Si Brody at ang Right Military Governor, si Arlo, ay mabilis na naging pamilyar sa isa’t isa pagkatapos kumain.May sari-sarili silang iniisip. Pakiramdam ni Brody na si Arlo ay isa talagang makapangyarihang tauhan ng British Lord, kaya natural na naramdaman niya na karapat-dapat si Arlo na maging kaibigan niya. Sa kabilang dako, pakiramdam ni Arlo na hindi niya maiiwasang makasama ang four great earl sa hinaharap dahil mukhang hahayaan na ng British Lord ang four great earl na makipag-ugnayan sa limang Military Governor Office. Bukod dito, mas malakas ang four great earl kaysa sa kanya, kaya pakiramdam niya na magandang bagay para sa kanya na magkaroon ng malapit na pagkakaibigan sa kanila.Kaya, parang may saloobin ang dalawa kung saan tila ba matagal na nilang kilala ang isa’t isa. Kung hindi pupunta si Brody sa Cyprus ngayong gabi, marahil ay naging magkapatid pa sila sa sumpaan.Pagkatapos kumain, tinanggap ni Brody ang mabait na imbitasyon ni Arlo na maglibot sa Naples kasama
Isang business jet ang lumipad mula sa Naples Airport at pumunta sa Cyprus Airport. Sobrang relax ni rody sa eroplano. Sa opinyon niya, hindi ito naiiba sa isang tao na pupunta sa isang manukan, kaya hindi niya kailangan na mag-alala sa kahit anong panganib.Sa kalagitnaan ng flight, bigla niyang nilabas ang cellphone niya at ginamit ang internal communication software ng Qing Eliminating Society para imbitahin sa isang video call si Ruby, na nasa Far East.Hindi sinagot ni Ruby ang video call at nagpadala lang ng isang voice message pagkatapos tanggihan ang imbitasyon niya, “May kahit anong kailangan ka ba sa akin, Mr. Jothurn?”Sinabi ni Brody nang nakangiti, “Ruby, masyadong boring ang Far East, tama? Pumunta ako sa Naples ngayong araw at nakita ko na sobrang ganda ng klima at mga tradisyon sa Southern Europe. Pumunta tayo doon at maglakbay nang magkasama kung may pagkakataon.”Sumagot nang mahina si Ruby, “Kalimutan mo na. Mas gusto ko na mag-isa.”Sumagot si Brody, “Ruby, bak
Pagkatapos samantalahin ni Brody ang sitwasyon para ibahin ang paksa, hindi na nagsalita si Ruby at sumagot na lang ng okay.Biglang sumama ang kalooban ni Brody nang makita niya ang isang salita na sagot na ito.Kahit na alam niya na tatanggihan siya ni Ruby, hindi niya talaga matanggap ang pagtanggi na ito.Hindi siya isang mapagpakumbabang maginoo na ipinapakita niya sa harap ni Ruby. Sa kabaliktaran, mababaw siya at nagtatanim siya ng galit sa kahit sinong humarang sa kanya. Sa opinyon niya, bastos si Ruby at nabigo siyang pahalagahan siya kahit na tinanggihan na niya siya.Kya, hindi niya mapigilang manumpa at ibulong sa sarili niya, “Ruby, bakit sobrang yabang mo? Kinamumuhian mo ako, tama? Maghintay ka lang, hahanapan kita ng pagkakataon na magsaya sa ari ko balang araw!”Pinigilan ni Brody ang galit niya na wala siyang mapaglabasan sa buong flight.Bumaba ang eroplano sa Cyprus Airport ng 11.30 p.m., at si Brody, na nagsikap na ayusin ang emosyon niya, ay lumabas ng airpo
Dahil na-master na ni Brody ang Reiki, tumaas din nang sobra ang mga pandama niya. Kaya niyang makita ang ilang nakatagong bantay sa loob ng copper mine kahit sa layong ilang daang metro.Hindi nasorpresa si Brody na maraming nakatagong bantay sa copper mine. Dahil, ang ganitong uri ng base ng dead soldier ay napakahalaga sa Qing Eliminating Society. Ang bawat base ay itinayo gamit ang malaking halaga na may puhunan na napakaraming tao at materyales. Kaya, ang seguridad ang pinakamahalaga dito.Buti na lang, hindi masyadong malakas ang mga Armed Calvary Guards na ito, at ang kabuuang epekto nila sa pakikipaglaban ay nasa antas lang ng isang five-star o eight-star martial artist. May malaking puwang pa rin sa pagitan nila ni Brody. Kaya, kampante rin si Brody na madali siyang makakapasok nang hindi nadidiskubre.Hindi tulad ni Charlie, na nagkataong nakuha ang Apocalyptic Book at direktang na-master ang Reiki, nag-cultivate si Brody mula sa pagiging isang martial artist para maabot a
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Anong nangyayari? Bakit hindi ako mapakali nang sobra?!’Pero sa sumunod na sandali, naramdaman niya na marahil ay napapraning lang siya. Dahil, naabot na niya ang Master Realm at hindi na siya katulad ng mga ordinaryong martial artist. Gaano karaming kalaban na kasing lakas niya ang mayroon sa mundong ito? Paano magkakaroon ng isang eksperto na kaya siyang puntiryahin sa ganitong uri ng lugar?Hindi niya alam na nilagay na ni Porter ang daliri niya sa itaas ng enter key sa computer. Basta’t pipindutin ni Porter ang enter key, mabilis at puspusang magpapaputok ang tatlong close-defense missile sa lokasyon ni Brody at sa paligid niya.Nagpapawis na nang kinakabahan si Porter, at ang master niya, si Pilos, na nakatayo sa likod niya, ay kinakabahan din habang sinabi, “Porter, ipaputok mo na! Sobrang bilis ng taong ito, kaya siguradong isa siya sa four great earl!”Umiling si Porter at sinabi, “Master, nag-aalala ako na may mga kasamahan pa siya. Basta’t
Nang tumama ang dulo ng daliri ni Porter sa keyboard, ang mga kulay itim na nguso ng tatlong close-defense missile na matagal nang nakatutok kay Brody ay umikot agad.Agad itong sinundan ng mga tatlumpung milimetrong artillery shell na biglang sumabog mula sa labing-walong nguso ng tatlong close-defense missile!Maraming bala ang tumagos sa nakatagong glass house, sinusundan ang daan na tinatawag na Halik ng Kamatayan na parang galit na galit na nagbuga ng apoy kay Brody!Ang bilis ng mga bala at artillery shell ay mas mabilis pa sa bilis ng tunog, pero hindi halata ang bilis na ito sa malapitan. Sa normal na sitwasyon, kung babarilin ang isang tao mula sa daang-daang metro na layo, siguradong tatamaan muna siya bago niya marinig ang tunog.Pero, maingat na binabantayan ni Brody ang paligid niya. Dahil mas mabilis ang bilis ng ilaw kaysa sa bilis ng tunog at ang unang bilis ng mga artillery shell, nadiskubre ni Brody na nabasag sa parehong oras ang tatlong commanding point at apoy
Ang huling kamalayan ng isip ni Brody ay puno ng galit at hindi pagpayag.Hinding-hindi niya inaakala na mamamatay siya nang walang katawan. Kumpara sa taxi driver na pinatay niya sa galit kanina lang, nawalan lang ng ulo ang taxi driver, pero marahil ay hindi man lang maligtas ni Brody ang utak niya!Bago pa mahulog sa lupa ang umiikot na ulo niya, marahas na dumaan ang mga artillery shell sa kanya, isa-isang pinasabog ang kabilang bahagi ng pader.Buti na lang, sa gitna ng mga kasamaang-palad, kahit na nadurog at naging malabnaw na ang katawan ni Brody, naiwasan ng ulo niya ang napakaraming bala dahil mas maliit ang target at nasa proseso pa ito ng pag-ikot.Kahit na sobrang lakas ng ginawang ballistic trajectory ng mga eksperto sa armas ng Ten Thousand Armies, inuuna pa rin nito ang mas malaking sakop, kaya hindi sapat ang kapal ng dadaanan ng bala para paliitin ito sa laki ng isang ulo.Pansamantalang naligtas ang ulo ni Brody dahil dito. Pero, nang dinurog ng mga artillery sh
Nang binigay ni Porter ang utos, biglang nagpakawala ng sunod-sunod na pagsabog ang mga pundasyon ng tatlong close-defense missile. Ang mga close-defense missile na orihinal na matatag na nakakabit sa konkretong pundasyon ay agad kumawala.Pagkatapos, agad pinasabog ang mga pundasyon ng glasshouse. Direktang sumugod ang engineering team at binuksan ang mga salamin na bubong hanggang sa ibaba at kinonekta ang mga lifting strap habang hinintay nila ang mga helicopter para buhatin ang tatlong close-defense missile.Samantala, ang mga Armed Calvary Guard at ang pamilya nila na naghanda nang lumikas ay nagsimulang lumabas sa mga kwarto nila na parang mga bumbero sila na nasa trabaho. Kaunti lang ang mga gamit nila dahil wala silang masyadong personal na gamit dito.Ang mga dead soldier at ang pamilya nila ay nilikas na ng barko, ilang araw na ang nakalipas, kaya basta’t nalikas ang mga tao na nasa ilalim habang umaatras, agad mapapasabog ang lugar na ito.Halos isang libong tao ang mabi
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl