Madami ang pumupunta sa kanilang bahay para mag abot ng regalo bilang pagtanggap sa kanilang pagdating, madami din dito ay kasama ang mga anak nila kaya hindi naglaon ay may mga bago na agad siyang kaibigan. Ang iniisip niya na baka wala siyang maging kaibigan ay nalutas na, hindi niya akalain na ganito kabait ang mga tao dito na ganito ang magiging pagtanggap ng mga ito sa kanila.
“Maraming salamat sa mga regalo nyo, nag-abala pa kayo sa pagdadala.” Saad ng Ina niya sa mga babaeng pumunta sa kanilang bahay para mag dala ng mga prutas at gulay.
“Nako huwag mo ng isipin iyon, sinadya ka talaga naming puntahan dito para imbitahan sa samahan ng mga babae sa bayan. Ang mga babae dito ay may ginagawang programa, gumagawa kami ng mga palamuti at binibenta sa plaza. Ito ay hindi naman sapilitan ginagawa lang namin para tulong din sa sa kapwa namin babae na hindi ganoon kalaki ang kinikita ng
“Ang may kaarawan ngayon, Ginoong Pelipe Cuevas!” hiyaw ng taga pagsalita kaya pumalakpak naman ang mga bisita habang pababa sa hagdan ang lalakeng naka-tuxedo ng damit, nakaayos ang buhok nito dahilan para mas makita ang kagwapuhan nito, ngunit ang mga nangungusap nitong mga mata ay nakafocus lamang sa iisang babae. Hindi maiwasan ng dalaga na mapayuko, pakiramdam niya ay tumatagos sa buo niyang pagkatao ang tingin ng binata sa kaniya. Isa pang dahilan ay ang pagbabago ng mukha nito na mas naging detalyado ang kagwapuhan ng mga oras na iyon, naglakad ang binata sa gitna.“Magadang gabi sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagpapaunlak ninyo sa imbitasyon naming para ngayong gabi. Sana ay masayahan kayo.” Maigsi na saad ng binata, ayaw na nitong pahabain pa ang sasabihin, binilin na nga niya sa magulang na ayaw niya ang ganitong handaan pero hindi naman sya pinakikinggan ng mga ito,
“Pelipe,” Bati ng isang dalaga na may maputlang kulay ng balat, tulad ng kung anong meron ang lalake. Mga kulay na kahit sikat yata ng araw ay mahihiyang humalik sa mga balat nito, ang buhok nito na alon-alon na bumabagay sa maliit nitong mukha, mapupula at makipot na labi, mga mata na parang namimintas, nanliit si Maria sa nakikita.Ito ba ang dahilan bakit gusto niyang bumili ng bagong damit at mag-ayos dahil may darating na ibang babae para agawin ang pansin ng binata. Yumuko siya ng makitang naligaw ang tingin ng babae sa kaniya, hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.“Maligayang kaarawan sayo, Ginoong Pelipe, ngunit hindi yata maganda ang aking oras ng pagdating para bumati sayo?” Makahulugang sabi nito na nakatingin pa rin kay Maria na parang binabasa ang buong pagkatao niya pati kaluluwa. Hindi siya sanay na tignan ng ibang tao! “Bagoong nobya mo, Ginoo?” dagdag na tanong nito, tumingin naman
“Bakit ko naman siya ipapahiram sayo?” sagot ng lalake dahilan para magkaroon ng iringan sa dalawa, hindi mapigilan ni Pelipe na mapatingin sa dalaga, may mga dumi ang damit nito kaya hinawakan niya sa kwelyo ang binata “Anong ginawa mo sa kanya?” Tanong nito sa lalake, pero ngumisi lang ito sa kanya at tinapik ang kamay niya ng malakas, buti na lang at malakas ang tugtog at hindi sila gaanong pansin ng mga tao sa paligid.“Anong ibig mo na sabihin kung anong ginawa ko sa kanya? Wala akong ginagawang masama sa kaibigan ko, sino ka ba sa tingin mo para kwelyuhan ako? Dahil anak ka ng mga Cuevas hindi ibig sabihin noon may karapatan ka ng kwelyuhan o saktan ng ibang tao pag gusto mo, tandaan mo magulang lang ang may pangalan at hindi ikaw kaya kung mang-aaway ka siguraduhin mo muna na hindi sampal ang abot mo sa Ina mo.” Nang iinsulto na sabi nito.&nb
Hanggang matapos kumain ay hindi mawala ang katanungan ng dalaga kung kanino iyon nanggaling, wala namang ganoong bulaklak sa hardin nila Pelipe, pero bakit nga ba iyon agad ang naisip niya na nagbigay? Hindi naman sila masyadong umaasa sa lalake sa lagay na iyon.Napabuntong hininga ang dalaga, hindi niya maitangi na umaasa siya na ang binata ang nagpadala ng bulaklak pero alam niyang imposible dahil hindi lang siya ang babae sa paligid nito, tulad nga ng sabi ng bago niyang kaibigan na si Kanor ay halos lahat ay tumitingala sa pamilya ng Cuevas at hindi maitatanggi na madami din ang pamilya na gustong ilakad ang anak nila sa binata, at anong laban niya sa mga ito? Isang simpleng pamilya lamang ang meron siya at walang pangalan na maipagmamalaki, pero kung mataas baa ng estado ng buhay na meron siya ay may pag-asa siyang magustuhan ng panganay na anak ng mga Cuevas?
“Bakit ang seryoso nyo naman yata diyan? May isa ka pa na bisita anak, iwan ko muna kayong tatlo diyan at kukuha ako ng maiinom ni Pelipe.” Sabi ng Ina ngunit nagsalita si Kanor.“Hindi na po ako magtatagal dito, aalis na rin po ako dahil kanina pa naman kami naguusap ni Maria. Babalik na lang po ulit ako sa susunod.” Magalang na pagpapaalam nito.“Bakit ang bilis naman Iho. Tinapos pa naman naming agad ang gawain naman para makapag-usap tayo, sa susunod na lang siguro pag bumalik ka. Mag-iingat ka sa daan.” Bilin ng Ina na parang matagal na niyang kilala ang lalake, tumango naman ang lalake at nagpaalam na para umalis.Pagkaalis ng lalake ay doon lang nabaling ang tingin ni Maria sa bagong dating na lalake, nagtataka ito kung bakit ito dumalaw, wala naman kasi itong dahilan para puntahan siya.
Tulala ang dalaga sa narinig, hindi niya alam ang sasabihin ng bigla niyang narinig ang nagpipigil na tawa ng lalake kaya hindi niya mapigilang mainis dito, “ Nakakainis ka alam mo iyon! Akala ko ay gusto mo talaga akong mabaliw sa bulaklak na iyon.” Galit na sabi nito.“Kung gagawin naman kitang baliw, bakit hindi nalang sa akin at sa bulaklak pa. Isipin mo mababaliw ka sakin at hindi mo na kayang mabuhay na wala ako sa tabi mo.” sabi ng binata habang tumataas-taas pa ang kilay. Hindi naman mapigilan ng dalaga na mapangiwi sa narinig, “Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, nakakatakot minsan lumalabas diyan sa bibig mo pakilagyan ng busal.” May pagtataray na sabi nito kaya muli niyang narinig ang halakhak ng lalake na nasa puno. “Uuwi na ako, baka mabaliw ka na sakin pag nagtagal pa ako sa tabi mo,” biro ulit nito kaya
Maiingay na mga bata ang gumising sa dalaga, mula sa labas ay rinig niya sa kaniyang kwarto ang mga hiyawan at tawanan ng mga ito kaya hindi niya maiwasan na mapabangon at bumama sa may sala, kitang-kita sa pintuan ng kanilang bahay ang mga nag tatakbuhan papunta sa plasa.“Akala kop o ay mamayang gabi pa ang programa sa plasa? Bakit may mga bata na ang tuwang-tuwa na pumupunta doon?” nagtataka na tanong nito sa matanda na galing sa kusina at naghahanda ng makakain.“Mamaya pa nga ang okasyon sa plasa pero may mga nagtitinda at palaro na doon kaya ganoon na lang ang saya ng mga bata, ngayon ay maari ka na rin pumunta doon kahit saglit lang.” Sushento ng matanda ngunit umiling an gang dalaga.“Nako, Lola mamaya na po siguro ako pupunta dahil baka maligaw lang ako, wala naman akong kasama tapos marami pa na taong naglilibot.” Sago
Parang bumagal ang oras para sa dalaga ng makita niya ang sariling pangalan habang inaanod ng tubig ang ilaw kung saan nakasulat iyon, hindi siya sigurado kung kanino o sino ang may-ari ng kahilingang iyon. Kung sa lalake ba na kasama niya ngayon o sa lalaking katabi niya kanina.“Ayos ka lang? bakit tumalala ka, hindi ka ba naging masaya o may nakalimutan ka na ilagay sa kahilingan mo?” usisa ng kasama nitong lalake, kanina pa kasi siya tahimik habang iniikot nila ang mga tindahan sa gilid ng ilog.Umiling naman ito,”Wala naman, medyo nakararamdam lang ako ng antok dala ng medyo malamig na hangin dito sa labas.”Pagsisinungling niya.“Gusto mo na ba na umuwi? Pwede namang ihatid na kita, medyo nakakapagod din ang makipagsiksikan at maglakad.” Suhento naman ng binata ngunit umiling lang ang dalaga.Pagkatapos noon ay wala ng nagsalita muli sa kanilang dalawa, hindi alam ni Maria
“Huy, Yuna lasing ka na tama na iyan!” Bawal ng mga kaibigan nito sa babae habang patuloy pa rin ito sa paglaklak sa alak na hawak nito. Hindi nila alam kung ano ang nagtulak sa dalaga para mag-inom ito ng marami ngayon, sa pagkakaalam naman niya ay maayos na ang lagay ng Papa nito at wala pa silang nababalitaan ulit na masamang balita pero para itong problemado na problemado.“Anong oras na oh, uuwi na kami.” Si Vince iyon dahil binilin ito na huwag masyadong magpakalasing sa graduation party nila,” hindi naman naming siya pwedeng isabay dahil iba ang daan ng bahay.” Pagpapaliwanag pa nito.“Lasing rin si Isabel, itong si Therese ay pwede naming isabay pero hindi ko rin masasabay si Yuna at iba rin ang direction papunta sa kanila.” Problemado din na sagot ni Philip habang inaalalayan ang lasing na si Isabel at Therese.Hindi makapaniwalang nakatingin si Ken sa kanila, mukh
“Congratulations, graduates!” Huling sabi ng school director at sabay-sabay nagsigawan ang lahat at masayang niyakap ang mga magulang at kaibigan. May mga nag-iiyakan at may iba na pilit inaayos ang nasirang relasyon ng mga nag daan na taon sa buhay nila.Gaano nga ba kabilis dumaan ang araw sa buhay ng tao para ayusin ang mga dapat ayusin at bigyan ng importansya ang mga bagay na mahalaga sa isang tao, paano ng aba masasama na kung hindi mo aayusin ngayon ay may pagkakataon ka pa na ayusin mamaya o bukas?Kung may nararamdaman ka sa isang tao, ano ng aba ang tamang oras, araw, at panahon para aminin iyon?Minsan mas mabuti kung gawin moa gad para wala kang pagsisisihan sa huli.Ang pangalawang pagkakataon na binigay para kay Philip para muling makita at makasama ang babaeng pinakamamahal niya ay sadya naman talagang pinagpapasalamat ng binata.“Isabel.” B
Years laterMatapos ng araw na iyon, naging mas lalong naging malapit ang pamilya nilang dalawa. Mas naging open din sa isa’t-isa si Isabel at Philip sa mga bagay-bagay at sa relasyon na meron sila. Naging madali sa mga ito na makahabol sa mga pag-aaral. “Wow! Hindi mo talaga aakalain na malapit na tayong mag-graduate, hindi na ako baby sa bahay tiyak na pipilitin na ako ni Papa na pagtrabahuin sa business nya.” Mabilis na reklamo ni Vince habang nag-iinat ng mga kamay dahil kakatapos lamang ng huli nilang exam. “Mabuti naman kung ganoon para hindi pangbababae ang inaatupag mo, hindi mo gayahin si Greg pagka-graduate niya ay sasali na agad siya sa nat
“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal ko si Isabel, mahal na mahal ko siya mula noon hanggang ngayon,” Huminto saglit sa pagsasalita si ken at himinga ng malalim. “kaya po andito pa rin ako sa tabi niya kahit na alam ko na hindi sya para sakin at ibang lalake ang mahal niya. Alam kop o na wala akong karapatan pero bilang kaibigan nilang pareho, gusto ko po sana na sabihin sa inyo na hayaan at pakinggan nyo po sila, huwag nyo agad tutulan yung relasyon na meron sila.” Magalang ang tono ng binata at halatang kinakabahan. “Hindi ko maintindihan, bakit tinutulungan mo ang binata na iyon kung may nararamdaman ka rin para sa Apo ko? Hindi ba dapat na mas humingi ka ng pagkakataon para sa sarili mo?” Tanong ng matanda dito. Napailing naman ang binata
