Home / History / Aking Maria / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Aking Maria: Chapter 31 - Chapter 40

92 Chapters

Kabanata 30

“Bakit ang tagal mo yata na bumili ng pagkain, Apo?” Bungad ng lola ni Isabel pag pasok pa lang niya sa kwarto, mabilis naman niyang pinunasan ang tagaktak niyang pawis at ngumiti sa matanda.“Wala po kasing ulam sa Canteen kaya doon na lang ako bumili ng ulam sa labas, pasensya nap o at natagalan ako,” paliwanag niya pero hindi totoo na walang ulam sa Canteen, gusto lang niya na bumili sa Carinderia kung saan sila kumakain dati ni Philip para bilhan ng paboritong ulam ang lalake. Halos masabunutan nga niya ang sarili bakit niya iyon ginawa, sinabi na niya sa sarili na lalayo siya dito pero parang bakal siya na mina-magnet pabalik sa lalake. “Oh, e bakit mo sinasabunutan iyang sarili mo Apo? Masakit ba ng ulo mo ha? sabihin mo lang, nako mag pahinga ka kasi kahit pa-paano  kaya ko naman kasi ang sarili ko masyado kang nag-aalala, malakas pa ang lola mo kaya pwede mo din ipahinga ang sarili mo.” Sabi ng matanda
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more

Kabanata 31

Binigyan ng tubig ni Therese ang kaibigan, medyo kumalma na ito ngunit humihikbi-hikbi pa rin dala ng sobrang pag-iyak, maga din ang mga mata nito.Naupo siya sa tabi nito at hinimas ang likod, "Ano ba kasi ang napaginipan mo, masyado mo akong pinakaba sa pag-iyak mo." naaawang sabi niya sa kaibigan, kung alam lang niya ang nangyayari baka mayroon siyang maitutulong."B-binangungot lang ako, akala ko totoo. Pasensya na Therese, Lola, pinang-alala ko kayong dalawa," Uminom ulit ito ng tubig. "Para kasing totoong-totoo, sa panaginip ko ay nasaksak kayo sa dibd--" napahinto siya sa pagsasalita ng maalala niya kung saan mismo nasaksak ang matanda. Dali-dali siyang tumayo at lumapit dito at tinignan ang dibdib, may balat nga ito doon."Bakit Apo? May problema ba sa dibdib ko?" Tanong ng Lola niya pero parang hindi na ito nagugulat sa bawat kinikilos niya. "Yung birth mark nyo po, t-tinignan ko lang." Nauutal na tanong nito, naalala niya kasi ang pinag-ar
last updateLast Updated : 2021-08-18
Read more

Kabanata 32

Kailan mo nga ba masasabi na may gusto ka na sa isang tao? Pag lagi mo siyang naiisip? Pag masaya ka na kasama sya? Pag nagseselos ka pag may kasama siyang iba? O nasasaktan ka pag wala siyang atensyon na nabibigay? O ang pag bilis ng tibok ng puso mo? Noong una ay hindi pa sigurado si Isabel sa nararamdaman pero ngayon ay tanggap na niya, tanggap na gusto niya ang lalake pero paano aamin ang babae? Paano ni Isabel sasabihin na gusto niya rin ang lalake kung wala siyang lakas ng loob."Kayo lang pala yan! akala ko naman ay totoong nurse na!" Sabi ni Greg sabay akbay kay Therese na pumukaw ng atensyon ni Isabel, dapat ba na magkaroon siya ng lakas ng loob para umamin?Kung titignan ay maswerte pa nga siya dahil alam niya na may gusto din sa kaniya ang lalake hindi katulad ng kaibigan niya na kailangan pa na magpanggap para lang hindi masira ang samahan nila ng lalakeng gusto nya, napalingon naman siya kay Vince na pinapanuod ang dalawa pero ng makaramdam si
last updateLast Updated : 2021-08-18
Read more

