AURORA’S POV
Napaungol ako nang tumingin ako sa aking tabi. Sinubukan kong pilitin ibukas ang aking mga mata hangga’t kaya ko. At bigla na lamang nanlaki ang aking mga mata nang pakiramdam ko ay nakakakita ako ng isang dagat na halos wala itong katapusan…
At nang itinuon ko ang mga mata ko sa may buhangin nakita ko sina Caleb at Logan. Ang mga mukha nila ay namumula palapit sa akin. Napapahinto sila matapos ng ilan lamang mga hakbay, napapabuntong hininga saka ulit lalakad papalapit sa akin. Hindi ba’t nasa isa akong silid kung saan ginaganap ni Celeste ang kanyang ritwal?
Nagpakawala ako ng sobrang napakaliit na enerhiyasa paligid ko, sinusubukang alamin kung isa na naman bai tong ilusyon mula sa mahika ni Celeste. At nang masiguro kong totoo ang mga ito agad naman akong umpo at kumaway sa kanila
Nanliit ang mata ni Caleb mula sa malayo at huminto sandal saka nagmadaling tumakbo papalapit sa akin.
“Aurora… Salamat sa Diyos a
AURORA’S POV Dumaing ako habang ang malamig na tubig ay dumadaloy sa buo kong katawan, at tila lahat ng pangamba ay inaalis nito sa akin. Inaalis nito lahat ng dumi sa aking katawan. Pero sa malungkot na katotohanan, hindi nito maalis ang aking mga ala-ala. Lahat ng nangyari nitong nakaraang dalawang buwan ay nakatatak sa aking isipan ng napakalalim na kahit pa magakaroon ako ng Alzheimer hindi nito kayang alisin ang mga ala-alang iyon. Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere at saka bumuo nang mala buhawi sa aking paligid gamit ang mga tulo ng tubig. Kapareho lamang ito ng mga iniisip at mga emosyon ko nanagpapa-ikot-ikot sa aking isipan. Kailangan ko nang magpahinga… Gusto kong magpunta sa isang walang taong lugar pero mas takot akong mapunta lalo sa mas matindi pang gulo. Bigla na lamang nagsibuhos ang mga tubig na nakapalibot sa akin ng mawala ang konsentrasyon ko. Habang nagbibihis ako, nakarinig ako ng mga padyak ng paa sa l
AURORA’S POV Nang nawala na ang aking pagkahilo, natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa isang madilim na lugar. Nakalimutan kong isiping mabuti ang lugar kung saan ko gusto mapunta. At ang naging resulta no’n ay napunta na lamang ako sa kung saang lugar. Napakawala ako ng malalim na buntong hininga, at saka ako naglakad patungo sa lugar kung saan nanggagaling ang isang ilaw. Itinungo ako ng ilaw na iyon sa isang dalawang palapag na gusali. Ang malakas na sangsang na amoy ng alak ang siyang dahilan upang maisip kong nasa loob ako ng isang inuman. Nakakalungkot lamang dahil hindi ako umiinom. Akmang aalis na sana ako pero isang nakakatindig-balahibo na pagsigaw ang siyang nagpahinto sa akin sa paglalakad. Naglakad ako papasok at isang batang lalaki na mga nasa dose anyos na taon ay pinagguguluhan at kinakawawa ng isang grupo na mga estranghero. Ang mukha ng batang lalaki ay maputla at ang katawan nito ay nanginginig. Ang lalaking na
AURORA’S POV Taas-baba akong tumitingin sa paligid ng silid, habang ang mga kamay ko ay namimilipit at nakatingin ako ng masama kay Aslan. Ang baliw na ito ay kakasabi lamang sa lahat na ako ang reyna ng mga dragon… Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? “Pwede ba maghinay-hinay ka na muna?... ang ulo ko ay nagsisimula nang sumakit…” sabi nito habang minamasahe ang kanyang ulo. Tumayo ako sa kanyang harapan at sa sinabi sa galit na tono, “Dapat lang iyan sayo! Kung hindi mo lamang ako iniligtas doon ay gagamitin ko sayo ang aking mahika at gagawin kang isang daga at saka kita ilalagay sa isa sa mga kahong nakuha natin…Alam mo na, iyong bagay kung saan patuloy sa pagtakbo ang isang daga…” “Huminahon ka muna munting witch… Sinabi ko lamang ang katotohanan…” namutla ang kanyang mukha at sandaling huminto sa pagsasalita. “Ano ang sinabi mo?” “Uhmmm… wala…” sabi niya at saka tumingin palayo. May itinatago siya sa ak
TYSON’S POV Nakasanayan ko na mag-imahinasyon ng mga eksenang maaaring mangyari at saka nag-iisip ng mga paghahanda sa posibleng kakaharapin na problema. Hindi ko naman intensiyon pero nangyayari na, nag-uumpisa na akong mag-alala kay Aurora at sa aming magiging anak. At kinikilabutan na ako sa nararamdamang kong ito. Matapos naming makabalik sa Pearl Palace, agad ko namang binuhat sa mga kamay ko si Aurora at dahan-dahan ko siyang dinala sa aking kwarto. Sa mga panahong may nakikita akong tao, niyuyuko ko agad ang aking ulo na tila ba mayroon akong ibinubulong sa tainga ni Aurora. Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso at ng bawat paghinga niya. Agad namang napangiti ang aking labi na makita ko siyang naaapektuhan dahil masyado akong malapit sa kanya. At nang sandaling isarado ko ang pintuan ng kwarto agad naman siyang nagsalita, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ba’t dapat nagpapanggap lamang tayo?”
TYSON’S POV Gumalaw ako sa pagkatulog ko na ramdam ko ang napakasayang sensasyon. Pakiramdam ko ay kumpleto ang araw ko. Napangiti ang mga labi ko at binuksan ko ang aking mga mata. At matapos no’n, para bang kinidlatan ako ng malakas. Hindi ko intension na matulog katabi si Aurora. Hindi ko naman siya hinayaang makalapit sa akin ng sobra pero ngayon ay napakalapit niya na. Umalis ako sa kama ko at saka pinagmasdan si Aurora. Ipinagpapasalamat ko na lamang na tulog pa siya. Hindi ko gustong isipin niya na may nararamdaman ako para sa kanya, kaya naman umalis na ako bago pa man siya magising. “Aslan, Zarina, Caleb!” tawag ko nang makarating ako sa pasilyo. Si Zarina ang kauna-unahang tumambad sa harapan ko gamit ang kanyang kakayahang mag-teleport. Mukha atang napakasaya niya na pinagbigyan ko siyang magamit ang kaniyang mahik sa loob ng palasyong ito. Lumipas ang ilang sandali ay dumating na rin si Aslan. “Pupunta ako
CALEB’S POV Binuhat ko si Tiara palabas ng silid upang magawang bihisan ng manggagamot at ni Zarina si Aurora. Kamukhang-kamukha niya si Tyson: pareho sila ng kulay ng mga mata, magandang mga kilay pero ang labi niya ay katulad lamang ng kay Aurora, kasing ganda lamang ng isang pulang rosas. Isa siya klase ng bata na agad-agad mong mamahalin kapag nakita mo. Kaya kong makipaglaban sa buong mundo para lamang sa kanya. Inilagay ko naman ang isa kong daliri sa maliit niyang palad, nanlabot ang puso ko sa tuwa nang hawakan niya ito. Ang oras na makasama ko ang anghel na ito ay maikli lamang sa sandaling marinig ko ang nag-aalalang boses ni Aurora, “Asan ang anak ko?” Agad namang namuo ng isang napakagandang mga ngiti sa kanyang mukha sa sandaling makita niya si Tiara sa aking mga kamay. Agad namang umiyak si Tiara ng napakalakas na tila ba nasasaktan siya o ano. “Nawawala si papa at pati na din si mama?” ngiti ko sa bata saka ini
TYSON’S POV Huminga ako ng napakalakas at saka umupo sa aking kama. Nagawa kong pigilan ang mahigit dalawampung daang kalaban na gustong patayin si Aurora. Pero tila ba parang may kakaiba. Napakadali lang sa akin na talunin sila na tila ba imbes na lumaban sa akin, parang may gusto lamang silang subukin o alamin. Kaya naman mas makakabuting mag-ingat pa ako lalo sa mga susunod na araw. Umilaw ang isa sa mga monitor at lumabas ang isang notification, “May nakahalong lason sa gatas ni Tiara sa may Pearl Palace.” Hell! Ibig sabihin ang naganap na pag-atake kanina ay isa lamang paraan upang libangin ako para magawa nila ang kanilang plano. Ang mga walalang-hiyang mga iyon! Kailangan ko nang gawin ang ikalawa naming plano. Tatapusin ko lahat ng ito sa lalong madaling panahon. Hinding-hindi ako makakapayag na masaktan nila si Aurora, maging ang munti naming anghel. Sinisuguro kong magiging ligtas sila kahit ano pa man ang mangyari.
ASLAN’S POV “Zarina, tapatin moa ko. Ano ang alam mo sa nangyaring pag-atake noong kalian kay Tiara?” tanong ko at hinawakan siya ng mahigpit sa kanyang mga balikat. “Nagsisimula ka na bang mag-alala sa maliit na batang iyon, kapatid? Nakatatak na sa akin na tadhana niya ang mamatay. Kailangan lang ng tamang oras.” Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sarili ko sa salitang nais kong bitawan. Alam kong sinusubukan lamang ako ni Zarina sa mga nais kong gawin at hinding-hindi ko hahayaang mawala ang tiwala niya, “Limang buwan na tayong nagpapanggap na may pakialam tayo kay Aurora. Ngayon, if namantay si Tiara bago pa natin makuha ang Heart of Magic, hindi ba’t mapupunta lamang sa wala ang mga pinaghirapan natin?” “Huwag kang mag-alala, Aslan. Binalaan ko na si Logan na huwag nang subukang atakihin pa si Tiara.” Pakiramdam ko ay may sumusuntok sa akin ng napakalakas. “What the F***! Tama ba ang narinig ko… si Logan?” “Mad
AURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg
AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy
TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman
AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso
AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa
TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan
CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O
ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib
ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”