Share

UNO

last update Last Updated: 2021-05-10 20:23:22

'The gardener

Planted a seed

And watered

It every day,

To prepare itself

To blossom

When spring time falls.'

-The Seed

***

DON ARTURO

Manila, Philippines

Nakaharap ang don sa isang malaking salamin ng malaking wardrobe habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang mukha. Sinuklayan niya ang kanyang mahabang puting buhok.

'Hindi na siya bumabataAyos lang. Pang-Keanu Reeves pa rin naman ang kaniyang datingan. Hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhang taglay niya noong nasa kabataan pa lang siya.' Napangiting isip ng don.

Inangat niya ang isang kamay niya sa ere pagkatapos hinaplos ang kanyang mukha. Nangungulubot na rin ang kanyang mga balat marahil sa kaedaran niya. Habang ang kulay caramel niyang mga mata ay nagsisimula na ring lumabo.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng vigilante.

Vigilante. Bayarang mamamatay-tao. Isang kriminal na nabubuhay sa mundong ito.

Si Don Arturo ay kilala sa tanyag na 'Alamat ng Vigilante'. Pinakamagaling, tuso, matikas, at matapang na mersenaryo. Simula ng kanyang kabataan, ay hindi siya mahuli-huli ng mga pulis dahil sa angking galing niya na makatakas sa kanila. Marami na siyang pinasukang gulo at malamang, nasisiguro niyang marami na ring nakatambak na papeles sa pulis-istasyon tungkol sa mga nakahaing kaso para sa kaniya. Pero hindi nila kilala ang isang Don Arturo. Siya'y maparaan.

Si Don Arturo ang living proof na ang mga assassin ay matibay at hindi basta-basta. They were trained physically, emotionally, and mentally. They were taught how to fight and kill bad people. To assassinate those people inside the government who abuse authority because of their own greed and power. Inaalis nila sa landas ang mga taong may masamang motibo at halang ang kaluluwa. Kung para sa pansarili man lang ang dahilan kaya nais nilang makamtan ang posisyon, sa halip na tulungan ang ibang tao, para saan pa ang pagiging lider nila sa bayan at sa buong bansa?

Ang mga korap. Mapagpanggap. Ang ilang politikong may masamang budhi ay tila ahas na patagong nanunuklaw sa kanilang mga tauhan. Kaya kailangang mag-ingat. O kaya kailangan na ring sugpuin.

A soft knock came from the door. Nahigit ng don ang kanyang hininga at napatigil sa pagbabalik-diwa sa kanyang nakaraan. Inilapag niya ang kanyang hairbrush sa vanity table na nasa tabi ng wardrobe niya.

"Pasok," tugon niya sa kung sinong nasa labas ng kanyang silid. Hindi naka-lock ang pinto kaya madali lang nabuksan ang pinto.

Sumulyap si Don Arturo sa likuran niya sa pamamagitan ng repleksyon sa malaking salamin.

"Boss, nakahanda na po sila." Wika ng isang lalaki, isa sa mga tauhan niya. Tumango lamang ang don sa kanya.

Muling nanumbalik sa kanyang isip ang paghahanap ng bagong itatalaga sa kanyang pwesto bago siya magretiro. Ngunit sino? Wala siyang pamilya. Wala siyang pagpapasahan.

Pero isang bagay ang biglang pumasok sa isipan niya. Marahil alam na ng Don kung paano at anong gagawin.

Kinuha niya ang isang bote ng mamahaling pabango na nasa vanity table pagkatapos ini-spray niya sa kanyang leeg at sa kanyang pulsuhan.

"Magaling. Hintayin n'yo ako sa labas, susunod din ako. Kailangan na nating bilisan ang paghahanda para sa nalalapit na pag-aklas sa lalong madaling panahon," tugon niya.

Bahagyang yumukod ang lalaki sa likod niya bago siya lumisan sa silid ng don.

"Roger?" Lumingon sa kanya ang lalaki na nasa doorway na. "What did I tell you about addressing?" pahabol niya rito.

