Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 491 - Chapter 500

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 491 - Chapter 500

5648 Chapters

Kabanata 491

Sa sandaling ito, pinigilan ng staff ng Serene World Clinic sina Jeffrey at Liam.“Pasensya na, pero gumawa ba kayo nang appointment para sa bisita niyo ngayong araw?”Tinanong ng lalaki habang tumingin siya mapagbantay kay Jeffrey.Hindi pa niya nakikita si Jeffrey dati at napakarami nang magulo at hindi kaaya-ayang tao na pumupunta sa Serene World Clinic para hanapin si Anthony sa nakaraang dalawang araw. Kaya, hindi pinapapasok nang kaswal ng binata ang kahit sino.Nagmamadaling sumagot si Jeffrey, “Hello, batang kapatid. Ako si Jeffrey, ang young lord ng pamilya Weaver. Mangyaring pakisabi sa henyong doktor, kay Dr. Simmons, na inaamin ko na ginalit ko siya sa Chinese Medical Expo noong nakaraang araw. Ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon ay para humingi ng tawad kay Dr. Simmons at umaasa talaga ako na mabibigyan niya ako ng pagkakataon na makahingi ng tawad sa personal.”Sumagot nang malamig ang binata, “Sinabi ni Dr. Simmons na hindi niya kikitain ang kahit sinong walan
Read more

Kabanata 492

Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Charlie dahil handa na siyang paalisin sila.Nag-panic si Jeffrey at nagmakaawa, “Patawarin mo sana talaga ako sa ginawa ko, Dr. Simmons. Alam kong nagkamali ako. Kasalanan ko ito. Wala akong reklamo kung gusto mong suntukin o pagalitan ako. Pero ngayon ay malaking sakuna ang kaharap ng pamilya Weaver. Kaya mo ba talagang makitang masira ang pamilya Weaver nang gano’n lang?”Sumagot nang malamig si Anthony, “Pasensya na, pero naman ako pamilyar sa iyo. At saka, walang kinalaman sa akin ang pamilya mo. Mangyaring umalis ka na agad.”Sa sandaling narinig niya ang sinabi ni Anthony, nagmamadaling kinuha ni Jeffrey ang brokadang kahon kay Liam bago ito iniabot kay Anthony at sinabi nang magalang, “Dr. Simmons, isa lang itong maliit na tanda ng pasasalamat ko. Isa itong piraso ng Hetian jade na may halagang higit pa sa limang milyong dolyar! Mangyaring tanggapin mo ito!”Hindi man lang tumingin si Anthony sa tinatawag na Hetian jade bago niya si
Read more

Kabanata 493

Nang makita ng staff member na pumasok ulit si Liam sa Serene World Clinic, kumunot ang noo niya at sinabi, “Bakit nandito ka nanaman? Mangyaring umalis ka na ngayon din! Hindi ka tanggap dito!”Nagmakaawa si Liam, “Kapatid, may gusto akong sabihin kay Dr. Simmons sa personal. Aalis agad ako sa sandaling masabi ko ang mga ito.”Sumimangot ang staff member bago niya sinabi, “Sinabi na ni Dr. Simmons na ayaw ka niyang makita. Bakit hindi ka pa rin makaramdam?”Lumuhod si Liam sa sahig bago siya sumigaw, “Dr. Simmons, ako sa Liam at gusto sana kitang kausapin nang harap-harapan. Mangyaring maging maawain ka at pakinggan ako sa ilang saglit. Kung tatanggi ka, luluhod lang ako at maghihintay sa labas hangga’t magpasya ka na kitain ako!”Sa sandaling ito, nakapasok na si Anthony sa consultation room sa likod ng Serene World Clinic. Gayunpaman,, hindi niya mapigilang magbuntong hininga nang marinig niya ang boses ni Liam.Ilang beses na niyang nakasalubong ang anak sa labas ng pamilya We
Read more

Kabanata 494

Hindi pa sinasabi ni Liam kahit kanino ang tungkol sa kanyang buhay. Si Anthony ang unang taong sinabihan niya ng kwento niya.Simula noong binalik siya sa pamilya Weaver, palaging iniinsulto at pinapahiya si Liam ng lahat ng tao sa paligid niya.Dahil palagi siyang kinamumuhian ng kanyang ama, si Jordan, at ng kanyang kapatid sa ama, si Jeffrey. Palagi siyang pinapagalitan, binubugbog, at isinasailalim sa iba’t ibang uri ng pagpapahiya pero unt-unti siyang nasanay dito.Naging sobrang tiyaga niya habang unti-unti niyang hinihintay ang araw kung saan makakahanap siya ng pagkakataon na umalis sa madilim at miserableng sitwasyon niya.Dahil may kaharap na malaking sakuna ang pamilya Weaver at dahil inanunsyo na nang opisyal ni Jordan na ibibigay niya ang posisyon ng chairman ng Weaver Pharmaceuticals sa kung sino man ang makakalutas ng sakunang ito, nagpasya si Liam na kunin niya ang pagkakataon na ito na gamitin ang thousand-year-old na snow white ginseng na mahigit dalawampung taon
Read more

Kabanata 495

Binaba ni Anthony ang tawag bago niya sinabi kay Liam, “Pumayag na si Mr. Wade na makipagkita sa’yo. Pwede ka nang sumama sa akin ngayon.”Nang marinig ito ni Liam, agad siyang naglabas ng nagpapasalamat na ekspresyon habang yumuko siya kay Anthony at sinabi, “Salamat sa kabutihang-loob mo at tulong, Dr. Simmons!”Iwinagayway ni Anthony ang kanyang kamay bago niya sinabi, “Tinutulungan ko lang si Mr. Wade. Hindi mo na ako kailangan pasalamatan. Kung handa kang tulungan ni Mr. Wade, sa kanya ka magpasalamat nang direkta.”Tumango si Liam nang nagmamadali at sinabi, “Okay, dapat na ba tayong umalis ngayon, Dr. Simmons?”Tumango si Anthony bago niya tinawag ang kanyang apo, si Xyla, habang sinabi, “Xyla! Pwede ka bang magmaneho at ihatid kami sa bahay ni Mr. Wade?”Nang narinig ni Xyla na pupuntahan ng lolo niya si Charlie, nasabik siya nang sobra at sinabi niya nang mabilis, “Lolo, tara na ngayon! Hindi natin dapat paghintayin nang matagal si Mr. Wade!”Pagkatapos, dinala ni Liam a
Read more

Kabanata 496

Sa sandaling ito, tumingin si Charlie kay Liam bago niya tinanong nang mausisa, “Narinig ko na may gusto kang hilingin sa akin?”Tumango nang nagmamadali si Liam bago niya nilabas sa kanyang bulsa ang kahon na may lamang thousand-year-old na snow white ginseng at inabot ito kay Charlie. Pagkatapos, sinabi niya nang magalang, “Mr. Wade, ang thousand-year-old na snow white ginseng na ito ay isang pamana ng pamilya na pinamana sa pamilya ng ina ko sa maraming henerasyon. Palagi ko itong dala sa lahat ng taon pero kailanman ay hindi ko magagamit ang buong potensyal ng kayamanan na ito. Kaya, pagkatapos ko itong pag-isipan, nagpasya ako na ialay ko ito sa’yo, Mr. Wade!”Hindi nagsalita si Charlit at binuksan niya lang ang kahon na gawa sa kahoy upang tingnan ang thousand-year-old na snow white ginseng. Sa sandaling ito, nakita niya sa loob ng kahon ang isang piraso ng snow white ginseng na may hugis-taong ugat at ilang wax na nakapalibot dito.Bukod dito, sa isang sulyap lang, naramdaman
Read more

Kabanata 497

Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Liam, bigla niyang naramdaman na nasa parehong sitwasyon sila ni Liam dati.Noong unang panahon, isa rin siyang ampon at isang basura na pinapahiya at inaapi ng iba.Bumaliktad lang ang buhay niya nang makita siya ni Stephen Thompson at binigay sa kanya ang Emgrand Group at isang black card na may sampu-sampung bilyong dolyar.Pagkatapos, nakahanap si Charlie ng pagkakataon na magtagumpay nang aksidente niyang nahanap niya ang Apocalyptic Book.Noong unang panahon, minaliit din siya ng lahat. Naghintay din siya ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya sa lahat, at sampalin ang lahat ng nanghamak sa kanya dati!Kaya, naiintindihan niya nang mabuti ang nararamdaman ni Liam.Si Liam ay isang bata na tinatawag na anak sa labas simula noong bata pa siya. Namatay ang ina niya at kahit na inuwi siya ng tunay na ama niya, mas lalo siyang pinahiya at pinahirapan. Pagkatapos ng mahigit dalawampung taon, tumaas niya ang kakayahan niyang magtiis.
Read more

Kabanata 498

Tumingin nang masama si Kenneth sa pinuno ng pamilya Weaver at sumigaw, “Jordan Weaver! Hindi ka pa ba nakakahanap ng paraan para magamot ako?”Nanginig nang kaunti si Jordan at sumagot, “Huwag kang mag-alala, Chairman Wilson. Nagpadala na ako ng tao para humanap ng sikat na doktor upang gamutin ka. Tinawagan ko na rin ang lahat ng kakilala ng pamilya Weaver sa pharmaceutical industry at naghahanap na rin kami ng mas malakas na antibiotics na makakatulong para magamot ka.”Kahit na sinasabi niya ito, alam ni Jordan na wala nang pag-asa.Sa una ay umaasa siya na maiimbita ni Jeffrey si Anthony na pumunta at gamutin si Kenneth pero hindi talaga siya binigyan ng respeto ni Anthony. Pagkatapos paalisin ni Anthony si Jeffrey sa Serene World Clinic, naghanap din siya ng ibang sikat na henyong doktor sa Aurous Hill. Pero, sa sandaling narinig nila na ang pasyente ay si Kenneth, walang gustong pumunta.Sa totoo lang, kumalat na sa buong Aurous Hill ang tungkol sa nangyari kay Anthony. Buko
Read more

Kabanata 499

Sa sandaling sinabi niya ito, nasabik nang sobra ang lahat.Lumaki ang mga mata ni Jordan habang tinanong niya sa nanginginig na boses, “Anong sabi mo? Sino ang dinala ni Liam?”Sumigaw ang lalaking nasa pinto, “Dinala ni Liam si Dr. Simmons at ang isang binata! Pumasok na sila sa bakuran!”Sa sandaling narinig niya ang boses, agad nagkaroon ng sobrang sayang hitsura si Jordan!Nandito si Dr. Simmons?Inimbita ba ni Liam si Dr. Simmons dito?Diyos ko! Mukhang may pag-asa pa para sa pamilya Weaver!Mas nasabik si Kenneth sa sandaling ito.Wala siyang pakialam sa karayom na nakatusok sa likod ng kamay niya. Puno ng sabik ang mga mata niya sa sandaling ito!Mula pa noong nagsimulang mabulok ang ari niya, alam ni Kenneth na si Dr. Simmons lang ang makakagamot sa kanya.Pero, alam niya rin na masama ang loob ni Anthony sa kanya at imposibleng kumilos siya para sagipin siya.Bukod dito, hindi niya talaga maintindihan kung bakit magbabago ang isip ni Anthony at papayag na gamutin s
Read more

Kabanata 500

Sa hindi inaasahan, kasama talaga ng lalaking ito ang g*gong iyon, Liam!Babatiin na rin nang sabik ni Kenneth si Anthony. Pero, nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha sa sandaling nakita niya si Charlie.Sa parehong oras, hindi niya rin mapigilan na sumama nang sobra ang kanyang kalooban.Ang kahihiyan na tinamo niya sa harap ni Charlie ay hindi mas mababa sa nangyari kay Jeffrey!Sa una, tinuring niya si Charlie bilang mortal na kaaway niya. Pero, ngayong nandito si Charlie kasama si Anthony, hindi siya nangahas na magsalita o gumawa ng eksena. Ito ay dahil alam niya kung gaano tinitingala at nirerespeto ni Anthony si Charlie. Kung kakalabanin niya ulit si Charlie, natatakot si Kenneth na tatanggi si Anthony na gamutin siya.Nang maisip niya ito, umabante agad si Kenneth bago siya yumuko at sinabi, “Tito Simmons, alam kong ginalit kita dati. Alam ko na kasalanan ko ito. Alam ko na mali ako. Pakiusap at gamutin mo ako!”Sa sandaling ito, sumagot nang walang pakialam si Anthony,
Read more
PREV
1
...
4849505152
...
565
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status