Share

Kabanata 488

Author: Lord Leaf
last update Huling Na-update: 2021-08-22 11:00:01
Tumango si Charlie.

Malinaw ang sitwasyon ni Kenneth sa kanya. Direkta niyang sinira ang mga nerves niya gamit ang malakas na enerhiya. Sa ibang salita, hinding-hindi na niya maibabalik ang kanyang pagkalalaki sa buong buhay niya. Hindi binigay ni Anthony ang kanyang mahiwagang tableta sa kanya, pero kahit na binigay ito ni Anthony, wala rin itong saysay.

Kung ipipilit ni Kenneth na uminom at sumubok ng kahit anong medisina para pabalikin ang pagkalalaki niya, maiipon lang ang medisina sa mga nerves, at ang kahihinatnan lang nito ay ang tissue necrosis.

Mukhang malaki talaga ang pinasok na gulo ng pamilya Weaver. Hindi lamang mahirap pakisamahan si Kenneth, isa rin siyang masamang tao. Hinding-hindi siya susuko hangga’t hindi niya nasisira ang pamilya Weaver.

Sa sandaling ito, sinabi ni Isaac, “Ang second young lord ng pamilya Webb ay nakakulong na sa Castle Peak Psychiatric Hospital. Sinasabi na mayroon siyang sobrang kakaibang sakit. Kailangan niyang kumain ng tae kada oras, at k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 489

    Gumising si Claire bandang alas siyete ng umaga.Sa sandaling nakarinig si Charlie ng mga galaw, nagmadali siya at nagkunwaring tulog habang humiga siya nang hindi gumagalaw sa sahig.Pagkatapos niyang bumangon, nag-unat si Claire habang tahimik siyang bumaba ng kama. Nang tumingin siya kay Charlie, na natutulog sa sahig sa sandaling ito, hindi maiwasang mabalisa ni Claire.Simula noong pinakasalan siya ni Charlie at naging manugang ng pamilya Wilson, mahigit tatlong taon na siyang natutulog sa sahig.Noong pinakasalan niya si Charlie, walang masyadong pakialam si Claire kay Chalie at wala siyang pakiramdam para sa kanya.Pero, pagkatapos nilang magsama nang maraming taon, hindi alam ni Claire kung bakit parang ligtas siya kapag nasa tabi niya si Charlie.Minsan, natatakot pa si Claire na baka bigla siyang iiwanan ni Charlie.Sa mga kamakailan na panahon, marami nang nangyari sa bahay at mas lalong naging tiyak si Claire na si Charlie lang ang talaga ang talagang pinaka maaasaha

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 490

    Alas-siyete y medya na ng umaga, nagkunwari si Charlie na kagigising niya lang. Pagkatapos niyang maghilamos, lumabas siya upang bumili ng bagay bago siya umuwi.Nagmadali si Claire na pumunta sa kanyang opisina pagkatapos kumain. Pagkatapos, ibinaba ni Elaine ang mga hugasin bago niya hinila ang kanyang asawa, si Jacob, palabas para bisitahin ang villa sa Thompson First kasama siya. Nauubusan na siya ng pasensya dahil sobrang tagal matapos ng renovation sa villa.Ayaw pumunta ni Jacob at sinubukan niyang himukin siya, “May ilang palapag palapag sa villa at mahigit isang libong metro kwadrado ito. Siguradong sobrang hirap ng renovation at dekorasyon sa villa. Marahil ay mahigit kalahating taon para matapos ito. Walang saysay kahit na nababalisa ka.”Sumagot nang hindi masaya si Elaine, “Wala akong pakialam! Ang tagal ko nang nakatira sa sirang bahay na ito. Kung hindi pa rin tapos ang renovation sa susunod na buwan, mas gugustuhin ko pang matulog sa hindi tapos na villa kaysa manati

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 491

    Sa sandaling ito, pinigilan ng staff ng Serene World Clinic sina Jeffrey at Liam.“Pasensya na, pero gumawa ba kayo nang appointment para sa bisita niyo ngayong araw?”Tinanong ng lalaki habang tumingin siya mapagbantay kay Jeffrey.Hindi pa niya nakikita si Jeffrey dati at napakarami nang magulo at hindi kaaya-ayang tao na pumupunta sa Serene World Clinic para hanapin si Anthony sa nakaraang dalawang araw. Kaya, hindi pinapapasok nang kaswal ng binata ang kahit sino.Nagmamadaling sumagot si Jeffrey, “Hello, batang kapatid. Ako si Jeffrey, ang young lord ng pamilya Weaver. Mangyaring pakisabi sa henyong doktor, kay Dr. Simmons, na inaamin ko na ginalit ko siya sa Chinese Medical Expo noong nakaraang araw. Ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon ay para humingi ng tawad kay Dr. Simmons at umaasa talaga ako na mabibigyan niya ako ng pagkakataon na makahingi ng tawad sa personal.”Sumagot nang malamig ang binata, “Sinabi ni Dr. Simmons na hindi niya kikitain ang kahit sinong walan

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 492

    Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Charlie dahil handa na siyang paalisin sila.Nag-panic si Jeffrey at nagmakaawa, “Patawarin mo sana talaga ako sa ginawa ko, Dr. Simmons. Alam kong nagkamali ako. Kasalanan ko ito. Wala akong reklamo kung gusto mong suntukin o pagalitan ako. Pero ngayon ay malaking sakuna ang kaharap ng pamilya Weaver. Kaya mo ba talagang makitang masira ang pamilya Weaver nang gano’n lang?”Sumagot nang malamig si Anthony, “Pasensya na, pero naman ako pamilyar sa iyo. At saka, walang kinalaman sa akin ang pamilya mo. Mangyaring umalis ka na agad.”Sa sandaling narinig niya ang sinabi ni Anthony, nagmamadaling kinuha ni Jeffrey ang brokadang kahon kay Liam bago ito iniabot kay Anthony at sinabi nang magalang, “Dr. Simmons, isa lang itong maliit na tanda ng pasasalamat ko. Isa itong piraso ng Hetian jade na may halagang higit pa sa limang milyong dolyar! Mangyaring tanggapin mo ito!”Hindi man lang tumingin si Anthony sa tinatawag na Hetian jade bago niya si

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 493

    Nang makita ng staff member na pumasok ulit si Liam sa Serene World Clinic, kumunot ang noo niya at sinabi, “Bakit nandito ka nanaman? Mangyaring umalis ka na ngayon din! Hindi ka tanggap dito!”Nagmakaawa si Liam, “Kapatid, may gusto akong sabihin kay Dr. Simmons sa personal. Aalis agad ako sa sandaling masabi ko ang mga ito.”Sumimangot ang staff member bago niya sinabi, “Sinabi na ni Dr. Simmons na ayaw ka niyang makita. Bakit hindi ka pa rin makaramdam?”Lumuhod si Liam sa sahig bago siya sumigaw, “Dr. Simmons, ako sa Liam at gusto sana kitang kausapin nang harap-harapan. Mangyaring maging maawain ka at pakinggan ako sa ilang saglit. Kung tatanggi ka, luluhod lang ako at maghihintay sa labas hangga’t magpasya ka na kitain ako!”Sa sandaling ito, nakapasok na si Anthony sa consultation room sa likod ng Serene World Clinic. Gayunpaman,, hindi niya mapigilang magbuntong hininga nang marinig niya ang boses ni Liam.Ilang beses na niyang nakasalubong ang anak sa labas ng pamilya We

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 494

    Hindi pa sinasabi ni Liam kahit kanino ang tungkol sa kanyang buhay. Si Anthony ang unang taong sinabihan niya ng kwento niya.Simula noong binalik siya sa pamilya Weaver, palaging iniinsulto at pinapahiya si Liam ng lahat ng tao sa paligid niya.Dahil palagi siyang kinamumuhian ng kanyang ama, si Jordan, at ng kanyang kapatid sa ama, si Jeffrey. Palagi siyang pinapagalitan, binubugbog, at isinasailalim sa iba’t ibang uri ng pagpapahiya pero unt-unti siyang nasanay dito.Naging sobrang tiyaga niya habang unti-unti niyang hinihintay ang araw kung saan makakahanap siya ng pagkakataon na umalis sa madilim at miserableng sitwasyon niya.Dahil may kaharap na malaking sakuna ang pamilya Weaver at dahil inanunsyo na nang opisyal ni Jordan na ibibigay niya ang posisyon ng chairman ng Weaver Pharmaceuticals sa kung sino man ang makakalutas ng sakunang ito, nagpasya si Liam na kunin niya ang pagkakataon na ito na gamitin ang thousand-year-old na snow white ginseng na mahigit dalawampung taon

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 495

    Binaba ni Anthony ang tawag bago niya sinabi kay Liam, “Pumayag na si Mr. Wade na makipagkita sa’yo. Pwede ka nang sumama sa akin ngayon.”Nang marinig ito ni Liam, agad siyang naglabas ng nagpapasalamat na ekspresyon habang yumuko siya kay Anthony at sinabi, “Salamat sa kabutihang-loob mo at tulong, Dr. Simmons!”Iwinagayway ni Anthony ang kanyang kamay bago niya sinabi, “Tinutulungan ko lang si Mr. Wade. Hindi mo na ako kailangan pasalamatan. Kung handa kang tulungan ni Mr. Wade, sa kanya ka magpasalamat nang direkta.”Tumango si Liam nang nagmamadali at sinabi, “Okay, dapat na ba tayong umalis ngayon, Dr. Simmons?”Tumango si Anthony bago niya tinawag ang kanyang apo, si Xyla, habang sinabi, “Xyla! Pwede ka bang magmaneho at ihatid kami sa bahay ni Mr. Wade?”Nang narinig ni Xyla na pupuntahan ng lolo niya si Charlie, nasabik siya nang sobra at sinabi niya nang mabilis, “Lolo, tara na ngayon! Hindi natin dapat paghintayin nang matagal si Mr. Wade!”Pagkatapos, dinala ni Liam a

    Huling Na-update : 2021-08-23
  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 496

    Sa sandaling ito, tumingin si Charlie kay Liam bago niya tinanong nang mausisa, “Narinig ko na may gusto kang hilingin sa akin?”Tumango nang nagmamadali si Liam bago niya nilabas sa kanyang bulsa ang kahon na may lamang thousand-year-old na snow white ginseng at inabot ito kay Charlie. Pagkatapos, sinabi niya nang magalang, “Mr. Wade, ang thousand-year-old na snow white ginseng na ito ay isang pamana ng pamilya na pinamana sa pamilya ng ina ko sa maraming henerasyon. Palagi ko itong dala sa lahat ng taon pero kailanman ay hindi ko magagamit ang buong potensyal ng kayamanan na ito. Kaya, pagkatapos ko itong pag-isipan, nagpasya ako na ialay ko ito sa’yo, Mr. Wade!”Hindi nagsalita si Charlit at binuksan niya lang ang kahon na gawa sa kahoy upang tingnan ang thousand-year-old na snow white ginseng. Sa sandaling ito, nakita niya sa loob ng kahon ang isang piraso ng snow white ginseng na may hugis-taong ugat at ilang wax na nakapalibot dito.Bukod dito, sa isang sulyap lang, naramdaman

    Huling Na-update : 2021-08-24

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5605

    Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5604

    Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5603

    Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5602

    Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5601

    Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5600

    Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5599

    Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5598

    Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5597

    “Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang

DMCA.com Protection Status