Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 841 - Chapter 850

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 841 - Chapter 850

5612 Chapters

Kabanata 841

Nararamdaman ni Loreen ang kahinahunan ni Charlie nang pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha. Sa parehong oras, hindi niya maiwasang maramdaman na nasasaktan nang sobra ang puso niya habang nakikinig siya sa matatag at emosyonal na pag-amin ni Charlie kay Claire.Sa sandaling ito, sinabi ni Loreen sa paos na boses, “Charlie, kung mahal ka talaga ni Claire, wala akong gagawin para guluhin o sirain ang relasyon niyo. Pero, alam mo na pinakasalan ka lang ni Claire dahil sa pangako niya sa kanyang lolo. Sa tingin mo ba talaga ay magiging maayos ang lahat para sa’yo kahit na ikaw lang ang nagsisikap sa relasyon na ito? Bakit hindi mo na lang siya pakawalan at unahin mo ang sarili mo kahit ngayon lang?”Pagkatapos niyang magsalita, umiyak si Loreen at tinanong, “Saang lugar ba ako mas mababa kay Claire? Sabihin mo sa’kin para mapabuti ko ang sarili ko at susubukan kong habulin siya. Huwag mo sana akong tanggihan nang gano’n lang. Bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataon?”Bahagyang
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Kabanata 842

Kung hindi umasa si Claire sa makulit na ‘katangahan’ na ito, matagal na siyang nakinig sa lahat at hiniwalayan na siya.Kung nangyari iyon, anong klaseng kapalaran at tadhana na ang pinaghihirapan niya ngayon?Hindi man lang nangahas si Charlie na isipin ang tungkol dito.Sobrang hirap ng buhay niya bago siya ikasal kay Claire.Ito ay dahil hindi tumatanggap ng mga taong nasa sapat na gulang ang bahay ampunan. Kaya, sa ikalabing-walong kaarawan niya, binilhan siya ni Mrs. Lewis ng birthday cake gamit ang maliit na ipon na mayroon siya. Pagkatapos, ipinagdiwang nila ang kaarawan niya para sa kanya bago niya siya pinalabas ng bahay ampunan habang may luha sa kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, naging malungkot at walang magawang tao nanaman si Charlie sa mundong ito.Gusto siyang tulungan ni Mrs. Lewis at gusto niyang magpakilala ng ilang trabaho sa kanya para kumita siya ng pera para sa sarili niya pero nahihiya si Charlie na tanggapin ang tulong ni Mrs. Lewis.Nakahanap siya n
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Kabanata 843

Habang iniisip niya ang kanyang nakaraan, hindi maiwasan ni Charlie na mapuno ng emosyon.May dalawang tao lang sa pamilya Wilson na tinrato siya nang mabuti.Isa sa kanila ay si Lord Wilson, na namatay na at ang isa ay ang asawa niya, si Claire.Dahil pumanaw na si Lord Wilson, ang natirang tao na lang sa buong pamilya Wilson na mabait sa kanya ay walang iba kundi si Claire.Nang makita ni Charlie na nakatayo si Claire sa balkonahe na may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha, lumapit siya sa kanya nang mabagal at sinabi, “Claire, hindi mo kailangang mag-alala nang sobra. Siguradong uuwi nang ligtas si mama sa bahay, okay?”Napagtanto lang ni Claire na pumasok si Charlie sa kwarto nang marinig niya siyang nagsalita. Tumalikod siya at tumingin sa kanya na may naiinis na ekspresyon sa kanyang mukha at sinabi, “Wala ka talagang pakialam sa kanya. Kaya, syempre iisipin mo na walang mangyayari sa kanya. Kahit na may mangyari sa kanya, hindi ka naman malulungkot o mag-aalala.”Alam
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Kabanata 844

Si Jacob na nasa ikatlong palapag ay ibang-iba ang nararamdaman kumpara kay Charlie.Sobrang abik niya at hindi siya makatulog sa gabing iyon.Hindi niya mapigilang isipin ang nakaraan nila ni Matilda at patuloy na dumadaloy sa isipan niya ang lahat ng magandang memorya nila. Talagang nalulong siya sa mga ala-ala nila ni Matilda.Sa tuwing iniisip niya si Matilda, mas nagiging sabik siyang makita ulit siya.Kinabukasan nang umaga, sobrang sigla ni Jacob na hingi nakatulog sa buong gabi at sobrang ganda ng pakiramdam niya. Malaki ang ngiti niya sa sandaling ito.Bumangon siya para maligo at ahitin nang malinis ang kanyang balbas. Pagkatapos, sinuklay niya ang kanyang kulay-abo na buhok bago siya nag-wisik ng styling spray sa kanyang buhok. Pagkatapos, tumingin siya sa loob ng kanyang aparador bago siya tumingin sa isang magandang suit na palagi niyang ayaw isuot.Ang suit na ito ay gawa sa Hong Kong noong matagumpay pa ang pamilya Wilson. Sa panahong iyon, siya ang pangalawang you
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Kabanata 845

Nang marinig ni Claire na gusto siyang isama ng kanyang ama para makipagkita sa unang mahal niya, direktang tumanggi si Claire nang hindi nag-aalangan. “Hindi ako pupunta!”Pinaglayo ni Jacob ang dalawang kamay niya at sinabi, “Kung gano’n, huwag mong pigilan si Charlie na sumama sa akin. Kahit ano pa, kailangan may sumama sa akin sa inyo ngayong araw.”“Ikaw…” Nagalit si Claire at tinanong, “Mas importante bang mag tanghalian ka kasama ang dati mong kaklase o mas importanteng hanapin si mama? Pa, hindi mo ba nakikita kung ano ang mas mahalaga para sa’yo ngayon?”Sinabi ni Jacob, “Syempre, malinaw kong nakikita ito! Syempre, mas mahalaga ang tanghalian ko kasama ang dati kong kaklase!”“Ikaw…”Kahit na karaniwan ay mabuti ang ugali ni Claire, malapit na siyang sumabog sa galit sa sandaling ito.Sumagot nang walang emosyon si Jacob, “Claire, kailangan mong maintindihan ang isang bagay. Hindi lang sa mama mo umiikot ang mundo. May apat na tao sa pamilyang ito. May kanya-kanya kamin
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Kabanata 846

Alam ni Elaine na isa itong banta. Basta’t kakain siya, at basta’t hahawakan niya ang lunch box, malamang ay mabubugbog siya.Kaya, umiyak si Elaine at patuloy siyang nagmakaawa, “Sister Jennifer, binugbog mo na ako at pinagalitan nang husto kahapon. Pwede ka bang maawa at pagbigyan muna ako ngayong araw?”Tinaas ni Jennifer ang mga kilay niya at sinabi, “Kahit na pagbibigyan kita, sinong makakapagbalik sa patay na ina ko? Alam mo ba kung gaano kamiserable ang ina ko noong ininom niya ang isang bote ng pesticide at nakahiga sa hospital habang desperado siyang naghihingalo hanggang sa hindi na siya nakahinga?”Napaiyak si Elaine at sinabi, “Sister Jennifer… Alam ko na isa kang mabuting anak pero hindi ko sinaktan sa kahit anong paraan ang iyong ina…”Galit na sumagot si Jennifer, “Sinusubukan mo pa ring magsabi ng kalokohan sa’kin? May sasabihin ako sa’yo. Namatay ang ina ko dahil sa kanyang masamang biyenan na babae! Iyon ang dahilan kung bakit ako nagagalit kapag nakikita kita! Da
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Kabanata 847

Pagkalipas ng kaunti ng alas otso ng umaga, dinala ni Charlie ang matandang lalaki palabas sa villa.May dalawang oras pa bago dumating ang eroplano pero hindi na makapaghintay si Jacob.Pagkatapos umalis sa villa sa Thompson First, tinanong nang nagmamadali ni Jacob si Charlie, “Mabuti kong manugang, may alam ka bang lugar kung saan ako makakabili ng isang bouquet ng bulaklak? Gusto kong bumili ng isang bouquet ng rosas para ibigay kay Matilda.”Sumagot si Charlie, “Pa, dadalhin ng kaklase mo ang kanyang anak na lalaki ngayong araw. Sa tingin mo ba talaga ay angkop para sa’yo na bigyan siya ng rosas sa harap ng anak niya?”Nag-isip nang ilang sandali si Jacob bago siya tumango at sinabi, “Tama ka. Dapat ay ordinaryong bouquet ng bulaklak lang ang ibigay ko sa kanya.”Sumagot si Charlie, “May alam akong tindahan ng mga bulaklak sa malapit. Pwede muna tayong pumunta doon at bumili ng isang bouquet ng bulaklak.”Sa sandaling dumating sila sa flower shop, gumastos si Charlie ng lima
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Kabanata 848

