MABUTI NALANG ay may sariling banyo ang ibinigay na silid sa kanya ni Gia. Pagka-labas niya sa banyo ay prenteng nakahiga sa kama ang kaibigan at mukhang hinihintay talaga siya.
Ang usapan nila ay maliligo muna sila at pagkatapos ay iku-kwento niya ang tungkol sa lalaking inaakala niyang sumusunod sa kanya. Ah! Ayaw talaga niyang i-kwento dahil nakakahiya talaga pero kilala niya si Gia. Ubod ito ng kulit!
"Mag-kwento kana bago kita ipakilala sa mga kasam-bahay dito." Anang kaibigan.
Wala talaga siyang kawala dito. Sinimangutan niya ang kaibigan at umupo sa gilid ng kama. Ikinuwento niya rito ang mga nangyari kanina. At tama siya pagkatapos niyang mag-kwento ay ang lakas ng tawa nito.
Tiningnan niya ito ng masama. "Kaibigan kita diba?"
"Oo, kaya nga kaya kitang pagtawanan ng harap harapan e." Anito sa pagitan ng pag-tawa. "But, come to think of it. Normally yang si Syke wala namang pakialam yan sa paligid, kaya malamang nakuha mo ang atensiyon niya." Anito pagkatapos siyang pagtawanan.
"Ano ka ba! May asawa yung tao."
"Hmmm.... Ay! Hindi ko pala nasabi sa iyo, sumakabilang buhay na ang asawa niya. Sayang nga, hindi namin nakuhang mag-kita. Hindi kase ako nakadalo sa kasal nila."
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng kaibigan. "Yun ba ang dahilan kaya parang hindi siya marunong ngumiti?" Tanong niya.
"Dati pa namang ganoon si Syke. Simula ng mamatay ang papa niya ay siya na ang nag-take over ng lahat. Kaka-graduate lang niya noon ng college. Kaya hindi mo rin siya masisisi. Ngunit ang sabi ni Tita Emz ng dumating si Maridel sa buhay niya, ay nagbago ang lahat. Natuto siyang ngumiti. Yun nga lang halos isang taon palang silang kasal ay isang malagim na aksidente ang kumitil sa buhay ng asawa niya."
Kulang ang salitang lungkot sa nararamdaman niya ngayon para kay Syke. Napaka-tragic naman ng buhay nito. Kaya siguro hindi na nito kayang ngumiti pa.
"I-Ilang taon ng patay ang asawa niya?" Hindi niya alam kung bakit naging interesado siya sa buhay ng pinsan nito.
"Limang taon na ang lumipas. Halos mag-iisang taon palang din ang kambal ng maaksidente ang asawa niya. Kaya nga ako iniintindi ko nalang siya. Mabait siyang tao, hindi nga lang talaga siya marunong ngumiti." Anang kaibigan.
"Mahal na mahal niya ang asawa niya kung ganoon. I saw that he is still wearing his wedding ring." Malungkot na saad niya. Hindi niya alam kung ano talaga ang nagpapa-lungkot sa kanya. Yung kwento ng buhay ng lalaki o ang katotohanan na mahal na mahal nito ang asawa.
Tumango si Gia. "Oo, ni wala nga yang interest sa mga babaeng lantarang nagpapahiwatig sa kanya. Pero nakuha mo ang atensyon niya dahil sa bukas mong zipper!" Anito at himagikgik.
Inirapan niya ito. "Baliw! Tumahimik ka nga diyan." Saway niya sa kaibigan dahil nag-init na naman ang kanyang pisngi nang maalala iyon.
"Pero alam mo napapaisip talaga ako e." Anito na sa tono palang ng pananalita ay alam na niyang hindi maganda ang kasunod na sasabihin.
"Huwag mo nang ituloy yang sasabihin mo—"
"Nakita niya kaya kung ano ang kulay ng panty mo?" Anito at humagalpak ng tawa.
"Gia!!!!!!!" Sigaw niya rito at alam niyang namumula siya! Kaya pinaghahampas niya ito gamit ang unan. Hindi naman nito iniinda iyon, patuloy lang ito sa pag-tawa.
TINIPON NI GIA ang lahat ng nagta-trabaho sa mansyon. Hindi na nagtaka si Wevz kung may karamihan ang mga iyon dahil sa laki ng bahay. Nakilala niya sina aling Bebeng at manang Fe bilang mga matatandang katiwala na sa bahay. Si Lily ay kasing edad nila ni Gia. Si Gracia at Susan naman ay mas bata sa kanila. Sina manong June at manong Allan ang mga family driver/hardinero. At ang dalawang security guards na sina kuya Rico at kuya Ricky.
Nakatutuwang isipin na malugod siyang tinanggap ng mga ito. Sa palagay niya ay madali niyang makaka-sundo ang mga ito. Masaya silang nag-kwentuhan na tila matatagal na silang magkaka-kilala. Ilang saglit pa ay nag-paalam si manong June na susunduin ang kambal.
Dahil likas siyang mahilig sa mga bata, bigla siyang nanabik sa sinabing iyon ng matanda. "Mga ilang oras Gia bago sila makarating sa bahay?" Hindi niya naitago ang pananabik sa kanyang boses nang tanungin niya ang kaibigan.
"Mga 20 minutes lang, nandito na ang mga iyon." Sagot nito.
At tama nga ang kaibigan. Hindi nagtagal ay nakita na niya ang mga pamangkin nito. They are one of the most beautiful set of twins she ever saw. Ang lalaki ay kamukhang kamukha ng ama nito, gray din ang kulay ng mga mata nito katulad ng sa ama nito at ang babae naman ay hindi kamukha ng ama, ngunit ang ganda nito, malamang kamukha ng ina. Though the girl is somehow familiar to her. Kung sabagay sa dinamirami na ng mga batang naka-salamuha niya hindi na siya magtataka kung may mga batang mukhang pamilyar sa kanyang paningin. May mga programa sa Canada na sinasalihan niya basta may kinalaman sa mga bata.
Kaagad na yumakap ang mga ito kay Gia. Base sa nakikita niya ay close ang mga ito sa kanyang kaibigan. At pag-katapos ay tumingala ang batang babae sa kanya. Kumunot ang noo nito. "Who is she?" Anito na sa tingin niya ay tinatanong si Gia.
Yumuko siya upang mag-pantay ang ulo nila ng bata. "Hi baby girl, I am Wevz, I am tita Gia's friend from Canada." Kausap niya rito. Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng bata. They have the same color of eyes - light brown.
"My name is Althea Dellupac Fontanilla. You can call me Thea." Pagpapakilala nito sa sarili. "Do you have snow there?" Tanong nito pagkatapos magpakilala at muling namilog ang mga mata. And she found her cute. She can tell that this girl really loves snow.
"Yes, we have, lots of snow actually." Tumango siya at ngumiti. Bahagya pa siyang nagulat nang bigla siyang yakapin nito. Hindi niya iyon inaasahan kaya nawalan siya ng panimbang at tuluyan na siyang napa-upo sa sahig.
"Oh! I'm so sorry." Anito ngunit hindi naman inalis ang pagkapalupot ng mga kamay nito sa leeg niya.
Ewan niya pero hindi niya ma-i-paliwanag ang tuwang naramdaman. Tumawa siya at ginantihan ang yakap ng bata.
"Hi, I'm Lorenzo Dellupac Fontanilla, you can call me Enzo. I love snow too, can I hug you as well?" Napatingin siya sa batang lalaki. At nginitian niya ito. Oh! He is so handsome!
"Come here baby boy." Aniya at ilang saglit pa ay yakap na siya ng dalawang bata.
"Ngayon ay naniniwala na talaga akong may kakaiba kang charm pagdating sa mga bata." Wika ni Gia.
Nginitian niya ang kaibigan kasabay ng pakiramdam na parang may kung anong humaplos sa kanyang puso.
TULUYAN NG HINDI lumapit si Syke sa kinaroronan ng kanyang mga anak. Nakita niya nang dumating ang mga ito. Hindi siya makapaniwala na napakadaling nakuha ni Wevz ang loob ng kanyang mga anak. She just answered one question of her daughter and it's just about a snow at niyakap na ito ng mga anak niya sa unang pagkikita!
Hindi ganito ang mga anak niya. Maging si Gia na pinsan niya ay inabot ng isang linggo bago tuluyang nakuha ang loob ng kanyang mga anak. At hindi ba't nahihirapan nga siyang kumuha ng private tutor ng mga ito na tututok sa pag-aaral ng mga ito. Dahil isang araw palang ay umaayaw na ang mga nakukuha niya. Alam niyang may ginagawang kalokohan ang kanyang mga anak kaya umaayaw ang mga nire-recruit niya. Mataas naman ang sweldong ibibigay niya kung sakali ngunit pag-katapos makita ng mga ito ang mga anak niya ang iba ay hindi na bumabalik.
Hindi naman pwedeng laging si Gia ang tumutok sa pag-aaral ng mga ito dahil may mga pagkakataon na pagod na ito sa opisina. At napaka-laking tulong sa kanya ng pinsan sa pagpapatakbo ng mga negosyong naiwan sa kanya.
Muli siyang napatingin sa gawi ng mga ito. Bale wala sa dalaga kung humandusay man ito sa sahig nang sugurin ito ng yakap ng kanyang anak na babae. At pinagbigyan din nito ang kanyang anak na lalaki. Kung titingnan mukhang mag-iina ang mga ito. Ipinilig niya ang ulo sa naisip.
But what shocked him most was the way Wevz called his twins. Mayroon lang siyang isang tao na naaalalang tumatawag ng baby boy at baby girl sa kanyang mga anak. Only the love of his life.
Ngayon palang sila nagkakilala ng babaeng ito ngunit labis na nitong ginugulo ang kanyang isipan. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang wedding ring.
"WOW! GOOD JOB!" Tuwang tuwa si Wevz habang nagpapaligsahan ang kambal sa pagpapakita sa kanya ng mga artworks ng mga ito sa paaralan.Dinala siya ng dalawang bata sa silid ng mga ito. Nasa ikalawang palapag din iyon ng mansyon. Kasama nila si Lilly, na napag-alaman niyang taga-pangalaga ng dalawang kambal sa bahay."Miss Wevz, nakakatuwa naman at halatang gustong gusto ka nila." Wika ni Lilly."Ang kulit mo din no? Sabi ko ng wala ng 'Miss', Wevz nalang." Aniya rito habang naka-ngiti.Napakamot ito sa ulo. "Pasensiya na, hindi ko yata makakasanayan iyon.""Can you tell us more about snow later?" Tanong ni Thea sa kanya."Yes! I wan
WEVZ CLEARED her mouth first before talking. "Five years ago we migrated to Canada. This is because I got into an accident which caused me to be in a coma for 3 months."Narinig niyang napasinghap ang ginang sa kanyang paninimula. "The moment I woke up, I don't even remember my name." Malungkot siyang napa-ngiti habang ginu-gunita ang mga sandaling iyon."It's okay hija. Maiintindihan ko kung hindi mo na maitutuloy ang pagkukwento." Nakaka-unawang saad ni tita Emz sa kanya.She smiled. "Okay lang po gusto ko naman din pong malaman niyo. Malugod niyo po akong tinanggap dito kaya nararapat lang pong malaman niyo ang mga ilang bahagi sa buhay ko."Tumango ang ginang at nginitian siya. May bahagi sa puso niya na gusto niya ding ibahagi ito habang nakikinig si Syke. Though he
HINDI MAIWASANG malungkot ni Syke ng marinig ang tanong ng anak niyang lalaki kay Wevz kanina. Maging ang kanyang anak na babae ay hindi maipagkakailang nangungulila sa kalinga ng isang ina.He was about to check on them. Ngunit narinig niyang kausap ng mga ito ang kanilang bisita kaya hindi natuloy ang tangka niyang pagpasok sa silid. Subalit nabuksan na niya ng bahagya ang pintuan ng silid. Kaya nakita niya kung paanong komportableng naka hilig ang mga ulo ng kanyang mga anak sa magkabilang hita ng dalaga.Ang tatlo ay pare-parehong naka-pantulog at may kung anong humaplos sa puso niya sa posisyon na iyon ng mga ito. This is how exactly he pictures his wife with their kids if she is just alive right now.Tiningnan niya si Wevz, bakas sa mukha nito na walang halong pagpapanggap ang pagkalinga nito sa kanyang mga an
MATAGAL NG NAKA-ALIS si Wevz ng opisina niya ngunit tila lumulutang pa rin ang kanyang isipan."Life is beautiful, huwag mong tipirin ang ngiti mo, huwag kang masyadong madamot."Naalala niya ang huling sinabi nito. Ngunit sa kanyang ala-ala ay hindi si Wevz ang bumibigkas noon kundi si Maridel, ang kanyang yumaong asawa. The way she delivered it, even the voice was exactly the same!"Chief Sungit..." Hindi ba't minsan na siyang sinabihan ng ganoon ng asawa? Noong sekretarya palang niya ito?Napasabunot siya sa kanyang buhok. Maging ang pag-bigkas ng dalaga ng 'sa ganda kong ito' at 'kapag may katwiran ipaglaban mo', ilan lamang iyon sa mga linya ng asawa niya.Sa mga n
"S-SUPERMAN? Anong ginagawa mo diyan?!"Hindi alam ni Syke kung matatawa o lalong mapapangiwi sa tanong na iyon ni Wevz. Pinukulan niya ito ng masamang tingin dahil naramdaman niyang medyo may masakit sa parte ng kanyang balakang. Na-out of balance siya mula sa pagkakatulak nito. At mukhang hindi naging maganda ang pagbagsak niya sa sahig. Sinikap niyang tumayo ngunit napa-upo lang siyang muli at napa-ngiwi sa sakit.Mabilis siyang dinaluhan ni Wevz. At katulad kanina ay hindi niya maiwasang mapa-singhap dahil sa pamilyar na amoy na iyon. It's the natural scent of her wife!"Naku! Sorry boss chief! Akala ko talaga multo ka!" Anito habang inaalalayan siyang maka-tayo.Duda siya kung kakayanin ng dalaga ang bigat ng katawan niya. At tam
"SIGE, MATUTULOG na ako. Ayusin mo lang tumawa diyan."He can't help but to smile. Hindi rin niya alam kung bakit sumang-ayon siya sa kanyang ina na ito ang pan-samantalang magbantay at umalalay sa kanya. Ngunit hindi niya ikakaila na unti unti niyang nagugustuhan ang presensiya ng dalaga.Katulad ng kanyang asawa, tila napaka-positibo nito sa buhay. Palagi itong naka-ngiti. Tila walang mabigat na pinagdadaanan sa buhay. She is exactly his opposite. Dahil siya ay tila pasan ang daigdig. Minsan na siyang naging masaya ngunit panandalian lang iyon. Nang mawala ang pinaka-mamahal niyang asawa, pakiramdam niya ay hindi na siya mabubuong muli.Ngunit si Wevz, hindi nito maalala ang dalawangpu't apat na taon ng buhay nito ngunit nanatili itong masiyahin. Hindi ito basta basta natitinag. Bale
NAKA-TUNGHAY LANG si Wevz kay Syke habang hinihintay nila si Dr. Perez. Papunta na raw ito at ano mang oras ay darating na. Lumalapit lang siya sa lalaki sa tuwing gusto nitong pumunta ng banyo. Sa madaling salita pasyente nga niya ito. Nakikita niya itong napapa-ngiwi sa tuwing tatayo o mag-iiba ng posisyon. Minsan ay nakaka-tanggap ito ng mga tawag. Malamang sa opisina o ano mang may kinalaman sa trabaho. Napag-pasyahan niyang kumuha ng mga magazines at magbasa-basa. Ang totoo ay hindi naman niya masyadong binabasa, kapag may nakikita lang siyang mga interesante. Hindi nagtagal ay dumating si Dr. Perez. Bahagya pa siyang natulala, dahil hindi ganito ang itsura ng doktor na inaasahan niya. Ang akala niya ay matanda na ito at yung tipong nakasalamin. Ngunit ang doktor na nasa harapan niya ngayon ay parang hindi doktor. Parang mas akma
"DADDY! ARE YOU OKAY?"Narinig ni Syke ang tinig ng anak na babae. Ngunit ilang beses muna siyang kumurap kurap upang masigurong ang asawa nga niya ang kanyang narinig kanina. He is really sure about that! Narinig niya si Maridel kanina. Narinig niya kung paano siya tawagin nito ng "love", iyon ang endearment nila sa isa't isa. Ngunit ilang beses siyang kumurap, si Wevz ang nasa harapan niya at hindi si Maridel."Love is all that matters." Anang dalaga at nginitian siya. Pag-kuway lumapit dito ang anak niyang lalaki.Siya naman ay naagaw ang pansin ng anak na babae. "Daddy, are you okay?" Tila may pag-aalala sa tinig nito. Inabot niya ito at binuhat upang ma-i-upo sa tabi niya. Sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya maiwasang maalala ang pumanaw na asawa. Kamukhang kamukha ito ni Maridel. Samantalang ang anak nil
PAKIRAMDAM NI WEVZ/MARIDEL ay napakaganda niya ng araw na iyon. Everybody is making her feel beautiful."Bru! This is it!" Tili ni Gia.Natatawang naiiling siya sa eksaheradang reaksiyon ng kaibigan."Naku! Naku! Grabe din naman ang universe sa inyo no? Sinong mag-aakalang ikakasal ka ulit sa asawa mo." Anito na tatawa tawa pa."Umayos kana nga diyan." Saway niya rito."Bru! Alam ko maganda ka ngayon, pero aminin mo, ako ang pinaka-magandang maid of honor sa buong universe diba?" Pangungulit nito."Oo na! Ikaw na!" Kunway napipilitang saad niya."I know right!" Anito at walang sabi sabing umalis na.
WALANG kapantay ang saya na nararamdaman ni Maridel/Wevz sa mga nakalipas na araw. Bagamat tutol si Syke, ay ipinilit pa rin niya na mag pa DNA upang makasiguro kung siya nga si Maridel. At iisa lang ang paraan para malaman iyon.Kaya naman kumpirmado ang lahat ng positibo ang resulta na anak niya ang kambal. Naipaliwanag na nila ng mabuti sa mga bata ang lahat. At katulad nila ay tuwang tuwa ang mga ito sa nalaman.Si Nathan, sa kabilang banda ay masaya ngunit alam niyang nitong mga nakaraang araw ay mukhang may nais itong sabihin na hindi kayang sabihin sa kanila ni Syke.Kaya nang araw na iyon ay ipinasya nilang puntahan ito sa silid nito at kausapin ng masinsinan."Tuloy po." Magalang na sagot nito nang kumatok sila mula sa labas ng pintuan ng silid nito.
LULAN SILA NG sasakyan ni Syke patungo sa bahay nito. Parehong walang namumutawing salita sa kanilang mga bibig.Nakatingin lang siya sa harapan, sa dinaraanan nilang kalsada. Nakikita niya mula sa sulok ng kanyang mata na panaka-nakang sumusulyap si Syke sa gawi niya. At panay ang buntong hininga nito.Pag-kuway itinabi nito ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Handa na siyang magtanong nang harapin niya ito ngunit ang pagtatanong niya ay naudlot nang iabot ni Syke sa kanya ang sing sing na hinahanap kanina. Huminga muna siya ng malalim at kinuha ang sing sing.Mas pinili niyang manahimik dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ilang saglit pa ay muling pinaandar ni Syke ang sasakyan.Kasalukuyan niyang sinisipat ang sing sing at maiging tinititigan ang mga
KASALUKUYANG NAG-IISIP si Syke. Nasa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan at nag-iisip kung paano niya malalaman kung nasaan si Wevz.Kung ang binanggit nito sa liham ay mag-uumpisa ito kung saan nangyari ang aksidente nito limang taon na ang nakakalipas. Malamang ay nasa airport ito.Dali dali niyang pinaandar ang sasakyan. Kailangan niyang makasiguro. He dialed the number of this one person that can help him and put his mobile on speaker.Ngunit naka-ilang ulit na siyang nag-redial ay walang sumasagot sa kabilang linya."Damn! It!" Inis na saad niya at pagkuway tinawagan ang isang taong alam niyang palaging kasama ng unang tinatawagan."You have reached Nygel, sorry can't talk right now, leave your message after the beep.
HINDI MASUKAT NI Wevz ang kaligayahan sa kanyang puso habang naka-tunghay sa tuwang tuwang sina Enzo at Thea. Kasalukuyang naka-sakay sila sa malaking Ferris Wheel na kung tawagin ay Wheel of Fate sa Enchanted Kingdom.Ganoon din ang nakikita niyang kasiyahan na mababakas sa mukha ni Nathan. Mas naging malapit na ito sa kanila ni Syke. Hindi na rin ito naiilang sa tuwing tinatawag siyang mommy nito at daddy naman si Syke.Natutuwa siya dahil nakikita niya ang natural na pagkalinga at pagmamahal nito sa mga kambal na itinuturing na ngayon nitong nakakabatang kapatid.Nakikita din niya kay Syke ang pantay pantay na pagtrato sa mga anak maging kay Nathan. Siguro kung hindi lang siya umuwi ng Canada ay wala na siyang mahihiling pa....Mabilis niyang iniwaglit sa isipan iyon.
PAGOD NA SUMANDAL si Syke sa may lamp post sa bungad ng hardin ng bahay. Nasisinagan siya ng malamlam na ilaw at wala sa sariling napatingala sa kalangitan. Bilog ang buwan at napapaligiran ito ng maraming bituwin. "Where are you Wevz..." Malungkot na usal niya. Halos kakatapos lang ng meeting niya sa presidente ng bansa at hanggang ngayon ay wala siyang tawag o kahit na mensahe man lang na natanggap mula sa kasintahan. Bukas ng hapon pa ang nakuhang flight ni Gia patungong Canada, kaya halos mabaliw na naman siya sa kakaisip ngayon kung nasaan ang kasintahan. Naka-pako pa rin ang kanyang tingin sa buwan, at tila ba may mga malalabong alaalang biglang bumalik mula sa nakaraan... 5 years ago... "Love, are you
PABAGSAK NA HUMIGA SI SYKE sa kama ng hotel na tinutuluyan niya. Oh! How he missed home. Miss na niya ang kanyang mga anak at higit sa lahat ay miss na niya si Wevz.And speaking of Wevz, he did not get any updates from her today. Naging abala siya sa buong mag-hapon kaya hindi niya napansin iyon kanina. Inabot niya ang kanyang cellphone at napa-kunot ang noo niya ng wala man lang mensahe o tawag mula sa kasintahan.Sa tantiya niya ay nakauwi na dapat ito ng bahay. Kaninang umaga ang flight nito pabalik ng Pilipinas. Siya naman ay bukas pa makakauwi.He was about to dial her number in the Philippines but he changed his mind. Malamang pagod ito mula sa mahabang biyahe. Sa ikalawang araw ng kasintahan sa Canada tiniyak nito na ngayon ang uwi nito. Kaya wala dapat siyang ika-bahala. Malamang ay pagod lang ito kaya hind
ANG LAHAT AY abala ngayon sa mansiyon ng mga Fontanilla. Ngayon ang araw na uuwi na sa mansiyon si Nathan. Isa na itong ganap na Fontanilla. At ang lahat ay napakasaya at masayang nag-aayos para sa welcome party nito.Isa lamang iyong maliit na salu-salo na silang nasa bahay lamang ang nagtipon tipon. Masayang pinagmasdan ni Wevz ang lahat. Nasasabik ang lahat sa pagdating ni Nathan. Lalo na ang kambal. Masayang masaya ang mga ito sa kaalaman na magkakaroon na sila ng kuya.Hinihintay nalamang nila si Syke. Kaninang tumawag ito ay pauwi na raw ang mga ito. Ito kase ang sumundo kay Nathan. Ang sabi nito kanina ay tila kinakabahan daw si Nathan. Malamang dahil hindi nito tiyak kung ano ang naghihintay na buhay dito simula ngayong araw na ito.Sa nakikita niya ay magiging masaya ito at ngayon palamang ay sisikapin niya
NANG ARAW na iyon ay niyaya siya ni Syke na lumabas. Mag-date daw sila. Pumayag naman siya at ngayon nga ay lulan na sila ng sasakyan nito at tanging ito lamang ang nakaka-alam kung saan sila tutungo.Nitong mga nakaraan na araw ay masasabi niyang okay naman sila ng kasintahan. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Ngunit hindi pa rin niya ito pinapayagan na hawakan siya at halikan siya. Ngayon ang ika isang linggo, simula ng mangyari iyon."It's been a week love." Anito habang nagmamaneho."Edi happy weeksary!" Aniya rito at tinawanan ito."Tsk! I'm serious." Tila frustrated na saad nito."I'm serious too." Aniya ngunit naka-ngiti pa rin."So, I'm allowed to kiss you now and touch you?