Home / Lahat / First Birthday Cake / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng First Birthday Cake: Kabanata 1 - Kabanata 10

21 Kabanata

PAGHAHANDOG

PARA SA MADIDISKARTENG kababaihan ng kanilang henerasyon, gumigising nang maaga para kumayod nang husto para sa iniipong barya ng kanilang mga pangarap;Para sa mga paslit na namulat agad sa madidilim na sulok ng buhay, naglalakad patungong paaralan dala ang mabibigat na aklat at kwaderno at nagsusumikap sa pag-aaral;Para sa mga mangingibig na matiyagang naghihintay ng taong karapat-dapat na umibig sa kanila nang tapat;Para sa mga naniniwala sa mga palatandaan, malakas ang pakiramdam sa kapangyarihan ng kapaligiran, kung saan ang mga hinahanap nilang "sentimental value" ay matatagpuan sa taong matagal nang nag-aabang sa kanilang pagbabalik;At..Sa mga taong nagdiwang ng kaarawan ng maraming taon, kung saan may kulang na masisilayan hindi lamang sa mga palamuti sa kapaligiran kundi sa kasiyahang dapat sana'y nadarama nang buong-buo bago kumaway pa-kanluran ang mga tala.
last updateHuling Na-update : 2021-05-15
Magbasa pa

PROLOGUE

 MADALAS KONG NASISILAYAN ang spaghetti at pancit sa hapag kainan kapag may mga kaarawan ang lahat ng miyembro ng pamilya. Kasiya-siya iyon para sa akin kahit may kulang sa handa sapagkat bumabawi kami sa masayang salo-salo at sama-samang pagdarasal bilang pasasalamat sa bagong taong magdadaan. Isang bagong taong may dalang hamon ng buhay at may bahagharing masisilayan sa ikatlong daan at animnapung limang araw—kung saan ang sangkapat nito'y para sa 'ting saglit na kaginhawaan, ang araw ng paghihintay at paghahanda sa pakikibaka sa tulay ng kinabukasan. Kahit may masayang tagpo sa ganoong pagdiriwang, nakukulangan pa rin ako. Balewala sa akin ang mga palamuti't lobong nakadikit sa kurtinang ikinabit ng aking nanay, kundi sa kawalan ng BIRTHDAY CAKE. Nakakatawa man iyon para sa iba ngunit malalim ang pinagmulan iyon sa aking sarili. Hindi ko pa nararanasang umibig ang aking mga mata sa liwanag ng makulay na kandila, ilang m
last updateHuling Na-update : 2021-05-15
Magbasa pa

I: KUMAKATOK...

KUMAKATOK ANG TILAOK ng manok sa tapat ng bintana ng aming tahanan. Natamaan ng sinag ng araw ang mga bagong kurtinang ikinabit ni Nanay kahapon. Umaga na pala. Ngunit, wala akong lakas para bumangon. Dalawang oras pa lamang ang tulog ko dahil sa kakagawa ng mga assigned task sa Structural Analysis.  Hanggang ngayon, hindi pa ako tapos sa paggawa dahil nahihirapan akong gumawa ng mga free body diagram ng mga bubong at biga ng isang residential building. Ibig ko nang hindi tapusin iyon ngunit kasama ito bilang requirement sa pagmamarka ng aming propesor.“Maria Victoria!” Sigaw iyon ni Nanay na nasa unang palapag.Mavie for short.  Maaaring nagulat na ang mga kapitbahay sa malakas niyang pagtawag.Natandaan ko noon na may isang matandaang lalaki na nagbato ng mabigat na tsinelas sa pinto ng aming bahay dahil
last updateHuling Na-update : 2021-05-15
Magbasa pa

II: BAKIT...

“BAKIT KAYA WALA pa sila nanay?”Nagtataka ako noong umuwi ako galing sa kubo. Inabutan kami ng hapon sa paa-aaral at pagkukuwentuhan namin ni Yamilet at pangangasar ni Hugo habang nagsasaulo ng mga teorya sa kanyang asignatura. Maliwanag naman ang loob ng bahay, nakakabingi ang katahimikan ng kusina at sala.Umakyat na ako sa ikalawang palapag. Naabutan kong tulog si ate. Nakasabit na sa dingding ang ilang medalya at nakapatong sa ibabaw ng maliit na aparador ang kanyang mga sertipiko't diploma na natanggap kaninang tanghali.Inilagay ko na lamang sa bag na nasa gilid ng higaan ang bolpen, papel at modyul upang bumaba at tumungo sa kusina. Sinilip ko ang kawaling nasa mesa upang tingnan kung may natitira pang carbonara o pancit. Nagugutom na akong noong oras na iyon.“Andito ka na pala”, humahangos na pumasok ng bahay si Nanay habang kumukuha ako ng plato at kutsara.“Gutom ka na ba?”
last updateHuling Na-update : 2021-05-15
Magbasa pa

III: GISING...

GISING NA AKO ng ala syete ng umaga noong nagtatampisaw na ang alaga naming pusa sa batyang nasa labas ng aming bahay.   “Ayaw mo bang umalis?”   Tinig iyon ni Nanay sa labas habang sinesermunan ang alaga naming pusa. Isang oras na palang nagtatampisaw iyon sa malinis na tubig. Marahil, naiinitan siya sa paligid.   “Alis na!”   Balewala lamang sa aming alaga ang tinig ni Nanay. Tumingin ako sa kabilang bahay baka lumabas muli ang matandang lalaking galit sa kanyang tinig.   Sarado ang pinto at bintana ng kanyang bahay. Mukhang dumalo ito sa pista ng kabilang sitio kagabi kung saan pinuntahan din ni Nanay. Nasa kabilang sitio ang kanyang mga anak na may sarili nang pamilya. Marahil, doon muna natulog dahil hindi kaya ng kanyang mga balakang at tuhod ang mahabang lakaran pauwi.   May sakayan o terminal man ng traysikel ang bawat sitio ngunit hanggang alas otso
last updateHuling Na-update : 2021-05-15
Magbasa pa

IV: ANO...

“Ano pa ba ang mga kailangan pang i-organize sa programa natin?” Tanong noon ni Salome habang ako'y abala sa paglilista ng mahahalagang napag-uusapan. Gagawan ko pa ito ng minutes of the meeting na ipapasa sa kanya at sa aming gurong tagapayo na si Bb. Ansel. “Handa na ba ang mechanics?” “Yes po”, nakangiting saad noon ni Lenina “Okay, good to hear that,” nakahinga nang maluwag noon ni Salome. “How about the registration forms via Google form? Meron na ba?” “Yup!” Sagot ko noon bago ako uminom ng tubig. Maglulunsad kami ng isang art contest para sa mga mag-aaral, mula sa iba't ibang kolehiyo, kalakip ang temang “A Brighter Future”. “ A BRIGHTER FUTURE”&nbs
last updateHuling Na-update : 2021-05-16
Magbasa pa

V. SANDALI...

"SANDALI LANG MARS!" Aniya ko kay Salome bago matapos ang aming pagpupulong."O, bakit Mars?" Huminto si Salome noon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Nagliligpit na rin noon ng mga gamit ang iba pa naming kasama para umuwi."Sigurado ka bang magpapadala ulit tayo kay Bb. Ansel ng liham? Baka 'di na niya babasahin iyon", kinakabahan na ko noon dahil nakita ko na ang itsura ng kapaitang katauhan ng aming gurong tagapayo habang nagbabasa siya ng mga project proposal at iba pang pormal na liham na tumutukoy sa mga gastusin at pangangailangan ng ARC.Hinawakan ako sa balikat nina Lenina at Salome. Kumindat si Lenina na tila nagpapatawa sa akin."Okey lang iyan", sagot ni Lenina. "Masanay na tayo sa kanya. Ngunit, ang pagsasanay na makita ang kanyang pag-uugali ay hindi maaaring susi sa kababaan ng mga prinsipyo ng ARC."Malalim ang kanyang tinuran. Makahulugan. Makabuluhan. Makatwiran."Tama siya," sabat ni R
last updateHuling Na-update : 2021-07-06
Magbasa pa

