Home / Romance / His Metal Cage / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of His Metal Cage: Chapter 21 - Chapter 30

39 Chapters

Kabanata 20

"You can wait outside, Ma'am,"aning nurse na assistant ng surgeon. Nakarating agad kami sa hospital. Hindi naman malubha ang tama niya sabi ng doktor. Pero sa nakikita ko parang imposibleng hindi malubha samantalang napakaraming dugo ang lumalabas mula sa sugat niya."No she will wait until it was finished,"sansala naman ni Asmodeus dahilan para matigilan ako sa pagtayo.Kanina pa ako kinakabahan habang tinitingnan ang dugo sa damit niya. Kanina pa ako nag-iisip na ikamamatay niya talaga iyon. Tumingin ako sa kaniya nang mapansin ang titig niya. Mapapansin ang multo ng ngisi sa labi niya. Mukhang kanina pa gustong pagtawanan ang reaksyon ko. Natutuliro na kasi ako. Natatakot ako sa mga ganito. Habang tila naaaliw lang siya diyan na pinagmamasdan ako.May itinurok ang doktor bago nito sinimulang kuhanin ang bala na bumaon sa may balikat nito. Malapit iyon sa batok at kitang-kita ko kung papaano dinaklot ng doktor ang bala mula sa sugat niya. Siguradong kapag nanalamin ako ay nakangiw
last updateLast Updated : 2022-11-13
Read more

Kabanata 21

Pinagmasdan ko ang buong katawan sa salamin. Nakababa na si Asmodeus kanina tulog pa ako at matapos akong maligo ay hindi na muna ako nagbihis. Tanging tuwalya lang ang pinambalot ko sa katawan ngunit napagdesisyonan na ibaba ng kaunti ang tuwalya at pagmasdan ang lumalaking tiyan sa harapan ng salamin. Parang kailan lang pinagmasdan ko lang ang sarili ko. Ngayon ay pinagmasdan ko na pati ang batang lumalaki sa loob ng katawan ko. Nag-iba na rin ang hulma ng dibdib ko. Napa-isip ako bigla. Magkakagatas kaya ako? Gaya no'ng ibang mga nanay? At ano kaya ang pakiramdam ng kalong mo sa braso mo ang anak mo? Ano kaya'ng pakiramdam matapos manganak? Napasinghap ako at muntik nang mapatalon nang may brasong pumaikot sa baywang ko. Sunod na bumungad sa'kin ay ang mukha ni Asmodeus na may mapaglarong ngisi sa labi."Beautiful." At hinawi ang hibla ng buhok ko tungo sa likod ng tainga.Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko namalayan ang paglapit niya. Kung may sakit lang ako sa puso ay mata
last updateLast Updated : 2022-11-14
Read more

Kabanata 22

May fiancee na nga pala siya. Bakit hindi ko man lang iyon naisip noong pumayag akong sumama sa kaniya? Dahil sa pag-iisip kong kailangan siya ng anak ko ay nawala na sa isip ko ang totoong lugar ko sa buhay ni Asmodeus. Kailangan niya ng ama pero hindi siya pwedeng maging bastardo ng mga Rojo. Naisip kong bawiin ang sinabi kong anak niya ang dinadala ko pero naisip ko rin na baka mabigyan ko siya ng dahilan na saktan ang bata. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ngayon. Ngayong nakabalik na ako sa poder niya ay baka mahihirapan na akong kumawala. Nakita ko na lahat ng kayang gawin ni Asmodeus at natatakot akong baka maranasan ko ulit iyon.Bumukas na ang pintuan ng banyo. At para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa presensya niya. Naka-upo lang ako sa gilid ng kama at hinihintay ang pagkakataong makapagsalita. Para akong naba-blangko ngayong nandito na siya.Unang naisip ko talaga ay lumayo. Hanggang ngayon gusto ko na talagang lumayo. Isang pagkakamali ang naging desisyon
last updateLast Updated : 2022-11-19
Read more

Kabanata 23

Tulala pa rin ako habang pinagmamasdan siyang tulog pa rin hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya nagpakalasing muna bago nasabi sa akin iyon kagabi. O baka hindi niya naman talaga balak iyon siguro dahil nagugulohan lang siya kaya niya nasabi iyon.Bumuntong-hininga ako at inilagay sa maliit na batya ang towel na pinamunas ko sa kaniya kagabi. Tapos naalala ko pang naghubad na lang siya bigla kagabi ni wala man lang tinira kahit isa. Ako pa tuloy ang tila nahiya sa ginawa niya at tinabunan siya ng kumot bago ako humiga. Sa sofa ako natulog at magpapatuloy ako sa tulog ko ngayon dahil hating-gabi na ako nakatulog dahil sa kagagawan niya.Humiga ako sa sofa at nagpatuloy sa pagtulog ko. Kaya lang nagising ako nang maramdaman na may braso na bumubuhat sa'kin. Nagulat ako at napahawak sa batok niya. Nagpapasalamat akong nailapag niya na ako sa kama. Sumalubong sa'kin ang seryosong titig ni Asmodeus. Nakayuko pa rin siya sa'kin at sobrang lapit ng mukha namin. Naaamoy ko pa ang in
last updateLast Updated : 2022-11-20
Read more

Kabanata 24

Nakasuot ako ng pambuntis na dress kulay puti at flat shoes. Maganda ang panahon ngayon saktong-sakto sa mismong lakad. Karamihan sa nabili ni Kuya na gamit sa baby ay mga pambabae. Dahil gusto niya ng babae. Pero lalaki kasi ang susuot at noong sinabi ko kay Asmodeus na pwede pa naman magamit iyon kahit pambabae."I'm not a fairy to revive the ash into it's old form."Umaga na nang malaman ko na nawala na lahat ng mga binili Kuya para sa anak ko. Talagang may laman iyong sinabi ni Asmodeus. Huli na nang malaman kong sinunog niya lahat. At kagabi naisip niyang mamimili kami ngayon. Kaya ko nga hinalungkat dahil ayoko sana bumili muna dahil mayroon na naman na. Tapos malaman laman ko pa, nasunog na.Sinunog niya tapos bibili ulit? Anong kabaliwan ang naisip niya? Mas makakatipid kami kung 'di niya ginalaw ang mga iyon. "That pathetic jealous asshole,"bungad ni Kuya nitong umaga nang tumawag siya. Sino ang nagseselos?Ikinuwento ko kasi kay Kuya iyong tungkol sa mga damit ng bata na bi
last updateLast Updated : 2022-11-23
Read more

Kabanata 25

Pagkahapo, sakit na hindi matutumbasan. Sabay-sabay ko na nararamdaman iyan habang hindi malaman kung saan tutungo. Napahawak ako sa baywang at napayuko nang sumigid na naman ang sakit. "Damn it,"mahinang mura niya. Kanina pa siya panay sunod sa'kin. Gusto ko siyang pumirme sa kinauupuan niya para mabawasan ang stress ko. Iyong pagsunod-sunod niya at ang nakikita kong iritasyon sa kaniyang mukha ay dumadagdag sa problema ko.Kaya lang hindi ko masabi dahil mas naibubuhos ko ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman. Tila pinipiga na parang may bukol na sumasakit sa puson ko na iwan. Hindi ko maintindihan parang gusto ko na lang umiyak sa sakit. "How is it?" Hinawakan niya ang braso ko."Masakit,"nanghihina ang boses ko.Kagabi pa nagsisimulang sumakit ang tiyan ko. Pero dahil matigas pa ang cervix ko kaya't kailangan ko muna mag-stay hanggang sa handa na iyon at open na para sa delivery.Lampas tatlong araw mula noong kabuwanan ko saka lang nangyari ito. Normal lang naman daw ito la
last updateLast Updated : 2022-11-23
Read more

Kabanata 26

Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Naramdaman ng driver iyon kaya't kalaunan ay panay na ang sulyap niya sa'kin sa rearview mirror. Mariin akong napapikit nang maalala ang pagsabog at ang huling pangyayari sa pagitan namin ni Asmodeus bago nangyari ang lahat. Kayo lang ang uuwi. Take care of yourself and our childTumulo ang luha ko na hindi ko na napigilan. Tumingin ako sa labas at sinisikap na 'wag umalpas ang hagulhol. Nahihirapan akong huminga ng maayos dahil sa sikip at sakit ng dibdib ko. Sinabi ko sa kaniya na huwag niyang hayaan masaktan ang sarili niya. Pero sa laki ng pagsabog na iyon ay imposibleng makaligtas siya. Payapa pa rin na natutulog ang bata. Hinayaan niya akong istemahin ang nararamdaman. Hinayaan niya muna ako hanggang sa kumalma ako.Kahit noong nakarating na kami at naisakay na ako sa wheelchair papasok sa isang napakalaking bahay ay tahimik pa rin ako. Dumaan kami sa harden na napupuno ng mga rosas pero wala sa isip ko ang tingnan iyon at mamangha.
last updateLast Updated : 2022-11-23
Read more

Kabanata 27

Hawak-hawak ko pa ang cellphone nang lumabas ako. Balak kong ibigay kay Auntie iyon. Hindi ko naiintindihan ang ibig-sabihin ng caller. Mas mabuting sila ng Tiyahin ko ang mag-usap. "Get inside!" Nagulat ako nang bumungad si Auntie sa'kin bitbit ang anak ko. Sinulyapan ko ang party sa likuran niya ng may pagtataka. Masayang naglalaro pa rin ang ibang bata doon at mukhang maayos naman maliban sa ekspresyon sa mukha niya na ngayo'y iritado at nagmamadali."A-Anong problema, Auntie?""Just do what I said. 'Wag nang maraming tanong."At ipinasa niya sa'kin ang inaantok nang bata. Biglang sumulpot ang dalawang body guard at sinamahan pa akong umakyat sa taas. Pakiramdam ko ay may hindi normal na nangyayari. Patuloy pa rin ang party pero hindi na ako mahagilap ng mga bisita. Sumunod na lang ako sa mga naunang bodyguard. Agad namin na narating ang silid at pinatulog ko na ang anak ko pagkarating. Hindi ako mapakali, may nararamdaman akong hindi tama sa nangyayari dahil nabanaag ko ang bal
last updateLast Updated : 2022-11-23
Read more

Kabanata 28

Hindi ko nakalimutan ang mukha niyang iyon hanggang sa pagtulog ko. Katabi ko ang anak ko at mahimbing na itong natutulog ngunit gising pa rin ako at kung saan-saan umabot ang utak ko sa kakaisip. Kung anu-anong katanungan ang nabubuo sa utak ko. Minsan paulit-ulit akong napapatanong kung totoo ba talaga iyong nakita ko o namamalikmata lang ako?Napalunok ako at umayos ng pagkakahiga. Sinikap kong makatulog dahil maaga pa akong magbubukas ng tindahan bukas at bukas ko rin tatapusin ang trabaho na pinapagawa ni Auntie. Kinabukasan ay abala na ulit ako sa daily routine ko. Medyo inaantok pa dahil kulang sa tulog. Maayos kong inihelira ang mga halaman. Natanaw ko ang anak kong hinahawakan ang tutubi na dumapo sa isa sa halaman ko. Hinayaan ko na lang din siya ang importante ay safety ang kinaroroonan niya ngayon. Ilang saglit ay napansin ko ang tatlong sasakyan na pumarada sa labas ng pwesto ko. Pamilyar ang mga iyon. Agad kong iniwan ang trabaho upang agad puntahan ang entrada. Nagbaba
last updateLast Updated : 2022-11-23
Read more

Kabanata 29

"You've made a right decision, Yenah." Masigla ang boses ni Auntie sa kabilang linya. Matapos kong ibalita sa kaniya noong gabing iyon na gusto ko munang pabantayan sa kaniya ang anak ko ay awtomatiko agad siyang sumang-ayon."Darating maya-maya ang mga kukuha sa apo ko, be ready." Kanaumagahan nang tumawag ulit siya. Kagabi pa ako naghanda para sa mga dadalhin nilang gamit. Limang lalaki at ang dating yaya ni Deus ang dumating. Masaya akong malaman na magiging panatag ang anak ko sa byahe dahil sanay na sanay siya sa mga taong maghahatid sa kaniya kay Auntie. Nagsimula ako sa unang araw ko na wala ang anak ko. Nakakalungkot at nakakapanibago na malayo siya sa akin pero isang buwan o dalawa ay baka tapos na ang project na iyon. Susunod na rin agad ako sa anak ko at baka sa pagkakataong iyon ay sunod nang paplanuhin ang paglipad sa ibang bansa."A-Akala ko isasama mo ang anak mo?"ani Luela. Iyon ang pangalan niya. Assistant pala siya mismo ni Alethra hindi siya nanggaling sa mga Rojo.
last updateLast Updated : 2022-12-03
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status