Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 5501 - Chapter 5510

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 5501 - Chapter 5510

5562 Chapters

Kabanata 5501

Napabulalas si Merlin sa paghanga nang marinig niya ang mga sinabi ni Lady Acker, “Aunt Holly, magandang ideya iyan!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone, binuksan ang video recording, at sinabi, “Magpapalitan tayo na kunan ng video si Uncle Keith. Christian, kumuha ka ng tao para bumili ng ilang action camera na masusuot ng isang tao para walang tigil itong mag-record. Kapag nagpapahinga si Uncle Keith sa hapon, pwede mong sabihan ang mga tao na i-import ang lahat ng materyales sa computer para masuri natin ang mga video bukas ng umaga!”Sabik na sabik din si Christian at sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay! Aayusin ko na ang mga ito ngayon!”Idinagdag ni Lady Acker, “Sa tingin ko ay sobrang ganda ng kapaligiran dito. Keith, mag-almusal tayo nang mabilis, at ilalabas kita para maglakad sa lawa pagkatapos nito. Marahil ay mas maging maganda ang resulta nito!”Nang marinig ito ni Merline, sinabi niya nang nagmamadali, “Aunt Holly, may ibang opin
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 5502

Sinabi nang nagmamadali ni Lady Acker, “Balak kong pumunta sa lugar kung saan nakatira dati si Ashley ngayong araw. Kumuha na ako ng tao para imbestigahan ito, at mukhang binili ng ex-wife ni Sheldon ang lumang mansyon.”Kumunot ang noo ni Christian at tinanong, “Ex-wife ni Sheldon Schulz?”“Oo.” Tumango nang bahagya si Lady Acker.Mukhang nasorpresa si Christian habang tinanong niya, “Bakit binili ng ex-wife ni Sheldon Schulz ang lugar kung saan dating nakatira ang ate at bayaw ko?”Bumuntong hininga nang malambot si Lady Acker at sinabi,, “Kumuha ako ng tao para imbestigahan ito, at mukhang manliligaw ng bayaw mo dati ang ex-wife ni Sheldon Schulz. Hindi niya nakalimutan ang bayaw mo makalipas ang napakaraming taon. Kailan lang, nagalit siya sa mga Schulz dahil sa auction para sa lumang mansyon, at parang itinaboy siya ng mga Schulz. Gumawa ng malaking balita ang bagay na ito, at narinig din natin ang tungkol dito sa United States.”Tumango si Christian at sinabi, “Oo. Hindi ko
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 5503

Hinding-hindi pagtataksilan ni Merlin si Charlie dahil si Charlie ang nagligtas sa buhay niya. Bukod dito, pakiramdam ni Merlin na hindi ito ang tamang oras para bumalik si Charlie sa mga Acker. Kaya, nakisama na lang siya at gumawa ng pekeng plano basta’t hindi nito hahayaan ang mga Acker na makahanap ng mga bakas kay Charlie. Kung gano’n, makukumpleto ang misyon niya.Biglang sinabi ulit ni Christian, “Siya nga pala, Merlin, naisip mo na ba na imbestigahan ang benefactor na nagligtas sa buhay mo?”Nabigla si Merlin at sinabi, “Hindi mahulaan ang kinaroroonan ng benefactor ko, at hindi niya ipinakita ang pagkakakilanlan niya sa akin. Wala akong kahit anong bakas kahit na gusto ko siyang hanapin.”Umiling si Christian at sinabi, “Hindi naman sa walang bakas. Nasa Aurous Hill ito!”Sadyang tinanong ni Merlin, “Anong ibig mong sabihin, Christian?”Sinabi nang seryoso ni Christian, “Sinabi ko na sayo ang auction para sa Rejuvenating Pill na pinuntahan ko sa Aurous Hill. Noon pa man a
last updateLast Updated : 2024-12-06
Read more