Ilang linggo lang din naman ay nakalabas na sila ng hospital, tulad ng inaasahan napakarami nilang dapat habulin sa bawat subject. Kay Philip ay wala namang problema iyon pero kay Isabel na walang kasipag-sipag sa pag-aaral ay parang isang delubyo ang isang oras na maupo sa loob ng library para mag-aral. “Ayaw ko na! suko na ako dito wala naman akong naiintindihan e ilang oras ko ng paulit-ulit na binabasa pero wala namang pumapasok sa utak ko.” Naiinis na binagsak ni Isabel ang libro, lumalabas na naman ang pagiging maldita niya dahilan para hindi mapigilan ni Philip na tignan ito ng hindi makapaniwala. “Paanong may maiintindihan ka diyan e tignan mo nga
“Nagseselos ka ba?” Nang-aasar na tanong ng binata sa dalaga dahilan para matigilan ito, unti-unting bumaba ang nakataas niyang kilay at muling naupo sa upuan sa harap ng binata. “Kalokohan kung sasabihin ko na hindi ako nagseselos, nang maalala ko ang lahat tungkol satin ay sobra-sobra ang ingit na nararamdaman ko sa kaniya dahil sa sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa pero anong magagawa ko, siguro nga ay nakatadhana na siya lagi ang unang babaeng makikilala mo kaysa sa akin.” Malungkot ang tono ng boses nito kaya hindi maiwasan ng binata ang magpakita ng pag-aalala sa mukha. “Huwag ka ng malungkot, kung ako naman ang masusunod ay pipiliin
“Nagising na yung pasyente bilisan nyo sa pagkilos!” Nagmamadali ang mga nurse sa pagpunta muli sa kwarto ni Philip. Alam naman niyang may kaya ang pamilya nito pero iba talaga ang asikaso ng hospital sa binata. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang estado ng buhay nito, ibang-iba pa rin tulad ng buhay nila ni Isabel. Hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi na pwedeng siya naman ngayon para sa dalaga, kahit man lang sana saglit binigyan siya ng pagkakataon para sa dalaga pero kung mayaman rin ang pamilya niya ngayon ay baka hindi niya nakilala si Isabel dahil kung hindi dahil sa trabaho nila hindi naman sila magiging magkaibigan. “Sino ba iy
Hindi akalain ng binata na magagawa niya ang ganoong bagay, sinabi niya dati sa sarili na papatunayan niyang hindi totoo ang sinasabi ng iba na masama silang pamilya pero sa pagkakataon na ito ay wala na siyang dapat patunayan, ang mga taong nasa paligid niya ang nagtulak na gumawa ng masama kahit ayaw niya. Piliin ang mabuti? Hindi lahat ng sitwasyon ay masasabi at magagawa niya iyon, kung ngayon siya husgahan ng mga tao hanggang gusto nila dahil wala ng dahilan para masaktan siya. Iyon ang nasa isip ng binata pero nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang naglalakad palayo sa mga nakahandusay na katawan sa daan, muling isip
Ngunit kahit anong hiyaw ng binata at pagkalampag ng pintuan ay wala talagang gustong magbigay ng pansin sa kaniya, kahit isa sa mga ito ay ayaw magawa ng mali sa matandang lalake. Pero sino nga ba ang hindi matatakot sa matanda kung alam na ng mga ito ang kayang gawin ng isang Don.Vicente sa gustong kumalaban sa kaniya. Sa huli ay wala rin nagawa ang binata kung hindi ang tumigil at mahiga na lang sa malamig sa sahig, kahit pagurin niya ang sarili kung para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay wala siya doon ay wala siyang mapapala at magmumukha lang siyang baliw at nagsasayang ng lakas na pwede niyang gamitin sa pagtakas. Inikot niya ang tingin sa paligid, pero mukhang malabong mangyari iyon dahil wala man lang siyang makitang pwedeng daanan kung sakasakali k