Hindi talaga inaasahan ni Jeffrey na sasampalin siya ng kanya ama at ni Kenneth sa parehong oras dahil kinukwestiyon niya ang pagkakakilanlan ni Charlie.Sa totoo lang, kaya niyang tiisin na sinampal siya ni Kenneth dahil alam niya na siya ang dahilan kung bakit nagkaganito si Kenneth—ang tanging dahilan lang kung bakit nagkaganito si Kenneth ay dahil sa medisinang binigay niya sa kanya. Kaya, normal lang kamuhian siya ni Kenneth.Pero, hindi talaga makapaniwala si Jeffrey na bigla siyang sinampal nang dalawang beses na magkasunod ng kanyang ama, na bihira lang siyang sampalin sa mga nakaraang taon!Tinakpan niya ang kanyang mukha habang tumingin siya kay Jordan at sinabi, “Pa! Bakit mo ulit ako sinampal? May mali ba akong nagawa?”“G*go! Manahimik ka ngayon!”Tumingin nang mabangis si Jordan kay Jeffrey bago siya nagmura sa loob niya. Bakit walang abilidad ang alibughang anak niya na malaman kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito?Dahil sinusunod ni Anthony ang mga u
Naglalaro lang sila. Kaya, naramdaman ni Jordan na dapat nagpalaglag na lang ang mga babae sa sandaling nalaman sila na buntis sila. Bakit nila ipapanganak ang sanggol nila?Ito ang pangunahing dahilan kung bakit palaging kinamumuhian ni Jordan si Liam.Kung hindi lang nalaman ng ama niya na may isa pa siyang apo na nasa labas, hinding-hindi kukunin ni Jordan ang isang anak sa labas na ipinanganak ng isang babaeng nayon!Kahit na malaki ang naambag ni Liam sa pamilya Weaver, hinding-hindi niya ibibigay ang negosyo ng pamilya Weaver sa kana! Sino ba siya para maging karapat-dapat dito?Gayunpaman, hindi ipinakita ni Jordan ang paninirang puri at pagkabalisa sa kanyang puso. Gusto niya lang ilayo ang ang salot, si Kenneth!Kaya, sinabi nang magalang ni Jordan, “Mr. Wade, pakitulungan si Chairman Wilson!”Tumingin din si Kenneth kay Charlie habang may mapait na ekspresyon sa kanyang mukha. Dahil, hindi ba’t tinawag niyang lolo si Charlie at humingi siya ng tawad sa kanya dahil gusto
”Gamit ang ihi ng tao?!” Agad sinabi ni Kenneth na may hindi mapalagay na ekspresyon, “Hindi… ba’t medyo nakakadiri ito? Kailangan ba talagang gumamit ng ihi?”Suminghal si Charlie. “Sa tingin mo ba ay nagsisinungaling ako?”Tinuro niya si Jordan at tinanong, “Ikaw! Maraming taon ka nang nasa negosyo ng mga gamot. May itatanong ako sa’yo, hindi ba’t ginagamit nila ang mga ihi ng batang lalaki bilang pangunahing gamot sa sinaunang medisina?”“Oo, tama!” Tumango si Jordan. “Maraming sinaunang paraan ang kailangan ng ihi ng batang lalaki bilang pangunahing gamot. Sa totoo lang, may tradisyon pa ng pagkain ng mga itlog na binabad sa ihi ng mga batang lalaki sa timog. Napatunayan na may tiyak itong epekto sa kalusugan.”Pagkatapos, humarap siya kay Kenneth at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wilson. Ang ihi ng mga batang lalaki ay sobrang malinis na sangkap sa Chinese medicine, hindi ito kasing dumi tulad ng iniisip mo.Medyo naluwagan si Kenneth nang marinig niya na ihi ito ng mga b
Tumingin nang tahimik ang lahat sa isa’t isa, pagkatapos ay sabay-sabay silang tumingin kay Jordan, ang pinuno ng pamilya Weaver.Alam ng lahat na babaero si Jordan noong bata pa siya. Dati, kumain pa siya ng nakakalason na gamot para lang makipagtalik sa mga babae at kaya siya napunta sa bingit ng kamatayan sa edad na animnapung taong gulang lang. Kaya, siya ang lalaking nakipagtalik sa pinakamaraming babae sa kanila.Ngumisi nang matagumpay si Jordan nang mapansin niya na nakatingin ang lahat sa kanya. Tumayo siya nang tuwid at sinabi, “Master Wade, para sa iyong kaalaman, medyo gwapo ako noong bata pa ako, kaya marami akong tagahanga dati. Sa tingin ko ay nakipagtalik ako sa tatlo o limang daang babae!”Tumango nang nag-aatubili si Charlie at sinabi kay Kenneth habang tinuro niya si Jordan, “Sige, siya ang taong kailangan mo.”Bahagyang pumangit ang hitsura ni Kenneth.Talaga bang sinabihan siya ni Charlie na inumin ang ihi ng matandang sintu-sinto na ito? Nakakadiri!Pero, si
Nahilo at naging tuliro si Kenneth sa sinabi ni Charlie. Pagkatapos ng ilang sandali, naintindihan na niya ang sinabi ni Charlie.Dahil ang ihi ang pangunahing gamot, ginagamit ito para palakasin ang epekto ng medisina, kaya syempre, kailangan niya munang inumin ang ihi.Pero, isang litro ng ihi...Nag-alala ulit si Kenneth.Sa kabaliktaran, ngumiti nang masaya si Charlie at sinabi, “Hindi mo na ‘to pwedeng patagalin. Kung mabubulok nang tuluyan ang ari mo, huwag mo akong sisihin dahil hindi kita niligtas.”Nanginig si Kenneth nang maisip ito at sinabi, “Okay! Susundin ko ang bilin mo!”Tumango si Charlie at sinabi kay Jordan, “Mr. Weaver, mangyaring uminom ka muna ng tubig, pagkatapos ay humanap ka ng tao na magpapakulo ng medisina.”Yumuko nang magalang si Jordan at sinabi, “Okay, Master Wade, iinumin ko na ang tubig ngayon…”Nagbuntong hininga nang mahaba si Kenneth, sumuko na sa kapalaran niya. Para sa kanya, mas importante ang kanyang ari kaysa sa lahat.Sa kabilang dako,
Ang sitwasyon ng g*gong ito ay maikukumpara sa mayamang binata na kilala sa pagkain ng tae na nakakalat sa buong Internet...Ininom ni Kenneth ang ihi sa isang lunok, pinunasan ang kanyang bibig, at inutos nang nagmamadali, “Nasaan ang medisina? Bilis! Ibigay mo na ito sa akin!”Kinuha ni Charlie ang mangkok ng itim na sabaw na medisina sa katulong at palihim na nilagyan ito ng kaunting piraso ng mahiwagang medisina.Pagkatapos, ibinigay niya ang sabaw kay Kenneth at sinabi nang nakangiti, “Heto, Mr. Wilson!”Nanatili pa rin sa bibig ni Kenneth ang malakas na amoy ng ihi at kailangan niya ng bagay na makakatanggal ng mabahong amoy, kaya mabilis niyang ininom ang sabaw nang makuha niya ito.Halos himatayin siya sa pait pagkatapos niyang uminom nang marami.Hindi pa siya nakakatikim ng ganito kapait na lasa sa buong buhay niya. Ito ay parang isang tonelada ng licorice na tinunaw sa mangkok.Bukod dito, hindi lamang ito mapait, nasunog din ang dila niya!Sa sandaling dumikit ang d
Pagkatapos ng napakaraming paghihirap at pagdurusa, gusto na talagang umuwi ni Kenneth.Bukod dito, alam niya na walang makakatulong sa kanya sa Aurous Hill na maibalik ang pagkalalaki niya, kaya gusto niyang subukan ang swerte niya sa Eastcliff.Mayroon din siyang importanteng kailangan puntahan—ang 84th birthday ng kanyang ina. Bilang pinakamatandang anak na lalaki, kailangan niyang umuwi upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.Hiniling sa kanya ng kanyang ina na imbitahan si Anthony sa handaan, pero kung titingnan, mukhang hindi pa siyang pinapatawad ni Anthony. Sa kabila nito, nilinis niya ang kanyang lalamunan at tinanong, “Tito Simmons, malapit na ang kaarawan ng ina ko. Gusto sana kitang imbitahan para dumalo sa aming pagdiriwang.”Sinabi nang walang emosyon ni Anthony, “Mr. Wilson, sinabi ko na sa’yo, wala na akong kinalaman sa pamilya mo kaya huwag mo nang sayangin ang oras mo na pilitin akong pumunta sa handaan ng kaarawan.”Nagbuntong hininga si Kenneth at tumango nang m
Ang ibig sabihin talaga ni Jordan ay, “Ikaw, Charlie Wade, ay isa lang tagalabas. Huwag ka sanang makialam sa loob ng pamilya Weaver!”Naramdaman ni Liam na tila ba nahulog siya mula sa langit papunta sa impyerno nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama.Napagtanto niya na naloko siya—at sa miserbleng paraan pa!Hindi talaga siya gustong bigyan ng pagkakataon ng ama niya!Kahit na inalay niya ang mahalagang snow ginseng ng ina niya para magmakaawa kay Charlie na iligtas ang pamilya niya, hindi gugustuhin ng ama niya na hirangin siya bilang chairman ng kumpanya. Sumimangot sa dismaya si Charlie at tinanong nang malamig, “Oh? Balak mo bang sirain ang pangako mo?”Mabilis na nagpaliwanag si Jordan, “Ah hindi, Master Wade, hindi tayo nagkaintindihan. May hindi ka nalalaman. Noong isang araw, sinabi ko sa dalawang anak ko na kung sino man ang makakalutas ng problema ng pamilya namin ay magkakaroon ng mas malaking pagkakataon na maging chairman. Syempre, bibigyan ko ng kredito si L
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl