Sa sandaling ito, nagtanong si Elaine sa pulis ng isang alanganin na tanong sa mahinang boses, “Ah… officer… hindi ko man lang ba pwedeng kausapin nang pribado ang manugang na lalaki ko tungkol dito sa bahay?”Galit na hinampas ng pulis na gumaganap bilang kontrabida ang lamesa bago siya tumingin sa pulis na gumaganap bilang bayani at sinabi, “Sinabi ko na sa’yo na imposibleng pagkatiwalaan ang tanga at bobong babae na ito! Gusto mo pa siyang pakawalan sa detention center? Narinig mo ba ang sinabi niya? Gusto niyang harapin si Charlie tungkol dito! Hindi ba’t sinisira niya lang ang kaso natin at nilalagay sa panganib ang buhay niya?”Dumilim agad ang ekspresyon sa mukha ng pulis na gumaganap bilang bayani. Tinitigan niya si Elaine bago siya sumagot nang malamig, “Elaine, nadismaya talaga ako sa’yo. Akala ko talaga na malilihim mo ang tungkol dito at wala kang sasabihin s iba. Hindi ko talaga inaasahan na balak mong harapin ang sarili mong manugang para maghiganti sa kanya! Balewala l
Nang makita nila ang desperadong hitsura ni Elaine, mabilis na tumingin sa isa’t isa ang mga pulis. Pagkatapos, tinanong ng pulis na gumaganap bilang bayani, “Elaine, pwede naming pag-isipan na pakawalan ka pero may ilang bagay na kailangan muna naming pag-usapan kasama ka. Una, kahit na hahayaan ka naming umuwi ngayong araw, anong sasabihin mo sa pamilya mo kapag tinanong nila kung saan ka galing sa nakaraang dalawang araw?”Sumagot nang nagmamadali si Elaine, “Sa… sasabihin ko sa kanila… sa nakaraang dalawang araw… sa dalawang araw…”Nag-alangan nang matagal sii Elaine nang walang sinasabi. Ito ay dahil hindi niya alam ang sasabihin niya o kung paano niya ito ipapaliwanag sa kanyang asawa at anak kapag nakauwi siya.Dahil, dalawang araw at gabi na siyang nawala nang walang dahilan. Ang mas importante pa ay walang parte ng katawan niya ang hindi nabugbog.Bukod dito, nawalan din ng dalawang ngipin si Elaine at mukhang sobrang miserable niya sa sandaling ito.Tumingin ang pulis na
Nilinis ni Jacob ang kanyang sarili at nagbihis agad. Pagkatapos, ayaw man lang niya mag-almusal sa bahay dahil sobrang sabik siyang lumabas.Nang makita ni Claire na nakabihis ulit siya, tinanong niya agad, “Pa, saan ka pupunta ng kay aga-aga?”Sumagot nang masaya si Jacob, “Gumawa na ako ng appointment na makipagkita sa Tita Hall mo. Bibisitahin namin ngayon ang alma mater na min dahil mahigit dalawampung taon na siyang hindi nakakabalik sa Aurous Hill!”Nang marinig ito ni Claire, bigla siyang nagalit at sinabi, “Mahigit dalawang araw at gabi nang nawawala si mama at walang balita tungkol sa aknya. Paano mo pa rin nagawang makipagkita kay Tita Hall sa oras na ito? Hindi ka ba lalabas para tulungan kaming hanapin si Mama?”“Ah…” bahagyang humagikgik si Jacob bago siya sumagot sa palihim na tono, “Hindi ba’t hinahanap niyo na ni Charlie si Mama? Mga bata pa kayo at mas mabuti na kayo ang maghanap sa kanya kaysa umasa sa isang matandang lalaki na tulad ko! Hihintayin ko na lang nan
Nakabihis si Jacob na para bang isa siyang tao na kababalik lang galing sa ibang bansa, sobrang gwapo at sunod sa moda ngayong araw.Sa oras na ito, mayroon nang hindi maipahayag na pagkakaintindihan sa pagitan nina Jacob at Matilda. Hindi dinala ni Jacob si Charlie at hindi dinala ni Matilda ang kanyang anak, si Paul.Si Jacob mismo ang nagmaneho ng kanyang BMW 5 Series papuntang Shangri-La para sunduin si Matilda upang bisitahin nila ang kanilang alma mater nang magkasama.Si Matilda ay may suot na mahabang kulay-abo na woolen coat at mukha siyang marangya at elegante ngayong araw. Nagulat at talagang nabighani si Jacob nang makita niya si Matilda sa entrance ng Shangri-La.Nagmamadali siyang lumabas sa kanyang kotse upang buksan ang pinto para kay Matilda. Sa sandaling ito, hindi niya mapigilang sabihin, “Matilda, ang ganda ng pagdadamit mo ngayong araw!”Ngumiti nang bahagya si Matilda at sinabi, “Matandang tao na ako ngayon kaya paano ako magiging gano’n kaganda? Nagpasya ako
Bahagyang tumango si Jacob habang iniisip niya ang dati nilang class reunion. Sa pagtitipon nila, maraming kaklase ang nang-asar kay Jacob tungkol sa love triangle nila ni Matilda at Elaine.Sa sandaling ito, sinabi ni Jacob nang seryoso kay Matilda, “Matilda, siguradong aasarin tayo ng mga dati nating kaklase tungkol sa nangyari dati mamayang class reunion. Sana ay huwag mo itong seryosohin at huwag mo sanang isapuso ang mga sasabihin nila. Mga bastos at matandang tao lang sila!”Ngumiti nang kaunti si Matilda at sinabi, “Ayos lang sa akin kung magbibiro sila, basta’t hindi nila binabaluktot ang katotohanan. Kung natatakot talaga ako na aasarin nila ako, hindi ko na sana inayos ang class reunion ngayong araw! Mahigit dalawampung taon na nila akong hindi nakikita ngayon! Ano pang punto na asarin ako?”***Nang dumating sila sa National Bell Height University, ipinarada ni Jacob ang kanyang kotse sa parking lot malapit sa pasukan ng school. Pagkatapos, naglakad nang magkatabi sina J
Sinadya ni Jacob na bangggitin ang gubat dahil gusto niyang makita ang namumulang mukha ni Matilda.Kahit na sobrang kalmado at mahinahong tao siya, mahihiya pa rin siya kapag naalala niya ang lakas ng loob niya at ang matamis at masayang nakaaran nilang dalawa.Naramdaman ni Jacob na kailangan niyang ipaalala kay Matilda ang nakaraan. Kung patuloy niyang ipapaalala ang nakaraan na nagpaligalig sa puso niya, siguradong mapupukaw niya ang apoy sa puso ni Matilda na mahigit dalawampung taon nang naghihintay para sa kanya.Syempre ay naintindihan ni Matilda ang balak ni Jacob. Kaya, mabilis niyang iniba ang paksa sa hiya. Sa sandaling ito, sinabi niya, “Siya nga pala, kamusta na ang dati nating guro?”Sumagot si Jacob, “Maayos siya pero hindi na madali para sa kanya na igalaw ang mga binti niya ngayon. Sa huli naming class reunion, inimbitahan namin siya sa alma mater natin para lang mabigyan niya kami ng aral sa classroom!”“Talaga?” Nagbuntong hininga si Matilda at sinabi, “Sayang
Mayroon nang kondisyon na gawi si Jacob na kunin ang mga pulang sobre. Kaya, pinindot niya ang pulang sobre nang hindi nag-iisip at nasorpresa siya na may lamang dalawang daang dolyar ang pulang envelope!Sa sandaling ito, nalaman din ni Jacob na nakatanggap din ang mga kaklase niya ng dalawang daang dolyar.Mukhang binibigyan ng taong ito ang lahat ng dalawang daang dolyar!Sa una ay sabik si Jacob nang napagtanto niya na nagkaroon siya ng sobrang dalawang daang dolyar! Pero nang makita niya ang palayaw ng taong iyon ay ‘Miss ko na ang magandang Matilda’, dumilim agad ang mukha ni Jacob!Sa sandaling ito, sumasabog na sa sabik ang lahat ng kaklase niya sa grupo.“Nako. Salamat, boss!”“Oo! Maraming salamat, Mr. Pearson! Sobrang mapagbigay ka talaga at binigyan mo ang lahat ng dalawang daang dolyar na pulang sobre nang gano’n lang! Katangi-tangi ka talaga.”“Narinig ko na maraming kinikitang pera si Mr. Pearson sa mga nakaraang taon! Talagang karapat-dapat sa kanya ang kanyang r
“William Pearson?!”Naging isang halimaw na may berdeng mata si Jacob nang binanggit ang pangalan na iyon.Si William Pearson ay mula sa isang mayamang pamilya at siya ang pinuno ng public relations ng student council sa kolehiyo.Dati, siya at si Aaron Philips ay manliligaw ni Matilda. Pero, walang pakialam si Matilda sa kanya o kay Aaron, kaya walang kinahinatnan ang pagsisikap niya sa pagkuha sa puso ni Matilda.Noong nagda-date sina Jacoob at Matilda, palaging ginagalit ni William si Jacob para mapahanga si Matilda.Pagkatapos, nang makita ni William na nakipaghiwalay si Matilda kay Jacob. Nagmadali siya at nanligaw nang sobra sa kanya dati, pero hindi siya tinanggap ni Matilda at pumunta siya sa United States.Sobrang yaman at makapangyarihan ang pamilya ni William sa mga panahong iyon. Bago siya pumunta sa kolehiyo, pinalawak na ng kanyang ama ang kanyang negosyo sa Hong Kong. Maituturing na isang maimpluwensyang negosyante ang pamilya nila sa economic reform ng Oskia.Dah
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi