Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 891 - Chapter 900

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 891 - Chapter 900

5615 Chapters

Kabanata 891

Hinding-hindi inaasahan ni Elaine na titiisin niya ang isang pambubugbog at pagbabayaran niya ang mga ginawa niya dahil sa ginawa niya kay Matilda pagkalipas ng mahigit dalawampung taon.Sa una ay iniisip niya na kaya niyang kumbinsihin si Jennifer na kampihan siya. Hindi niya inaasahan na mapapawalang-bisa ni Lady Wilson ang lahat ng ginawa niya dahil lang sinabi niya ang bagay na ito. Sa halip, nahulog siya sa kailaliman sa sandaling ito.Ang ilang babae na bumugbog sa kanya ay may naranasang masakit na kasaysayan dahil may ahas na sumingit sa kanilang kasal at relasyon. Kaya, habang sinusuntok at sinisipa nila si Elaine, nilabas nila ang lahat ng dati nilang galit sa bagay na ito at hindi sila nagpakita ng awa kay Elaine.Sobrang sakit ng nararamdaman ni Elaine at naramdaman niya na tila ba mamamatay na siya pagkatapos niyang mabugbog ulit. Naramdaman ni Elaine na malapit na siyang himatayain nang ilang beses pero nagising siya nang sinipa at sinuntok siya ng ibang preso.Pagkat
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more

Kabanata 892

Tumango nang tulala si Elaine at sinabi, “Sister Jennifer, mangyaring bigyan mo ako ng ilang pagkain. Kung hindi, mamamatay na talaga ako…”Umirap si Jennifer bago niya tinapon ang lahat ng lugaw sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang lugaw sa sahig gamit ang kanyang mga daliri sa paa bago siya umirap at sinabi, “Gusto mo bang kumain? Kung gusto mong kumain, pwede mo itong dilaan sa sahig!”Nang sinabihan ni Jennifer si Elaine na dilaan ang lugaw sa sahig kahapon, ayaw niya itong gawin.Dahil naramdaman ni Elaine na hindi siya pwedeng lumuhod at gawin ang isang nakakahiyang bagay para lang makakuha ng pagkain.Pero, hindi na siya nag-abala sa kanyang reputasyon at hitsura. Sinong may pakialam sa lahat ng ito basta’t mapupuno niya ang kanyang tiyan? Ano naman kung kailangan niyang lumuhod at dilaan ang lugaw sa sahig?Kaya, lumuhod si Elaine at ginamit niya ang kanyang dila para dilaan ang malamig na lugaw sa konkretong sahig nang hindi nag-aatubili.Nagulantang si Lady Wilson nan
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more

Kabanata 893

Pagkatapos dalhin sa police station, dinala agad si Elaine sa interrogation room.Pumasok ang ilang pulis bago sila umupo sa harap niya at sinabi, “Elaine, napag-isipan mo na ba ito nang mabuti sa nakaraang dalawang araw? Handa ka na bang umamin sa lahat ng krimen mo?”Umiyak si Elaine at sinabi, “Officer, sinabi ko na sa’yo na wala akong sala…”Suminghal nang malamig ang officer at sinabi, “Ano? Sa tingin mo ba talaga ay ito ang unang araw na nagkukwestiyon kami ng mga suspect? Kung hindi namin mahuhuli ang mga kasabwat mo, isisisi na lang namin sa iyo ang buong krimen na ito! Kung gano’n, marahil ay babarilin ka nila sa krimen mo!”Sa sandaling narinig ni Elaine na marahil ay mababaril siya, nagpanic siya at nagmakaawa agad siya, “Officer! Maraming beses ko nang sinabi sa iyo na hindi sa akin ang card na iyon!”“Kinuha ko lang ang bank card na iyon sa bulsa ng manugang na lalaki ko. Ang password ng bank card ng manugang ko ay ang kanyang kaarawan. Sapat na ito para patunayan na
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more

Kabanata 894

Pagkatapos, nagpatuloy ang pulis, “Sobrang tapat at dakila ng manugang mo. Wala siyang sakim sa loob niya. Sa sandaling natanggap niya ang bank card at nalaman ang laman ng bank card na ito, gumawa siya ng police report tungkol ito. Sinabihan namin siya na huwag magpadalus-dalos o kumilos nang nagmamadali. Pero, ninakaw mo ang bank card niya at pumunta ka pa talaga sa Citibank para i-withdraw ang pera!”Sinabi ni Elaine nang nagsisisi, “Ah! Kung alam ko lang ang sitwasyon, hinding-hindi ko nanakawin ang bank card na ito kahit na patayin mo ako!”Habang nagsasalita si Elaine, hindi niya mapigilang umiyak nang mapait. Hindi niya talaga inaasahan na mahuhulog siya sa ganitong klaseng patibong!Ang criminal organization pala ang nagnakaw sa impormasyon ni Charlie, gumawa ng pekeng bank card, bago ito ipinadala kay Charlie!Ginawa lang nila ito para tuksuhin si Charlie at lokohin siya at pukawin ang kasakiman niya para sa $21.9 bilyon na laman ng bank card!Pagkatapos, pupunta si Charl
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Kabanata 895

Talagang naniwala si Elaine sa kwento na sinabi sa kanya ng pulis.Ang bagay na pinaka nag-aalala siya sa ngayon ay kung patuloy siyang ikukulong ng pulis sa detention center para pigilan siyang magkalat ng kahit anong tsismis o gumawa ng gulo. Kung mangyayari iyon, hindi niya alam kung kailan niya maibabalik ang kalayaan niya.Tumingin si Elaine sa pulis gamit ang mga nagmamakaawang mga mata niya habang umiyak siya at sinabi, “Officer, hinding-hindi ko talaga ito sasabihin sa iba. Pakiusap at pakawalan mo na ako. Kung patuloy mo akong ikukulong sa detention center, siguradong mamamatay ako sa loob ng selda…”Umiling nang maingat ang puis bago sinabi, “Elaine, hindi ako pwedeng maniwala sa’yo. Dahil, marami na akong nakitang tao na kagaya mo. Sa labas, sasabihin mo sa amin na hinding-hindi mo ito sasabihin sa kahit sino pero sa sandaling pinakawalan ka namin, siguradong sasabihin mo ito sa ibang tao dahil sa malaking bibig mo.”Pagkatapos, nagpatuloy ang pulis, “Bukod dito, hindi m
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Kabanata 896

Sa sandaling ito, nagtanong si Elaine sa pulis ng isang alanganin na tanong sa mahinang boses, “Ah… officer… hindi ko man lang ba pwedeng kausapin nang pribado ang manugang na lalaki ko tungkol dito sa bahay?”Galit na hinampas ng pulis na gumaganap bilang kontrabida ang lamesa bago siya tumingin sa pulis na gumaganap bilang bayani at sinabi, “Sinabi ko na sa’yo na imposibleng pagkatiwalaan ang tanga at bobong babae na ito! Gusto mo pa siyang pakawalan sa detention center? Narinig mo ba ang sinabi niya? Gusto niyang harapin si Charlie tungkol dito! Hindi ba’t sinisira niya lang ang kaso natin at nilalagay sa panganib ang buhay niya?”Dumilim agad ang ekspresyon sa mukha ng pulis na gumaganap bilang bayani. Tinitigan niya si Elaine bago siya sumagot nang malamig, “Elaine, nadismaya talaga ako sa’yo. Akala ko talaga na malilihim mo ang tungkol dito at wala kang sasabihin s iba. Hindi ko talaga inaasahan na balak mong harapin ang sarili mong manugang para maghiganti sa kanya! Balewala l
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Kabanata 897

Nang makita nila ang desperadong hitsura ni Elaine, mabilis na tumingin sa isa’t isa ang mga pulis. Pagkatapos, tinanong ng pulis na gumaganap bilang bayani, “Elaine, pwede naming pag-isipan na pakawalan ka pero may ilang bagay na kailangan muna naming pag-usapan kasama ka. Una, kahit na hahayaan ka naming umuwi ngayong araw, anong sasabihin mo sa pamilya mo kapag tinanong nila kung saan ka galing sa nakaraang dalawang araw?”Sumagot nang nagmamadali si Elaine, “Sa… sasabihin ko sa kanila… sa nakaraang dalawang araw… sa dalawang araw…”Nag-alangan nang matagal sii Elaine nang walang sinasabi. Ito ay dahil hindi niya alam ang sasabihin niya o kung paano niya ito ipapaliwanag sa kanyang asawa at anak kapag nakauwi siya.Dahil, dalawang araw at gabi na siyang nawala nang walang dahilan. Ang mas importante pa ay walang parte ng katawan niya ang hindi nabugbog.Bukod dito, nawalan din ng dalawang ngipin si Elaine at mukhang sobrang miserable niya sa sandaling ito.Tumingin ang pulis na
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Kabanata 898

Nilinis ni Jacob ang kanyang sarili at nagbihis agad. Pagkatapos, ayaw man lang niya mag-almusal sa bahay dahil sobrang sabik siyang lumabas.Nang makita ni Claire na nakabihis ulit siya, tinanong niya agad, “Pa, saan ka pupunta ng kay aga-aga?”Sumagot nang masaya si Jacob, “Gumawa na ako ng appointment na makipagkita sa Tita Hall mo. Bibisitahin namin ngayon ang alma mater na min dahil mahigit dalawampung taon na siyang hindi nakakabalik sa Aurous Hill!”Nang marinig ito ni Claire, bigla siyang nagalit at sinabi, “Mahigit dalawang araw at gabi nang nawawala si mama at walang balita tungkol sa aknya. Paano mo pa rin nagawang makipagkita kay Tita Hall sa oras na ito? Hindi ka ba lalabas para tulungan kaming hanapin si Mama?”“Ah…” bahagyang humagikgik si Jacob bago siya sumagot sa palihim na tono, “Hindi ba’t hinahanap niyo na ni Charlie si Mama? Mga bata pa kayo at mas mabuti na kayo ang maghanap sa kanya kaysa umasa sa isang matandang lalaki na tulad ko! Hihintayin ko na lang nan
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more

Kabanata 899

Nakabihis si Jacob na para bang isa siyang tao na kababalik lang galing sa ibang bansa, sobrang gwapo at sunod sa moda ngayong araw.Sa oras na ito, mayroon nang hindi maipahayag na pagkakaintindihan sa pagitan nina Jacob at Matilda. Hindi dinala ni Jacob si Charlie at hindi dinala ni Matilda ang kanyang anak, si Paul.Si Jacob mismo ang nagmaneho ng kanyang BMW 5 Series papuntang Shangri-La para sunduin si Matilda upang bisitahin nila ang kanilang alma mater nang magkasama.Si Matilda ay may suot na mahabang kulay-abo na woolen coat at mukha siyang marangya at elegante ngayong araw. Nagulat at talagang nabighani si Jacob nang makita niya si Matilda sa entrance ng Shangri-La.Nagmamadali siyang lumabas sa kanyang kotse upang buksan ang pinto para kay Matilda. Sa sandaling ito, hindi niya mapigilang sabihin, “Matilda, ang ganda ng pagdadamit mo ngayong araw!”Ngumiti nang bahagya si Matilda at sinabi, “Matandang tao na ako ngayon kaya paano ako magiging gano’n kaganda? Nagpasya ako
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more

Kabanata 900

Bahagyang tumango si Jacob habang iniisip niya ang dati nilang class reunion. Sa pagtitipon nila, maraming kaklase ang nang-asar kay Jacob tungkol sa love triangle nila ni Matilda at Elaine.Sa sandaling ito, sinabi ni Jacob nang seryoso kay Matilda, “Matilda, siguradong aasarin tayo ng mga dati nating kaklase tungkol sa nangyari dati mamayang class reunion. Sana ay huwag mo itong seryosohin at huwag mo sanang isapuso ang mga sasabihin nila. Mga bastos at matandang tao lang sila!”Ngumiti nang kaunti si Matilda at sinabi, “Ayos lang sa akin kung magbibiro sila, basta’t hindi nila binabaluktot ang katotohanan. Kung natatakot talaga ako na aasarin nila ako, hindi ko na sana inayos ang class reunion ngayong araw! Mahigit dalawampung taon na nila akong hindi nakikita ngayon! Ano pang punto na asarin ako?”***Nang dumating sila sa National Bell Height University, ipinarada ni Jacob ang kanyang kotse sa parking lot malapit sa pasukan ng school. Pagkatapos, naglakad nang magkatabi sina J
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more
PREV
1
...
8889909192
...
562
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status