Naaasiwang napayuko ang lalaki sa harapan ng don.

"P-Paumanhin, Godfather." Ngumisi si Don Arturo sa reaksyon niya.

"Nice sweaters," komento niya bago muling bumalik ang atensyon sa harap ng salamin. "Sige na, makakaalis ka na."

***

Matapos ang pag-aayos, pumanhik na sa labas ng silid ang don at nagtungo sa silong. Naabutan niya ang kanyang mga tauhan na nag-aabang sa sala.

Tumayo ang lahat ng nasa loob ng silid na nakaupo kanina sa mga silya nang makita siya. Walang duda. Malaki ang respeto nila sa kanilang lider na siyang isa sa mga matitinik na assassin na nakilala nila at nakasama sa loob ng tatlong dekada.

"Ala-una ang alis ng ating flight. Sa ngayon, may natitira pa tayong limang oras nang makaabot sa nasabi kong destinasyon. Kamusta ang mga kargo natin?" Itinuon ng don ang kanyang atensyon sa bawat isa sa kanila na nasa loob ng silid.

"Nasa garahe na po ng eroplano lahat, Godfather," sagot ni Roger, ang assistant slash bodyguard niya. Bagama't isa siyang mabagsik na assassin, kinakailangan pa rin niya ng proteksyon sapagkat sa mata ng mga tao, isa lang siyang hamak na senior citizen na mayaman at may pag-aaring malaking kompanya. Ayaw naman ng Don na mas lalong sumikat pa siya at makita na lang ang mukha niya sa mga pader na nakalagay na WANTED FOR A REWARD: AVE sa ibaba ng litrato niya.

Kasikatan? Hindi niya na kailangan noon. Marami na siyang ganoon. Aba! Sa simula pa lamang ng kabataan niya, marami na siyang stolen candid shots para sa TV news report at newspapers.

Ngumisi na lamang si Don Arturo.

"Wala bang kakaiba kanina habang nilalagay n'yo ang kargo?" tanong niya sa kanyang mga tauhan. Hindi nakatakas ang pagdududa sa tono ng pananalita niya. Lihim siyang napangisi sa kanyang sarili. Mas mabuti ng alisto sa maaaring mangyari. Mabuti na lamang ay walang naging pinsala at problema ang naganap sa transportation nila sa mga produkto.

"Minden jรณl ment, keresztapa. Nem volt kรฉmek รฉszlelve. (Everything went well, Godfather. There were no spies detected)," malumanay na sagot ng isang matangkad na babaeng nakasuot ng attire ng isang businesswoman. Her face remained stoic and postured like an Alpha-woman. Ah! It's the Hungarian woman whom he met at Sicily during the trades two years ago. "Do not worry. Ellen ล‘rzรฉs alatt รกlltam. (I got it under control)."

"Ez jobb. (That's better)." Para masigurong walang sumusunod na agent sa kanila. Because the last time it happened, muntik ng mabulilyaso ang mga plano niya kung wala lang pakialamerong CIA agent.

Tss. Nevermind. Wala nang balak ang don na balikan ang pangyayari. Nabi-bitter lang siya, kasi napakapait naman talaga ng nangyari't muntikan na siyang mawalan ng isang bilyon nang dahil sa transaksyon na iyon.

In the end, they were able to revive their cargos and return it back to its place while that CIA agent returned to its agency... lifeless.

"Now, let's go." Nilingon niya ang iba.

Naglakad na sila palabas sa kanilang lungga, ang lumang bodega. Kung saan nangyayari ang kanilang transaksyon at inihahanda ang mga kargo para dalhin sa seaport at ipadala sa tagong isla. Naging madali na lang ang paglalagay ng kargo sa container van na hindi dinadaan sa check-up dahil may kilala ang don sa loob noon at binabayaran para agarang makadaan sa security pass.

Sumakay na sa loob ng Hummer si Don Arturo habang ang ibang katauhan niya ay nasa kabilang mga sasakyan. Mag-isa lang siyang nakaupo sa passenger seat samantalang parehong nasa front seat ang kanyang driver at bodyguard na si Roger.

"Vamos a la iglesia primero, (Dumaan muna tayo sa simbahan)," he commanded in an authoritative voice.

"Yes, Godfather," sagot ni Roger at may kinausap ito sa hawak niyang walkie talkie. Umandar na ang sasakyan. Nauna ang dalawang Hummer sa kanilang harapan habang nakasunod sa likuran nila ang dalawa pang sasakyan.

Sandaling ipinikit ng don ang kanyang mga mata habang nakahawak sa kanyang sentido na nakapatong ang kamay sa tabi ng bintana.

Mayamaya, nakarating na sila sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Church. Naunang bumaba ang don sa sasakyan at sinuot niya ang kanyang aviators na nakasabit sa polo niya kanina. Tiningala niya ang tuktok ng simbahan habang nakalagay ang isang kamay niya sa noo. Umalingawngaw sa buong paligid ang dagundong mula sa kampana ng simbahan. Isang signus na natapos na ang second mass.

Napabuntong-hininga na lang si Don Arturo. Hindi siya nakaabot sa misa. Linggo ngayon. Paniguradong dagsaan ang mga tao sa loob. Nais niya sanang pakinggan ang Salita ng Diyos bago bumiyahe, ngunit sa tingin niya ay huli na para gawin iyon. Napag-isipan na lamang niyang bumisita ng saglit sa loob at aalis din pagkatapos. May natitira pa siyang isa't kalahating oras bago ang flight.

"Just a moment," ani niya sa bodyguard niya.

Sinimulan ng akyatin ni Don Arturo ang hagdan. Huminto na ang ingay ng dambana kasabay noon ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan at paglabas ng mga tao mula sa loob. Sinalubong niya ang mga taong tila naging bubuyog sa sobrang ingay at nagsisiksikan sa daan. May bumangga pa sa kanya kaya bahagya siyang napaatras.

Naiiling na lang na naglakad papasok sa loob ng simbahan ng don. Bumungad sa kanya ang malaking kabuuan ng loob ng simbahan. Kakaunti na lang ang naiwan sa loob at naglabasan na ang iba.

Humakbang siya papunta sa isang silya at lumuhod. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa tuktok ng sandalan at nagsimulang manalangin.

"Sa ngalan ng Ama..." mahinang sambit niya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Lumipas ang ilang minuto, tumayo na sa pagkakaluhod ang don at sandaling umupo sa silya habang nakatuon ang atensyon niya na nakatapat sa gilid niya. Kay Hesus Kristo na nakapako sa krus.

Mayamaya ay lumabas na sa simbahan ang don. Luminga siya sa paligid. Napansin niyang wala na gaanong tao kagaya kanina.

Tanging naiwan na lamang sa labas ay ang mga tinderang nagbebenta ng rosaryo, relika, at mga pagkaing tulad ng suman, tupig, at bukayo sa kanilang tindahan. Ngunit kapansin-pansin pa rin naman ang mga humigit-kumulang na sampung bilang na mga taong mukhang nagmula pa sa malayong lugar para lamang dumayo sa dinedeboto nilang Poon. Nakapamulsang bumaba si Don Arturo sa hagdan nang hinarang siya ng isang batang babae.

"Lolo, lolo. Sampaguita po?" Itinaas ng batang babae ang hawak niyang kumpol ng sampaguita na ginawang kwintas. Kaagad niyang nalanghap ang halimuyak ng bulaklak nang tinapat ng batang babae ang mga ito sa kanyang ilong.

Nakita niya ang akmang paglapit ng mga tauhan niya para pigilan ang batang babae pero sinenyasan niya itong tumigil.

"Magkano?" tanong niya sa batang babae habang pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya.

"Limang piso po ang isang kwintas," masiglang sagot niya. "Sabay po naming ginawa ang mga ito ng mga kaibigan ko kanina," dagdag pa nito habang inaayos ang pagkakahawak sa mga kwintas.

Pinagmasdan niya ang batang babae. Isang lumang puting bestida ang suot niya. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang baywang niya lang ang tangkad ng bata. Napansin niyang wala itong sapin sa paa.

"Bibili po kayo?" pangungulit nito sa kanya. Huminga na lamang nang malalim si Don Arturo at naglabas ng wallet sa kanyang bulsa.

"Lahat iyan," ani niya rito.

"Sige po!" Masayang bulalas niya.

Napatigil sa pagbukas ng wallet ang don nang marinig niya ang paghagikhik ng bata kaya saglit siyang natigilan. Lumingon siya pabalik sa batang babae pagkatapos sa tinitingnan nito at nakita niyang kinakawayan siya ng kanyang mga kaibigan mula sa hindi kalayuan kaya naman kumakaway ang batang babae pabalik dito.

Kagaya niya, may bitbit ang dalawang bata na mga sampaguita at kandila. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kaharap. Lumingon sa kanya ang bata habang may ngiti sa munting labi nito.

"Kandila po, lolo? Gusto n'yo rin po ba?" inosenteng tanong nito sa kanya na ikinaangat ng sulok sa labi niya.

"Oh, sige. Bilhin ko na rin iyan lahat." Kumuha siya ng sandaang piso sa wallet niya at ibinigay sa batang babae.

"Naku! Salamat po!" masiglang saad nito saka binigay sa kanya ang mga sampaguita at kandila nang matanggap nito ang bayad.

"Sandaan?" Kumunot ang noo ng batang babae habang nakatitig sa salapi. "Tingnan ko lang po ang wallet ko," ani nito saka binuksan ang suot nitong sling bag. May kinuha itong barya mula sa wallet. Pinanood niya ang batang babae na abala sa pagkwekwenta.

"Anong pangalan mo?" usisa ng don.

"Cristina po," sagot ng batang babae.

Cristina. Hindi na masama. Ngumiti ang don sa kanya.

"Ilang taon ka na?" tanong niya.

"Ten po."

"Nasaan na ang mga magulang mo?" Pinagmasdan niya ng maigi ang kabuuan ng bata.

Napatigil siya sa pagsusukli at inangat ang tingin sa don.

"Matagal ng patay ang mama ko. Ang papa ko naman... uhmm," Ipinagpatuloy ng batang babae ang kanyang pagkwenta sa pera.

Sinuri ni Don Arturo si Cristina. Wala man lang siyang nakikitang kahit anong bakas na reaksyon sa kanyang mukha habang nagsasalita.

Napatitig sa laylayan ng bestida nito sa kaliwang braso niya. Bahagyang kumunot ang kanyang noon ang mapansing may pasa siya rito. Hindi lang ito basta-bastang pasa kasi nangungulay lila na ito at napakalaki.

"Sukli n'yo po," wika ni Cristina saka binigay sa kanya ang barya. Hindi pinansin ng don ang kamay nitong inaabot sa kaniyang barya at nanatili siyang nakatitig sa batang babaeng nasa harapan niya.

"Sinasaktan ka ba ng papa mo?"

Hindi umimik ang batang babae sa kanya. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Don Arturo habang nakatingin kay Cristina. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng matinding awa sa tuwing may nakikita siyang mga musmos na inaalipusta ng lipunan. Ang epekto ng masamang sistema sa isang bansa ay nagdudulot ng masamang karahasan lalong-lalo na sa mga kabataan.

"Magsabi ka ng totoo, hija," malumanay na wika ni Don Arturo kay Cristina. Sinikap niyang maging mahinahon ang kaniyang tono ng pananalita upang hindi masindak ang bata sa kaniya. "Huwag kang matakot."

Hindi natinag ang batang babae sa sinabi niya ngunit mayamaya, kusang nagbagsakan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Humikbi si Cristina na nagpakagulat sa don.

"Ang totoo po, lagi akong sinasaktan ng papa ko. Simula kasi noong namatay ang mama ko dahil sa malubhang sakit, naging lasingero na ang tatay ko," wika ng batang babae. "Kaya tuwing umuuwi siya sa gabi ng lasing at nakita ako..." Suminghot ito. "Lagi niyang sinasabi sa akin na sana ako na lang daw ang nawala. Ako na lang sana ang nakaratay at hindi ang mama ko."

Bahagya siyang yumuko para magpantay sila ng tangkad. Niluhod niya ang isang paa niya habang itinukod naman niya sa lupa ang kanyang isang paa.

"Cristina, gusto mo bang sumama sa akin?"

Umangat ang tingin sa kanya ni Cristina. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya rito.

"Saan po?"

Ipinatong niya ang kanyang isang kamay sa buhok niya.

"Sa isang lugar kung saan ka ligtas at patas ang tingin sa lahat. Huwag kang mag-aalala, hindi kita pababayaan doon. Walang mangyayaring masama sa 'yo. Laruan, pagkain, magagarang damit, at maging ang pagpapaaral ko sa'yo ay ibibigay ko. Lahat ng gusto mo ay ibibigay ko," paliwanag ng don kay Cristina.

Natigilan ang batang babae at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya gamit ang kaniyang damit.

"Talaga po? Pwede ko po bang dalhin ang mga kaibigan ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Cristina ngunit naghahari ang labis na kagalakan.

Don Arturo patted her shoulder and smiled.

"Kung gusto nilang sumama," tugon niya na ikinalawak ng ngiti ng batang babae sa kanyang mga labi.

"Naku! Gustong-gusto po nila iyon! Matagal na po namin pinapangarap magkaibigan na magkaroon ng magandang pamumuhay. Sandali lang po, lolo! Tatawagin ko na po sila!" masayang bulalas ng bata.

Tumango lang ang don sa kanya habang pinapanood siyang tumakbo papalapit sa mga kaibigan niya na nasa bandang dulo.

"Connor! Terrie!"

"Godfather," Lumipat ang atensyon niya sa kanyang bodyguard na nasa labas ng sasakyan at sinesenyasan siya sa relo. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

Mayamaya, bumalik na sa kanyang kinaroroonan si Cristina kasama ang mga kaibigan nitong kinakawayan niya kanina. Nakita niya ang pag-aalinlangan ng mga kaibigan nito habang nakasunod sila sa kanilang kaibigan papunta sa kanya.

"Sasama po sila sa akin, lolo. Sila po si Connor at Terrie," pakilala ng bata sa kanila.

Related chapters

  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย DOS

    "Hali kayo! Sumama kayo sa akin! Isasama ako no'ng mama," yaya niCristinanang makalapit siya sa mga kaibigan niya. Gumuhit sa mga labi nito ang isang masayang ngiti na labis ipinagkataka nila."Sama saan?" kunot-noong tanong ng dose anyos na batang lalaking siConnor. Nagkatinginan ang batang lalaki at ang kasama nilang kasing-edad niCristinana batang babaeng siTerrie."Kay lolo." Tinuro niya ang direksyon ng don na nakatayo habang nakasandal sa tabi ng pintuan ng simbahan at nakahawak sa buhok na tila ginugulo iyon ng marahan."Saan ka naman niya dadalhin?" nagtatakang tanong niConnor."Sa lugar kung saan tayo

    Last Updated : 2021-05-10
  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย TRES

    Umabot ng trenta minutos ang biyahe. Nang nakarating sila sa isang private property na nasa tabing-dagat, naunang bumaba ang kanyang driver at bodyguard pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto niRoger. Bumukas ang pinto ng mga sasakyan ng mga kasama niya at kanya-kanya silang naglabasan.Nagpatuloy na siya sa paglalakad at naunang nagtungo sa white mini-mansion. They stayed in their places like some guards.Naramdaman niya ang pagsunod ng mga bata sa kanyang likuran. Narinig pa niya ang pag-uusap ninaCristinaat mga kaibigan nito na nagtatanong kung saan sila.He ignored their presence. Dumiretso na siya ng gawi sa harapan. Kaagad namang sumulpot sa harapan niya ang limang nakaitim na lalaki at may suot na earpiece sa kanilang mga teng

    Last Updated : 2021-05-10
  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย PROLOGUE

    Sinubukang niyang iwasan ang mga atake ng kaniyang kalaban ngunit lagi pa rin siyang nahuhuli sa timing, kaya ang resulta:"Sa tingin mo ay magiging magaling kang mersenaryo dahil sa lagay na iyan?" malamig na tanong ng kaniyang maestro pagkatapos ay muli siyang sinugod nito.Napapikit siya sa kaniyang mga mata. Muli siyang bumangon sa sahig at hindi ininda ang sakit sa may tagiliran niya buhat sa pagkakatalsik niya kanina."Sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, nagkakamali ka. Hindi ka nababagay sa ganitong klaseng trabaho kung ganiyan ka kasobrang hina," litanya ng kaniyang maestro. "Lakasan mo ang tama!" galit n

    Last Updated : 2021-05-10

Latest chapter

  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย TRES

    Umabot ng trenta minutos ang biyahe. Nang nakarating sila sa isang private property na nasa tabing-dagat, naunang bumaba ang kanyang driver at bodyguard pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto niRoger. Bumukas ang pinto ng mga sasakyan ng mga kasama niya at kanya-kanya silang naglabasan.Nagpatuloy na siya sa paglalakad at naunang nagtungo sa white mini-mansion. They stayed in their places like some guards.Naramdaman niya ang pagsunod ng mga bata sa kanyang likuran. Narinig pa niya ang pag-uusap ninaCristinaat mga kaibigan nito na nagtatanong kung saan sila.He ignored their presence. Dumiretso na siya ng gawi sa harapan. Kaagad namang sumulpot sa harapan niya ang limang nakaitim na lalaki at may suot na earpiece sa kanilang mga teng

  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย DOS

    "Hali kayo! Sumama kayo sa akin! Isasama ako no'ng mama," yaya niCristinanang makalapit siya sa mga kaibigan niya. Gumuhit sa mga labi nito ang isang masayang ngiti na labis ipinagkataka nila."Sama saan?" kunot-noong tanong ng dose anyos na batang lalaking siConnor. Nagkatinginan ang batang lalaki at ang kasama nilang kasing-edad niCristinana batang babaeng siTerrie."Kay lolo." Tinuro niya ang direksyon ng don na nakatayo habang nakasandal sa tabi ng pintuan ng simbahan at nakahawak sa buhok na tila ginugulo iyon ng marahan."Saan ka naman niya dadalhin?" nagtatakang tanong niConnor."Sa lugar kung saan tayo

  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย UNO

    'The gardenerPlanted a seedAnd wateredIt every day,To prepare itselfTo blossomWhen spring time falls.'-The Seed***DON ARTUROManila, PhilippinesNakaharap ang don sa isang malaking salamin ng malaking wardrobe habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang mukha

  • Vigilante Trilogy #1: How to Train an Assassin?ย ย ย PROLOGUE

    Sinubukang niyang iwasan ang mga atake ng kaniyang kalaban ngunit lagi pa rin siyang nahuhuli sa timing, kaya ang resulta:"Sa tingin mo ay magiging magaling kang mersenaryo dahil sa lagay na iyan?" malamig na tanong ng kaniyang maestro pagkatapos ay muli siyang sinugod nito.Napapikit siya sa kaniyang mga mata. Muli siyang bumangon sa sahig at hindi ininda ang sakit sa may tagiliran niya buhat sa pagkakatalsik niya kanina."Sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, nagkakamali ka. Hindi ka nababagay sa ganitong klaseng trabaho kung ganiyan ka kasobrang hina," litanya ng kaniyang maestro. "Lakasan mo ang tama!" galit n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status