VI. SANA...

"SANA NAMAN APRUBADO na niya ang project proposal natin. Ang tagal na kasi iyon. Nakakaumay na ang pakikitungo niya sa atin!" Umaangal na noon si Ranilo habang nag-uusap kaming mga miyembro ng ARC sa group chat."Kalma lang p're! HAHAHAHAHA!" Natatawang tugon naman ni Guevarra dahil batid niyang hindi kayang kontrolin ni Ranilo ang galit sa kanyang katawan.Noong nakaraang taon, nainis si Ranilo sa isa niyang kamag-aaral na kumopya ng kanyang sanaysay. Magkaiba lamang ang mga pamagat ngunit iisa lamang ang nilalaman. Humingi naman ng pasensya ang taong iyon sa kanya at gumawa na lamang ito ng panibagong sanaysay.Sa halip na patawarin ni Ranilo ang kamag-aaral, ipinagkalat sa buong klase ang pagkakamaling nagawa nito sa kanya. Mula noon, hindi na pumasok ang kamag-aaral na iyon dahil sa sobrang hiyang naramdaman.Naalala pa namin iyon ni Guevarra kaya kailangang pigilang magalit si Ranilo. Maaaring ipagkalat din sa buong kolehiyo a
last updateHuling Na-update : 2021-07-08
Magbasa pa

VII. MAGING...

"MAGING AKO NGA hindi makapaniwala sa sinabi niya kanina!" Saad ko noon sa aming group chat.Binalita ko na sa mga kasama ko sa ARC ang isang hindi kapani-paniwalang maaliwalas na wangis ni Bb. Ansel. Hanggang ngayon, hawak ko pa rin ang puting kaluping binigay niya kanina habang may programa sa labas ng bahay nila Hugo. Hindi pa rin ako makapaniwala! Totoo ba talaga ang nakita ko kanina? "Miming..." Tawag ko noon sa alaga naming pusa na noo'y nagpapahinga sa tabi ng higaan ko. "Pakalmot sana ako baka panaginip lamang ang nakita ko kanina. Baka nakatulog na pala ako kanina at ang diwa ko ang dumalo sa programa ni Gng. Sebastian".Hindi ako pinapansin noon ni Miming. Inaantok na siya dahil napagod siyang tumakbo sa bubungan ng kapitbahay kanina."Himala! Paano siya pumayag?" Pagtataka ni Ranilo. Maging siya ay hindi naniniwala sa pinadala kong balita sa group chat kanina."Kalma ka na lang p're,
last updateHuling Na-update : 2021-07-10
Magbasa pa

VIII. TAYO...

"TAYO NA NGA lang dito", napilitan si Ranilo na samahan si Guevarra sa Registration Booth na nasa tapat ng aming opisina."Ranilo!" Sigaw ni Betty mula sa kabilang gusali."Grabe p're!" Nakakaasar na tawa ni Guevarra sa kaibigan. "Tama lamang pala na dito ka ipatambay! Makikita ka lagi ni Betty, hahaha!"Hindi siya pinapansin ni Ranilo. Nakatuon siya sa bilang ng mag-aaral na magpaparehistro ngayong araw."Ranilo!" Tumatakbong papalapit na sa Registration Booth si Betty, kasama ang tatlo pang mag-aaral. "Magpaparehistro raw sila", turo ng kamay ng magandang binibini sa tatlong kasama.Tahimik na binigay ni Ranilo ang papel ng pagpapahistro at bolpen para makapagsulat ng personal na detalye ang mga lalahok."O ito", binigay niya kay Betty ang papel at bolpen. Nakangiti noon si Betty habang kinukuha ang binibigay sa kanya ni Ranilo."Ilista ninyo na rito ang mga pangalan ninyo
last updateHuling Na-update : 2021-07-16
Magbasa pa
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status