Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 881 - Kabanata 890

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 881 - Kabanata 890

5615 Kabanata

Kabanata 881

Patuloy na nagtrabaho ang dalawang dating magkasintahan sa kusina at sa wakas ay lumabas na sila dala-dala ang isang lamesa ng mga pagkain pagkatapos ng mahigit isang oras.Lumabas si Jacob at sinabi kina Charlie at Paul, “Maghanda na! Kakain na tayo.”Pagkatapos, tinanong ni Jacob si Paul, “Siya nga pala, Paul, gusto mo bang uminom kasama ako ngayong gabi?”Bahagyang ngumiti si Paul bago niya nilabas ang isang regalo at sinabi, “tito Wilson, nagkataon lang na nagdala rin ako ng dalawang bote ng 30-year old Kweichow Moutai na alak. Ang Kweichow Moutai na ito ay hindi lamang isang ordinaryong Moutai. Isa itong exported version ng alak na mahigit dalawampung taon na. Ang alak na ito ay na-export sa United States at tinago at prineserba ng mga kolektor sa United States hanggang ngayon. Ang bawat bote ay may bigat na dalawang kilo.”Nasorpresa nang sobra si Jacob at sinabi, “Tatlumpung taon pagkatapos ay na-export ng mahigit dalawampung taon na? Hindi ba’t limampung taon na ito ngayon?
last updateHuling Na-update : 2021-10-20
Magbasa pa

Kabanata 882

Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at hihingi ako ng tulong sa kanya. Sinong makakaalam kung may papayag na tulungan ako? Mas makapangyarihan at mas magaling sila sa atin, kaya siguradong may mas malakas na koneksyon at ugnayan sila kaysa sa atin. Marahil ay malalaman nila kung ano ang nangyari kay Mama.”Huminga nang maluwag si Claire at nagpasalamat siya, “Charlie, maraming salamat para sa lahat!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Makulit kang babae. Ako ang asawa mo, bakit sobrang galang mo sa akin?”Habang nagsasalita siya, tinapik nang marahan ni Charlie ang balikat ni Claire at sinabi, “Bumaba tayo at maghapunan muna, okay? Pagkatapos maghapunan, lalabas ako at hahanapin ko ang ilang mga kaibigan ko para tulungan ako. Kung hindi sila papayag, magmamakaawa ako. Kahit ano pa ito, pinapangako ko na ibabalik ko nang ligtas si Mama!”Tumango ang paulit-ulit si Claire at mas lalong gumaan ang pakiramdam niya sa sandaling ito.Bago
last updateHuling Na-update : 2021-10-21
Magbasa pa

Kabanata 883

Lumakas ang ganang kumain ni Charlie sa sandaling nakita niya ang lahat ng pagkain na inihanda ni Matilda. Pero, bilang paggalang, hindi niya agad kinuha ang mga chopstick niya para subukan ang mga pagkain. Sa halip, kinuha niya ang bote ng alak bago siya naglagay ng alak sa ilang baso.Pagkatapos, kinuha niya ang baso ng alak bago siya ngumiti at sinabi, “Tita Hall, Paul, gusto kong tanggapin kayo pabalik sa Oskia at sa Aurous Hill. Gusto ko rin na bigyan kayo ng isang maligayang pagdating sa aming bahay bilang aming bisita. Magsaya tayo sa inumin ngayong araw.”Sinabi rin nang nagmamadali ni Jacob, “Tama! Magsaya tayo sa inumin ngayong araw!”Kinuha ni Matilda ang kanyang baso bago niya sinabi nang tapat, “Talagang nalulugod ako sa kabaitan mo at sa mabuting pagtanggap mo sa anak ko at sa akin. Hindi ko talaga inaasahan na makakapagluto ako sa bahay ng dating kaklase ko sa unang araw ng balik ko sa Aurous Hill. Gusto talaga kitang pasalamatan para sa pagkakataon an ito.”Ngumiti
last updateHuling Na-update : 2021-10-21
Magbasa pa

Kabanata 884

Sa sandaling ito, binigyan ni Matilda si Claire ng ilang pinausukang isda na may sarsa ng suka bago siya ngumiti at sinabi, “Claire, bakit hindi mo subukan ang isda? Isa rin ito sa mga specialty na luto ko. Pero, matagal ko na itong hindi niluluto kaya hindi ako sigurado kung ayos lang ito sa panlasa mo.”Nang makita ni Claire na masiglang nilagay ni Matilda ang isda sa kanyang mangkok, bahagyang tumango si Claire para hindi masaktan ang damdamin niya. Pagkatapos, sinabi niya, “Salamat, Tita Hall. Hindi mo na kailangang bigyan ako ng pagkain. Dapat ay kumain ka muna.”Tumango si Matilda bago siya ngumiti at sinabi, “Sige. Siguraduhin mo na kumain ka nang marami ngayon. Kung hindi mo maabot ang mga pagkain, sabihan mo si Charlie na kumuha ng pagkain para sa’yo.”Tumango agad si Claire. Pagkatapos, tinikman niya ang isda na nilagay ni Matilda sa kanyang mangkok. Hindi mapigilan ni Claire na mamangha sa gulat sa sandaling nalasahan niya ang isda.Sobrang sarap talaga at pambihira ang
last updateHuling Na-update : 2021-10-21
Magbasa pa

Kabanata 885

Dahil sobrang pambihira ng luto ni Matilda, masaya ang lahat sa hapunan nila ngayong gabi.Kahit na medyo hindi masaya si Claire kay Matilda at medyo tinataboy siya, wala siyang abilidad na labanan ang masarap na luto niya.Karaniwan ay binibigyang pansin niya ang kanyang diet pero kumain talaga siya ng tatlong beses na mas marami sa karaniwang pagkain niya ngayong gabi.Ganito rin ang nangyari kay Charlie at sa biyenan na lalaki niya, kay Jacob. Kumain silang dalawa nang marami at inubos nila ang halos lahat ng pagkain sa lamesa.Pagkatapos niyang kumain, palihim na nilagay ni Jacob ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa para paluwagin ang kanyang sinturon upang pansamantal niyang paginhawain ang kanyang nakaumbok na tiyan.Sa parehong oras, hindi mapigilang isipin nang palihim ni Jacob: “Si Matilda talaga ang pinaka perpektong babae sa kahit anong aspeto. Magiging maganda kung mahihiwalayan niya talaga si Elaine at maging sila na lang ni Matilda. Siguradong aangat ako mula sa ika
last updateHuling Na-update : 2021-10-21
Magbasa pa

Kabanata 886

Pagkatapos nilang umalis, sinara ni Claire ang pinto bago niya tinanong si Charlie, “Masyadong halata ang pakiramdam sa pagitan ni Tita Hall at ng papa ko. Sa tingin mo ba ay magloloko ang papa ko…”Sumagot nang seryoso si Charlie, “Sigurado ako na hindi gano’ng tao si Tita Hall. Siya ay isang uri ng tao na sumusunod sa kanyang prinsipyo. Kahit na mahal niya talaga si Papa, siguradong maghihintay muna siya na maghiwalay sina Papa at Mama bago siya magsimula ng relasyon sa kanya.”Sinagot siya nang galit ni Claire, “Anong kalokohan ang sinasabi mo? Bakit hihiwalayan ni Papa si Mama?”Alam ni Charlie na siguradong hindi ito matatanggap ni Claire. Kaya, hindi niya na patuloy na tinalakay ang tungkol sa bagay na ito. Pagkatapos tumingin sa kanyang relo, sinabi ni Charlie, “Mahal kong asawa, dapat manatili ka lang sa bahay at magpahinga nang mabuti ngayong gabi. Huwag ka nang lumabas para hanapin ang mama mo. Susubukan kong pumunta sa mga kaibigan ko at tingnan kung matutulungan nila ako
last updateHuling Na-update : 2021-10-22
Magbasa pa

Kabanata 887

Nagising agad ang matandang lalaki sa mga sinabi ni Charlie.Sa oras na ito, sa wakas ay napagtanto na niya na hindi solusyon ang pag-iwas sa problema. Sa halip, ang pinakamagandang solusyon para sa kanya ay harapin ang problema at hanapin ang pinakamagandang paraan para ayusin ito.Kung gusto niya talagang magsimula ng maayos na relasyon kay Matilda, ang tanging paraan lang ay hiwalayan si Elaine.Mapapaksalan niya lang si Matilda at magiging asawa siya pagkatapos niyang hiwalayan si Elaine.Nang maisip niya ito, mas gumaan ang pakiramdam ni Jacob at sinabi niya nang mabilis kay Charlie, “Okay, naiintindihan ko na ngayon. Dapat ay pumunta ka na at hanapin mo na ang mga kaibigan mo. Magtatanong-tanong ako tungkol sa divorce procedure. Hihilingin ko agad sa mama mo na maghiwalay kami sa sandaling umuwi siya.”Pagkatapos magpaalam sa kanyang biyenan na lalaki, sumakay sa taxi si Charlie papunta sa Shangri-La.Matiyaga na siyang hinihintay ni Isaac.Inimbitahan si Charlie ng lobby
last updateHuling Na-update : 2021-10-22
Magbasa pa

