"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?" Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.
Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.
Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo.
"Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.
Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.
Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu
"DAAN MUNA AKO sa inyo ha," sambit ni Yamilet na paika-ikang naglakad sa putikan ng kapatagan.Mabuti na lamang tahimik ang kalabaw ni Mang Tonyo noong oras na iyon. Napansin kong pula ang kulay ng kanyang malaking wallet. Makintab ito at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. Madali iyon matatanaw ng kalabaw kahit ilang metro na ang layo."Bakit naman madam? Hindi ba may kukunin ka pang gamit?" Tanong ko sa kanya.Kinakabahan ako kapag dumadaan ang sinumang tao o kakilala sa bahay nang wala sa tamang panahon at oras. Ito ay dahil may mga oras na magulo o maraming huhugasing kubyertos, plato't baunan sa kusina ng aming kubo.Sanay kaming pinaghahandaan ang pagdating ng mga inaasahang bisita. May oras kaming ilalaan sa paglilinis sa likod, gilid at loob ng bahay."Ay! Oo nga pala ano? Siguro, sa susunod na lang ng pag-uwi ko rito," sambit ni Yamilet na tila'y nagma
PARA SA MADIDISKARTENG kababaihan ng kanilang henerasyon, gumigising nang maaga para kumayod nang husto para sa iniipong barya ng kanilang mga pangarap;Para sa mga paslit na namulat agad sa madidilim na sulok ng buhay, naglalakad patungong paaralan dala ang mabibigat na aklat at kwaderno at nagsusumikap sa pag-aaral;Para sa mga mangingibig na matiyagang naghihintay ng taong karapat-dapat na umibig sa kanila nang tapat;Para sa mga naniniwala sa mga palatandaan, malakas ang pakiramdam sa kapangyarihan ng kapaligiran, kung saan ang mga hinahanap nilang "sentimental value" ay matatagpuan sa taong matagal nang nag-aabang sa kanilang pagbabalik;At..Sa mga taong nagdiwang ng kaarawan ng maraming taon, kung saan may kulang na masisilayan hindi lamang sa mga palamuti sa kapaligiran kundi sa kasiyahang dapat sana'y nadarama nang buong-buo bago kumaway pa-kanluran ang mga tala.
MADALAS KONG NASISILAYAN ang spaghetti at pancit sa hapag kainan kapag may mga kaarawan ang lahat ng miyembro ng pamilya. Kasiya-siya iyon para sa akin kahit may kulang sa handa sapagkat bumabawi kami sa masayang salo-salo at sama-samang pagdarasal bilang pasasalamat sa bagong taong magdadaan. Isang bagong taong may dalang hamon ng buhay at may bahagharing masisilayan sa ikatlong daan at animnapung limang araw—kung saan ang sangkapat nito'y para sa 'ting saglit na kaginhawaan, ang araw ng paghihintay at paghahanda sa pakikibaka sa tulay ng kinabukasan.Kahit may masayang tagpo sa ganoong pagdiriwang, nakukulangan pa rin ako. Balewala sa akin ang mga palamuti't lobong nakadikit sa kurtinang ikinabit ng aking nanay, kundi sa kawalan ng BIRTHDAY CAKE. Nakakatawa man iyon para sa iba ngunit malalim ang pinagmulan iyon sa aking sarili.Hindi ko pa nararanasang umibig ang aking mga mata sa liwanag ng makulay na kandila, ilang m
KUMAKATOK ANG TILAOK ng manok sa tapat ng bintana ng aming tahanan. Natamaan ng sinag ng araw ang mga bagong kurtinang ikinabit ni Nanay kahapon. Umaga na pala. Ngunit, wala akong lakas para bumangon. Dalawang oras pa lamang ang tulog ko dahil sa kakagawa ng mga assigned task sa Structural Analysis. Hanggang ngayon, hindi pa ako tapos sa paggawa dahil nahihirapan akong gumawa ng mga free body diagram ng mga bubong at biga ng isang residential building. Ibig ko nang hindi tapusin iyon ngunit kasama ito bilang requirement sa pagmamarka ng aming propesor.“Maria Victoria!” Sigaw iyon ni Nanay na nasa unang palapag.Mavie for short. Maaaring nagulat na ang mga kapitbahay sa malakas niyang pagtawag.Natandaan ko noon na may isang matandaang lalaki na nagbato ng mabigat na tsinelas sa pinto ng aming bahay dahil
“BAKIT KAYA WALA pa sila nanay?”Nagtataka ako noong umuwi ako galing sa kubo. Inabutan kami ng hapon sa paa-aaral at pagkukuwentuhan namin ni Yamilet at pangangasar ni Hugo habang nagsasaulo ng mga teorya sa kanyang asignatura. Maliwanag naman ang loob ng bahay, nakakabingi ang katahimikan ng kusina at sala.Umakyat na ako sa ikalawang palapag. Naabutan kong tulog si ate. Nakasabit na sa dingding ang ilang medalya at nakapatong sa ibabaw ng maliit na aparador ang kanyang mga sertipiko't diploma na natanggap kaninang tanghali.Inilagay ko na lamang sa bag na nasa gilid ng higaan ang bolpen, papel at modyul upang bumaba at tumungo sa kusina. Sinilip ko ang kawaling nasa mesa upang tingnan kung may natitira pang carbonara o pancit. Nagugutom na akong noong oras na iyon.“Andito ka na pala”, humahangos na pumasok ng bahay si Nanay habang kumukuha ako ng plato at kutsara.“Gutom ka na ba?”
