Home / Romance / Dito, Dito Sa Puso Ko / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Dito, Dito Sa Puso Ko: Chapter 1 - Chapter 10

39 Chapters

Prologue

5 years ago HALOS WALA pa siyang tulog. Hindi niya alintana ang pagod at puyat. Nasa pinangyarihan siya ng aksidente ng asawa. Medyo nahihirapan ang mga rescuers dahil sa bangin nahulog ang sinasakyan ng kanyang asawa. Hindi siya madasaling tao ngunit ng araw na iyon ay hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang nagdasal sa Diyos para iligtas ang asawa. She is his life. Ayaw niyang isipin na iiwanan siya ng asawa sa ganitong paraan. Hindi niya alam kung paano mabubuhay kung mawawala ito. "Sir, na-recover na po ang bangkay at nakita itong kwintas na ito sa pinangyarihan." Tinig iyon ng isa sa mga rescuers. Hindi siya makagalaw ng makilala ang kwintas na regal
Read more

Chapter 1

"MOM, I'm okay, I landed safe and sound." Paniniyak ni Wevz sa kanyang ina. Kahit kailan talaga ay napaka-maalalahanin ng kanyang mga magulang. Lalo na ang kanyang ina. "Okay, ingat ka baby and always keep us up to date okay?" Habilin pa nito. Napa-buntong hininga siya. "Okay mom, bye, love you too." Nang makapag-paalam na ng mabuti sa ina ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigang si Gia. But she is not answering her phone. Nagpa-linga-linga siya sa Ninoy Aquino International Airport. Kailangan niyang mag-tanong kung saan ang pinaka-malapit na mall na pwede niyang puntahan dahil wala siyang masyadong dalang mga damit. Sa mall nalang siya mamimili habang hinihintay ang kaibigan. Ayon sa kanyang ina ay dati silang naninirahan sa Pilipinas. Besides, ito ang kanyang lupa
Read more

Chapter 2

"HOY! BRUHA! Kanina pa kita kinakausap! Akala ko bang gutom ka? Bakit hindi mo ginagalaw ang pag-kain mo?"Saka lang siya natauhan nang yugyugin ni Gia ang isang balikat niya. Hindi pa rin talaga siya makapag-get over sa mga pangyayari kanina. Nakakahiya talaga!"Napano ka ba? Hindi ka naman siguro na molestiya nung sumusunod sayo na lalaki." Patuloy pa rin ang kaibigan sa pagtatalak.Sinabi nalang niya sa kaibigan kanina na natakasan niya yung sumusunod sa kanya. Alalang alala pa naman ito sa kanya kanina."Natakasan ko nga diba?" Aniya rito."Anyway, hindi mo na kailangang maghanap ng hotel. Naipaalam na kita kay tita Emz at sa pinsan ko. Sa amin ka tutuloy!" Excited na wika nito.
Read more

Chapter 3

MABUTI NALANG ay may sariling banyo ang ibinigay na silid sa kanya ni Gia. Pagka-labas niya sa banyo ay prenteng nakahiga sa kama ang kaibigan at mukhang hinihintay talaga siya. Ang usapan nila ay maliligo muna sila at pagkatapos ay iku-kwento niya ang tungkol sa lalaking inaakala niyang sumusunod sa kanya. Ah! Ayaw talaga niyang i-kwento dahil nakakahiya talaga pero kilala niya si Gia. Ubod ito ng kulit! "Mag-kwento kana bago kita ipakilala sa mga kasam-bahay dito." Anang kaibigan. Wala talaga siyang kawala dito. Sinimangutan niya ang kaibigan at umupo sa gilid ng kama. Ikinuwento niya rito ang mga nangyari kanina. At tama siya pagkatapos niyang mag-kwento ay ang lakas ng tawa nito. Tiningnan niya ito ng masama. "Kaibigan kita di
Read more

Chapter 4

"WOW! GOOD JOB!" Tuwang tuwa si Wevz habang nagpapaligsahan ang kambal sa pagpapakita sa kanya ng mga artworks ng mga ito sa paaralan.Dinala siya ng dalawang bata sa silid ng mga ito. Nasa ikalawang palapag din iyon ng mansyon. Kasama nila si Lilly, na napag-alaman niyang taga-pangalaga ng dalawang kambal sa bahay."Miss Wevz, nakakatuwa naman at halatang gustong gusto ka nila." Wika ni Lilly."Ang kulit mo din no? Sabi ko ng wala ng 'Miss', Wevz nalang." Aniya rito habang naka-ngiti.Napakamot ito sa ulo. "Pasensiya na, hindi ko yata makakasanayan iyon.""Can you tell us more about snow later?" Tanong ni Thea sa kanya."Yes! I wan
Read more

Chapter 5

WEVZ CLEARED her mouth first before talking. "Five years ago we migrated to Canada. This is because I got into an accident which caused me to be in a coma for 3 months."Narinig niyang napasinghap ang ginang sa kanyang paninimula. "The moment I woke up, I don't even remember my name." Malungkot siyang napa-ngiti habang ginu-gunita ang mga sandaling iyon."It's okay hija. Maiintindihan ko kung hindi mo na maitutuloy ang pagkukwento." Nakaka-unawang saad ni tita Emz sa kanya.She smiled. "Okay lang po gusto ko naman din pong malaman niyo. Malugod niyo po akong tinanggap dito kaya nararapat lang pong malaman niyo ang mga ilang bahagi sa buhay ko."Tumango ang ginang at nginitian siya. May bahagi sa puso niya na gusto niya ding ibahagi ito habang nakikinig si Syke. Though he
Read more

Chapter 6

HINDI MAIWASANG malungkot ni Syke ng marinig ang tanong ng anak niyang lalaki kay Wevz kanina. Maging ang kanyang anak na babae ay hindi maipagkakailang nangungulila sa kalinga ng isang ina.He was about to check on them. Ngunit narinig niyang kausap ng mga ito ang kanilang bisita kaya hindi natuloy ang tangka niyang pagpasok sa silid. Subalit nabuksan na niya ng bahagya ang pintuan ng silid. Kaya nakita niya kung paanong komportableng naka hilig ang mga ulo ng kanyang mga anak sa magkabilang hita ng dalaga.Ang tatlo ay pare-parehong naka-pantulog at may kung anong humaplos sa puso niya sa posisyon na iyon ng mga ito. This is how exactly he pictures his wife with their kids if she is just alive right now.Tiningnan niya si Wevz, bakas sa mukha nito na walang halong pagpapanggap ang pagkalinga nito sa kanyang mga an
Read more

Chapter 7

MATAGAL NG NAKA-ALIS si Wevz ng opisina niya ngunit tila lumulutang pa rin ang kanyang isipan."Life is beautiful, huwag mong tipirin ang ngiti mo, huwag kang masyadong madamot."Naalala niya ang huling sinabi nito. Ngunit sa kanyang ala-ala ay hindi si Wevz ang bumibigkas noon kundi si Maridel, ang kanyang yumaong asawa. The way she delivered it, even the voice was exactly the same!"Chief Sungit..." Hindi ba't minsan na siyang sinabihan ng ganoon ng asawa? Noong sekretarya palang niya ito?Napasabunot siya sa kanyang buhok. Maging ang pag-bigkas ng dalaga ng 'sa ganda kong ito' at 'kapag may katwiran ipaglaban mo', ilan lamang iyon sa mga linya ng asawa niya.Sa mga n
Read more

Chapter 8

"S-SUPERMAN? Anong ginagawa mo diyan?!"Hindi alam ni Syke kung matatawa o lalong mapapangiwi sa tanong na iyon ni Wevz. Pinukulan niya ito ng masamang tingin dahil naramdaman niyang medyo may masakit sa parte ng kanyang balakang. Na-out of balance siya mula sa pagkakatulak nito. At mukhang hindi naging maganda ang pagbagsak niya sa sahig. Sinikap niyang tumayo ngunit napa-upo lang siyang muli at napa-ngiwi sa sakit.Mabilis siyang dinaluhan ni Wevz. At katulad kanina ay hindi niya maiwasang mapa-singhap dahil sa pamilyar na amoy na iyon. It's the natural scent of her wife!"Naku! Sorry boss chief! Akala ko talaga multo ka!" Anito habang inaalalayan siyang maka-tayo.Duda siya kung kakayanin ng dalaga ang bigat ng katawan niya. At tam
Read more

Chapter 9

"SIGE, MATUTULOG na ako. Ayusin mo lang tumawa diyan."He can't help but to smile. Hindi rin niya alam kung bakit sumang-ayon siya sa kanyang ina na ito ang pan-samantalang magbantay at umalalay sa kanya. Ngunit hindi niya ikakaila na unti unti niyang nagugustuhan ang presensiya ng dalaga.Katulad ng kanyang asawa, tila napaka-positibo nito sa buhay. Palagi itong naka-ngiti. Tila walang mabigat na pinagdadaanan sa buhay. She is exactly his opposite. Dahil siya ay tila pasan ang daigdig. Minsan na siyang naging masaya ngunit panandalian lang iyon. Nang mawala ang pinaka-mamahal niyang asawa, pakiramdam niya ay hindi na siya mabubuong muli.Ngunit si Wevz, hindi nito maalala ang dalawangpu't apat na taon ng buhay nito ngunit nanatili itong masiyahin. Hindi ito basta basta natitinag. Bale
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status