“BAKIT KAYA WALA pa sila nanay?”
Nagtataka ako noong umuwi ako galing sa kubo. Inabutan kami ng hapon sa paa-aaral at pagkukuwentuhan namin ni Yamilet at pangangasar ni Hugo habang nagsasaulo ng mga teorya sa kanyang asignatura. Maliwanag naman ang loob ng bahay, nakakabingi ang katahimikan ng kusina at sala.
Umakyat na ako sa ikalawang palapag. Naabutan kong tulog si ate. Nakasabit na sa dingding ang ilang medalya at nakapatong sa ibabaw ng maliit na aparador ang kanyang mga sertipiko't diploma na natanggap kaninang tanghali.
Inilagay ko na lamang sa bag na nasa gilid ng higaan ang bolpen, papel at modyul upang bumaba at tumungo sa kusina. Sinilip ko ang kawaling nasa mesa upang tingnan kung may natitira pang carbonara o pancit. Nagugutom na akong noong oras na iyon.
“Andito ka na pala”, humahangos na pumasok ng bahay si Nanay habang kumukuha ako ng plato at kutsara.
“Gutom ka na ba?”
Tumango lamang ako noon.
“’Wag mo na itong kainin. May dala ako galing sa handaan sa kabilang sitio”.
Nagulat ako kay Nanay sapagkat nagawa pa niyang dumalo sa isang pista sa kabilang sitio pagkatapos ihatid si ate sa araw ng pagtatapos.
May dala siyang lechon manok, spaghetti, kalahating chocolate cake at mainit na menudo.
“May kanin pa tayo diyan, hindi ba?”
“Opo 'Nay”.
“O siya ayun na lang ang kunin mo”, tinuro ng kanyang nguso ang kinaroroonan ng kanin.
Nasasabik akong kumain noon hindi dahil sa mainit na menudo, kundi sa chocolate cake. Minsan lamang iyon kainin sa isang taon.
Nakatikim naman na ako ng Lemon Square Brownies at Nissin Special Mamon na tsokolate kapag may sobrang kita ako sa pagsa-sideline ng pagtitinda ng mga lumpia at turon sa aming klase. Mabuti na lamang hindi ako pinapagalitan noon ng ilang propesor dahil sa nakalatag na paninda. Maging sila'y lumalapit at bumibili ng turon bago mag-umpisang magturo sa klase.
Ang chocolate cake na dala ni Nanay ay marahil na ikaapat na cake na nakain ko sa talambuhay ko. Minsan lamang makatikim ng ganito dahil sa kamahalan ang pagbili nito sa merkado. Wala ni isa sa amin ang nakakain nito sa aming kaarawan kaya ang mga handaan sa pista at paanyaya sa mga kaarawan ng kapitbahay ang tulay ng pagkain ng cake.
Kasama na rito ang cake na binigay nila Hugo at Yamilet kanina.
Ang unang tatlong cake na nakain ko ay galing din sa pamilya ng kambal.
Tuwing nagkakaroon ng programa ang kanilang pamilya, nagkakaroon ng masarap na salo-salo ang mga magsasaka, kasama ang aming magulang. Palaging kasama ang malaking cake na kakainin ng lahat at babaunin ang matitira pagkatapos ng programa.
“NAKATULALA KA!”, GULAT ako sa puna ni Nanay.
“A wala po, hahahaha! May tatapusin pa kasi akong assignment mamaya kaya iniisip ko lamang ang ibang gagawin”, nahihiya pa rin ako noon sa puna ni Nanay.
Ninanamnam ko na lamang ang sarap linamnam ng pagkaing kinakain ko. ‘Di pa rin ako maka-move on sa pangangasar ni Hugo kanina sa kubo.
Sinasaway na siya noon ni Yamilet sapagkat naiingayan na siya. Ngunit, tuloy pa rin si Hugo sa pangangasar.
“Palibhasa’y matalino ka at madali mong maisaulo ang mga political theory diyan kaya nangangasar ka na lang sa akin…hmmp!” Pagtatampo ko kay Hugo kanina.
Pinagtatawanan na lamang ako ni Hugo at patuloy pa rin siya sa pangangasar.
“Panda!”
“Maeco!” Tinawag ni Yamilet ang unang pangalan ni Hugo.
Tumahimik lamang ang mapang-asar na nilalang. Patuloy na lamang siya sa pagbabasa ng kanyang libro. Tinitingnan na lamang niya ako nang tahimik habang nagkikinig ako sa pagtuturo ni Yamilet.
Kailangan ko munang ituon ang aking sarili sa walang hanggang sumpang hatid ng paggawa ng free body diagram. Kailangan kong pagbutihan ang paggawa ng takdang-aralin sapagkat kailangan itong sanayin ang isip alang-alang sa propesyon sa hinaharap. Hindi dapat mapahiya sa mga aaplayang trabaho, lalong-lalo na ang opportunidad na hatid ng programa ni Gng. Sebastian.
“KUMUHA KA PA ng kanin sa kaldero”, pakiusap iyon ni Nanay. “Bawi ka ng kain ngayon dahil puyat ka kahapon”.
Malakas man ang tinig ni Nanay sa umaga, mas malakas ang pakiramdam ko sa pagmamahal na ipinapakita niya sa aming pamilya.
Nagugutom pa 'ko sa kinain kong kanin at menudo kaya kumuha pa ako ng kanin, ayon sa pakiusap ni Nanay. Mas malakas akong kumain ng kanin kaysa sa ulam. Ang isang mangkok ng menudo ay katumbas ng dalawa hanggang tatlong plato ng kanin, depende sa alsa ng bigas at lasa ng kanin.
Muntik ko nang makalimutan ang isang pitsel ng tubig na hinanda ko na sa kusina kanina. Mabuti na lamang naalala ko ngayon. Baka pagalitan ako ni Nanay.
“Tita Pining…” Pamilyar ang narinig kong tinig.
Lumingon agad si Nanay sa tumatawag.
“O ikaw pala 'yan!”
Ang mapang-asar na si Hugo ang nasa pinto. May dala siyang magkakapatong na plato na maingat na binalot sa matibay na plastik. Puno ng pawis ang balot na iyon kaya mahirap makita ang laman nito.
“Nakalimutan ibigay kaninang ala sais ni Mama ito,” ang magkakapatong na plato na iyon ang tinutukoy niya. “Matutulog na po sana siya sa kanyang office room nang makita niya ito.”
“Ku, e maraming salamat. Victoria pakikuha mo na lang sa kanya”, sabik nang kunin iyon ni Nanay ngunit inaasikaso niya ang alaga naming pusa na kanina pa nag-iingay sa kusina.
“Ako na lang”, agad na tugon ni Hugo.
Tuwang-tuwa ako noon ngunit hindi ko maipaliwanag ang nadarama noong oras na iyon. Hindi na ako makasagot noon dahil sa pinagtataka kong damdamin.
“Hindi mo maaaring buhatin ito baka kainin mo lahat”, sabay ngiti na nakakaasar.
“Siraulo ito!”
“Ops!”Tumigil siya sa tapat ng mesa. “’Wag mong itutuloy 'yan dahil dito”.
Hahampasin ko sana ng kamay ko ang balikat niya ngunit naagapan niya. Tila nahuhulaan na niya ang susunod kong gagawin. Pinagtatawanan na lamang niya ako hanggang tumahimik na siya nang dumating si Nanay galing sa kusina. Sumusunod na noon ang alaga naming pusa na maingay pa rin ngayon.
Magaan na tagpo sana iyon sa akin ngunit tila hinampas ako ng alon para magising.
Nakasimangot na ako noon kay Hugo nang nakaalis na ng bahay. Sabik na si Nanay noon na buksan ang tatlong magkakapatong na plato. Pagkaalis ng mga plastik, naamoy ko ang masarap na samyo ng hangin na nagpagaan ng aking loob. Nakalimutan ko ang inis at asar kay Hugo. Gusto ko muling kumain.
Tatlong uri ng pagkain ang nasa tatlong plato. May focaccia bread, margherita pizza na hiniwa na sa maraming hati, at lasagna. Binigyan ako ni Nanay ng ilang bahagi ng mga pagkain iyon. Mabuti na lamang kumain ako ng kaunting kanin sa pangalawang round.
“Mukhang imported ito 'Nay!” Puno noon ang aking bibig.
“Oo, free taste yan ni Gng. Sebastian sa 'min 'yan dahil balak niyang magtayo ng sariling kainan sa bayan.”
“Masarap po!” Parang hindi ako kumain ng kanin at menudo kanina sa pagmamadaling kumain.
Lumipas ang maraming taon, unti-unti nang nagkakaroon ng kaunlaran ang bayan, lugar kung saan matatagpuan ang pinakamalaking simbahan ng aming munisipalidad at ang munisipyo ng lokal na pamahalaan. Minsan lamang kami napapadpad sa lugar na iyon dahil sa mahahalagang pagdiriwang lamang kami dumadayo. Nasasaksihan namin ang sayawan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan, pagkain ng nakahilerang maliliit na kubo galing sa iba't ibang barangay, at tugtugang pista na sobrang lakas sa pandinig. Naririnig pa namin iyon hanggang sa kabilang baryo.
Nais ko ring magtayo ng kainan na ako mismo ang magdi-design, interior man o exterior.
Isang taon na lamang at magtatapos na 'ko. Sabik ko nang iguhit sa aking kamay ang kabuuang istruktura at disenyo ng pinapangarap kong kainan.
Ngunit…
Bahay pa pala namin ang kailangan kong unahin. Inaasahan ako ni Nanay na ako mismo ang magpapatayo ng bagong tahanan. Walang butas ang bubong. May salamin ang mga bintana. Malaking pinto. Hindi na kailangan ng madilim na kapaligiran sa loob ng tahanan kapag umaga at tanghali sapagkat may mga salamin nang maaaring idikit sa ibaba ng bubong. Isa o kalahating metro ang kapal. Magsisilbing liwanag sa umaga't tanghaling magdadaan.
TAPOS KO NANG hugasan ang mga plato, kutsara at kawali nang bumaba na si Ate Chuchay galing sa ikalawang palapag.
“Ate naman e!”
Nakikiliti ako sa pagpisil ni ate sa gilid ng baywang ko.
“HAHAHA! O, s’ya, makakain nga muna.”
Binigay ko sa kanya ang bagong linis na plato at kutsara. Kumakain na si ate nang natutulog na si Nanay sa ikalawang palapag. Kailangang maagang gumising bukas si Nanay dahil pupuntahan pa niya ang sakahan kung saan nag-aani ng palay si Tatay. Bibilangin na nila ang mga sako ng palay bago ilagay sa makinang nag-aalis ng ipa (balat ng palay).
Pinag-aralan kong muli ang free body diagram na tinuro sa akin ni Yamilet. Konting aral na lang at matutunan ko nang gumawa. Mahalaga iyon sa pinag-aaralan kong kurso. Mahalagang alamin ko muna ang representasyon ng isang structural element, maglalagay ako ng mga arrow sa bawat sulok ng linya at ituturo kung anong uri ng force ang kailangang hanapin. Sa maikling salita, MODELO. Magsisilbing modelo ito ng totoong structural element. Ang pagguhit ng parihabang hugis ay sapat nang maipakita ang simbolo ng totoong biga o poste ng establishimiyento. Ang linyang letrang T na pahiga ay sapat nang mabigyan ng simbolo ng cantilever beam, makuha lang ang hinahanap na internal force sa iba’t ibang direksyon.
Inaantok na 'ko sa pagbabasa ng modyul. Kailangan ko nang makatulog dahil may pagpupulong kami nang maaga ng aming akademikong organisasyon bukas sa kubo. Ang kubong iyon ay nagsisilbi na ring lugar ng pagpupulong ng mga kamag-aaral. Pinapayagang pumunta kami roon ni Gng. Sebastian.
Wala man kaming pasok bukas ay kailangan pa rin naming maglaan ng oras sa aming responsibilidad. Malapit na kaming magbakasyon sa susunod na tatlong buwan kaya puspusan na ang paghahanda ng ilang programa.
Payo sa akin ni Hugo noon:
“Kailangan mo ring sumali sa mga samahan sa inyong kolehiyo. Mahirap man ang trabaho pero sulit naman ang isang taon dahil marami kang matutunan”, tinapik lamang noon ni Hugo ang aking balikat.”
Nagdadalawang-isip pa lamang ako noon sa imbitasyon ng aking kaklase at matalik na kaibigan na si Salome, bise presidente noon ng inhinyerong samahan, ang ARC (Arts with Responsibilities Creatives).
Hindi sa lahat ng oras nangangasar lagi sa akin si Hugo. May kalakip din siyang mga payo kung paanong maging aktibo sa kolehiyo, hindi lamang sa pagkamit ng matataas na marka o mapasama sa Dean’s List kundi kung paanong panindigan ang mga prinsipyong matagal nang pinanghahawakan. Binibigyan ang sarili ng mga pagsubok upang lalong makilala ang totoong sarili, kung kaya nang manguna sa impluwensyang integridad at kung kaya nang harapin ang mga dagok habang binabaybay ang tulay ng kinabukasan.
Payo sa akin ni Hugo noon:
“Malay mo pagkatapos ng isang taong-panuruang trabaho sa samahan, may libreng cake ang gurong tagapayo ninyo.”
Nakakaasar na payo, hindi ba?
Batid niyang nasasabik akong kumain ng cake. Batid ko ring sabik na siyang makita akong magtapos ng pag-aaral habang hawak ko ang cake na ihahandog niya sa akin.
“Pupunuin ko ng kwarenta y singkong kandila yung cake na ibibigay ko.”
“Bakit namang kwarenta y singko? Pwede saktong singkwenta a”.
“O sige ikaw na bumili ng lima”.
“Hmmp! Siraulo!”
Pinagtatawanan na lamang ako noon ni Hugo. Ang mahal ng kandilang binibili nila ni Yamilet sa bayan. Kulay ginto na presyong ginto.
Katulad din iyon sa kandilang nasa cake na hinandog ni Gng. Sebastian kay Ate Chuchay. Katulad din ng ibang cake na ibinahagi sa mga magsasaka tuwing anihan at pista.
NAIS KO NANG matulog hawak ang binabasa kong modyul, ngunit kailangan ko muna ng ilang minuto upang maihanda ko na ang ilang agenda ng pagpupulong bukas. Hinanap ko ang aking kwaderno ng listahan para sa samahan. Kailangan ko nang ipatong sa bag para hindi na ako maghahanap pa bukas.
Kalihim ako ng ARC kaya hindi dapat mahuli sa pagpunta sa kubo.
Nagpadala na sa akin ng mensahe si Salome.
“Mars, 'wag mong kakalimutan ang kwaderno ha. Andiyan kasi 'yong nilista kong budget ng event na ipapasa ko sa student council sa makalawa. Thanks!”
“Okay”, tina-type ko sa keyboard ng aking phone.
GISING NA AKO ng ala syete ng umaga noong nagtatampisaw na ang alaga naming pusa sa batyang nasa labas ng aming bahay. “Ayaw mo bang umalis?” Tinig iyon ni Nanay sa labas habang sinesermunan ang alaga naming pusa. Isang oras na palang nagtatampisaw iyon sa malinis na tubig. Marahil, naiinitan siya sa paligid. “Alis na!” Balewala lamang sa aming alaga ang tinig ni Nanay. Tumingin ako sa kabilang bahay baka lumabas muli ang matandang lalaking galit sa kanyang tinig. Sarado ang pinto at bintana ng kanyang bahay. Mukhang dumalo ito sa pista ng kabilang sitio kagabi kung saan pinuntahan din ni Nanay. Nasa kabilang sitio ang kanyang mga anak na may sarili nang pamilya. Marahil, doon muna natulog dahil hindi kaya ng kanyang mga balakang at tuhod ang mahabang lakaran pauwi. May sakayan o terminal man ng traysikel ang bawat sitio ngunit hanggang alas otso
“Ano pa ba ang mga kailangan pang i-organize sa programa natin?” Tanong noon ni Salome habang ako'y abala sa paglilista ng mahahalagang napag-uusapan. Gagawan ko pa ito ng minutes of the meeting na ipapasa sa kanya at sa aming gurong tagapayo na si Bb. Ansel.“Handa na ba ang mechanics?”“Yes po”, nakangiting saad noon ni Lenina“Okay, good to hear that,” nakahinga nang maluwag noon ni Salome. “How about the registration forms via Google form? Meron na ba?”“Yup!” Sagot ko noon bago ako uminom ng tubig.Maglulunsad kami ng isang art contest para sa mga mag-aaral, mula sa iba't ibang kolehiyo, kalakip ang temang “A Brighter Future”.“ A BRIGHTER FUTURE”&nbs
"SANDALI LANG MARS!" Aniya ko kay Salome bago matapos ang aming pagpupulong."O, bakit Mars?" Huminto si Salome noon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Nagliligpit na rin noon ng mga gamit ang iba pa naming kasama para umuwi."Sigurado ka bang magpapadala ulit tayo kay Bb. Ansel ng liham? Baka 'di na niya babasahin iyon", kinakabahan na ko noon dahil nakita ko na ang itsura ng kapaitang katauhan ng aming gurong tagapayo habang nagbabasa siya ng mga project proposal at iba pang pormal na liham na tumutukoy sa mga gastusin at pangangailangan ng ARC.Hinawakan ako sa balikat nina Lenina at Salome. Kumindat si Lenina na tila nagpapatawa sa akin."Okey lang iyan", sagot ni Lenina. "Masanay na tayo sa kanya. Ngunit, ang pagsasanay na makita ang kanyang pag-uugali ay hindi maaaring susi sa kababaan ng mga prinsipyo ng ARC."Malalim ang kanyang tinuran. Makahulugan. Makabuluhan. Makatwiran."Tama siya," sabat ni R
"SANA NAMAN APRUBADO na niya ang project proposal natin. Ang tagal na kasi iyon. Nakakaumay na ang pakikitungo niya sa atin!" Umaangal na noon si Ranilo habang nag-uusap kaming mga miyembro ng ARC sa group chat."Kalma lang p're! HAHAHAHAHA!" Natatawang tugon naman ni Guevarra dahil batid niyang hindi kayang kontrolin ni Ranilo ang galit sa kanyang katawan.Noong nakaraang taon, nainis si Ranilo sa isa niyang kamag-aaral na kumopya ng kanyang sanaysay. Magkaiba lamang ang mga pamagat ngunit iisa lamang ang nilalaman. Humingi naman ng pasensya ang taong iyon sa kanya at gumawa na lamang ito ng panibagong sanaysay.Sa halip na patawarin ni Ranilo ang kamag-aaral, ipinagkalat sa buong klase ang pagkakamaling nagawa nito sa kanya. Mula noon, hindi na pumasok ang kamag-aaral na iyon dahil sa sobrang hiyang naramdaman.Naalala pa namin iyon ni Guevarra kaya kailangang pigilang magalit si Ranilo. Maaaring ipagkalat din sa buong kolehiyo a
"MAGING AKO NGA hindi makapaniwala sa sinabi niya kanina!" Saad ko noon sa aming group chat.Binalita ko na sa mga kasama ko sa ARC ang isang hindi kapani-paniwalang maaliwalas na wangis ni Bb. Ansel. Hanggang ngayon, hawak ko pa rin ang puting kaluping binigay niya kanina habang may programa sa labas ng bahay nila Hugo. Hindi pa rin ako makapaniwala! Totoo ba talaga ang nakita ko kanina?"Miming..." Tawag ko noon sa alaga naming pusa na noo'y nagpapahinga sa tabi ng higaan ko. "Pakalmot sana ako baka panaginip lamang ang nakita ko kanina. Baka nakatulog na pala ako kanina at ang diwa ko ang dumalo sa programa ni Gng. Sebastian".Hindi ako pinapansin noon ni Miming. Inaantok na siya dahil napagod siyang tumakbo sa bubungan ng kapitbahay kanina."Himala! Paano siya pumayag?" Pagtataka ni Ranilo.Maging siya ay hindi naniniwala sa pinadala kong balita sa group chat kanina."Kalma ka na lang p're,
"TAYO NA NGA lang dito", napilitan si Ranilo na samahan si Guevarra sa Registration Booth na nasa tapat ng aming opisina."Ranilo!" Sigaw ni Betty mula sa kabilang gusali."Grabe p're!" Nakakaasar na tawa ni Guevarra sa kaibigan. "Tama lamang pala na dito ka ipatambay! Makikita ka lagi ni Betty, hahaha!"Hindi siya pinapansin ni Ranilo. Nakatuon siya sa bilang ng mag-aaral na magpaparehistro ngayong araw."Ranilo!" Tumatakbong papalapit na sa Registration Booth si Betty, kasama ang tatlo pang mag-aaral. "Magpaparehistro raw sila", turo ng kamay ng magandang binibini sa tatlong kasama.Tahimik na binigay ni Ranilo ang papel ng pagpapahistro at bolpen para makapagsulat ng personal na detalye ang mga lalahok."O ito", binigay niya kay Betty ang papel at bolpen.Nakangiti noon si Betty habang kinukuha ang binibigay sa kanya ni Ranilo."Ilista ninyo na rito ang mga pangalan ninyo
SA DINADAMI-DAMI NG taong makakarinig ng kwento ng kagitingan ko, si Hugo lang ang hindi naniniwala sa akin."Hmmp! Grabe ka naman sa akin!" Nakasimangot ako sa kanya noon.Patuloy pa rin ang kwentuhan nila Yamilet at Lenina habang papalapit na sa tarangkahan ng bungalow ng pamilya Perez."O siya bes, dito na ako", paalam ni Lenina sa kaibigan habang pababa ng sasakyan.Nag-aabang na ang kanyang ina. Inalalayan siya nito sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang mga bag."Salamat sa paghatid sa kanya Yamilet!" Natutuwang pasasalamat ni Gng. Perez.Kumaway muna ang kambal sa mag-ina bago tuluyang sinara ang pinto ng sasakyan. Kaming tatlo na lamang ang naiwan, kasama ang kanilang driver."May pinag-awayan na naman kayo ano?" Hula ni Yamilet sa amin.Kanina pa pala siya nagmamasid sa aming dalawa ni Hugo. Kapwa kami tahimik at walang maingay na kwentong maririnig."Wala a!" Sagot ng kanyang kapatid."Anong wala? Ay
"HINAHARAP", BINIGKAS NI Ranilo ang pamagat ng isa sa mga naipasang artwork sa aming tanggapan.Simple lamang ang pamagat na iyon ngunit may kahulugan ang mga bituing ipininta sa bawat sulok ng canvas. Kumikinang iyon at tila walang katapusan ang pagliliwanag ng mga ito sa dilim kapag minamasdan ng aking mga mata.Asul at itim ang nangingibabaw sa sining na iyon. Parehong tig kalahati ang kanilang bahagi. Maaaring dilim ang kahulugan ng itim na kulay na nasa ibaba samantalang pag-asa ang simbolo ng asul na kulay na nasa itaas. Nasa gitna naman ang mga bituin, ngunit mas maliwanag ang pagkakapinta nito sa asul na bahagi.Lahat tayo'y gumagapang o nangangapa sa dilim hindi dahil wala pa tayong nararating sa buhay ngunit ito ang oras ng paulit-ulit na pagluha, pagpapakasakit, kaba, alanganin at kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Depende iyon sa napipili nating mga pasya sa buhay."P're! 'Wag mong hahawakan 'yan. Frame lang dapat ang hahawakan mo", babala ni Gu
"DAAN MUNA AKO sa inyo ha," sambit ni Yamilet na paika-ikang naglakad sa putikan ng kapatagan.Mabuti na lamang tahimik ang kalabaw ni Mang Tonyo noong oras na iyon. Napansin kong pula ang kulay ng kanyang malaking wallet. Makintab ito at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. Madali iyon matatanaw ng kalabaw kahit ilang metro na ang layo."Bakit naman madam? Hindi ba may kukunin ka pang gamit?" Tanong ko sa kanya.Kinakabahan ako kapag dumadaan ang sinumang tao o kakilala sa bahay nang wala sa tamang panahon at oras. Ito ay dahil may mga oras na magulo o maraming huhugasing kubyertos, plato't baunan sa kusina ng aming kubo.Sanay kaming pinaghahandaan ang pagdating ng mga inaasahang bisita. May oras kaming ilalaan sa paglilinis sa likod, gilid at loob ng bahay."Ay! Oo nga pala ano? Siguro, sa susunod na lang ng pag-uwi ko rito," sambit ni Yamilet na tila'y nagma
"NA ALIN? DAHIL ba sa pagpunta ninyo sa kapitolyo?" Pagtatakang tanong sa akin ni Yamilet habang kumakain sa isang karinderya.Bumalik muli si Yamilet sa aming baryo galing sa Maynila dahil kukunin naman niya ang kanyang kotse upang gamitin sa pagbabyaheng pag-uwi at pagpasok sa pinapasukang trabaho. Nasa internship na programa pa rin siya at pinayagan siya ng kompanya na kunin ang kotse.Nakasalubong ko siya sa isang daang nasa gitna ng palayan noong isang umaga habang pauwi na ako sa aming kubo."Madam?" Pagtatangkang tawag ko sa kanya.Akala ko hindi pa siya makakabalik agad sa aming baryo sapagkat may kasalukuyan siyang sumasabak sa isang internship program sa Maynila. Maaaring mabawasan iyon sa kanyang oras sa trabaho.Tinitigan niya ako nang mabuti. Tila kinikilatis niya muna kung sino ang nakapansin sa kanya sapagkat nasisilaw siya sa aking wangis. Mataas na noon ang araw sa kanluran at handa na itong magtago sa likod ng mga bundok anu
MASALIMUOT NA PAGTATAGPO ang nararamdaman ko sa tuwing pinag-uusapan ng ibang guro at mag-aaral tungkol sa simpleng "isyung" pinapainit sa kolehiyo. Hindi naman masama ang imbitasyon ng lokal na pamahalaan na maging bahagi kami ng salo-salo at parangal dahil sa mga nagawa naming proyekto sa ARC. At, hindi lang naman kaming mga kinatawan ng Sinag State College ang dumalo sa pagtitipong iyon.Walong samahan ng mag-aaral ang dumalo sa salo-salo at parangal. Nariyan ang "Two Rays Photography Circle" ng Abang D. Sakay Memorial State College sa bayan ng Pila kung saan nakatanggap kami ng imbitasyong maging bahagi ng kanilang proyekto. Nariyan din ang "Dreamers' Society" ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw, ang "Project EARTH" ng Tapayan Institute of Arts and Technology sa bayan ng Tapayan, ang "Angat, Isko" at "Young Entrepreneur's Society" ng Doña Clara Maddang Memorial College sa bayan ng Trinidad, at ang "ALAB ng Sinag" ng Pamantasan ng Sinag sa
AT DAHIL SA "isyung" nagaganap sa buong kolehiyo, hindi muna kami pinapunta sa tanggapan ng ARC ni Bb. Ansel sa loob ng dalawang araw. Pumapasok muna kami sa aming mga klase, tinapos ang mga aralin at iba pang hindi pa natatapos na proyekto. Pabalik-balik na rin ako sa tindahan ng school supply ni Aling Tesang sa paulit-ulit na pag-imprenta ng mga pananaliksik, technical writing output at maiikling proyektong nangangailangan ng engineering problems, katulad ng mga pinag-aaralan naming major subjects."Maria Victoria Reyes, kailangan mong bumawi sa mga quizzes at activities sa subject ko dahil na-zero na kita sa isang important activity, kasagsagang nakikipagkasiyahan kayo sa kapitolyo", iba nga ang timpla ni Gng. Paitan, matandang propesor sa Hydraulics.Katulad ng pakikitungo niya ngayon sa apilyido niya."Hindi naman po kami nakipagkasiyahan doon Ma'am", mahinahong sagot ko sa kanya."Puro nga kayo
"GITNA NA TAYO", paanyaya ni Salome sa amin dahil nahihirapan na kaming maglakad kasabay ang mga kawani ng kaitolyong umuuwi na.Masikip ang daan kahit sobrang luwag ng espasyo ng front door ng kapitolyo. Alas singko na ng hapon nang matapos ang salo-salo at parangal ng lokal na pamahalaan sa amin."Ingat!" Kaway sa amin ng magkakambal na Gerome at Angela Jimenez bago umalis ang kanilang asul na van.Kumaway kaming lahat sa kanila."Chat chat na lang mamayang pag-uwi ha", kumindat kay Ranilo ang isang babaeng mag-aaral bago sumakay sa nirerentahang dyip ng kanilang paaralan.Siya si Janine Mendoza, ang bise presidente ng Dreamers' Society ng Sta. Elena College sa bayan ng Tanglaw. Katabi siya ni Ranilo sa upuan kanina na sa kalauna'y nagkasundo sa napag-uusapang online game."Sige, invite mo 'ko sa laro mamaya ha", nakangiting kumaway si Ranilo sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad."Grabe p're pinagpalit mo na talaga ako", pagbi
SA ONLINE NA pahina ng ARC, makikita ang magagandang feedback at comment mula sa mga mag-aaral. Nahihilo na kami sa pagbabasa roon ngunit kailangang maging masipag sa pagtugon sa kanila."Pahinga muna tayo", paanyaya ni Salome sa aming lahat.Pinagpahinga muna namin ang aming mga mata sa kakatingin sa screen. Nakakalabo raw ng paningin ang matagal na "pagbabad" sa screen monitor o sa phone screen.Nasa tanggapan kami ngayong tanghali dahil hinihintay namin ang pagdating ni Bb. Ansel. Ngayon ay ang araw ng pagpunta namin sa kapitolyo kung saan inanyayahan kaming magtanghalian ng lokal na pamahalaan. Marahil, magmemeryenda na lamang kami roon dahil malayo ang aming kinaroroonan, dalawang oras na byahe sakay ng traysikel."Sino magiging kasama ko?" Tanong ni Ranilo tungkol sa sasakyan naming traysikel mamaya."Ayaw mo na ba sa akin p're?" Tanong ni Guevarra sa kanya."Hindi naman sa ganoon. Dalawa tayo sa side car kasi lab pa rin kita p'r
"MAGLAKAD KA. HUWAG kang lumihis sa dinadaan mong landas sapagkat ang araw ay hindi titigil sa paghahanap ng iyong presensya habang ika'y nagkukubli", pagbabanta ng isang babae sa kanyang kausap.Halos maririnig na ang kanilang pag-aaway hanggang sa loob ng aming silid."E 'di magtatago ako para hanapin ako ng araw na sinasabi mo! Hindi na 'ko sa 'yo naniniwala Ate dahil traydor ka!" Galit na sambit ng kanyang kausap.Nagsabunutan na ang dalawang babae. Maririnig na ang mga basag na baso at plato habang nakikipagbuno sila sa isa't isa."Walang hiya ka! Wala kang utang na loob! Pinalaki kita, pinakain, pinagbihis ng magarang damit, pinag-aral kita tapos ito ang igaganti mo sa 'kin! Magbabayad ka!"Maririnig ang pagbagsak ng kanilang mga katawan sa sahig na gawa sa kahoy. Ayaw nilang maghiwalay dahil nais nilang masaktan ang isa't isa."Tumigil na k
"MAHIRAP ANG ATING pinagdadaanan sa buhay. Maykaya man tayo o mahirap, pareho pa rin ang tinatapakan nating landas. Pareho tayong dumadaan sa butas ng karayom. Pareho rin tayong nasisiyahan kapag nakakamit ang ating mga pangarap, ang ating mga mithiing matagal nating inaasam. Sana'y maging inspirasyon ang mensahe ng THE BRIGHTER FUTURE, ang sentro ng ating panuntunan, upang bumangon mula sa pagkalugmok sa nakaraan at taas-noong maipagmamalaki ang ating mga sarili sa hinaharap. Magtiwala kayo sa inyong mga sarili na makakapagtapos kayo ng pag-aaral at magsisikap muli sa mga panibagong hamon ng ating lipunan—na nasa labas lamang ng paaralang ito. Maging responsable kayo bilang mamamayan ng bansang ito at maging matalino sa mga pasyang inyong pinipili. Magdasal at magpasalamat din kayo sa Poong Maykapal na siyang gumagabay sa inyong buhay."Mahaba ang talumpati ni Gng. Chavez bilang pagsisimula ng aming programang pagbibigay ng parangal. Lahat kami ay masigab
KAHIT TATLONG LINGGO lang ginanap ang aming patimpalak, maraming mag-aaral ang lumahok at sumuporta. Nariyan ang mga mag-aaral ng ikaapat na antas ng kolehiyo na palaging nanghihikayat sa mga kaibigan sa paaralan na subukang sumali sa patimpalak, sa pamamagitan ng social media accounts. Ito ay sa kabila ng pagiging abala nila sa kanilang mga proyekto at pananaliksik."Our school president informed me that your request sa budget ay may pirma na!" Natutuwang ulat sa amin ni Bb. Ansel.Nasa tanggapan kami noon ng aming samahan nang inuulat niya ang magandang balita."Yeeeeeees!!!!" Sigaw ng iba pa naming kasama."Hindi ito isang panaginip!" Pagbibiro ni Guevarra. Tinatapik niya ang balikat ni Ranilo na tulala noon habang nagkikinig.Hawak ni Ranilo ang kanyang kwaderno kung saan nakasulat ang mga gastusin ng kasalukuyan naming proyekto. May tatak na iyon ng APPROVED, bukod pa sa nakaimprentang mga dokumento na pinasa namin sa kinauukulan.