Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 4281 - Kabanata 4290

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 4281 - Kabanata 4290

5747 Kabanata

Kabanata 4281

Sa opinyon niya, ang lahat ng bodyguard na nagtatrabaho para sa mga employer nila ay dahil lang sa pera, at ang pera na kinikita nila ay para sa sarili nila o para mabuhay nang komportable ang pamilya nila.Kung may panganib ito sa kaligtasan nila at mga buhay, marahil ay gagawin nila ito para lang makatanggap ng malaking pension ang pamilya nila.Kung gano’n, talagang tataas ang kagustuhan nilang makipaglaban.Kahit na ang mga tao mula sa Ten Thousand Armies na pumunta sa New York ay mga top expert at madali nilang matatalo ang mga bodyguard ng pamilya Fox, umaasa pa rin si Charlie na matatalo nila sila nang walang laban.Kaya, sinabihan niya si Porter na ideklara nang direkta ang paninindigan niya para lang siguraduhin na maiintindihan ng mga bodyguard na ito na kahit na isakripisyo nila ang mga buhay nila para mamatay para sa pamilya Fox ngayong araw, hindi pa rin nila mabibigyan ng isang maayos na buhay ang mga pamilya nila sa buong buhay nila.Sa kabaliktaran, hahantong din
Magbasa pa

Kabanata 4282

Sa sandaling ito, walang ibang nagawa ang mga miyembro ng pamilya Fox kundi sundan si Spencer sa elevator pababa sa hall sa first floor.Para naman sa ilang natirang martial arts expert sa pamilya Fox, sumunod na lang sila nang tahimik sa likod nila, at hindi sila nangahas na kumilos nang padalus-dalos.Alam nila na pagkatapos umalis ni Jarvis, si Cason, na ang pinakamalakas sa kanila, ay buong hapon nang nakaluhod sa restaurant. Sa ganitong sitwasyon, paano malalabanan nilang kaunti ang Ten Thousand Armies?!Kaso nga lang ay sinabihan lang ni Porter na lumabas ang mga bodyguard na may baril at sumuko kanina. Hindi niya sinabi na pwede ring lumabas ang mga martial arts expert na tulad nila, kaya, ang magagawa na lang nila ngayon ay magpanggap na walang magawa at miserable.Nang dumating ang mga miyembro ng pamilya Fox sa ibaba, napagtanto nila na nakaupo nang mag-isa si Porter sa mala-palasyong hall.Inaalalayan si Spencer habang lumapit siya sa harap ni Porter, yumuko nang magala
Magbasa pa

Kabanata 4283

Tumawa si Charlie at sinabi, “Oh? Kung gusto mong magkaroon ng pagkakataon para magsisi, alam mo ba kung anong ginawa mong mali?”“Ito…” Pinagdaup ni Spencer ang mga kamay niya at sinabi, “Ang pagkakamali ko ay hindi dapat kita minaliit at binalewala, Mr. Wade… Huwag ka sanang magtanim ng galit sa akin!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Spencer Fox, nakagawa ka ng hindi bababa sa limang nakamamatay na kasalanan! Ang kayabangan ang isa sa kanila. Alam mo ba ang ibang apat?”Sinabi ni Spencer sa natatakot na paraan, “Mr. Wade, tapat ako at praktikal na tao na ginagawa ang gawain ko sa tapat na paraan. Totoo na mayabang ako dahil sa mataas na posisyon ko, pero paano magkakaroon ng pitong nakamamatay na kasalanan dito…?”Sinabi nang malamig ni Charlie, “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, at minamaliit mo ang iba. Ito ang kayabangan!”Nagmamadaling tumango nang paulit-ulit si Spencer at sinabi, “Oo, oo… Mr. Wade, tama ka!”Tinaasan nang kaunti ni Charlie ang boses niya at s
Magbasa pa

Kabanata 4284

Namutla sina Spencer at Xavion dahil sa mga sinabi ni Charlie.Nahulaan na nila na posible na gumawa ng isang malaking problema si Homer. Pero, hindi nila maisip kung ano talaga ang ginawa ni Homer dahil sa limitado nilang kaalaman at oras.Pagkatapos marinig ang sagot ni Charlie, mukhang maraming kinuhang buhay si Homer, at agad silang natakot dalawa.Sinabi nang nagmamadali ni Spencer, “Mr. Wade, kaunti lang talaga ang kaalaman ko sa mga ginagawa ni Homer! Kahit kailan ay hindi ko narinig ang mga bagay na binanggit mo, a-at…”Habang nagsasalita si Spencer, tumingin siya nang hindi nag-iisip sa kanyang anak, kay Xavion, na nasa tabi niya. Nahirapan siya nang sobra nang ilang sandali bago siya nagpasya na gawin ito at sabihin nang seryoso, “At… Hindi ako ang nagdisiplina mismo kay Homer simula noong bata pa siya. Kahit kailan ay hindi ako nasangkot sa pagpapalaki sa kanya. Ang anak ko, si Xavion, ang responsable sa edukasyon at pagpapalaki kay Homer…”Nang marinig ito ni Xavion, n
Magbasa pa

Kabanata 4285

Nanginig si Spencer sa takot, at nag utal-utal siya, “P-Pa, mali ang pagkakaintindi mo… Pa, hindi ko gustong agawin ang kapangyarihan mo, o kunin ang buhay mo. Gusto ko lang na umunlad nang tuloy-tuloy ang pamilya Fox. Gusto mong gumastos ng 200 billion US dollars sa isang pill, at malaking pasanin talaga ito para sa pamilya Fox!”“Pasanin?!” Tinuro siya nang galit ni Jordan at tinanong, “Ako ang umalalay sa buong pamilya Fox, at ako ang kumita ng lahat ng pagmamay-ari ng pamilya Fox! Ngayong matanda na ako at kailangan kong gastusin ang ilan sa mga pinaghirapan kong pera para baguhin ang buhay ko, bilang anak, hindi ka masaya dito?!”Nataranta si Spencer habang ipinaliwanag niya, “Pa, hindi sa hindi ako masaya! Ayoko lang na maloko ka! Sinabi mo na bibili ka ng isang Rejuvenating Pill, at parang isang scam ang ganitong uri ng bagay! Paano ito nagkakahalaga ng napakaraming pera?!”“Kalokohan ang mga sinasabi mo!” Nagngalit si Jordan at sinabi ,”Spencer Fox, kilala mo ba kung sino an
Magbasa pa

Kabanata 4286

Sa sandaling iyon, nagmamadaling yumuko si Jordang at lumuhod gamit ang dalawang kamay niya habagn sinabi, “Mr. Wade, hindi ako maglalakas-loob na suwayin ang mga utos mo!”Nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at binuksan ang screen bago niya binuksan ang isa sa mga vide album. May ilang video na kaugnay kay Homer na na-download na nang maaga.Pagkatapos nito, tinapon niya ang cellphone kay Jordan at sinabi nang malamig, “Pindutin mo ito at tingnan mo!”Pagkatapos nito, tinuro niya ang mga supling ng pamilya Fox na nasa likod niya at sinabi nang malamig, “Ang lahat ng lampas sa edad na labing-walo ay umabante at panoorin ito nang magkasama, habang ang mga mas bata sa labing-walo ay dapat agad itong iwasan!”Nagmamadaling sumang-ayon si Jordan, at karamihan sa mga supling ng pamilya Fox ay pinalibutan niya nang mabilis. Gusto rin nilang malaman kung bakit pumunta si Charlie sa pamilya Fox sa ganitong paraan.Kahit na gusto rin malaman ng mga taong mas mababa ang edad sa labing-
Magbasa pa

Kabanata 4287

Pero kung sasabihin niya ito nang sobrang gaan, hindi ito angkop para sa ginawa ng halimaw na iyon, at siguradong sisisihin ulit siya ni Charlie…Hindi rin siya nangahas na sabihin na ang lahat ng ito ay dapat ibigay sa batas para sa isang patas na tial. Siguradong ililigtas ng isang patas na trial ang buhay ni Homer, pero kasama nito ang isang lantaran na paglabas ng lahat ng ginawa niya.Sa sandaling iyon, hindi maiiwasan ang pagbaba nang sobra ng reputasyon ng pamilya Fox, at magiging hantungan sila ng galit ng lahat sa United States.Kaya, para kay Spencer, kahit anong piliin niya, may tiyak na malaking kapalit…Nang makita ni Charlie na nag-aatubili siya, sinabi niya nang malamig, “Dahil hindi mo ito kayang sabihin, huwag mo itong sabihin.”Pagkatapos nito, agad siyang tumingin kay Jordan at tinanong nang malamig, “Ikaw ang dating head ng pamilya Fox, kaya masasabi na karanasan ka. Tatanungin kita, ano dapat ang gagawin natin sa bagay na ito?”Nahirapan din si Jordan.Pareh
Magbasa pa

Kabanata 4288

“Ako?”Hinding-hindi inaakala ni Kathleen na hihilingin ni Charlie na ipahayag niya ang opinyon niya sa sandaling ito.Alam niya ang katayuan niya sa pamilya Fox, at alam niya na wala siyang laban kila Spencer, Xavion, o Homer.Sa kabila ng pagmamahal ng kanyang lolo para sa kanya, pagdating sa seniority, wala siyang magagawa kundi umatras at manatiling tahimik. Bukod dito, hindi niya pa nakikita ang mga magulang niya ngayong gabi kaya, nahulaan niya na pinaalis na ang mga magulang niya ng kanyang uncle, ni Spencer, sa pamilya Fox. Sa sandaling ito, mas mababa pa ang kumpiyansa ni Kathleen dahil wala siyang panghahawakan.Nakita ni Charlie na mukhang kulang ang lakas ng loob niya, kaya sinabi niya, “Miss Fox, sabihin mo lang kung may kahit anong ideya ka. Hindi mo kailangan matakot na galitin ang kahit sino. Susuportahan kita!”Tinikom ni Kathleen ang mga labi niya, at bigla niyang naramdaman na mas gumaan ang kalooban niya.Sa suporta ni Charlie, agad niyang natipon ang tapang
Magbasa pa

Kabanata 4289

Dahil dito, bigla siyang nagalit nang kaunti kay Kathleen.Sa una ay gusto niyang samantalahin ang pagkakataon na ito para maibalik ang kapangyarihan, pero sa hindi inaasahan, lalabas talaga ang apong babae niya na pinagkakatiwalaan niya para labanan siya sa sandaling ito!Hindi niya mapigilan na tumingin nang nagtatanong at galit kay Kathleen.Nang makita ni Kathleen na nakatingin nang ganito ang kanyang lolo, nagulat siya sa una, pero naintindihan niya ang dahilan para sa mga mata ng kanyang lolo.‘Mukhang… mali ang pagkakaintindi ni lolo sa akin…’Nang maisip ito ni kathleen, bumuntong hininga siya nang walang magawa habang sinabi, “Lolo, walang ibang magagawa ang pamilya Fox ngayon. Gumawa na ng napakalaking problema ni Homer, at hindi malulutas ng pagkamatay niya ang problema na ito. Kaya, walang ibang magagawa ang pamilya Fox kundi kumuha ng sapat na responsibilidad. Kailangan nating ilabas sa publiko ang bagay na ito at humingi ng tawad sa mga biktima at sa publiko. Sa pare
Magbasa pa

Kabanata 4290

Nahiya nang sobra ang bawat miyembro ng pamilya Fox dahil sa mga sinabi ni Kathleen.Napagtanto nila talaga na hindi sila inosente, at ang pamilya Fox dahil sa mga sinabi niya!Naisip nila na isakripisyo ng mag-isa si Homer para ingatan ang reputasyon ng buong pamilya Fox, na isa nang pag-iwas sa responsibilidad nila sa harap ni Charlie.Si Spencer ang unang natauhan sa sandaling ito, at tumingin siya kay Charlie habang sinabi sa takot, “Mr. Wade… ang dahilan kung bakit mo pinasikat sa buong mundo ang tungkol sa kidnapping ni Homer… m-maaari ba na ito ay dahil gusto mo ring durugin ang pamilya Fox?!”Ngumisi si Charlie at sinabi, “Gusto ko lang na pagbayaran ni Homer Fox at ng pamilya Fox ang presyo at resulta para sa bagay na ito! Napakaraming ginawang kasuklam-suklam na bagay ni Homer Fox, at dapat lantaran na ilabas ang mga bagay na ito.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Charlie kay Kathleen at sinabi nang kuntento, “Miss Fox, napakaraming tao at napakaraming bibig sa pami
Magbasa pa
PREV
1
...
427428429430431
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status