Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 5401 - Chapter 5410

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 5401 - Chapter 5410

5571 Chapters

Kabanata 5401

Habang nagsasalita siya, humagikgik siya at idinagdag, “Binigyan ko ng pangalawang pangalan ang system na ito, at ito ay tinatawag na Halik ng Kamatayan.”Ang master ni Porter, si Pilos, na nakikinig sa gilid, ay biglang nakaramdam ng lamig sa likod niya. Pakiramdam niya na hindi man lang siya mabubuhay sa isang bala mula sa ganito kalakas na armas, at kahit ang Diyos ay hindi mabubuhay sa daan-daan o libo-libong bala dito.Tumango nang kuntento si Porter at tinanong siya ulit, “Paano kung higit sa isang target ang lumitaw sa parehong oras?”Sinabi ng eksperto sa armas, “Kung maramihang target ang lilitaw, maglalabas ng maagang babala ang system sa lalong madaling panahon. Kung pipiliin mong magpaputok, isa-isang tututukan ng system ang mga target ayon sa pagkakasunod ng kolaborasyon ng close-defense missile na ito.”Ipinaliwanag pa ng eksperto sa armas, “Dahil sobrang bilis nitong bumaril, kaya nitong patayin ang isang target nang wala pang isang segundo, kaya kung isang dosenang
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Kabanata 5402

Si Brody at ang Right Military Governor, si Arlo, ay mabilis na naging pamilyar sa isa’t isa pagkatapos kumain.May sari-sarili silang iniisip. Pakiramdam ni Brody na si Arlo ay isa talagang makapangyarihang tauhan ng British Lord, kaya natural na naramdaman niya na karapat-dapat si Arlo na maging kaibigan niya. Sa kabilang dako, pakiramdam ni Arlo na hindi niya maiiwasang makasama ang four great earl sa hinaharap dahil mukhang hahayaan na ng British Lord ang four great earl na makipag-ugnayan sa limang Military Governor Office. Bukod dito, mas malakas ang four great earl kaysa sa kanya, kaya pakiramdam niya na magandang bagay para sa kanya na magkaroon ng malapit na pagkakaibigan sa kanila.Kaya, parang may saloobin ang dalawa kung saan tila ba matagal na nilang kilala ang isa’t isa. Kung hindi pupunta si Brody sa Cyprus ngayong gabi, marahil ay naging magkapatid pa sila sa sumpaan.Pagkatapos kumain, tinanggap ni Brody ang mabait na imbitasyon ni Arlo na maglibot sa Naples kasama
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 5403

Isang business jet ang lumipad mula sa Naples Airport at pumunta sa Cyprus Airport. Sobrang relax ni rody sa eroplano. Sa opinyon niya, hindi ito naiiba sa isang tao na pupunta sa isang manukan, kaya hindi niya kailangan na mag-alala sa kahit anong panganib.Sa kalagitnaan ng flight, bigla niyang nilabas ang cellphone niya at ginamit ang internal communication software ng Qing Eliminating Society para imbitahin sa isang video call si Ruby, na nasa Far East.Hindi sinagot ni Ruby ang video call at nagpadala lang ng isang voice message pagkatapos tanggihan ang imbitasyon niya, “May kahit anong kailangan ka ba sa akin, Mr. Jothurn?”Sinabi ni Brody nang nakangiti, “Ruby, masyadong boring ang Far East, tama? Pumunta ako sa Naples ngayong araw at nakita ko na sobrang ganda ng klima at mga tradisyon sa Southern Europe. Pumunta tayo doon at maglakbay nang magkasama kung may pagkakataon.”Sumagot nang mahina si Ruby, “Kalimutan mo na. Mas gusto ko na mag-isa.”Sumagot si Brody, “Ruby, bak
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 5404

Pagkatapos samantalahin ni Brody ang sitwasyon para ibahin ang paksa, hindi na nagsalita si Ruby at sumagot na lang ng okay.Biglang sumama ang kalooban ni Brody nang makita niya ang isang salita na sagot na ito.Kahit na alam niya na tatanggihan siya ni Ruby, hindi niya talaga matanggap ang pagtanggi na ito.Hindi siya isang mapagpakumbabang maginoo na ipinapakita niya sa harap ni Ruby. Sa kabaliktaran, mababaw siya at nagtatanim siya ng galit sa kahit sinong humarang sa kanya. Sa opinyon niya, bastos si Ruby at nabigo siyang pahalagahan siya kahit na tinanggihan na niya siya.Kya, hindi niya mapigilang manumpa at ibulong sa sarili niya, “Ruby, bakit sobrang yabang mo? Kinamumuhian mo ako, tama? Maghintay ka lang, hahanapan kita ng pagkakataon na magsaya sa ari ko balang araw!”Pinigilan ni Brody ang galit niya na wala siyang mapaglabasan sa buong flight.Bumaba ang eroplano sa Cyprus Airport ng 11.30 p.m., at si Brody, na nagsikap na ayusin ang emosyon niya, ay lumabas ng airpo
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 5405

Dahil na-master na ni Brody ang Reiki, tumaas din nang sobra ang mga pandama niya. Kaya niyang makita ang ilang nakatagong bantay sa loob ng copper mine kahit sa layong ilang daang metro.Hindi nasorpresa si Brody na maraming nakatagong bantay sa copper mine. Dahil, ang ganitong uri ng base ng dead soldier ay napakahalaga sa Qing Eliminating Society. Ang bawat base ay itinayo gamit ang malaking halaga na may puhunan na napakaraming tao at materyales. Kaya, ang seguridad ang pinakamahalaga dito.Buti na lang, hindi masyadong malakas ang mga Armed Calvary Guards na ito, at ang kabuuang epekto nila sa pakikipaglaban ay nasa antas lang ng isang five-star o eight-star martial artist. May malaking puwang pa rin sa pagitan nila ni Brody. Kaya, kampante rin si Brody na madali siyang makakapasok nang hindi nadidiskubre.Hindi tulad ni Charlie, na nagkataong nakuha ang Apocalyptic Book at direktang na-master ang Reiki, nag-cultivate si Brody mula sa pagiging isang martial artist para maabot a
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Kabanata 5406

Hindi niya mapigilang isipin, ‘Anong nangyayari? Bakit hindi ako mapakali nang sobra?!’Pero sa sumunod na sandali, naramdaman niya na marahil ay napapraning lang siya. Dahil, naabot na niya ang Master Realm at hindi na siya katulad ng mga ordinaryong martial artist. Gaano karaming kalaban na kasing lakas niya ang mayroon sa mundong ito? Paano magkakaroon ng isang eksperto na kaya siyang puntiryahin sa ganitong uri ng lugar?Hindi niya alam na nilagay na ni Porter ang daliri niya sa itaas ng enter key sa computer. Basta’t pipindutin ni Porter ang enter key, mabilis at puspusang magpapaputok ang tatlong close-defense missile sa lokasyon ni Brody at sa paligid niya.Nagpapawis na nang kinakabahan si Porter, at ang master niya, si Pilos, na nakatayo sa likod niya, ay kinakabahan din habang sinabi, “Porter, ipaputok mo na! Sobrang bilis ng taong ito, kaya siguradong isa siya sa four great earl!”Umiling si Porter at sinabi, “Master, nag-aalala ako na may mga kasamahan pa siya. Basta’t
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Kabanata 5407

Nang tumama ang dulo ng daliri ni Porter sa keyboard, ang mga kulay itim na nguso ng tatlong close-defense missile na matagal nang nakatutok kay Brody ay umikot agad.Agad itong sinundan ng mga tatlumpung milimetrong artillery shell na biglang sumabog mula sa labing-walong nguso ng tatlong close-defense missile!Maraming bala ang tumagos sa nakatagong glass house, sinusundan ang daan na tinatawag na Halik ng Kamatayan na parang galit na galit na nagbuga ng apoy kay Brody!Ang bilis ng mga bala at artillery shell ay mas mabilis pa sa bilis ng tunog, pero hindi halata ang bilis na ito sa malapitan. Sa normal na sitwasyon, kung babarilin ang isang tao mula sa daang-daang metro na layo, siguradong tatamaan muna siya bago niya marinig ang tunog.Pero, maingat na binabantayan ni Brody ang paligid niya. Dahil mas mabilis ang bilis ng ilaw kaysa sa bilis ng tunog at ang unang bilis ng mga artillery shell, nadiskubre ni Brody na nabasag sa parehong oras ang tatlong commanding point at apoy
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Kabanata 5408

Ang huling kamalayan ng isip ni Brody ay puno ng galit at hindi pagpayag.Hinding-hindi niya inaakala na mamamatay siya nang walang katawan. Kumpara sa taxi driver na pinatay niya sa galit kanina lang, nawalan lang ng ulo ang taxi driver, pero marahil ay hindi man lang maligtas ni Brody ang utak niya!Bago pa mahulog sa lupa ang umiikot na ulo niya, marahas na dumaan ang mga artillery shell sa kanya, isa-isang pinasabog ang kabilang bahagi ng pader.Buti na lang, sa gitna ng mga kasamaang-palad, kahit na nadurog at naging malabnaw na ang katawan ni Brody, naiwasan ng ulo niya ang napakaraming bala dahil mas maliit ang target at nasa proseso pa ito ng pag-ikot.Kahit na sobrang lakas ng ginawang ballistic trajectory ng mga eksperto sa armas ng Ten Thousand Armies, inuuna pa rin nito ang mas malaking sakop, kaya hindi sapat ang kapal ng dadaanan ng bala para paliitin ito sa laki ng isang ulo.Pansamantalang naligtas ang ulo ni Brody dahil dito. Pero, nang dinurog ng mga artillery sh
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more

Kabanata 5409

Nang binigay ni Porter ang utos, biglang nagpakawala ng sunod-sunod na pagsabog ang mga pundasyon ng tatlong close-defense missile. Ang mga close-defense missile na orihinal na matatag na nakakabit sa konkretong pundasyon ay agad kumawala.Pagkatapos, agad pinasabog ang mga pundasyon ng glasshouse. Direktang sumugod ang engineering team at binuksan ang mga salamin na bubong hanggang sa ibaba at kinonekta ang mga lifting strap habang hinintay nila ang mga helicopter para buhatin ang tatlong close-defense missile.Samantala, ang mga Armed Calvary Guard at ang pamilya nila na naghanda nang lumikas ay nagsimulang lumabas sa mga kwarto nila na parang mga bumbero sila na nasa trabaho. Kaunti lang ang mga gamit nila dahil wala silang masyadong personal na gamit dito.Ang mga dead soldier at ang pamilya nila ay nilikas na ng barko, ilang araw na ang nakalipas, kaya basta’t nalikas ang mga tao na nasa ilalim habang umaatras, agad mapapasabog ang lugar na ito.Halos isang libong tao ang mabi
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more

Kabanata 5410

Kung haharapin siya nang direkta ni Porter, marahil ay pinatay siya sa isang kilos lang bago pa siya matauhan.Kaya, ayon sa lakas ng kabila, siguradong isa siya sa four great earls.Huminga nang maluwag si Charlie at tinawagan si Porter.Sa sandaling kumonetka ang tawag, sinabi nang magalang ni Porter, “Mr. Wade, nakita mo na ba ang mga video na ipinadala ko sayo?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nakita ko ang mga video. Magaling ang ginawa niya. Kahit na sobrang lakas ng kabila, wala siyang kapangyarihan na lumaban. Nagawa nang perpekto ang lahat!”Sinabi nang nagmamadali ni Porter, “Ang lahat ng ito ay dahil sa magandang ideya mo, Mr. Wade. Kung hindi, kahit na pag-isipan ko ito nang paulit-ulit, hindi ko maiisip na gumamit ng mga close-defense missile para labanan ang mga eksperto mula sa Qing Eliminating Society…”Hindi binobola ni Porter si Charlie. Hinahangaan niya talaga ang pananaw ni Charlie mula sa kailaliman ng puso niya.Dati, kumuha ng mga misyon ang Ten Thousan
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more
PREV
1
...
539540541542543
...
558
DMCA.com Protection Status