GISING NA AKO ng ala syete ng umaga noong nagtatampisaw na ang alaga naming pusa sa batyang nasa labas ng aming bahay. “Ayaw mo bang umalis?” Tinig iyon ni Nanay sa labas habang sinesermunan ang alaga naming pusa. Isang oras na palang nagtatampisaw iyon sa malinis na tubig. Marahil, naiinitan siya sa paligid. “Alis na!” Balewala lamang sa aming alaga ang tinig ni Nanay. Tumingin ako sa kabilang bahay baka lumabas muli ang matandang lalaking galit sa kanyang tinig. Sarado ang pinto at bintana ng kanyang bahay. Mukhang dumalo ito sa pista ng kabilang sitio kagabi kung saan pinuntahan din ni Nanay. Nasa kabilang sitio ang kanyang mga anak na may sarili nang pamilya. Marahil, doon muna natulog dahil hindi kaya ng kanyang mga balakang at tuhod ang mahabang lakaran pauwi. May sakayan o terminal man ng traysikel ang bawat sitio ngunit hanggang alas otso
“Ano pa ba ang mga kailangan pang i-organize sa programa natin?” Tanong noon ni Salome habang ako'y abala sa paglilista ng mahahalagang napag-uusapan. Gagawan ko pa ito ng minutes of the meeting na ipapasa sa kanya at sa aming gurong tagapayo na si Bb. Ansel.“Handa na ba ang mechanics?”“Yes po”, nakangiting saad noon ni Lenina“Okay, good to hear that,” nakahinga nang maluwag noon ni Salome. “How about the registration forms via Google form? Meron na ba?”“Yup!” Sagot ko noon bago ako uminom ng tubig.Maglulunsad kami ng isang art contest para sa mga mag-aaral, mula sa iba't ibang kolehiyo, kalakip ang temang “A Brighter Future”.“ A BRIGHTER FUTURE”&nbs
"SANDALI LANG MARS!" Aniya ko kay Salome bago matapos ang aming pagpupulong."O, bakit Mars?" Huminto si Salome noon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Nagliligpit na rin noon ng mga gamit ang iba pa naming kasama para umuwi."Sigurado ka bang magpapadala ulit tayo kay Bb. Ansel ng liham? Baka 'di na niya babasahin iyon", kinakabahan na ko noon dahil nakita ko na ang itsura ng kapaitang katauhan ng aming gurong tagapayo habang nagbabasa siya ng mga project proposal at iba pang pormal na liham na tumutukoy sa mga gastusin at pangangailangan ng ARC.Hinawakan ako sa balikat nina Lenina at Salome. Kumindat si Lenina na tila nagpapatawa sa akin."Okey lang iyan", sagot ni Lenina. "Masanay na tayo sa kanya. Ngunit, ang pagsasanay na makita ang kanyang pag-uugali ay hindi maaaring susi sa kababaan ng mga prinsipyo ng ARC."Malalim ang kanyang tinuran. Makahulugan. Makabuluhan. Makatwiran."Tama siya," sabat ni R
"DAAN MUNA AKO sa inyo ha," sambit ni Yamilet na paika-ikang naglakad sa putikan ng kapatagan.Mabuti na lamang tahimik ang kalabaw ni Mang Tonyo noong oras na iyon. Napansin kong pula ang kulay ng kanyang malaking wallet. Makintab ito at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. Madali iyon matatanaw ng kalabaw kahit ilang metro na ang layo."Bakit naman madam? Hindi ba may kukunin ka pang gamit?" Tanong ko sa kanya.Kinakabahan ako kapag dumadaan ang sinumang tao o kakilala sa bahay nang wala sa tamang panahon at oras. Ito ay dahil may mga oras na magulo o maraming huhugasing kubyertos, plato't baunan sa kusina ng aming kubo.Sanay kaming pinaghahandaan ang pagdating ng mga inaasahang bisita. May oras kaming ilalaan sa paglilinis sa likod, gilid at loob ng bahay."Ay! Oo nga pala ano? Siguro, sa susunod na lang ng pag-uwi ko rito," sambit ni Yamilet na tila'y nagma
"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?" Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo."Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu
MASALIMUOT NA PAGTATAGPO ang nararamdaman ko sa tuwing pinag-uusapan ng ibang guro at mag-aaral tungkol sa simpleng "isyung" pinapainit sa kolehiyo. Hindi naman masama ang imbitasyon ng lokal na pamahalaan na maging bahagi kami ng salo-salo at parangal dahil sa mga nagawa naming proyekto sa ARC. At, hindi lang naman kaming mga kinatawan ng Sinag State College ang dumalo sa pagtitipong iyon.Walong samahan ng mag-aaral ang dumalo sa salo-salo at parangal. Nariyan ang "Two Rays Photography Circle" ng Abang D. Sakay Memorial State College sa bayan ng Pila kung saan nakatanggap kami ng imbitasyong maging bahagi ng kanilang proyekto. Nariyan din ang "Dreamers' Society" ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw, ang "Project EARTH" ng Tapayan Institute of Arts and Technology sa bayan ng Tapayan, ang "Angat, Isko" at "Young Entrepreneur's Society" ng Doña Clara Maddang Memorial College sa bayan ng Trinidad, at ang "ALAB ng Sinag" ng Pamantasan ng Sinag sa
AT DAHIL SA "isyung" nagaganap sa buong kolehiyo, hindi muna kami pinapunta sa tanggapan ng ARC ni Bb. Ansel sa loob ng dalawang araw. Pumapasok muna kami sa aming mga klase, tinapos ang mga aralin at iba pang hindi pa natatapos na proyekto. Pabalik-balik na rin ako sa tindahan ng school supply ni Aling Tesang sa paulit-ulit na pag-imprenta ng mga pananaliksik, technical writing output at maiikling proyektong nangangailangan ng engineering problems, katulad ng mga pinag-aaralan naming major subjects."Maria Victoria Reyes, kailangan mong bumawi sa mga quizzes at activities sa subject ko dahil na-zero na kita sa isang important activity, kasagsagang nakikipagkasiyahan kayo sa kapitolyo", iba nga ang timpla ni Gng. Paitan, matandang propesor sa Hydraulics.Katulad ng pakikitungo niya ngayon sa apilyido niya."Hindi naman po kami nakipagkasiyahan doon Ma'am", mahinahong sagot ko sa kanya."Puro nga kayo
"GITNA NA TAYO", paanyaya ni Salome sa amin dahil nahihirapan na kaming maglakad kasabay ang mga kawani ng kaitolyong umuuwi na.Masikip ang daan kahit sobrang luwag ng espasyo ng front door ng kapitolyo. Alas singko na ng hapon nang matapos ang salo-salo at parangal ng lokal na pamahalaan sa amin."Ingat!" Kaway sa amin ng magkakambal na Gerome at Angela Jimenez bago umalis ang kanilang asul na van.Kumaway kaming lahat sa kanila."Chat chat na lang mamayang pag-uwi ha", kumindat kay Ranilo ang isang babaeng mag-aaral bago sumakay sa nirerentahang dyip ng kanilang paaralan.Siya si Janine Mendoza, ang bise presidente ng Dreamers' Society ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw. Katabi siya ni Ranilo sa upuan kanina na sa kalauna'y nagkasundo sa napag-uusapang online game."Sige, invite mo 'ko sa laro mamaya ha", nakangiting kumaway si Ranilo sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad."Grabe p're pinagpalit mo na talaga ako", pagbi
SA ONLINE NA pahina ng ARC, makikita ang magagandang feedback at comment mula sa mga mag-aaral. Nahihilo na kami sa pagbabasa roon ngunit kailangang maging masipag sa pagtugon sa kanila."Pahinga muna tayo", paanyaya ni Salome sa aming lahat.Pinagpahinga muna namin ang aming mga mata sa kakatingin sa screen. Nakakalabo raw ng paningin ang matagal na "pagbabad" sa screen monitor o sa phone screen.Nasa tanggapan kami ngayong tanghali dahil hinihintay namin ang pagdating ni Bb. Ansel. Ngayon ay ang araw ng pagpunta namin sa kapitolyo kung saan inanyayahan kaming magtanghalian ng lokal na pamahalaan. Marahil, magmemeryenda na lamang kami roon dahil malayo ang aming kinaroroonan, dalawang oras na byahe sakay ng traysikel."Sino magiging kasama ko?" Tanong ni Ranilo tungkol sa sasakyan naming traysikel mamaya."Ayaw mo na ba sa akin p're?" Tanong ni Guevarra sa kanya."Hindi naman sa ganoon. Dalawa tayo sa side car kasi lab pa rin kita p'r
"MAGLAKAD KA. HUWAG kang lumihis sa dinadaan mong landas sapagkat ang araw ay hindi titigil sa paghahanap ng iyong presensya habang ika'y nagkukubli", pagbabanta ng isang babae sa kanyang kausap.Halos maririnig na ang kanilang pag-aaway hanggang sa loob ng aming silid."E 'di magtatago ako para hanapin ako ng araw na sinasabi mo! Hindi na 'ko sa 'yo naniniwala Ate dahil traydor ka!" Galit na sambit ng kanyang kausap.Nagsabunutan na ang dalawang babae. Maririnig na ang mga basag na baso at plato habang nakikipagbuno sila sa isa't isa."Walang hiya ka! Wala kang utang na loob! Pinalaki kita, pinakain, pinagbihis ng magarang damit, pinag-aral kita tapos ito ang igaganti mo sa 'kin! Magbabayad ka!"Maririnig ang pagbagsak ng kanilang mga katawan sa sahig na gawa sa kahoy. Ayaw nilang maghiwalay dahil nais nilang masaktan ang isa't isa."Tumigil na k
"MAHIRAP ANG ATING pinagdadaanan sa buhay. Maykaya man tayo o mahirap, pareho pa rin ang tinatapakan nating landas. Pareho tayong dumadaan sa butas ng karayom. Pareho rin tayong nasisiyahan kapag nakakamit ang ating mga pangarap, ang ating mga mithiing matagal nating inaasam. Sana'y maging inspirasyon ang mensahe ng THE BRIGHTER FUTURE, ang sentro ng ating panuntunan, upang bumangon mula sa pagkalugmok sa nakaraan at taas-noong maipagmamalaki ang ating mga sarili sa hinaharap. Magtiwala kayo sa inyong mga sarili na makakapagtapos kayo ng pag-aaral at magsisikap muli sa mga panibagong hamon ng ating lipunan—na nasa labas lamang ng paaralang ito. Maging responsable kayo bilang mamamayan ng bansang ito at maging matalino sa mga pasyang inyong pinipili. Magdasal at magpasalamat din kayo sa Poong Maykapal na siyang gumagabay sa inyong buhay."Mahaba ang talumpati ni Gng. Chavez bilang pagsisimula ng aming programang pagbibigay ng parangal. Lahat kami ay masigab
KAHIT TATLONG LINGGO lang ginanap ang aming patimpalak, maraming mag-aaral ang lumahok at sumuporta. Nariyan ang mga mag-aaral ng ikaapat na antas ng kolehiyo na palaging nanghihikayat sa mga kaibigan sa paaralan na subukang sumali sa patimpalak, sa pamamagitan ng social media accounts. Ito ay sa kabila ng pagiging abala nila sa kanilang mga proyekto at pananaliksik."Our school president informed me that your request sa budget ay may pirma na!" Natutuwang ulat sa amin ni Bb. Ansel.Nasa tanggapan kami noon ng aming samahan nang inuulat niya ang magandang balita."Yeeeeeees!!!!" Sigaw ng iba pa naming kasama."Hindi ito isang panaginip!" Pagbibiro ni Guevarra. Tinatapik niya ang balikat ni Ranilo na tulala noon habang nagkikinig.Hawak ni Ranilo ang kanyang kwaderno kung saan nakasulat ang mga gastusin ng kasalukuyan naming proyekto. May tatak na iyon ng APPROVED, bukod pa sa nakaimprentang mga dokumento na pinasa namin sa kinauukulan.