Mas grabe pa ang hitsura ni Matilda. Sobrang ganda niya talaga at mukha siyang elegante at kahanga-hanga. Mayroon siyang matalinong hitsura na makikita sa mga dating henerasyon ng mga intelektwal.Mayroong sobrang sikat na artista sa ganitong edad at siya ay si Catherine Zeta-Jones. Madaling maituturing na isa siya sa mga pinaka kaakit-akit at pinakamagandang babae sa edad niya. Pero, mas maganda pa si Matilda kumpara kay Catherine Zeta-Jones!Nasa limampung taon na si Catherine Zeta-Jones pero sobrang ganda at kaakit-akit niya parin. Tatlong taon na mas bata si Matilda sa kanya pero mukhang anim o pitong taon siyang mas bata!Paano posible na isa itong tita na malapit nang maging limampung taong gulang?Isa lang siyang ate na mukhang nasa tatlumpung taon o mababang apatnapung taon!Nagulantang si Charlie. Hindi niya talaga inaasahan na ang unang mahal ni Jacob ay isang napakaganda at kahanga-hanga na babae! Iniisip niya na lang kung gaano kaganda si Matilda noong bata pa siya!J
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Kabanata 849

Magaling nga talaga ang Oskian na lenggwahe ni Paul. Kung pipikit sila at pakikinggan siyang magsalita, walang makakapagsabi na isa talaga siyang Amerikano. Nasorpresa rin nang sobra si Charlie at kinamayan niya si Paul bago niya sinabi sa paghanga, “Mr. Paul, nakakamangha talaga ang pagsasalita mo ng lenggwahe ng Oskian.”Ngumiti nang mapagpakumbaba si Paul at sinabi, “Mr. Wade, masyadong mataas ang tingin mo sa akin!”Sinabi nang nagmamadali ni Jacob, “Siya nga pala, Matilda, nag-book na ako ng kwarto sa Shangri-La hotel para sa tanghalian ngayong araw. Bakit hindi na tayo pumunta doon para magkaroon ng welcome meal para sa inyo ni Paul?”Ngumiti si Matilda at sinabi, “Salamat, Jacob. Talagang nagpapasalamat ako na pumunta ka pa dito kasama si Charlie para sunduin kami at ilibre kami sa tanghalian ngayong araw…”“Nararapat lang na gawin ko ito!” Ngumiti nang nahihiya si Jacob at sinabi, “Nagkataon lang na nagmaneho kami papunta dito ngayong araw kaya pwede tayong magsama-sama sa
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more

Kabanata 850

Tumango nang nagmamadali ang driver na foreigner at sinabi, “Okay, chairman. Pupunta na ako ngayon din!”Pagkatapos, binuksan niya ang likod ng Rolls-Royce Phantom bago niya kinuha ang lahat ng maleta mula sa kamay ni Paul at inilagay ito sa likod ng kotse.Pagkatapos niyang gawin ito, tinanong niya si Matilda, “Chairman, hindi ba kayo pupunta ni general manager sa Shangri-La hotel gamit ang kotse na ito?”Tumango si Matilda at sinabi, “Pupunta ako doon gamit ang kotse ng dating kaklase ko. Pwede ka nang maunang umalis.”Tumingin si Jacob sa bago at marangyang Rolls-Royce Phantom sa harap niya at hindi niya maiwasang hindi mapalagay sa sandaling ito.Malinaw niyang nakikita ang halaga ng kotse na ito.Ang isang ordinaryong kotse tulad nito ay nasa walo o siyam na milyong dolyar. Bukod dito, mayroon itong golden man logo na gawa sa purong ginto. Dagdag dalawang daang libong dolyar pa ito!Hindi maiwasang manliit pa ni Jacob sa sandaling ito.Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “
last updateLast Updated : 2021-10-15
Read more
PREV
1
...
8384858687
...
562
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status