Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 641 - Kabanata 650

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 641 - Kabanata 650

5607 Kabanata

Kabanata 641

Sa sandaling lumabas ang boses ni Donald, agad sumugod ang mga bodyguard sa clinic.Sinipa ng mga bodyguard ang lahat ng lalagyan ng medisina sa gilid ng clinic habang pinatumba nila ang lahat ng lalagyan ng mga halamang gamot at medisina sa sahig. Pagkatapos, binasag din nila ang lahat ng palayok ng medisina sa sahig.Sa isang iglap, naging magulo ang malaking bulwagan.Nanginig sa galit si Anthony, pero alam niya na wala siyang magagawa para pigilan sila. Kaya, nanood lang siya nang tahimik habang patuloy na binasag at sinira ng mga bodyguard ang clinic sa harap niya.Tuluyan nang naging magulo at sira-sira ang clinic, at sobrang layo na ng hitsura nito kanina.Suminghal si Donald bago sinabi, “Dr. Simmons, bibigyan pa kita ng tatlong araw para pag-isipan ang alok ko. Bago ka pumayag sa hiling ko, pupunta ako at sisirain ang clinic mo kapag nangahas kang buksan ulit ito! Mas mabuting magdalawang-isip ka bago ka kumilos o gumawa ng desisyon…”Pagkatapos, tumalikod si Donald at u
last updateHuling Na-update : 2021-09-13
Magbasa pa

Kabanata 642

Gayunpaman, hindi inaasahan ni Donald na magiging malupit ang realidad kahit na pinlano na niya nang perpekto ang lahat.Hindi nag-atubili si Anthony na tanggihan ang alok ni donald. Bukod dito, sinabi niya pa na masisisi lang ng bunsong anak niya ang sarili niya sa nangyari sa kanya. Nagalit siya nang sobra dahil dito.Pagkatapos pumasok ng kotse, patuloy na nagmura si Donald habang sinabi, “Anthony, ang matandang aso na iyon! Talagang hindi niya alam ang mabuti para sa kanya! Pinatay ko na siya kung hindi ko lang kailangang mag-alala dahil sa gulo!”Sa kabaliktaran, palihim na sobrang saya ni Sean.Sa una ay nag-aalala siya na magagamot talaga ni Anthony ang nakababatang kapatid niya.Sa hindi inaasahan, pagkatapos bumisita sa clinic, talagang tinanggihan ni Anthony na gamutin ang nakababatang kapatid niya. Bilang resulta, hindi na kailangan mag-alala ni Sean na magkakaroon siya ng malakas na kalaban para makuha ang pamana at kayamanan ng pamilya Webb.Pero, hindi niya pwedeng
last updateHuling Na-update : 2021-09-13
Magbasa pa

Kabanata 643

Nang makita ni Donald na kumikilos na si Sean, tumango siya sa lugod habang pinuri niya siya, “Magaling, Sean! Natutunan mo nang obserbahan ang mga detalye para mapagsamantalahan mo ang sitwasyon nang maaga!”Ngumiti si Sean at sumagot, “Pa, sobrang tagal na kitang sinusundan, kaya, natutunan ko na at nagagamit ang ilang kakayahan mo. Pero, marami pa akong dapat matutunan sa iyo dahil sobrang layo ko pa sa likod mo.”“Hindi,” sinabi nang seryoso ni Donald, “Sapat na ang mapansin mo na luma na at walang halaga ang bracelet ni Jasmine. Sobrang laking pag-unlad na ito. Bukod dito, nagkusa ka pa na bilhan siya ng mas maganda at mas mahal na bracelet. Pinapatunayan nito na natututo ka nang kumilos dahil mas mature ka na at mas matatag! Hindi talaga ito masama. Magaling ang ginawa mo!”Natuwa nang sobra si Sean nang pinuri siya ng ama niya. Nang makita niya si Cain na nakatingin sa kanya na may desperadong ekspresyon sa kanyang mukha, ngumiti si Sean at sinabi nang kuntento, “Cain, sobran
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 644

Sumama nang kaunti ang loob ni Sean. Nakatayo silang mag-ama sa harap ni Jasmine ngayon. Pero, sa hindi inaasahan, sinabi talaga ni Jasmine na may mas importanteng bisita pa kumpara sa kanila. Sino pa sa Aurous Hill ang posibleng maging mas importante sa kanya at sa ama niya?Sa ibang salita, sino pa sa Aurous Hill ang mayroong mas mataas na katayuan o kapangyarihan kumpara sa pamilya Webb?Kahit na masama ang loob niya nang kaunti, patuloy na nagsalita si Sean sa maginoong tono habang sinabi, “Siya nga pala, Jasmine, naghanda ako ng regalo para sa’yo. Hindi ako sigurado kung magugustuhan mo ito o hindi.”Kumunot ang noo ni Jasmine at sinabi, “Mr. Webb, dapat na itago mo na lang ang regalo mo. Hindi ko kailangan ng kahit ano, at ayokong gumastos ka nang malaki para sa akin. Buko dito, hindi ko pwedeng tanggapin ang regalo mo nang walang dahilan.”Sa sandaling ito, nilabas nang nagmamadali ni Sean ang kahon ng regalo na ibinigay sa kanya ni Cain bago niya sinabi nang tapat, “Jasmin
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 645

Talagang parang namamatay na si Sean sa sandaling ito.Hinding-hindi niya inaakala na ang sirang bracelet sa pulso ni Jasmine ay isang bagay pala na iniwan ng kanyang ina...Bukod dito, sinabi niya pa na ang bagay na iniwan ng kanyang ina ay isang basura lang...Isang sakuna ito!Karaniwan nang malamig at walang pakialam si Jasmine sa kanya. Kaya, sa una ay balak niyang umasa sa bracelet na ito para makakuha siya ng puntos.Sa hindi inaasahan, hinukay niya lang ang sarili niyang libingan...Ngayon, marahil ay naging negative na ang puntos niya sa isipan ni Jasmine.Sa sandaling ito, si Donald, na nakatayo sa hindi malayo, ay hindi maiwasang malito nang kaunti habang nakatingin siya sa kanyang anak na tulalang nakatayo at naiwan nang mag-isa.Hindi ba’t pumunta ang anak niya para ibigay ang regalo kay Jasmine kanina?Siguradong sobrang saya ni Jasmine na makatanggap ng mahal na regalo.Kung ganon, bakit mabilis na nagmaneho palayo si Jasmine?Dahil may pagdududa siya, lumapit
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 646

Lumabas si Claire sa kwarto habang inunat niya ang kanyang baywang at tinanong si Charlie, “May gagawin ka ba ngayong araw?”Sumagot si Charlie, “Pupunta ako sa kaarawan ng isang kaibigan mamayang tanghali.”Pagkatapos, tinanong ni Charlie si Claire, “Mahal, may kailangan ka ba?”Bahagyang tumango si Claire at sinabi, “Oo, gusto kong mag-shopping, pero kung abala ka, ayos lang kung gawin mo muna ito! Magpapasama na lang ako kay Loreen.”Sumagot si Charlie, “Pasensya na, mahal. Mag-shopping muna kayo ni Loreen ngayon. Sasamahan na lang kita sa ibang araw.”Bahagyang tumango si Charlie at sinabi, “Sige.”Ang biyenan na babae ni Charlie, si Elaine, ay may madilim na mukha habang sinabi, “Ah, Charlie, pupunta ka ba sa kaarawan ng kaibigan mo? Matanda na ba siya?”Tumango si Charlie at sinabi, “Oo, walumpung taong gulang na siya.”Umirap si Elaine at sinabi, “Sinusubukan mo bang gamitin ang nakakatawang kakayahan mo upang lokohin ang mga matatandang lalaki para madaya mo ang lahat n
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 647

Gusto na talagang tumawa ni Charlie sa ginagawa ni Elaine.Alam niya na sobrang liit na lang ng pera ni Elaine ngayon. Madalas ay gumagastos siya nang malaki para sa sarili niya, pero sobrang lungkot niya siguro ngayon dahil naubos na ang lahat ng pera niya.Ngayon, mas lalong nalungkot si Elaine nang makita niya na pupunta si Jacob sa Heaven Springs para maghapunan ngayong gabi.Totoo nga, sinabi ni Elaine kay Jacob, “Hindi! Gusto kong ibigay mo sa’kin ang dalawampung libong dolyar na gagastusin mo mamayang gabi!”“Bakit ko gagawin ‘yon?” Nabalisa rin nang sobra si Jacob at sinabi, “Elaine, binabalaan kita dahil sumosobra ka na! Nasa’yo na ang lahat ng ipon ng pamilya natin. Kahit na ayaw mo itong ibigay sa akin, ayos lng. Pero, gusto mo pa rin na ibigay ko sa’yo ang sarili kong pera?”Nakonsensya si Elaine, pero matigas pa rin ang ulo niya, “Hindi ka ba pwedeng pumunta sa mas murang lugar mamayang gabi? Pwede mong gastusin ang sampung libong dolyar sa hapunan at ibigay mo na lan
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 648

Pagkatapos, tumingin si Claire kay Elaine at sinabi, “Ma, pwede bang tigilan mo nang pahirapan ang mga bagay para kay papa? Bihira lang siyang gumastos nang malaki. Bakit ngayon mo siya hinaharap dahil lang gusto niyang ilibre ang mga kaibigan niya sa hapunan?”Sinabi ni Elaine, “Gusto ko lang magtipid ng pera para sa pamilya! Tayo ba ang uri ng pamilya na dapat gumastos ng dalawampung libong dolyar para lang sa pagkain?”Pagkatapos, tumingin nang masama si Elaine kay Jacob at sinabi, “Kahit ano pa, ibibigay mo sa akin ang pera ngayong araw, kahit sa gusto mo o hindi!”Sa totoo lang, alam na ni Claire ang gustong gawin ng ina niya.Alam niya na sobrang materyalistiko ng ina niya at baliw siya sa pera. Kung tatanggi ang ama niya na bigyan ng pera ang ina niya ngayong araw, imposibleng makaalis siya ng bahay.Sa sandaling ito, mabilis na sumingit si Claire. “Ma, huwag mo nang pahirapan si papa. Gusto mo ng sampung libong dolyar, tama? Ibibigay ko ito sa’yo.”“Okay!” Sumagot sa sabi
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 649

Nang makita ni Charlie kung gaano mapilit si Claire, tumango siya at sinabi, “Sige, mahal. Salamat sa sipag mo. Aalis na ako ngayon.”“Sige, pumunta ka na!” Pagkatapos, mabilis na tinanong ni Claire, “Dahil pupunta ka sa kaarawan ng kaibigan mo, naghanda ka na ba ng regalo para sa kanya?”Humuni si Charlie at sinabi, “Oo, naghanda na ako ng regalo.”Tinanong nang nagmamadali ni Claire, “Anong regalo ang inihanda mo para sa kanya? Siguraduhin mo na hindi ito masyadong maliit o mura, kung hindi, baka hindi siya masiyahan!”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Naghanda ako ng isang bigay na ako mismo ang gumawa para sa kanya. Hindi naman ito isang regalo na mahal, pero mahalaga ang kahulugan nito. Dahil, wala naman talagang pakialam ang kaibigan ko sa pera. Kaya, naniniwala ako na siguradong magugustuhan niya ang regalo ko.”“Magaling iyon!” Tumango si Claire bago siya ngumiti at sinabi, “Kung gano’n, dapat ka nang umalis ngayon!”“Okay.”Sa sandaling ito, tumayo si Charlie bag
last updateHuling Na-update : 2021-09-14
Magbasa pa

Kabanata 650

Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Salamat sa pagpunta dito para sunduin ako ngayong araw.”Sumagot nang nagmamadali si Jasmine, “Oo, responsibilidad ko ito. Dahil, karangalan ng pamilya Moore na makakapunta ka sa kaarawan ng lolo ko ngayong araw.”Habang nagsasalita siya, humakbang nang dalawang beses si Jasmine at nagkusa siyang buksan ang pinto ng co-driver seat bago siya yumuko nang bahagya at sumenyas kay Charlie habang namula siya at sinabi, “Master Wade, mangyaring pumasok ka sa kotse.”Tumango si Charlie bago siya direktang pumasok sa kotse nang hindi naging magalang kay Jasmine.Kung makikita ng kahit sino na si Jasmine, ang sikat at prestihiyosong young lady ng pamilya Moore, ay nagkusang binuksan ang pinto para sa isang binata, magugulat sila nang sobra at bubuka nang malaki ang mga panga nila.Gayunpaman, kahit sa anong aspeto, naramdaman ni Charlie na natural lang na nararapat siya na pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Jasmine.Kung pag-uusapan ang pagkakaki
last updateHuling Na-update : 2021-09-15
Magbasa pa
PREV
1
...
6364656667
...
561
DMCA.com Protection Status