Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 481 - Kabanata 490

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 481 - Kabanata 490

5605 Kabanata

Kabanata 481

Pagkalipas ng isang oras, isang global express na private jet ang dumating sa Tokyo Airport.Pagkatapos dumating ng eroplano, dumiretso ito sa sarili nitong garahe.Matagal nang naghihintay si Masao sa garahe.Sa sandaling pumasok ang eroplano sa garahe, huminto ito at agad bumukas ang pinto. Pagkatapos, sabik na lumabas ang assistant ni Ichiro dala-dala ang isang maliit na kahoy na kahon sa kanyang kamay. Tumakbo siya nang mabilis kay Masao sa sandaling ito.Sa sandaling ito, talagang sabik na si Masao sa medisina habang nakaupo siya sa wheelchair. Ang kanyang pangalawang anak, si Jiro, ang nagtutulak ng wheelchair habang may blankong ekspresyon sa kanyang mukha.Sa totoo lang, talagang sobrang naiinis si Jiro. Nananalo na siya sa kompetisyon na maging tagapagmana ng pamilya. Bukod dito, umasa siya sa sarili niyang lakas at abilidad para talunin at mangibabaw sa kanyang kuya. Sa hindi inaasahan, pumunta talaga ang kuya niya sa Aurous Hill para magnakaw ng mga mahiwagang medisina.
last updateHuling Na-update : 2021-08-21
Magbasa pa

Kabanata 482

”Oo! Isang milagro! Isa itong milagro na marahil ay hindi kayang gawin kahit ni Amaterasu!”Halos mabaliw na si Masao sa sobrang sabik niya!Habang sobrang saya at sabik niya, biglang dumating ang tawag ni Charlie.“Mr. Kobayashi, kamusta ang epekto ng medisina?”Sa sandaling ito, tuluyan nang nakumbinsi si Masao sa abilidad ng mahiwagang medisina. Kaya, sinabi niya nang sabik, “Mr. Wade, tinatanggap ko ang mga tuntunin at kondisyon mo! Bibilhin ko ang patent para sa mga mahiwagang tableta na ito sa halagang sampung bilyong dolyar!”Sumagot si Charlie, “Ibibigay ko na ang bank account number ko sa’yo ngayon. Dapat mong ipadala ang pera sa loob ng dalawampung minuto. Kung hindi, ilalantad ko ang lahat ng krimen mo at panloloko mo sa mundong ito!”Sumagot nang nagmamadali si Masao, “Mr. Wade, makikisiguro ka na ipapaayos ko na sa financial staff ko ang pera para maipadala na sa’yo ngayon!”Sa totoo lang, ang lahat ng pondo ng buong Kobayashi Pharma ay mas higit lang nang kaunti sa
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 483

Hinatid ni Albert ang sabik na si Ichiro sa airport.Sobrang sabik ni Ichiro. Kahit na kailangan ng pamilya niyang bayaran si Charlie ng sampung bilyong dolyar, tuluyan nang gumaling ang pagkaparalisa ng kanyang ama! Bukod dito, nakuha rin ng Kobayashi Pharma ang reseta para sa mahiwagang medisina.Gamit ang resetang ito, mabilis na uunlad ang Kobayashi Pharma.Kapag naging chairman siya ng Kobayashi Pharma, maaabot na niya ang rurok ng kanyang buhay!Kaya, hindi na siya makapaghintay na magkaroon ng pakpak at agad bumalik sa Tokyo para tanggapin ang paghanga at pagsamba ng ama niya.Sa sandaling ito sa Tokyo, Japan, si Masao, na ganap nang bumalik ang kalusugan, ay kasalukuyang nararanasan nang sabik ang ganda ng pagkabata!Sobrang ganda ng kanyang pisikal na kondisyon at hindi na siya makapaghintay na humanap ng dalawang dalagang babae para maranasan niya ang pagiging bata na matagal nang nawala.Sa daan palabas ng airport, gustong magmaneho ni Masao.Ang dalawang pinaka pabo
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 484

Gumana na ang pinaka-epekto ng Terminal Lucidity Pill at pinatay si Masao!Hindi man alam ni Masao na mamamatay na siya at talagang lason ang medisina na ininom niya!Nagmamadaling binuksan ni Jiro ang pinto ng kotse habang sumigaw siya sa ibang miyembro ng pamilya na pasakay na sa ibang sasakyan at sinabi, “Nalason si Papa! Nakakalason ang mahiwagang medisinang binalik ng kapatid ko!”Nang marinig ng lahat ang sinabi niya, naramdaman nila na parang tinamaan sila ng kidlat!Isang malaking grupo ng tao ang pumalibot sa kanyang Bentley at nagmadali rin ang doktor ng pamilya nila para suriin si Masao.Hindi na mahalaga kung paano mo siya tingnan dahil halata namang patay na ang matandang lalaki.Sa sandaling ito, sobrang pangit na ng ekspresyon ni Masao at nakakatakot! Ang kulay ng mukha niya ay itim at ang mga mata niya ay sobrang pula na may dugong lumalabas dito. Nakabuka ang kanyang bibig at namatay siya nang sobrang miserable.Umabante ang doktor upang suriin si Masao at sinab
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 485

Nagulat nang sobra si Ichiro nang marinig niya ang sinabi ng kanyang assistant!Patay na ang ama niya? Namatay siya pagkatapos inumin ang mahiwagang medina na ipinidala niya?Ito… paano ito posible?Maaari bang lason mismo ang mahiwagang medisina?Habang iniisip niya ito, talagang nagalit nang sobra at natakot si Ichiro. Hinihiling niya na makaharap niya si Charlie!Nangahas talaga si Charlie na dayain ang pamilya niya ng sampung bilyong dolyar at lasunin ang ama niya? Hindi ba’t masyado siyang walang awa?Gayunpaman, alam ni Ichiro na hinding-hindi niya matatalo si Charlie. Kaya, anong saysay na makaharap siya? Patay na ang ama niya at talagang imposible nang buhayin siya ulit. Alam ni Ichiro na imposible ring ibalik ni Charlie ang sampung bilyong dolyar sa kanya...Sa sandaling ito, sinabi nang nagmamadali ng assistant ni Ichiro, “Mr. Kobayashi, dapat kang humanap ng lugar na mapagtataguan sa Aurous Hill! Huwag ka munang magpakita. Sa tingin ko ay maraming Japanese gang member
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 486

Sa sandaling ito, sinabi nang galit ni Ichiro, “Biglang namatay ang ama ko pagkatapos inumin ang medisina. Nangangahas ka pa ring sabihin na hindi ito dahil sa medisina?”Nagkibit-balikat si Charlie at sinabi, “Hindi ba’t ikaw ang nagnakaw at kumuha ng medisina? Naalala mo pa ba ‘yung buong proseso ng nangyari? Ikaw mismo ang nagnakaw ng medisina. Makinig ka nang mabuti, sa una pa lang ay ikaw na ang nagnakaw ng medisina! Naiintindihan mo ba? Hindi ko talaga binigay sa iyo ang medisina.”Pagkatapos, sinabi uliti ni Charlie, “Ikaw ang nagnakaw ng lason at ikaw rin ang nagpadala ng tao para ibigay ang lason sa ama mo. Pagkatapos, namatay ang ama mo pagkatapos niyang inumin ang lason na ipinadala mo sa kanya. Ang lahat ng ito ay kagagawan mo. Kaya, anong kinalaman ko dito? Ako ba ang nagsabi sa’yo na nakawin mo ang lason mula kay Dr. Simmons?”Talagang walang masabi si Ichiro sa sandaling ito.Tama si Charlie. Sa simula pa lang, siya ang nagpadala ng mga tauhan para nakawin ang medisi
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 487

Hindi alam ni Ichiro ang binabalak ni Charlie nang kinuha niya siya. Hindi niya man lang alam na balak siyang ibenta ni Charlie sa kanyang kapatid.Walang kahit anong simpatya si Charlie para kay Ichiro. Sa kabaliktaran, kinamumuhian nang sobra ni Charlie si Ichiro.Buti na lang, naging maingat siya. Kung hindi, napakahirap ng mangyayari kung mananakaw ni Ichiro ang mga mahiwagang gamot ni Anthony.Kahit na hindi sigurado si Charlie kung masusuri ba ng Japanese ang sarili niyang reseta, inisip niya na talagang magkakagulo kung magtatagumpay silang malaman ang kanyang reseta.Kaya, sa opinyon ni Charlie, dapat sisihin ang mga Japanese sa mga ginawa nila!Kahit ito man ay ang anim na lalaking nakaitim, si Masao sa Tokyo, os si Ichiro na malapit nang mamatay, masisisi lang nila ang sarili nila sa pagkamatay nila!Hinatid ni Isaac si Charlie pauwi bago mag madaling araw.Ngayon, may bagong naintindihan si Isaac sa lakas ni Charlie.Sa una ay iniisip niya na si Charlie ay isa lang m
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 488

Tumango si Charlie.Malinaw ang sitwasyon ni Kenneth sa kanya. Direkta niyang sinira ang mga nerves niya gamit ang malakas na enerhiya. Sa ibang salita, hinding-hindi na niya maibabalik ang kanyang pagkalalaki sa buong buhay niya. Hindi binigay ni Anthony ang kanyang mahiwagang tableta sa kanya, pero kahit na binigay ito ni Anthony, wala rin itong saysay.Kung ipipilit ni Kenneth na uminom at sumubok ng kahit anong medisina para pabalikin ang pagkalalaki niya, maiipon lang ang medisina sa mga nerves, at ang kahihinatnan lang nito ay ang tissue necrosis.Mukhang malaki talaga ang pinasok na gulo ng pamilya Weaver. Hindi lamang mahirap pakisamahan si Kenneth, isa rin siyang masamang tao. Hinding-hindi siya susuko hangga’t hindi niya nasisira ang pamilya Weaver.Sa sandaling ito, sinabi ni Isaac, “Ang second young lord ng pamilya Webb ay nakakulong na sa Castle Peak Psychiatric Hospital. Sinasabi na mayroon siyang sobrang kakaibang sakit. Kailangan niyang kumain ng tae kada oras, at k
last updateHuling Na-update : 2021-08-22
Magbasa pa

Kabanata 489

Gumising si Claire bandang alas siyete ng umaga.Sa sandaling nakarinig si Charlie ng mga galaw, nagmadali siya at nagkunwaring tulog habang humiga siya nang hindi gumagalaw sa sahig.Pagkatapos niyang bumangon, nag-unat si Claire habang tahimik siyang bumaba ng kama. Nang tumingin siya kay Charlie, na natutulog sa sahig sa sandaling ito, hindi maiwasang mabalisa ni Claire.Simula noong pinakasalan siya ni Charlie at naging manugang ng pamilya Wilson, mahigit tatlong taon na siyang natutulog sa sahig.Noong pinakasalan niya si Charlie, walang masyadong pakialam si Claire kay Chalie at wala siyang pakiramdam para sa kanya.Pero, pagkatapos nilang magsama nang maraming taon, hindi alam ni Claire kung bakit parang ligtas siya kapag nasa tabi niya si Charlie.Minsan, natatakot pa si Claire na baka bigla siyang iiwanan ni Charlie.Sa mga kamakailan na panahon, marami nang nangyari sa bahay at mas lalong naging tiyak si Claire na si Charlie lang ang talaga ang talagang pinaka maaasaha
last updateHuling Na-update : 2021-08-23
Magbasa pa

Kabanata 490

Alas-siyete y medya na ng umaga, nagkunwari si Charlie na kagigising niya lang. Pagkatapos niyang maghilamos, lumabas siya upang bumili ng bagay bago siya umuwi.Nagmadali si Claire na pumunta sa kanyang opisina pagkatapos kumain. Pagkatapos, ibinaba ni Elaine ang mga hugasin bago niya hinila ang kanyang asawa, si Jacob, palabas para bisitahin ang villa sa Thompson First kasama siya. Nauubusan na siya ng pasensya dahil sobrang tagal matapos ng renovation sa villa.Ayaw pumunta ni Jacob at sinubukan niyang himukin siya, “May ilang palapag palapag sa villa at mahigit isang libong metro kwadrado ito. Siguradong sobrang hirap ng renovation at dekorasyon sa villa. Marahil ay mahigit kalahating taon para matapos ito. Walang saysay kahit na nababalisa ka.”Sumagot nang hindi masaya si Elaine, “Wala akong pakialam! Ang tagal ko nang nakatira sa sirang bahay na ito. Kung hindi pa rin tapos ang renovation sa susunod na buwan, mas gugustuhin ko pang matulog sa hindi tapos na villa kaysa manati
last updateHuling Na-update : 2021-08-23
Magbasa pa
PREV
1
...
4748495051
...
561
DMCA.com Protection Status