Sa sandaling ito, may mahigit isang oras pa bago sumikat ang araw.Tumingin ang matandang lalaki sa oras at bumalik nang balisa as villa. Kumatok siya nang marahan sa labas ng pinto ng study room sa first floor at sinabi nang magalang, “Miss.”Isang napakabatang boses ng babae ang narinig sa loob. “Pasok.”Sinabi nang magalang ng matandang lalaki, “Yes, Miss!”Binuksan niya nang marahan ang pinto pagkatapos magsalita.Kahit na mukhang western na nakahiwalay na bahay ang villa na ito, ang loob ay sinaunang istilo sa Oskia.Isang dalaga na may sobrang ganda at mahinang hitsura ang nakaupo sa study room sa harap ng isang rop-grade na Lexington desk. Binabasa niya ang isang sinaunang libro nang nahuhumaling.Mukhang sobrang katangi-tangi ng dalaga, at walang kapintasan ang hitsura niya. Kahit ang kanyang mahaba at nakakurbang mga pilikmata niya ay perpekto.May suot siya na isang Oskian-style na palda na may mga burda kasama ang isang blouse na may mga ulap na nakaburda sa lahat ng
Tumango ang babae nang wala nang sinasabi at kumunot nang sobra ang noo habang nakatingin sa natitirang anim na copper coin.Sa sandaling ito, kinuha ng babae ang mga barya na nasa dayagonal na linya mula sa itaas na kaliwa papunta sa ibabang kanan ng siyam na copper coin. Kinakatawan ng natitirang anim na copper coin ang dalawang tatsulok sa ibabang kaliwa at ibabaw na kanang bahagi.Sinunggaban niya ang tatlong copper coin sa ibabang kaliwa at nagmamadaling tinapon sila sa lamesa habang sinabi niya nang may mas takot na ekspresyon, “Sobrang madugo ng hexagram. Siguradong may pagpatay dito ngayong araw…”Pagkasabi nito, hindi niya mapigilan na ibulong, “Hindi ito tama… Gumawa ako ng hexagram kagabi, at kahit na sinasabi na mapapahamak ako, hindi to mapanganib…”Pagkasabi nito, mabilis niyang sinunggaban ang natitirang tatlong copper coin at tinapon ang mga ito sa lamesa.Pero, dahil sa kaba nya, nahulog ang isa sa mga copper coin sa lamesa dahil sa malakas na puwersa.Pagkatapos
Nagulat nang sobra ang sampung tao na nasa study room dahil sa mga sinabi ni Charlie.Lumingon ang leader, at nang makita niya na lumitaw nang mag-isa si Charlie sa entrance ng study room, kumunot ang noo niya at tinanong, “Sino ka?”“Ako?” Suminghal si Charlie at sinabi, “Ako ang tao na hindi niyo kayang labanan kahit magsama-sama kayong walo.”Natulala saglit ang lalaki bago siya tumawa nang mapanghamak at sinabi, “Anong biro! Huwag kang magyabang nang napakadali. Sa tingin mo ay kaya mo kaming labanang walo? Alam mo ba kung saan ako nagmula?”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Alam ko. Hindi ba’t ikaw ang commander ng Armed Calvary Guard? Kahit hindi na banggitin kayong walo, pero ano naman kung walumpu kayo?”Hindi inaasahan ng lalaki na alam ni Charlie ang background niya. Agad dumilim ang nasorpresang ekspresyon niya, at sinabi niya nang malamig habang ay nakamamatay na layunin sa mga mata niya, “Binata, iniimbita mo talaga ang kamatayan!”Pagkasabi nito, itinaas
Pagkatapos maranasan ang halos tatlong segundo ng sukdulang takot, bigla niyang sinigaw, “Bilis! Patayin niyo siya! Patayin niyo siya, bilis!”Natauhan din ang pitong tao sa isang iglap. Ang bawat isa sa kanila ay pinaputok nang hindi nag-iisip ang mga baril nila.Napunta sa kanila ang matalas na tingin ni Charlie, at may isang biglaang bugso ng nakamamatay na aura mula sa kanya habag sinabi niya, “Sinong mangangahas?!”Agad natakot nang sobra ang pitong lalaki dahil sa sigaw na ito, at biglang tila ba naging isang libong libra ang bigat ng mga assault rifle sa kamay nila, at hindi nila ito mabuhat!Desperado na ang leader habang galit niya silang pinagalitan, “Mga g*gong takot sa kamatayan! Sa tingin niyo ba ay pagbibigyan niya kayo nang ganito lang?!”Masyadong takot ang lahat para magsalita.Ito ay dahil alam nila na kayang putulin ni Charlie ang mga ulo nila kung kaya niyang putulin ang assault rifle at braso ng commander.Kaya, walang nangahas na kunin ang panganib ng pagtu
Napuno ng sama ng loob ang commander dahil sa mga sinabi ni Charlie, na puno ng panunuya at panlalait.Hinawakan niya ang huling lakas niya at sinabi nang nagngangalit, “Ang British Lord… Siguradong ipapaghiganti ako ng British Lord!”Suminghal si Charlie at sinabi nang mapanghamak, “Nakikita ako na may nakamamatay na lason ka sa katawan mo na pana-panahon na gumagana tulad ng mga dead soldier na iyon. Siguradong mamamatay ka kung hindi mo makukuha ang gamot sa loob ng isang linggo, tama?”Puno ng takot ang mga mata ng commander nang marinig ito.Hindi niya alam kung paano nakikita ni Charlie ang mga natatagong lason sa katawan niya.Hindi pinansin ni Charlie ang pagkagulat niya at patuloy siyang ngumisi at sinabi, “Walang pagkakaiba sayo at sa mga dead soldier na iyon. Mga alipores lang kayo na kinokontrol ng British Lord. Ang pagkakaiba lang sa iyo ng mga dead soldier ay hindi niyo kailangan lagyan ng blindfold na kulay itim tulad ng mga dead soldier.”Pagkasabi nito, biglang m
Gusto niya talagang malaman kung sino si Charlie at kung paano niya nalaman ang malalim na sikreto na ito.Pero, sa huli ay nabigo siya.Ito ay dahil natapos na ang buhay niya habang may masakit na ekspresyon na nagpapakita sa mga paghihirap niya.Tinapon ni Charlie ang katawan niya sa gilid nang walang kahit kaunting awa at tumingin siya sa pitong lalaki at sinabi nang malamig, “Naniniwala ako na kahit na sinasabi niyong lahat na handa kayong isakripisyo ang lahat para sa British Lord, sa kailaliman ng puso niyo, may sukdulan na poot kayo para sa British Lord na hindi niyo pa nakikita, tulad ng mga dead soldier na iyon, tamma?”Sa sandaling sinabi ito ni Charlie, nagkaroon sobrang komplikadong ekspresyon ang pitong lalaki sa mga mukha nila.Natural lang sa kanila na makaramdam ng poot.Bukod dito, ito ay napakalalim at madugong poot!Ang mga ninuno nila ay naging mga assassin na lang na sinusuportahan ng organisasyon na ito nang isang daang taon. Nabubuhay lang sila nang hindi
“Sunod na destinasyon?”Medyo nagulat ang lalaki at mabilis na kumaway habang sinaib, “Wala kaming alam tungkol dito. Hindi man lang namin alam kung saan ang destinasyon ng flight namin bago kami umalis. Sinabi lang ng piloto sa amin ang tiyak na kailangan ng misyon namin pagkatapos umalis ng eroplano pagkasakay namin sa eroplano.”Pagkasabi nito, idinagdag niya, “Para naman sa mga plano pagkatapos dumating sa Sweden, hindi man lang namin alam kung sasakay ba kami sa eroplano pagdating sa Sweden. Dahil, gustong makita ng British Lord ang dalawang tao na ito, at hindi mahuhulaan ang kinaroroonan niya Hindi niya pwedeng ipaalam sa amin ang lokasyon niya, kaya posible na kailangan naming hanapin ang daan nammin pabalik sa Cyprus pagkatapos kunin ng eroplano ang dalawang tao.”Sumimangot nang bahagya si Charlie nang marinig ito at tinanong, “Hindi ba’t ang eroplano na nagpadala sa inyo dito ay karaniwang kontrolado niyo? Ipinapakita ng information intelligence ko na karaniwan ay naka-is
Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Umaandar pa rin ang copper mine?”“Oo.” Ipinaliwanag ng lalaki, “Binili ang copper mine mula sa Cyprus government gamit ang mga ligal na pondo sa ligal na proseso”“Dahil isa itong copper mine na maraming taon nang umaandar, hindi ito pwedeng isara ng organisasyon dahil siguradong maghihinala ang publiko dito. Kaya, pagkatapos bilhin ng organisasyon ang copper mine, inanunsyo nito na nag-invest ito ng 500 million US dollars sa copper mine para ma-upgrade at palawakin ang minahan.”“Sinasabi na renovation at pagpapalawak ito, pero sa totoo lang, ang pangunahing layunin ay gumawa ng isang lugar sa ilalim ng copper mine na magagamit namin at ng mga dead soldier para tirahan at magsanay. Sa parehong oras, pinanatili rin ng copper mine ang ilang gumaganang lugar sa labas. Sa karaniwang araw, ang mga dead soldier at ang pamilya nila ay magtatrabaho nang palitan para siguraduhin ang normal na produksyon ng copper mine.”“Sa panlabas na mundo, may mahigit
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito