin sa pag-alis ko. Alam kong pwede akong mamatay ngayong oras na 'to."Hindi ko gustong mamatay, kaya nga ako aalis.""Katapusan na ng buhay mo sa oras na lumabas ka sa pinto na yan.""Bakit? Kapag nag-stay ako dito. Sigurado kong papatayin niyo rin ako.""Hindi ka niya papatayin. Hindi mo ba nakikita 'yon?"This time, tumingin na ko sa kanya."Alam kong papatayin niya ko. Bakit ba nagsisinungalin ka pa sa'kin? Nakita ko lahat, alam kong alam mo 'yon.""Mahalaga ka sa kanya, kung may dahilan man siya para patayin ka. Iyon ay kung iiwan mo siya."Saglit akong natawa sa sinabi niya."Wala siyang awa. Kaya bakit ako maniniw

    Huling Na-update : 2021-07-08

Pinakabagong kabanata

  • Eternal Flame   Chapter 41

    Warren POV "What are you doing here?"I sighed before I answered him. "I want to apologize about how I act in our family dinner." Umikot ang swivel chair niya paharap sa'kin. I always remembered his angry face, I can't remembered now how he smiled when he tried to approach me when I was a kid. I always get annoyed everytime I see him. I can't accept the fact that my mom fell inlove with him. Wala pang isang taon ng namatay si dad. Hindi ko kayang tanggapin 'yon. Bata pa lang ako no'n. Pero sa isip ko noon ay hindi pa dapat mag-asawa si mom. Then after they got married. Nalaman kong nabuntis pala si mom kaya nagpakasal. Kaya mabilis ang lahat. Mas lalo lang akong nagalit ng malaman ko 'yon. Hindi ako makapaniwala na magagawa 'yon ni mom. Because of my anger I didn't even bother to ask her reason about what happened. When my mom got

  • Eternal Flame   Chapter 40

    Pagkagising ko ng umaga ay naramdaman ko na agad ang mabigat na braso ni Ren na nakayakap sa aking katawan. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa'min kagabi. Napangiti ako sabay napahawak sa aking labi ng maalala ko kung paano niya ako hinalikan.Gumalaw ako para humarap sa kanya. Medyo gumalaw siya ng kaunti pero nakapikit pa rin ang kanyang mata.Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang kilay papunta sa kanyang magandang ilong at pababa sa kanyang labi."Gising ka na?"bigla niyang imik sabay niyakap ako ng mahigpit kaya lalo akong napalapit sa kanya. Medyo nakatingala ako para makita kong mabuti ang kanyang mukha."Good morning."bati ko sa kanya kahit na nakapikit pa rin ang mata niya. Inilapit niya ang ilong niya sa ilong ko at bahagyang gumalaw."Good morning... I'm still tired."

  • Eternal Flame   Chapter 39

    Lalaine POV May family dinner ngayon sa lugar ng Dela Vista, para ito sa paglabas ng ospital ni tita dahil ngayon ay maayos na ang kalagayan niya. "Kailangan ko ba talagang sumama?"tanong ko kay Ren kahit na alam ko naman talagang kailangan kong sumama dahil hindi na rin naman iba sa'kin si tita. She's also Ren's mother. "Don't you want to go with me?"seryoso niyang tanong ng may halong lungkot. Bakit ba ako dinadala ng lalaking 'to sa ganyan niyang hitsura? Para bang hindi ko gustong makita ang guwapo niyang mukha na maging malungkot. Napakaamo ng mukha niya, imagine paano pa kaya kung nagpapaawa o nagpapacute siya 'di ba? Napatingin lang ako sa kanya, parang pakiramdam ko ngayon ay nakatingin ako sa crush ko. Akala mo akong bumabalik sa pagka-teenager. Napakaguwapo at cute niya at the same time. Seriously, paano niya nagagawa 'yon? &nb

  • Eternal Flame   Chapter 38

    Madalas akong busy nitong mga nakaraang araw dahil sa pinag-aaralan kong mabuti ang gagawin naming business ni Hazel. Sinisigurado ko rin na hindi namin pagsisisihan iyon. Dahil sa nag-aral naman ako tungkol sa business in America. I need to use what I learned now.This time, mas magiging challenge ito sa'kin, konting pagkakamali lang namin sa ipaplano ay siguradong masasayang ang pinaghatian namin ni Hazel dito. Isinugal ko ang perang naipon ko para sa business naming dalawa. Gusto ko rin naman gumawa ng bagay para sa'kin na hindi ko kakailanganin ang tulong ni Ren. Ang totoo, gusto ko siyang isorpresa. Alam ko din kasing mag-iinsist siya sa'kin na tumulong kaya naman minabuti ko ng hindi muna sa kanya sabihin.Ang isip ko ay madalas pagod dahil sa pagreresearch. Minabuti ko na din na ako ang mas trumabaho sa business namin ni Hazel, alam ko kasing madami siyang ginagawa sa company nila ngayon. At ayon sa karanasan ko, I'm aware na nahihira

  • Eternal Flame   Chapter 37

    Kahit na nasa kotse na kami ay kitang-kita ko pa ang nakabusangot na mukha ni Ren."Ano ba 'yang mukha na 'yan?"natatawa kong sabi. Bumaling ang tingin niya sa'kin. Hindi pa naman niya pinapaandar ang kotse."Sabihin mo nga sa'kin. Did he talk to you in the same way yesterday?"seryoso niyang tanong. Hindi ko pinahahalata sa kanya na nasasaktan din naman ako sa kung paano ako kausapin ni Mr. Dela Vista."Hindi naman. He just asked few things."pagsisinungalin ko. Tingin ko ay hindi siya titigil sa pagkainis niya kapag nalaman niya pa ang totoong pag-uusap na nangyari, mas maganda ng mag-iwan na lang ng white lies ngayon."If ever he talk to you in that way, tell me.""Tingnan mo kaya ang hitsura mo sa salamin. Paano ko sasabihin sayo?" natatawa kong sabi para iwala ang usapan nami

  • Eternal Flame   Chapter 36

    Nakarating kami sa ospital at agad din kaming nagtungo sa room ni Mrs. Dela Vista. Pero hindi muna kami pinagbigyan na makapasok do'n para makita siya. Napatingin ako kay Ren na nakaupo at malalim ang iniisip. "Ren, gusto mo bang ikuha kita ng tubig?"tanong ko sa kanya ng makaupo ako sa tabi niya. "I'm fine."malamig niyang sagot. Minabuti ko munang hayaan siyang mag-isa at umupo na lang sa katapat niyang upuan. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na si Hazel na dumating. "What happened? Is she okay?"nag-aalala nitong tanong. "Ginagamot pa siya ng doctor. Naaksidente daw ang sinasakyan niyang kotse."sagot sa kanya. "Oh my gosh."agad bumaling ang tingin niya kay Ren. Halos takpan na nito ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay dahil sa pag-iisi

  • Eternal Flame   Chapter 35

    I made a coffee for Ren's mother. Nakita kong tinitingnan niya ang paligid ng bahay ni Ren habang siya ay nakaupo sa sofa. "Magkape po muna kayo."sabi ko sa kanya sabay iniabot ko ang tasa. "Thank you."malumanay niyang sabi at humigop na mula sa tasa niya kaya gano'n din ang ginawa ko sa tasa ko. Tumingin siya sa'kin bigla saka ibinaba ang tasa. Ako ay nanatiling uminom sa tasa ko dahil sa naiilang ako sa mga tingin niya sa'kin. "Are you living here with my son?"Hindi ko naiwasan na mapasamid pagkatapos niyang sabihin 'yon. Nahirapan akong patigilin ang ubo ko dahil sa gulat ko sa tanong niya. "Did I startled you?"she asked and tapped me on my back. Then I remembered when this happened to me in the resort, Ren did the same thing. "Let me get some water for you."&nbs

  • Eternal Flame   Chapter 34

    "Hazel, ikaw pala. How are you?"tanong ni Ren ng makalapit kaming dalawa kay Hazel. It looks like she's still struggling after of what happened. Tahimik lang ako at naghahanap pa rin ng mga tamang salitang pwede kong gamitin para mabati siya. "Okey naman ako, Ren. Thank you for asking."nakangiti niyang sagot bago lumipat ang tingin niya sa'kin."Hello Lalaine, long time no see."Ngumiti ako sa kanya. Iniwan muna kami ni Ren para makapag-usap kaming dalawa. "I stopped visiting the park since I became a teenager." "Ako rin naman, mas madalas kasi kaming maglibot ng parents ko sa mall and different towns."sabi ko. Nakaka-miss talaga ang mga panahon na 'yon. "I envy you about that. When my parents wants to go out, I always say that I have important things

  • Eternal Flame   Chapter 33

    Nakahinga ako ng maluwag matapos kong marinig ang mga pulis at naiiyak ako sa saya ngayon, hindi ko akalain na makakaligtas pa ako."Lalaine."Narinig ko ang pamilyar na boses. Lumapit sa aking si Ren at nakita kong alalang-alala siya ng makita ako."Bakit nandito ka? Nandito na ang--"Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa hinalikan niya ako sa'king noo."I'm glad that you're safe now.""Ren, is she okay?"Nakita ko si Hazel na lumapit sa'kin."Oh my gosh. I'm so sorry Lalaine for what my brother did to you."naiiyak niyang sabi habang si Ren naman ngayon ay tinatanggal na ang mga tali sa'king kamay. Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Hazel dahil magulo pa ang isip ko at pagod din ako sa mga nangyari.Nang matanggal na ang tali ko sa paa at kamay ay bigla akong

DMCA.com Protection Status