Kabanata 33

Hindi maitago ni Philip ang pagka-excite na magkikita sila ngayong gabi ng babae kaya kahit na 8pm pa ang usapan nila ay andito na agad siya sa labas ng Hospital at naghihintay, nakalimutan pa nga niya na magdala ng jacket kaya ngayon ay lamig na lamig na siya. “Philip? Kanina ka pa ba diyan?” iyon ang unang nasabi ng dalaga sa kaniya ng makita siya nito na nakatalungko sa upuan.“Oh! hindi naman kakarating-rating ko lang rin nakalimutan ko lang mag dala ng jacket.” Palusot nito pero ang totoo ay halos mag-isang oras na siyang naghihintay bago pa dumating ang dalaga, pakiramdam nga niya ay naninigas na ang mga kamay niya sa lamig ng hangin. “Ano nga pala ang pag-uusapan natin tungkol sa panaginip mo?” pagbabago nito ng usapan dahil nahihiya siyang malaman ng babae na kanina pa siya naghihintay doon. Sumeryoso naman ang mukha ng dalaga dahil doon, nagdadalawang isip pa rin ito kung sasabihin ba niya
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 34

  Ngayon lang ulit nakita ni Isabel si Ken matapos ng nangyari ng gabi na iyon, hindi rin naman niya ito makausap dahil ngayon ay Filipino fest na at busy ang lahat sa paghahanda, may mga students ulit na galing sa ibat-ibang University na nakakadagdag sa pressure na nararamdaman ng mga mag perform ngayon, isa na sila doon lalo na at wala naman silang gaanong practice na magkakasama. “Guys! Ano ba ayusin nyo na mga costume nyo! Please lang makisama kayo kahit ngayon lang, asan na ba yung iba diba sabi ko maaga tayong papasok ngayon bakit andaming late? Wala pa rin ba yung Male lead?” natataranta na si Yuna habang inaayos ang mga gamit, noon lang nila nakita ito na natataranta. “Y-yuna nasira yung zipper ng dress ko.” Sabi ng isang babae dahilan para mas ma- frustrate ang dalaga. Gusto na lang nitong sabunutan ang sarili dahil sa stress na nararamdaman. Bakit ba hindi marunong makisama ang mga kasamah
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more

Kabanata 35

Sa pag sara ng kurtina at muling pag bukas nito ay isang masigabong palakpakan muli ang sumalubong sa kanila. Nagsimulang maglakad si Isabel sa stage, kahit nanginginig ay pinilit niyang hindi ito ipahalata sa lahat ng manunuod. Bumilang ito ng lima at binuka ang bibig para magsalita. “O kay gandang panahon, nararapat lamang na ako ay lumabas para maglibot sa bayan. Nais kong makita ang mga bagong tinda sa may Plaza! Ang mga bagong damit at sapatos, ang makikinang na mga alahas at ang makukulay na palamuti sa buhok!” Nagmamadali itong lumapit sa Isang ginang na nakaupo habang nananahi sa makina. “Ina! Nais ko po na lumabas, gusto ko lamang po na pumunta sa Plaza para tumingin ng mga bagong kagamitan!” masayang sabi nito. “Huwag ka sakin magpaalam, doon ka sa Ama mo magpaalam.” Sabi nito na tuloy ang sa pagtatahi, napasimangot ang dalaga. “Pero Ina! Hindi po ako papayagan ni Ama n
last updateLast Updated : 2021-08-23
Read more

Kabanata 36

 Hindi maiwasang kiligin ng mga nanunuod, kahit mga taga-ibang University ay hindi mapigilan ang kilig lalo na ng ngumiti si Philip. Bihira lang kasi itong maging lead actor noon dahil mas gusto niyang maging narrator, kaya bago sa manunuod ang pamamaraan ng pag-acting nito at ang mukha niya na alam naman ng lahat na maipagmamalaki sya. “Simula ngayon ay sila na ang magiging tauhan natin dito, mula pagluluto hanggang sap ag-aayos ng hardin ay sila na.” Hindi natutuwa ang dalaga sa mga ngiti ng binata, pero pinagtaka niya ang biglaang ang kuha ng tauhan ng Ama. “Bakit po kayo kumuha ng bagong mga tauhan? Paano po sila manang at ang mga hardenero natin?” tanong nito kaya tumingin ang Ginoo sa kaniya. “Pinaalis ko na sila sa trabaho dahil kahit isa sa kanila ay walang nakakita sayo na umalis, tulad ng sabi ko noon lahat ng maling desisyon mo sa bahay ay may kapalit, huwag ka ng gum
last updateLast Updated : 2021-08-24
Read more

