TYSON’S POV Nakasanayan ko na mag-imahinasyon ng mga eksenang maaaring mangyari at saka nag-iisip ng mga paghahanda sa posibleng kakaharapin na problema. Hindi ko naman intensiyon pero nangyayari na, nag-uumpisa na akong mag-alala kay Aurora at sa aming magiging anak. At kinikilabutan na ako sa nararamdamang kong ito. Matapos naming makabalik sa Pearl Palace, agad ko namang binuhat sa mga kamay ko si Aurora at dahan-dahan ko siyang dinala sa aking kwarto. Sa mga panahong may nakikita akong tao, niyuyuko ko agad ang aking ulo na tila ba mayroon akong ibinubulong sa tainga ni Aurora. Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso at ng bawat paghinga niya. Agad namang napangiti ang aking labi na makita ko siyang naaapektuhan dahil masyado akong malapit sa kanya. At nang sandaling isarado ko ang pintuan ng kwarto agad naman siyang nagsalita, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba’t dapat nagpapanggap lamang tayo?”
Terakhir Diperbarui : 2021-08-20 Baca selengkapnya