Mabilis na lumipas ang araw. After Zayn and I had a fight in his office we never met again. Hindi ako sumasabay sa pagkain sa kan'ya. Bumababa ako ng kwarto kapag nakaalis na siya sa bahay. Kapag sa gabi naman ay sobrang late na rin siya umuuwi. Maaga naman ako umaakyat ng kwarto ko para hindi kami magpang-abot. Hindi ko naman siya gustong iwasan, nasaktan lang talaga ako. Nasa balcony ako kasalukuyan nang dumating ang Mommy ni Zayn. "Hija," wika ng mommy ni Zayn, si Mommy Clara. Napalingon ako sa kan'ya at lumapit. Agad akong humalik sa kanyang pisngi. "Mom, hindi po kayo nagpasabi na pupunta kayo. Sana nagpaluto ako ng paborito niyo.” Bahagya niya akong nilayo at tiningnan nang mabuti. "Malapit lang dito sa bahay niyo ang pinuntahan ko kaya naisipan ko kayong dalawin ni Zayn. Where is he?" She asked. Nakakunot din ang kanyang noo. Niyaya ko na siyang umupo na sa mahabang couch. Sumunod naman siya sa akin at umupo na rin. ”Nas
Last Updated : 2021-05-04 Read more