Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4961 - Chapter 4970

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4961 - Chapter 4970

5780 Chapters

Kabanata 4961

Sinabi ni Porter kay Charlie gamit ang headset, “Mr. Wade, sigurado ka ba na ang eroplano na ito ay pupunta sa Sweden para sunduin sila at hindi para magpadala ng isang grupo pa ng mga tao sa Sweden para sa ibang misyon? Natatakot ako na baka may ibang operasyon din sila sa Sweden.”Sinabi ni Charlie, “Narinig ko ang pag-uusap nila kanina lang. Pumunta sila dito hindi para pumatay, ngunit para hulihin ang isang target na mahalaga sa organisasyon na ito. Kaya, siguradong may ligtas na daan sila para makaatras, at bumalik na ang eroplano na sinakyan nila para makaiwas. Kaya, sa tingin ko ay ang eroplanong pupunta sa Sweden ay pupunta dito para sunduin sila.”Pagkasabi nito, sinabi ulit ni Charlie, “At saka, walang border control para sa land transportation sa pagitan ng mga bansa na nasa European Union. Ang kadalian ng pagmamaneho sa mga bansa ay kasing dali ng pagsakay papunta sa magkaibang probinsya sa bansa. Pero, kahit na pinagsisilbihan ng lahat ng mga bansa sa European Union at l
Read more

Kabanata 4962

Tumawa si Charlie at sinabi, “Pareho ang iniisip natin Chief Merlin. Gusto kong sundan ang clue na ito at samantalahin ang pagkakataon para turuan sila ng ilang leksyon pa. Kapag madalas na silang nabibigo, hindi lang nila pagdududahan ang buhay, ngunit mababawasan din ang kumpiyansa nila at pipigilan nang matagal ang sarili nila sa hinaharap.”Habang sinasabi ito ni Charlie, mayroon siyang mahigpit na ekspresyon, at sinabi niya nang malamig, “Kahit na hindi ko pa nakikita ang tinatawag na British Lord na ito, sa paglalarawan ni 547, hindi mahirap na analisahin ang pagkatao ng taong ito. Siguradong sobrang kampante at mayabang ng taong ito, at siguro ay bihira din siyang mabigo dahil sapat na nga ang lakas niya. Gusto kong puwersahin ang mayabang na tao na ito na malaman ang katotohanan, at iyon ay palaging may tao na mas malakas sa mundong ito!”Noon pa man ay pinapahalagahan na nang sobra ni Charlie ang psychological warfare.Matagal na panahon na ang nakalipas, dinurog niya rin n
Read more

Kabanata 4963

Sa sandaling ito, may mahigit isang oras pa bago sumikat ang araw.Tumingin ang matandang lalaki sa oras at bumalik nang balisa as villa. Kumatok siya nang marahan sa labas ng pinto ng study room sa first floor at sinabi nang magalang, “Miss.”Isang napakabatang boses ng babae ang narinig sa loob. “Pasok.”Sinabi nang magalang ng matandang lalaki, “Yes, Miss!”Binuksan niya nang marahan ang pinto pagkatapos magsalita.Kahit na mukhang western na nakahiwalay na bahay ang villa na ito, ang loob ay sinaunang istilo sa Oskia.Isang dalaga na may sobrang ganda at mahinang hitsura ang nakaupo sa study room sa harap ng isang rop-grade na Lexington desk. Binabasa niya ang isang sinaunang libro nang nahuhumaling.Mukhang sobrang katangi-tangi ng dalaga, at walang kapintasan ang hitsura niya. Kahit ang kanyang mahaba at nakakurbang mga pilikmata niya ay perpekto.May suot siya na isang Oskian-style na palda na may mga burda kasama ang isang blouse na may mga ulap na nakaburda sa lahat ng
Read more

Kabanata 4964

Tumango ang babae nang wala nang sinasabi at kumunot nang sobra ang noo habang nakatingin sa natitirang anim na copper coin.Sa sandaling ito, kinuha ng babae ang mga barya na nasa dayagonal na linya mula sa itaas na kaliwa papunta sa ibabang kanan ng siyam na copper coin. Kinakatawan ng natitirang anim na copper coin ang dalawang tatsulok sa ibabang kaliwa at ibabaw na kanang bahagi.Sinunggaban niya ang tatlong copper coin sa ibabang kaliwa at nagmamadaling tinapon sila sa lamesa habang sinabi niya nang may mas takot na ekspresyon, “Sobrang madugo ng hexagram. Siguradong may pagpatay dito ngayong araw…”Pagkasabi nito, hindi niya mapigilan na ibulong, “Hindi ito tama… Gumawa ako ng hexagram kagabi, at kahit na sinasabi na mapapahamak ako, hindi to mapanganib…”Pagkasabi nito, mabilis niyang sinunggaban ang natitirang tatlong copper coin at tinapon ang mga ito sa lamesa.Pero, dahil sa kaba nya, nahulog ang isa sa mga copper coin sa lamesa dahil sa malakas na puwersa.Pagkatapos
Read more

Kabanata 4965

Nagulat nang sobra ang sampung tao na nasa study room dahil sa mga sinabi ni Charlie.Lumingon ang leader, at nang makita niya na lumitaw nang mag-isa si Charlie sa entrance ng study room, kumunot ang noo niya at tinanong, “Sino ka?”“Ako?” Suminghal si Charlie at sinabi, “Ako ang tao na hindi niyo kayang labanan kahit magsama-sama kayong walo.”Natulala saglit ang lalaki bago siya tumawa nang mapanghamak at sinabi, “Anong biro! Huwag kang magyabang nang napakadali. Sa tingin mo ay kaya mo kaming labanang walo? Alam mo ba kung saan ako nagmula?”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Alam ko. Hindi ba’t ikaw ang commander ng Armed Calvary Guard? Kahit hindi na banggitin kayong walo, pero ano naman kung walumpu kayo?”Hindi inaasahan ng lalaki na alam ni Charlie ang background niya. Agad dumilim ang nasorpresang ekspresyon niya, at sinabi niya nang malamig habang ay nakamamatay na layunin sa mga mata niya, “Binata, iniimbita mo talaga ang kamatayan!”Pagkasabi nito, itinaas
Read more

Kabanata 4966

Pagkatapos maranasan ang halos tatlong segundo ng sukdulang takot, bigla niyang sinigaw, “Bilis! Patayin niyo siya! Patayin niyo siya, bilis!”Natauhan din ang pitong tao sa isang iglap. Ang bawat isa sa kanila ay pinaputok nang hindi nag-iisip ang mga baril nila.Napunta sa kanila ang matalas na tingin ni Charlie, at may isang biglaang bugso ng nakamamatay na aura mula sa kanya habag sinabi niya, “Sinong mangangahas?!”Agad natakot nang sobra ang pitong lalaki dahil sa sigaw na ito, at biglang tila ba naging isang libong libra ang bigat ng mga assault rifle sa kamay nila, at hindi nila ito mabuhat!Desperado na ang leader habang galit niya silang pinagalitan, “Mga g*gong takot sa kamatayan! Sa tingin niyo ba ay pagbibigyan niya kayo nang ganito lang?!”Masyadong takot ang lahat para magsalita.Ito ay dahil alam nila na kayang putulin ni Charlie ang mga ulo nila kung kaya niyang putulin ang assault rifle at braso ng commander.Kaya, walang nangahas na kunin ang panganib ng pagtu
Read more

Kabanata 4967

Napuno ng sama ng loob ang commander dahil sa mga sinabi ni Charlie, na puno ng panunuya at panlalait.Hinawakan niya ang huling lakas niya at sinabi nang nagngangalit, “Ang British Lord… Siguradong ipapaghiganti ako ng British Lord!”Suminghal si Charlie at sinabi nang mapanghamak, “Nakikita ako na may nakamamatay na lason ka sa katawan mo na pana-panahon na gumagana tulad ng mga dead soldier na iyon. Siguradong mamamatay ka kung hindi mo makukuha ang gamot sa loob ng isang linggo, tama?”Puno ng takot ang mga mata ng commander nang marinig ito.Hindi niya alam kung paano nakikita ni Charlie ang mga natatagong lason sa katawan niya.Hindi pinansin ni Charlie ang pagkagulat niya at patuloy siyang ngumisi at sinabi, “Walang pagkakaiba sayo at sa mga dead soldier na iyon. Mga alipores lang kayo na kinokontrol ng British Lord. Ang pagkakaiba lang sa iyo ng mga dead soldier ay hindi niyo kailangan lagyan ng blindfold na kulay itim tulad ng mga dead soldier.”Pagkasabi nito, biglang m
Read more

Kabanata 4968

Gusto niya talagang malaman kung sino si Charlie at kung paano niya nalaman ang malalim na sikreto na ito.Pero, sa huli ay nabigo siya.Ito ay dahil natapos na ang buhay niya habang may masakit na ekspresyon na nagpapakita sa mga paghihirap niya.Tinapon ni Charlie ang katawan niya sa gilid nang walang kahit kaunting awa at tumingin siya sa pitong lalaki at sinabi nang malamig, “Naniniwala ako na kahit na sinasabi niyong lahat na handa kayong isakripisyo ang lahat para sa British Lord, sa kailaliman ng puso niyo, may sukdulan na poot kayo para sa British Lord na hindi niyo pa nakikita, tulad ng mga dead soldier na iyon, tamma?”Sa sandaling sinabi ito ni Charlie, nagkaroon sobrang komplikadong ekspresyon ang pitong lalaki sa mga mukha nila.Natural lang sa kanila na makaramdam ng poot.Bukod dito, ito ay napakalalim at madugong poot!Ang mga ninuno nila ay naging mga assassin na lang na sinusuportahan ng organisasyon na ito nang isang daang taon. Nabubuhay lang sila nang hindi
Read more

Kabanata 4969

“Sunod na destinasyon?”Medyo nagulat ang lalaki at mabilis na kumaway habang sinaib, “Wala kaming alam tungkol dito. Hindi man lang namin alam kung saan ang destinasyon ng flight namin bago kami umalis. Sinabi lang ng piloto sa amin ang tiyak na kailangan ng misyon namin pagkatapos umalis ng eroplano pagkasakay namin sa eroplano.”Pagkasabi nito, idinagdag niya, “Para naman sa mga plano pagkatapos dumating sa Sweden, hindi man lang namin alam kung sasakay ba kami sa eroplano pagdating sa Sweden. Dahil, gustong makita ng British Lord ang dalawang tao na ito, at hindi mahuhulaan ang kinaroroonan niya Hindi niya pwedeng ipaalam sa amin ang lokasyon niya, kaya posible na kailangan naming hanapin ang daan nammin pabalik sa Cyprus pagkatapos kunin ng eroplano ang dalawang tao.”Sumimangot nang bahagya si Charlie nang marinig ito at tinanong, “Hindi ba’t ang eroplano na nagpadala sa inyo dito ay karaniwang kontrolado niyo? Ipinapakita ng information intelligence ko na karaniwan ay naka-is
Read more

Kabanata 4970

Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Umaandar pa rin ang copper mine?”“Oo.” Ipinaliwanag ng lalaki, “Binili ang copper mine mula sa Cyprus government gamit ang mga ligal na pondo sa ligal na proseso”“Dahil isa itong copper mine na maraming taon nang umaandar, hindi ito pwedeng isara ng organisasyon dahil siguradong maghihinala ang publiko dito. Kaya, pagkatapos bilhin ng organisasyon ang copper mine, inanunsyo nito na nag-invest ito ng 500 million US dollars sa copper mine para ma-upgrade at palawakin ang minahan.”“Sinasabi na renovation at pagpapalawak ito, pero sa totoo lang, ang pangunahing layunin ay gumawa ng isang lugar sa ilalim ng copper mine na magagamit namin at ng mga dead soldier para tirahan at magsanay. Sa parehong oras, pinanatili rin ng copper mine ang ilang gumaganang lugar sa labas. Sa karaniwang araw, ang mga dead soldier at ang pamilya nila ay magtatrabaho nang palitan para siguraduhin ang normal na produksyon ng copper mine.”“Sa panlabas na mundo, may mahigit
Read more
PREV
1
...
495496497498499
...
578
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status