Sinubukang niyang iwasan ang mga atake ng kaniyang kalaban ngunit lagi pa rin siyang nahuhuli sa timing, kaya ang resulta: "Sa tingin mo ay magiging magaling kang mersenaryo dahil sa lagay na iyan?" malamig na tanong ng kaniyang maestro pagkatapos ay muli siyang sinugod nito. Napapikit siya sa kaniyang mga mata. Muli siyang bumangon sa sahig at hindi ininda ang sakit sa may tagiliran niya buhat sa pagkakatalsik niya kanina. "Sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, nagkakamali ka. Hindi ka nababagay sa ganitong klaseng trabaho kung ganiyan ka kasobrang hina," litanya ng kaniyang maestro. "Lakasan mo ang tama!" galit n
Huling Na-update : 2021-05-10 Magbasa pa