"Hali kayo! Sumama kayo sa akin! Isasama ako no'ng mama," yaya ni Cristina nang makalapit siya sa mga kaibigan niya. Gumuhit sa mga labi nito ang isang masayang ngiti na labis ipinagkataka nila.
"Sama saan?" kunot-noong tanong ng dose anyos na batang lalaking si Connor. Nagkatinginan ang batang lalaki at ang kasama nilang kasing-edad ni Cristina na batang babaeng si Terrie.
"Kay lolo." Tinuro niya ang direksyon ng don na nakatayo habang nakasandal sa tabi ng pintuan ng simbahan at nakahawak sa buhok na tila ginugulo iyon ng marahan.
"Saan ka naman niya dadalhin?" nagtatakang tanong ni Connor.
"Sa lugar kung saan tayo ligtas. Sabi ng ale, kung sasama tayo sa kanya ay handa siyang ibigay sa atin lahat ng gusto natin. Tutulungan niya tayo."
"Sinabi niya iyon? Bakit naman?" Nanatili pa rin ang bakas ng pagtataka sa mukha ng kaibigan habang kinukwento ni Cristina sa kanila ang napag-usapan nila ng ale kanina.
"Kilala mo ba kung sino siya?" nagtatakang tanong ni Terrie na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa kwento niya.
Umiling si Cristina sa kanya. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Connor sa kanyang harap.
"Dapat tinanong mo. 'Saka anong malay natin sa taong 'yon, Cristina?" May bahid na galit sa tono ng pananalita ng binata habang kinakausap ang nakakabata sa kanya. Lumingon sila sa gawi ng don at agad ding ibinalik kay Cristina.
"Mukha naman siyang mabait, e," mahinang tugon ng bata. Mariin siyang tinitigan ng kaibigan na halatang hindi kumbinsado sa sinabi niya.
Hinawakan ni Connor ang kanyang kamay at mahina iyong pinisil.
"Kahit na, Cristina. Hindi ka dapat nagtitiwala agad basta sa kung sino na lang na lumalapit sa iyo pagkatapos aalukin ka kagaya ng ganyan. Hindi natin alam na ang taong iyon pala ay may masamang balak kaya nilapitan ka. Pwedeng iyon ang ikapahamak mo. Uso pa naman ang pandurukot ng mga bata sa lansangan ngayon at binebenta nila sa ibang tao."
Nakaramdam ng kilabot si Cristina sa kanyang narinig. Totoo nga naman ang sinasabi ni Connor sa kanya. May mga balitang kumakalat ngayon tungkol sa mga nawawalang bata sa lansangan.
Kaya nga naging abala ang mga pulis ngayon sa pag-re-raid sa mga squatter area at lumang bodega na maaaring pagtaguan ng mga kidnapper.
Kada-buwan ay paangat ng paangat ang bilang ng mag nawawalang bata kaya wala gaano silang kasamang ibang bata na nagbebenta rin ng sampaguita at kandila kagaya nila. Pero dahil kailangan nila ng pera para makabili ng pagkain, naglakas-loob silang lumabas at nagbakasakaling magkapera sa mga tinda nila.
"Cristina, sinasabi ko lang sa iyo ito ngayon dahil bata pa lang tayo. Kailangan nating mag-ingat. Konting lingat lang natin, maaari nang manganib ang mga buhay natin dahil sa mga halang na kaluluwa d'yan sa tabi-tabi."
Hindi umimik si Cristina.
"Sasama kami." Inangat niya ng kanyang titig at bahagyang umawang ang labi sa kaibigan. "Kung totoo man iyan o hindi, hindi ka namin hahayaang mag-isa roon kung saan ka man niya isasama."
"Talaga?"
"Paano nga pala ang papa mo?" paglilihis ni Terrie ang usapan.
Hindi nakasagot ang batang babae. Sa sinabi ng kaibigan, saglit na pumasok sa kanyang isipan ang kalagayan ng ama kapag iniwan niya ito. Nag-iisa na lang ito. Hindi naman siguro siya hahanapin nito kung sakaling mapansin ng ama niya ang kanyang pagkawala. Bakit pa? Matagal nang hiniling ng kaniyang tatay kaya tinutupad niya lang ang pangarap nito. Ang mag-alala ito para sa kaniya ay siyang bagay na imposibleng mangyari.
Wala na itong ginawang matino sa buhay. Umuuwi na lang ito ng bahay na lasing na lasing at binabalibag ang lahat ng gamit sa loob ng bahay. Pagkatapos ay ibubunton ang galit sa kanya kapag natatalo sa sugal sa sabungan at sinasabihan ng masasakit na salita at sinasaktan.
Kung aalis siya ay wala nang magbabantay dito. Pero titiisin pa ba niya ang pagpapahirap sa kanya ng mismong sariling ama niya? Ayaw ng bumalik pa ni Cristina doon. She always has wanted to escape from his father's wrath at such young age. Now, she's got her chance. Hindi na niya papalampasin ang pagkakataong iyon.
"Iiwan mo ba talaga siya?"
Umiwas siya ng tingin dito.
Kaya nga ba ng isang munting batang kagaya niya ang lisanin ang kanyang ama na kahit papaano ay binuhay siya sa mundong ito at hindi ipinagkait sa kanya? Kaya ba ng konsensya niya?
Mahina niyang ipinilig ang kanyang ulo. Hindi dapat siya magpadala sa emosyon niya. Nakapagdesisyon na siya. Sasama siya. Padalos-dalos man, ngunit kung ito man ang nag-iisang paraan para mapadali ang pagtatapos ng paghihirap niya. Kung kinakailangan niyang baliin ang prinsipyo para mapagtagumpayan ang matagal na niyang hinahangad na pamumuhay, gagawin niya.
Bata man siya sa paningin ng iba, pero mataas pa rin ang pangarap niya kagaya ng ibang mga tao. Kadalasan, ang mahihirap humahawak na lang sa patalim na kahit masakit ay titiisin. Kung ito na lang ang magpapanatiling bubuhay sa'yo, gagawin mo ang lahat alang-alang sa buhay mo.
Lahat naman siguro ng tao ay mga bagay na inaasam na makuha. At para sa batang si Cristina, pangarap. Ang mga pangarap niya sa buhay ang nais niyang abutin kaya niya ginagawa ito.
"Kung ano mang desisyon mo, rerespetuhin namin iyon," saad ni Connor na ikinahinga niya nang maluwag. Ngumiti siya rito at lihim na nagpapasalamat siya sa kanyang mga kaibigan sa laging pag-unawa nila sa kanya.
Sa limang taong pagsasama nila sa simbahan, unti-unti niyang nakilala ang mga ito. Naging sandalan niya ang mga ito sa mga panahong kailangan niya ng malapitan. Silang dalawa ni Terrie. Masaya siya't nakilala niya ang kagaya nila at tinuring niya silang kanyang tunay na kapatid.
"Pero saan nga ba tayo pupunta?"
Sa huli, kahit na hindi kumbinsado ang dalawa sa alok ng matandang lalaki, wala na silang nagawa kundi sumama na lang. Alang-alang na rin para sa kaibigan nila. Ayaw nilang mapahamak ito sa bagong gulong pinasok. Hindi man maganda pero kailangan. Kailangan nilang alalayan ang isa't isa. Para saan at naging magkaibigan sila?
Nagsimula na silang papunta sa direksyon ng don na nakahawak na sa batok.
Malapad na ngiti ni Cristina ang sumalubong kay Don Arturo kaya napatikhim siya habang sinusundan ito ng tingin kasama ang dalawang bata papalapit sa kanya.
Tumigil sila sa kanyang tapat. Inayos niya ang kanyang postura sa pagkakatayo.
"Sasama po sila sa akin, lolo. Sila po si Connor at Terrie."
"H-Hi po," nahihiyang bati sa kanya ng batang babae, si Terrie. Kasing-edad lang ito ni Cristina sa palagay niya.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa isa pa nilang kasamang batang lalaki. Aroganteng tingin ang sinukli nito sa kanya kaya hindi maiwasan ng don na mapatawa ng mahina.
"You must be Connor, right?"
"Opo." Bahagyang tumango lang sa kanya ang batang lalaki habang hindi pa rin nito inaalis ang masamang titig sa kanya. Umiling na lang si Don Arturo at naunang maglakad. "Tara na, mga bata?" yaya niya sa kanila.
Masayang tumango si Cristina na sinundan ng mga kaibigan niya. Nagsimula na siyang bumaba sa hagdan at kaagad siyang sinalubong ni Roger pagkatapos pinagbuksan ng pinto.
"Sa akin sila sasama. We have to move fast," malamig na utos sa kanya na ikinatango naman nito at inilipat ang atensyon sa hawak na walkie talkie.
Nanatiling nakabukas ang pinto ng sasakyan. Hindi muna siya pumasok at hinintay na makarating sa kanilang kinaroroonan ang tatlong bata.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Cristina na kasalukuyang pumapasok sa kotse. Inalalayan niya ito at hinawakan siya sa kanyang baywang.
Pinasunod naman niya si Terrie pagkatapos si Connor na hindi tinanggap ang kamay niya nang subukan niya itong alalayan.
"Sa private property." Tinanggal niya ang suot na aviators pagkatapos isinabit sa kanyang polo shirt.
"Praybeyt praperti?" inosenteng tanong ni Cristina sa don habang nakahawak pa sa baba nito na tila nag-iisip. "Saan iyon?"
Marahang napatawa ang don at pumasok na ng panghuli sa sasakyan. Sumilip sa kanya ang driver mula sa rear mirror sa kanilang harapan habang pasakay pa lang sa loob ng sasakyan si Roger at umupo sa front seat. Lumipat ang tingin ng driver nang kinausap siya ng mahina ni Roger tungkol sa inutos niya rito.
Tumingin siya sa mga bata na prenteng nakaupo sa upuan at may suot ng mga seatbelt. Napabuntonghininga na lang siya.
"Pagmamay-ari niyang lote, Ina," sagot ni Connor sa kaibigan. Lumingon ng gawi ang don sa batang lalaki. Hindi niya maiwasang mapangiti.
"Oo, hija. May mangilan-ngilan akong mga lote na pinagmamay-arian dito sa Manila," paliwanag niya rito. Tama. Ang private property na iyon ay isang airport na ngayon. Private airport, aksheli.
Hindi na niya dinugtungan ang sasabihin sa bata sapagkat hindi naman na mahalagang malaman ng mga batang kasama niya ngayon.
De nada.
Umandar na ang sasakyan kaya binalot ng katahimikan ang loob. Walang nagsalita sa dalawang bata habang abala naman si Cristina sa pagtitig sa labas ng bintana at nawiwili sa nakikita.
"Saan na ang mga magulang n'yo?" Pinutol ng don ang katahimikan sa loob. Bahagya pang nagulat si Terrie nang lumingon siya sa don at nahuling sumusulyap sa kanya ang don habang tahimik lang na nagmamasid si Connor sa matandang lalaki.
"W-Wala na po akong mga magulang," kinakabahang sagot ni Terrie.
Tumango si Don Arturo habang nakatuon ang atensyon sa daan.
"Saan ka nakatira?" pagpapatuloy niyang tanong.
"Sa ilalim lang po ng tulay." Palipat-lipat ang tingin ni Terrie sa daan pagkatapos lumipat muli ang gawi sa don.
Tuluyan nang nakuha ng atensyon ng don sa sinabi ni Terrie. He was utterly shocked. This kid lived in bridge? For what? Years?
"Hindi ba nakakatakot ang mga gano'ng lugar? Paano kung may makasalamuha kayong likaw ang bituka d'yan at pag-isipan kayo ng masama? It's dangerous." Hindi nakatakas sa reaksyon ng matanda ang pag-aalala. "Hindi n'yo man lang naisipang pumunta sa orphanage o wala man lang bang nagmagandang-loob para dalhin kayo sa DSWD?"
He just thought it was bit too much for a kid to suffer with this kind of cruelty in this world without someone who can look an eye for her. How did she manage to survive in her youthful years?
"Nanggaling po kami noon ni Connor doon, pero umalis din kami nang kalaunan." Napalingon ang don kay Terrie. "Hindi naging maganda ang pakikitungo sa amin ng ibang bata sa kaniya roon. Masyado ring mahigpit ang mga nagbabantay sa amin. Ang inaakala po naming tutulungan kami ay mas lalo kaming pinapahirapan. Hindi naging maganda ang pakikitungo ng lahat sa amin kaya umalis na lang po kami at naisipang mamuhay sa kalye," paliwanag ni Terrie.
"Bakit ikaw? Hindi ba katulad mo rin ang mga kagaya nila? Kaya nga nabilog mo ang kaibigan namin, 'di ba?" mapanghusgang titig ang ibinigay ni Connor sa kanya.
Napangislit ang matandang lalaki sa sinabi ng binatilyo. Nahuli ng kaniyang paningin ang driver at bodyguard niya na nasa front seat na nakatitig sa kanila sa pamamagitan ng rear view mirror.
Napailing na lamang si Don Arturo.
"Bata ka pa lang, hijo. Wala ka pa gaanong naiintindihan sa buhay. Hindi mo pa nawawari kung sino ang totoong masama at sino ang hindi," seryosong tugon ni Don Arturo sa lalaki.
Hindi na sumagot ang binata at itinuon na rin ang atensyon sa daan.
"Pagkatapos po nating pumunta sa private property, pasaan po tayo, lolo?" Naputol ang tensyon na namamagitan sa loob ng sasakyan nang magsalita si Cristina, hindi alintana ang pagtatalo ng dalawang lalaki na ilang segundo lang ang nakakalipas.
"Sa isla." Umayos sa pagkakasandal ang don sa kanyang kinauupuan at iniwas ang tingin papunta sa labas ng bintana.
Umabot ng trenta minutos ang biyahe. Nang nakarating sila sa isang private property na nasa tabing-dagat, naunang bumaba ang kanyang driver at bodyguard pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto niRoger. Bumukas ang pinto ng mga sasakyan ng mga kasama niya at kanya-kanya silang naglabasan.Nagpatuloy na siya sa paglalakad at naunang nagtungo sa white mini-mansion. They stayed in their places like some guards.Naramdaman niya ang pagsunod ng mga bata sa kanyang likuran. Narinig pa niya ang pag-uusap ninaCristinaat mga kaibigan nito na nagtatanong kung saan sila.He ignored their presence. Dumiretso na siya ng gawi sa harapan. Kaagad namang sumulpot sa harapan niya ang limang nakaitim na lalaki at may suot na earpiece sa kanilang mga teng
Sinubukang niyang iwasan ang mga atake ng kaniyang kalaban ngunit lagi pa rin siyang nahuhuli sa timing, kaya ang resulta:"Sa tingin mo ay magiging magaling kang mersenaryo dahil sa lagay na iyan?" malamig na tanong ng kaniyang maestro pagkatapos ay muli siyang sinugod nito.Napapikit siya sa kaniyang mga mata. Muli siyang bumangon sa sahig at hindi ininda ang sakit sa may tagiliran niya buhat sa pagkakatalsik niya kanina."Sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, nagkakamali ka. Hindi ka nababagay sa ganitong klaseng trabaho kung ganiyan ka kasobrang hina," litanya ng kaniyang maestro. "Lakasan mo ang tama!" galit n
'The gardenerPlanted a seedAnd wateredIt every day,To prepare itselfTo blossomWhen spring time falls.'-The Seed***DON ARTUROManila, PhilippinesNakaharap ang don sa isang malaking salamin ng malaking wardrobe habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang mukha
Umabot ng trenta minutos ang biyahe. Nang nakarating sila sa isang private property na nasa tabing-dagat, naunang bumaba ang kanyang driver at bodyguard pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto niRoger. Bumukas ang pinto ng mga sasakyan ng mga kasama niya at kanya-kanya silang naglabasan.Nagpatuloy na siya sa paglalakad at naunang nagtungo sa white mini-mansion. They stayed in their places like some guards.Naramdaman niya ang pagsunod ng mga bata sa kanyang likuran. Narinig pa niya ang pag-uusap ninaCristinaat mga kaibigan nito na nagtatanong kung saan sila.He ignored their presence. Dumiretso na siya ng gawi sa harapan. Kaagad namang sumulpot sa harapan niya ang limang nakaitim na lalaki at may suot na earpiece sa kanilang mga teng
"Hali kayo! Sumama kayo sa akin! Isasama ako no'ng mama," yaya niCristinanang makalapit siya sa mga kaibigan niya. Gumuhit sa mga labi nito ang isang masayang ngiti na labis ipinagkataka nila."Sama saan?" kunot-noong tanong ng dose anyos na batang lalaking siConnor. Nagkatinginan ang batang lalaki at ang kasama nilang kasing-edad niCristinana batang babaeng siTerrie."Kay lolo." Tinuro niya ang direksyon ng don na nakatayo habang nakasandal sa tabi ng pintuan ng simbahan at nakahawak sa buhok na tila ginugulo iyon ng marahan."Saan ka naman niya dadalhin?" nagtatakang tanong niConnor."Sa lugar kung saan tayo
'The gardenerPlanted a seedAnd wateredIt every day,To prepare itselfTo blossomWhen spring time falls.'-The Seed***DON ARTUROManila, PhilippinesNakaharap ang don sa isang malaking salamin ng malaking wardrobe habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang mukha
Sinubukang niyang iwasan ang mga atake ng kaniyang kalaban ngunit lagi pa rin siyang nahuhuli sa timing, kaya ang resulta:"Sa tingin mo ay magiging magaling kang mersenaryo dahil sa lagay na iyan?" malamig na tanong ng kaniyang maestro pagkatapos ay muli siyang sinugod nito.Napapikit siya sa kaniyang mga mata. Muli siyang bumangon sa sahig at hindi ininda ang sakit sa may tagiliran niya buhat sa pagkakatalsik niya kanina."Sinasabi ko sa 'yo ngayon pa lang, nagkakamali ka. Hindi ka nababagay sa ganitong klaseng trabaho kung ganiyan ka kasobrang hina," litanya ng kaniyang maestro. "Lakasan mo ang tama!" galit n