Kabanata 5504

Makalipas ang dalawampung minuto, sinamahan ni Christian si Lady Acker sa lumang mansyon kung saan nakatira dati ang mga magulang ni Charlie.Mabilis na umalis ang convoy ng mga Acker sa Willow Manor at pumunta sa siyudad ng Aurous Hill. Sa parehong oras, nagmamaneho rin si Charlie mula sa siyudad papunta sa direksyon ng Willow Manor.Balak niyang pumunta sa Champs Elys Resort, at sobrang lapit ng diretsong distansya sa pagitan ng Willow Manor at Champs Elys Resort, hinahati lang ito ng dalawang bundok. Kaya, karamihan ng paglalakbay mula sa siyudad papunta sa Willow Manor at mula sa siyudad papunta sa Champs Elys Resort ay pareho.Nang nasa highway si Charlie palabas sa siyudad, nakita niya ang isang paparating na convoy mula sa kabilang direksyon.Bago siya umalis, nagpadala ng isang text message si Merlin para ipaalam sa kanya na bibisitahin ng lola niya ang lumang mansyon kung saan nakatira dati ang mga magulang niya. Kaya, kahit na sobrang bilis nalampasan ng dalawang partido
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Kabanata 5505

Samantala, sa old town district ng Aurous Hill.Naghiwa-hiwalay ang kapansin-pansin na convoy ng mga Acker bago pumasok sa old town district, hindi ito masyadong naging magarbo. Pero, binabantayan pa rin ng lahat ng mga sasakyan ang sasakyan kung nasaan ang lola at tito ni Charlie mula sa lahat ng direksyon.Nag-almusal na sina Helen at Sophie sa lumang mansyon kung saan nakatira dati ang mga magulang ni Charlie.May pormal na suot si Sophie, at pinulot niya ang kanyang handbag at sinabi kay Helen, “Ma, pupunta na ako sa Aurous University of Finance and Economics.”Tumango si Helen at sinabi, “Mag-ingat ka sa pagmamaneho sa kalsada. Babalik ka ba para mananghalian?”Sinabi ni Sophie, “Hindi ako babalik sa tanghali. Kakain kami ni Autumn sa cafeteria ng Aurous University of Finance and Economics.”Bilang isa sa mga taong namamahala ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group, pumupunta si Sophie sa Aurous University of Finance and Economics kasama si Autumn araw-araw para hanapin si Yolden
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Kabanata 5506

“Huh?” Napabulalas si Helen habang nakatingin siya sa matandang babae nang nasorpresa. “Ikaw si Lady Acker?! Mangyaring pumasok ka! Mr. Christian, mangyaring pumasok ka rin!”Pagkasabi nito, mabilis niyang binuksan ang pinto.Hindi maintindihan ni Helen sa una kung bakit pupunta si Lady Acker para makita siya pero napagtanto niya na wala sigurong kinalaman sa kanya ang pagbisita ng matandang babae.Ayon sa utos ni Charlie, naisip niya agad na ang layunin siguro ng matandang babae sa pagpunta dito ay para maghanap ng mga bakas tungkol kay Charlie.Pinasalamatan nina Lady Acker at Christian si Helen at sinundan siya papasok. Lumabas si Sophie sa pinto sa loob sa sandaling ito at hindi niya mapigilang malito nang kaunti nang makita niyang naglalakad papasok sa courtyard ang isang matandang babae at isang middle-age na lalaki.Mabilis na ipinakilala ni Helen, “Lady Acker at Mr. Christian, siya ang anak na babae ko, si Sophie. Sophie, sila si Lady Acker at Mr. Christian mula sa pamilya
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Kabanata 5507

Nang makita ni Helen na parang matamlay si Lady Acker, pinagaan niya ang kalooban niya, “Lady Acker, kailan lang ako lumipat dito. Hindi ko alam kung pumunta dito si Charlie sa loob ng napakaraming taon bago ako lumipat dito, kaya hindi mo kailangan malungkot at mag-alala nang sobra.”Tumango nang bahagya si Lady Acker at bumuntong hininga habang sinabi, “Wala akong pagdududa na buhay pa rin si Charlie, pero sobrang kaunting bakas na lang ang kaya kong mahanap na kaugnay kay Charlie ngayon. Kung masisira ang kahit isa sa mga bakas na ito, ang ibig sabihin ay mababawasan ako ng isang bakas…”Ngumiti si Helen at sinabi, “Lady Acker, marahil lay hindi ito ang tamang oras para magkita ulit kayo. Pagdating ng tamang oras, naniniwala ako na pupuntahan ka niya kahit na nasa malayo siya.”Ngumiti nang nakangiwi si Lady Acker at sinabi, “Naniniwala ako sa sinabi mo. Natatakot lang ako na hindi ko mahihintay ang araw na iyon dahil nasa ganitong edad na ako.”Hindi mapigilang mabalisa nang ka
last updateLast Updated : 2024-12-07
Read more

Kabanata 5508

Tumayo ang lahat mula sa kanilang futon at yumuko kay Caden para ipahayag ang pasasalamat nila bago sila naglakad palabas habang nire-relax ang mga muscle nila.Hindi nagmamadaling umalis si Nanako. Sa halip, tinanong niya nang sabik si Aurora, “Aurora, na-master mo na ba ang sikreto ng endoscopic ability?”Kinamot ni Aurora ang ulo niya at sinabi, “Parang, pero parang hindi rin… Pakiramdam ko na parang isa itong ilalim ng isang malalim na lawa. Kapag sinusubukan kong sumisid, hindi ko maabot ang ilalim kapag malapit na ako. Nakakainis talaga ito…”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Nanako, “Nanako, mukhang sabik ka. Na-master mo na ito?!”Tumango nang mabigat si Nanako at sinabi sa mahinang boses, “Mukhang na-master ko na ang sikreto ng endoscopic ability. Katulad ito ng pagsisid na sinasabi mo. Palaging hindi ako makasisid masyado sa simula, at pakiramdam ko na sa tuwing malapit na ako sa ilalim, mas lumalakas ang puwersa ng tubig. Para bang may tumutulak sa akin na tubig
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Kabanata 5509

Pinuri at kinumpirma ni Caden ang talento ni Nanako, pero sobrang mapagpakumbaba ni Nanako. Pagkatapos yumuko nang malalim, sinabi niya nang kalmado, “Salamat sa papuri mo, Master Howton. Parang isa lang akong estudyante sa elementarya na kasisimula lang kumpara sayo, kaya hindi ako mangangahas na sabihin na isa akong henyo sa martial arts. Dapat ay mas magsikap pa ako dahil kadidiskubre ko lang ng endoscopic ability ko.”Pinuri siya ni Caden at sinabi, “Bukod sa talento, ang isang magandang pamamaraan sa martial arts ang pangalawang elemento ng pagsasanay ng martial arts, at ang pangatlong elemento sa pagsasanay ng martial arts ay ang hindi pagiging mayabang o mapusok. Miss Ito, siguradong magiging walang hanggan ang hinaharap mo dahil nasa iyo ang tatlong elemento na ito!”Yumuko ulit si Nanako at sinabi, “Salamat sa pagpapatibay mo, Master Howton. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!”Tumango si Caden at sinabi nang nakangiti, “Maikli lang ang pahinga para sa tanghalia
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more

Kabanata 5510

Tinanong siya ni Charlie: ‘Bakit gusto mo akong pasalamatan?’Sinabi ni Nanako: ‘Tinulungan mo ako nang sobra at inayos pa na matuto ako ng martial arts dito. Hindi ba’t tama lang na ilibre kita sa pagkain ngayong nakapasok na ako sa landas ng martial arts? Isipin mo na lang na pagkain ito bilang pasasalamat. Charlie-kun, iniisip ko kung ibibigay mo ba sa akin ang karangalan na ito?’Nag-isip saglit si Charlie at sumagot nang handa: ‘Walang problema. Sabihin mo lang sa akin ang oras, at pupunta ako doon sa oras.’Sumagot si Nanako: ‘Natatapos ang klase ni Master Howton ng alas sais y media ng gabi araw-araw. Magkita tayo pagkatapos nito. Paano kung 8:00 PM?’Sumagot si Charlie: ‘Walang problema. Magsanay ka nang mabuti. Magkita tayo sa gabi.’Natuwa si Nanako at sumagot nang nagmamadali: ‘Kita-kits ngayong gabi!’Alam ni Charlie na sabik mag-ensayo si Nanako, kaya hindi niya balak na abalahin at gambalain pa si Nanako. Sumagot siya nang direkta: ‘Kung gano’n, mag-ensayo ka muna n
last updateLast Updated : 2024-12-08
Read more
PREV
1
...
549550551552553
...
557
DMCA.com Protection Status