Kabanata 37

 Dahan-dahang minulat ni Isabel ang mga mata, eto na naman ang makalumang lugar sa panaginip niya. Isang maganda at malaking bahay ngayon ang nasa harapan niya kung hindi siya nagkakamali ay ito ang bahay na nasusunog noon, pero ngayon ay maayos pa ito. Ang pinagtataka niya ay bakit nasa loob siya ng isang kotse at bumalik ang edad niya ng kaunti. “Maria, mauna ka na sa loob, andoon na sila manang at paniguradong nakalinis na. May bibilhin at aasikasuhin lang kami sa may bayan para malaman nila na nakalipat na tayo rito sa lugar nila.” Paalam ng isang babae na sa tingin ng dalaga ay Ina niya. Tumango na lang siya dahil hindi naman niya alam ang sasabihin, ano na naman ba kasi ang ginagawa niya dito. Pumasok siya sa loob ng bahay at sumalubong ang napakatamis na ngiti ng isang matandang babae, kusang gumalaw ang mga paa niya papalapit dito at niyakap ang matanda. Hindi alam ni I
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more

Kabanata 38

Madami ang pumupunta sa kanilang bahay para mag abot ng regalo bilang pagtanggap sa kanilang pagdating, madami din dito ay kasama ang mga anak nila kaya hindi naglaon ay may mga bago na agad siyang kaibigan. Ang iniisip niya na baka wala siyang maging kaibigan ay nalutas na, hindi niya akalain na ganito kabait ang mga tao dito na ganito ang magiging pagtanggap ng mga ito sa kanila. “Maraming salamat sa mga regalo nyo, nag-abala pa kayo sa pagdadala.” Saad ng Ina niya sa mga babaeng pumunta sa kanilang bahay para mag dala ng mga prutas at gulay. “Nako huwag mo ng isipin iyon, sinadya ka talaga naming puntahan dito para imbitahan sa samahan ng mga babae sa bayan. Ang mga babae dito ay may ginagawang programa, gumagawa kami ng mga palamuti at binibenta sa plaza. Ito ay hindi naman sapilitan ginagawa lang namin para tulong din sa sa kapwa namin babae na hindi ganoon kalaki ang kinikita ng
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more

Kabanata 39

“Ang may kaarawan ngayon, Ginoong Pelipe Cuevas!” hiyaw ng taga pagsalita kaya pumalakpak naman ang mga bisita habang pababa sa hagdan ang lalakeng naka-tuxedo ng damit, nakaayos ang buhok nito dahilan para mas makita ang kagwapuhan nito, ngunit ang mga nangungusap nitong mga mata ay nakafocus lamang sa iisang babae.  Hindi maiwasan ng dalaga na mapayuko, pakiramdam niya ay tumatagos sa buo niyang pagkatao ang tingin ng binata sa kaniya. Isa pang dahilan ay ang pagbabago ng mukha nito na mas naging detalyado ang kagwapuhan ng mga oras na iyon, naglakad ang binata sa gitna. “Magadang gabi sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagpapaunlak ninyo sa imbitasyon naming para ngayong gabi. Sana ay masayahan kayo.” Maigsi na saad ng binata, ayaw na nitong pahabain pa ang sasabihin, binilin na nga niya sa magulang na ayaw niya ang ganitong handaan pero hindi naman sya pinakikinggan ng mga ito,
last updateLast Updated : 2021-08-27
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status