Kabanata 888

Pagkatapos ayusin ni Charlie ang lahat ng hakbang para bukas kasama si Isaac, nag-taxi si Charlie pauwi nang hindi nagmamadali.Sa sandaling ito sa Aurous Hill Detention Center, bangungot pa rin ang buhay ni Elaine.Binugbog siya at pinahirapan sa lahat ng klaseng paraan simula pa noong nakulong siya sa detention center. Hindi lamang siya binuhusan ng malamig na tubig ni Lady Wilson, ngunit hindi pa nakakakain si Elaine ng kahit ano sa dalawang araw at gabi. Sa sandaling ito, naramdaman talaga ni Elaine na malapit na siyang matumba. Mayroon siyang malubhang lagnat.Tila ba nasusunog ang buong katawan ni Elaine at parang hihimatayin na siya sa lagnat. Pero, bawal pa rin siyang humiga sa kanyang kama. Sa halip, nakabaluktot lang siya at nanginginig sa sulok ng selda sa detention center.Hindi mapigilang lamigin nang sobra ni Elaine dahil sa mataas na lagnat niya. Hindi na niya mapigilan ang kanyang panginginig sa sandaling ito.Naramdaman ni Elaine na hindi na niya ito matitiis. Kay
last updateHuling Na-update : 2021-10-22
Magbasa pa

Kabanata 889

Nang marinig ni Jennifer ang nakakaiyak na akusasyon ni Elaine, bigla niyang napagtanto na talagang makatwiran ang sinabi ni Elaine.Palaging inaakusahan ng matandang babae na si Elaine ay isang masamang manugang at sinabi niya rin na pinapagalitan siya ni Elaine, binubugbog, at pinipigilan siyang tumira sa villa sa Thompson First kasama siya.Pero, mukhang hindi pinahirapan o inapi ang matandang babae sa matagal na panahon. Sobrang sigla ng katawan at isipan niya at mayroon din siyang napakalakas na kalooban. Bukod dito, hindi siya mahina kapag sinasaktan niya si Elaine.Kaya, kahit na may bawas na sampung puntos si Elaine dahil hindi siya mabuting manugang, ang galit at paghihiganti ng matandang babae para kay Elaine ay nasa isang daan!”Nang makita ni Jennifer na sinasaktan pa rin ng matandang babae si Elaine sa sandaling ito, bigla niyang naramdaman na may mali.Sinabi niya nang nagmamadali, “Tigilan mo na ang pananakit sa kanya, lola. Sa tingin ko ay medyo walang awa ka na. K
last updateHuling Na-update : 2021-10-22
Magbasa pa

Kabanata 890

“Siya ang sumira sa buhay ng anak ko! Sa tingin mo ba ay kaya kong ipaghiganti ang habambuhay na kaligayahan ng anak ko sa pamamagitan lang ng pambubugbog sa kanya nang ilang beses?”Nagulantang ang lahat ng preso sa selda sa sandaling ito. Walang nag-aakala na may ganitong ginawa si Elaine dati!Ano ang pinaka kinamumuhian ng mga babae? Ang isang manlolokong asawa at ang kanyang kabit!Tagumpay na napukaw ng mga salita ni Lady Wilson ang pagkamuhi at pandidiri ng lahat para kay Elaine!Pinagalitan siya ng lahat:“Ang mabaho at walang hiyang babae na ito ay nangahas na gawin ang walang hiyang bagay sa murang edad? Letse!”“Totoo. Bakit makikipagtalik ang kahit sinong disenteng babae sa isang lalaki na lasing na? Hindi ba’t gawain ito ng walang hiyang p*ta?”“Nakakadiri talaga siya! Ang tanging paraan lang para turuan ng leksyon ang isang walang hiyang p*ta na tulad niya ay saktan siya para matutunan niya ang leksyon sa mahirap na paraan!”Nang makita niya na tagumpay niyang nap
last updateHuling Na-update : 2021-10-23
Magbasa pa
PREV
1
...
8788899091
...
562
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status