Home / All / First Birthday Cake / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of First Birthday Cake: Chapter 11 - Chapter 20

21 Chapters

IX: SA...

SA DINADAMI-DAMI NG taong makakarinig ng kwento ng kagitingan ko, si Hugo lang ang hindi naniniwala sa akin."Hmmp! Grabe ka naman sa akin!" Nakasimangot ako sa kanya noon.Patuloy pa rin ang kwentuhan nila Yamilet at Lenina habang papalapit na sa tarangkahan ng bungalow ng pamilya Perez. "O siya bes, dito na ako", paalam ni Lenina sa kaibigan habang pababa ng sasakyan.Nag-aabang na ang kanyang ina. Inalalayan siya nito sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang mga bag."Salamat sa paghatid sa kanya Yamilet!" Natutuwang pasasalamat ni Gng. Perez.Kumaway muna ang kambal sa mag-ina bago tuluyang sinara ang pinto ng sasakyan. Kaming tatlo na lamang ang naiwan, kasama ang kanilang driver."May pinag-awayan na naman kayo ano?" Hula ni Yamilet sa amin.Kanina pa pala siya nagmamasid sa aming dalawa ni Hugo. Kapwa kami tahimik at walang maingay na kwentong maririnig."Wala a!" Sagot ng kanyang kapatid."Anong wala? Ay
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

X. HINAHARAP...

"HINAHARAP", BINIGKAS NI Ranilo ang pamagat ng isa sa mga naipasang artwork sa aming tanggapan.Simple lamang ang pamagat na iyon ngunit may kahulugan ang mga bituing ipininta sa bawat sulok ng canvas. Kumikinang iyon at tila walang katapusan ang pagliliwanag ng mga ito sa dilim kapag minamasdan ng aking mga mata.Asul at itim ang nangingibabaw sa sining na iyon. Parehong tig kalahati ang kanilang bahagi. Maaaring dilim ang kahulugan ng itim na kulay na nasa ibaba samantalang pag-asa ang simbolo ng asul na kulay na nasa itaas. Nasa gitna naman ang mga bituin, ngunit mas maliwanag ang pagkakapinta nito sa asul na bahagi.Lahat tayo'y gumagapang o nangangapa sa dilim hindi dahil wala pa tayong nararating sa buhay ngunit ito ang oras ng paulit-ulit na pagluha, pagpapakasakit, kaba, alanganin at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Depende iyon sa napipili nating mga pasya sa buhay."P're! 'Wag mong hahawakan 'yan. Frame lang dapat ang hahawakan mo", babala ni Gu
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more

XI. KAHIT...

KAHIT TATLONG LINGGO lang ginanap ang aming patimpalak, maraming mag-aaral ang lumahok at sumuporta. Nariyan ang mga mag-aaral ng ikaapat na antas ng kolehiyo na palaging nanghihikayat sa mga kaibigan sa paaralan na subukang sumali sa patimpalak, sa pamamagitan ng social media accounts. Ito ay sa kabila ng pagiging abala nila sa kanilang mga proyekto at pananaliksik."Our school president informed me that your request sa budget ay may pirma na!"  Natutuwang ulat sa amin ni Bb. Ansel.Nasa tanggapan kami noon ng aming samahan nang inuulat niya ang magandang balita."Yeeeeeees!!!!" Sigaw ng iba pa naming kasama."Hindi ito isang panaginip!" Pagbibiro ni Guevarra. Tinatapik niya ang balikat ni Ranilo na tulala noon habang nagkikinig.Hawak ni Ranilo ang kanyang kwaderno kung saan nakasulat ang mga gastusin ng kasalukuyan naming proyekto. May tatak na iyon ng APPROVED, bukod pa sa nakaimprentang mga dokumento na pinasa namin sa kinauukulan.
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

XII. MAHIRAP...

"MAHIRAP ANG ATING pinagdadaanan sa buhay. Maykaya man tayo o mahirap, pareho pa rin ang tinatapakan nating landas. Pareho tayong dumadaan sa butas ng karayom. Pareho rin tayong nasisiyahan kapag nakakamit ang ating mga pangarap, ang ating mga mithiing matagal nating inaasam. Sana'y maging inspirasyon ang mensahe ng THE BRIGHTER FUTURE, ang sentro ng ating panuntunan, upang bumangon mula sa pagkalugmok sa nakaraan at taas-noong maipagmamalaki ang ating mga sarili sa hinaharap. Magtiwala kayo sa inyong mga sarili na makakapagtapos kayo ng pag-aaral at magsisikap muli sa mga panibagong hamon ng ating lipunan—na nasa labas lamang ng paaralang ito. Maging responsable kayo bilang mamamayan ng bansang ito at maging matalino sa mga pasyang inyong pinipili. Magdasal at magpasalamat din kayo sa Poong Maykapal na siyang gumagabay sa inyong buhay." Mahaba ang talumpati ni Gng. Chavez bilang pagsisimula ng aming programang pagbibigay ng parangal. Lahat kami ay masigab
last updateLast Updated : 2021-07-23
Read more

XIII. MAGLAKAD....

"MAGLAKAD KA. HUWAG kang lumihis sa dinadaan mong landas sapagkat ang araw ay hindi titigil sa paghahanap ng iyong presensya habang ika'y nagkukubli", pagbabanta ng isang babae sa kanyang kausap. Halos maririnig na ang kanilang pag-aaway hanggang sa loob ng aming silid.  "E 'di magtatago ako para hanapin ako ng araw na sinasabi mo! Hindi na 'ko sa 'yo naniniwala Ate dahil traydor ka!" Galit na sambit ng kanyang kausap. Nagsabunutan na ang dalawang babae. Maririnig na ang mga basag na baso at plato habang nakikipagbuno sila sa isa't isa. "Walang hiya ka! Wala kang utang na loob! Pinalaki kita, pinakain, pinagbihis ng magarang damit, pinag-aral kita tapos ito ang igaganti mo sa 'kin! Magbabayad ka!"  Maririnig ang pagbagsak ng kanilang mga katawan sa sahig na gawa sa kahoy. Ayaw nilang maghiwalay dahil nais nilang masaktan ang isa't isa. "Tumigil na k
last updateLast Updated : 2021-07-24
Read more

XIV: SA...

SA ONLINE NA pahina ng ARC, makikita ang magagandang feedback at comment mula sa mga mag-aaral. Nahihilo na kami sa pagbabasa roon ngunit kailangang maging masipag sa pagtugon sa kanila. "Pahinga muna tayo", paanyaya ni Salome sa aming lahat.Pinagpahinga muna namin ang aming mga mata sa kakatingin sa screen. Nakakalabo raw ng paningin ang matagal na "pagbabad" sa screen monitor o sa phone screen.Nasa tanggapan kami ngayong tanghali dahil hinihintay namin ang pagdating ni Bb. Ansel. Ngayon ay ang araw ng pagpunta namin sa kapitolyo kung saan inanyayahan kaming magtanghalian ng lokal na pamahalaan. Marahil, magmemeryenda na lamang kami roon dahil malayo ang aming kinaroroonan, dalawang oras na byahe sakay ng traysikel."Sino magiging kasama ko?" Tanong ni Ranilo tungkol sa sasakyan naming traysikel mamaya."Ayaw mo na ba sa akin p're?" Tanong ni Guevarra sa kanya."Hindi naman sa ganoon. Dalawa tayo sa side car kasi lab pa rin kita p'r
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

XV. GITNA...

"GITNA NA TAYO", paanyaya ni Salome sa amin dahil nahihirapan na kaming maglakad kasabay ang mga kawani ng kaitolyong umuuwi na.Masikip ang daan kahit sobrang luwag ng espasyo ng front door ng kapitolyo. Alas singko na ng hapon nang matapos ang salo-salo at parangal ng lokal na pamahalaan sa amin."Ingat!" Kaway sa amin ng magkakambal na Gerome at Angela Jimenez bago umalis ang kanilang asul na van.Kumaway kaming lahat sa kanila."Chat chat na lang mamayang pag-uwi ha", kumindat kay Ranilo ang isang babaeng mag-aaral bago sumakay sa nirerentahang dyip ng kanilang paaralan.Siya si Janine Mendoza, ang bise presidente ng Dreamers' Society ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw. Katabi siya ni Ranilo sa upuan kanina na sa kalauna'y nagkasundo sa napag-uusapang online game."Sige, invite mo 'ko sa laro mamaya ha", nakangiting kumaway si Ranilo sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad."Grabe p're pinagpalit mo na talaga ako", pagbi
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

XVI. SA...

AT DAHIL SA "isyung" nagaganap sa buong kolehiyo, hindi muna kami pinapunta sa tanggapan ng ARC ni Bb. Ansel sa loob ng dalawang araw. Pumapasok muna kami sa aming mga klase, tinapos ang mga aralin at iba pang hindi pa natatapos na proyekto. Pabalik-balik na rin ako sa tindahan ng school supply ni Aling Tesang sa paulit-ulit na pag-imprenta ng mga pananaliksik, technical writing output at maiikling proyektong nangangailangan ng engineering problems, katulad ng mga pinag-aaralan naming major subjects. "Maria Victoria Reyes, kailangan mong bumawi sa mga quizzes at activities sa subject ko dahil na-zero na kita sa isang important activity, kasagsagang nakikipagkasiyahan kayo sa kapitolyo", iba nga ang timpla ni Gng. Paitan, matandang propesor sa Hydraulics. Katulad ng pakikitungo niya ngayon sa apilyido niya. "Hindi naman po kami nakipagkasiyahan doon Ma'am", mahinahong sagot ko sa kanya. "Puro nga kayo
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more

XVII. MASALIMUOT...

MASALIMUOT NA PAGTATAGPO ang nararamdaman ko sa tuwing pinag-uusapan ng ibang guro at mag-aaral tungkol sa simpleng "isyung" pinapainit sa kolehiyo. Hindi naman masama ang imbitasyon ng lokal na pamahalaan na maging bahagi kami ng salo-salo at parangal dahil sa mga nagawa naming proyekto sa ARC. At, hindi lang naman kaming mga kinatawan ng Sinag State College ang dumalo sa pagtitipong iyon.  Walong samahan ng mag-aaral ang dumalo sa salo-salo at parangal. Nariyan ang "Two Rays Photography Circle" ng Abang D. Sakay Memorial State College sa bayan ng Pila kung saan nakatanggap kami ng imbitasyong maging bahagi ng kanilang proyekto. Nariyan din ang "Dreamers' Society" ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw, ang "Project EARTH" ng Tapayan Institute of Arts and Technology sa bayan ng Tapayan, ang "Angat, Isko" at "Young Entrepreneur's Society" ng Doña Clara Maddang Memorial College sa bayan ng Trinidad, at ang "ALAB ng Sinag" ng Pamantasan ng Sinag sa
last updateLast Updated : 2021-08-04
Read more

XVIII. NA...

"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?"  Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo."Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more
PREV
123
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status