The culpritMira's POVMabilis ang hininga ko. Hawak ko ang aking tiyan habang buhat ako ni Nate. He's cursing under his breath. Hawak n'ya ako sa dalawang kamay ngunit ang baril n'ya ay hindi n'ya pa rin mabitawan. Ilang putok ng baril pa ang narinig namin sa paligid. Dumating kami sa kotse at dahan-dahan akong sinakay doon ni Nate. Nahihilo na ako! Narinig ko pa ang pagpapaputok ni Nate sa kung saan bago s'ya sumakay sa kotse at paandarin ito nang mabilis. Kinuha n'ya ang phone n'ya at agad na inilagay sa tenga. "We need back up as soon as possible! I'm heading back to the HQ. Agent Carper was shot! Prepare the room for her!" Sigaw n'ya. Hindi ko maiwasang matawa sa inasal n'ya. Ngayon ko lang s'ya narinig na sumigaw ng ganiyan. I must say, He really cared for his partner, huh? Should I be glad? Oh, shit! Nahihilo na ako!
Last Updated : 2022-01-28 Read more