Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3981 - Kabanata 3990

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3981 - Kabanata 3990

5741 Kabanata

Kabanata 3981

Pagkatapos itong sabihin, nagtanong si Charlie, “Mrs. Lewis, saan kayo galing?”Tumawa si Mrs. Lewis, “Kababalik ko lang galing sa daycare. Wala akong ibang ginagawa kaya madalas tinutulungan ko ang mga kabataan sa Oskiatown na alagaan ang kanilang mga anak.”Tumango si Charlie, “Nabanggit nga iyan sa akin ni Stephanie noong nakaraan. Kumusta naman ang buhay diyan?”“Maayos naman! Masaya ako sa ginagawa ko!” Nakangiting sambit ni Mrs. Lewis, “Madalas nasa Oskiatown kami, nakatira rin kami sa isang Oskian community. Maliban sa magkaibang klima at paligid, parang nakatira lang rin kami sa Oskia.”Sa pagkakataong ito, lumabas si Claire mula sa kwarto at napatanong siya, “Mahal, sino ang kausap mo sa video call?”Kinawayan ni Charlie si Claire saka siya tumugon, “Claire, halika, batiin mo si Mrs. Lewis!”Nang marinig ni Claire na si Mrs. Lewis ang kausap ni Charlie sa video call, agad siyang tumakbo para lumapit. Masaya siyang kumaway sa video, “Mrs. Lewis! Stephanie! Hello!”Ngumit
Magbasa pa

Kabanata 3982

Kahit nakabalik na si Charlie at Claire sa kanilang kwarto pagkatapos kumain ng hapunan kasama si Kelly, hindi pa rin nagbibigay ng reply ang misteryosong tao na nagpadala ng text message kay Charlie.Sinubukan ring tawagan ni Charlie nang palihim ang kabilang panig, pero nadiskubre niyang nakapatay ang cellphone nito.Hindi mapakali si Charlie kaya nagpadala siya ng isa pang text message sa unknown number. Ito ang nakasaad sa kanyang text: [Kung kaibigan ka ni Stephanie at binibigyan mo lang ako ng babala mula sa kabutihan mo, pakiusap bigyan mo pa ako ng impormasyon. Salamat.]Pagkatapos ipadala ang mensahe, parang naging bato lang rin ito na lumubog sa karagatan.Samantala, napagod si Claire dahil buong araw silang bumiyahe kaya hindi niya na kinaya ang antok at agad siyang natulog pagkatapos maligo.Nang matapos naman si Charlie sa pagligo, nagsuot siya ng bathrobe at naglakad siya papunta sa balkonahe ng presidential suite nila sa top floor ng building. Halo-halo ang kanyang
Magbasa pa

Kabanata 3983

“Sige, Old Master Lennard. Maraming salamat ulit sa tulong niyo.”Pagkatapos ibaba ang tawag ni Chandler, hindi mapigilang mapaisip ni Charlie sa loob ng kanyang puso, “Pumunta si Eldest Uncle sa auction para bumili ng Rejuvenating Pill at mukhang para kay lolo ito. Dagdag pa ang hexagram na sinabi ni Old Master Lennard, mukhang hindi nga talaga maganda ang kalagayan ng maternal grandfather ko.”Nang maisip ito, lumitaw ang isang ideya sa isip ni Charlie. Hindi ba dapat kumpirmahin niya muna kung ano ang sitwasyon ng kanyang lolo bago siya mag-abot ng tulong sakaling kritikal nga talaga ang kondisyon nito?Subalit, nang maisip niya ang misteryo at mga pagdududa na mayroon siya sa likod ng pagkamatay ng kanyang mga magulang, nakaramdam siya ng kaunting galit.Makapangyarihan ang pamilya Acker, pero bakit hindi sila nag-abalang alamin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng mga magulang ni Charlie sa loob ng dalawang dekada?Maliban dito, naalala pa ni Charlie na walang magandang
Magbasa pa

Kabanata 3984

Nang makita ni Charlie ang text message, napakunot agad kanyang mga kilay at tinawagan niya ang kabilang panig.Subalit, narinig niya agad ang isang notification prompt na nagsasabing pinatay ng kabilang panig ang kanyang cellphone!Nakaramdam agad ng galit si Charlie na para bang pinaglalaruan siya ng taong ito.Kaya, agad siyang tumayo at kinausap niya si Claire, “Mahal, lalabas lang ako. May tatawagan lang ako.”Napagtanto ni Claire na may mali sa ekspresyon ni Charlie at gusto niya sanang magtanong kung ano ang nangyari. Pero, natatakot siyang masayang ang oras ni Charlie kaya agad siyang tumango at banayad siyang tumugon, “Sige, bilisan mo na.”Lumabas si Charlie ng restaurant at tumungo siya sa lugar kung saan walang tao saka niya tinawagan si Porter.Nang kumonekta ang tawag, agad niyang inutusan si Porter, “Porter, kailangan kong patignan sa’yo ang isang number. Alamin mo kung sino ang gumagamit nito at kung nasaan siya. Mas mabuti kung mas eksakto ang lokasyon na mabibig
Magbasa pa

Kabanata 3985

Kung magpapadala si Porter ng mga tao mula sa Middle East papunta ng Vancouver Canada, aabot ng 10,000 kilometro ang flight distance.Wala silang Concorde kaya mahigit sa 10 oras ang kakailanganin nila para makarating agad.Kung iyan ang kaso, kapag may nangyaring hindi maganda kay Stephanie sa loob ng sampung oras na ito, walang makakatulong sa kanya.Sa pagkakataong ito, tanging si Charlie lamang ang pinakamalapit kay Stephanie.Matapos ang lahat, kung lilipad siya galing rito, makakarating siya agad ng Vancouver sa loob ng apat na oras. Kung gagamit naman siya ng Gulfstream G650, makakarating siya sa loob ng tatlong oras.Kaya, agad na nagpasya si Charlie na personal na pumunta ng Vancouver!Nag-aalala si Charlie na baka diversion tactic lang ang ginagamit ng kabilang panig. Kung iyan ang kaso, baka ang asawa niyang si Claire ang malagay sa panganib kung sakali.Subalit, nang maisip ni Charlie na nasa malapit lang ni Stephanie ang taong nagpadala ng text message, kahit hindi
Magbasa pa

Kabanata 3986

Nakita ni Claire na nakapagpasya na si Charlie kaya alam niyang wala na siyang magagawa. Tumugon na lang siya nang banayad, “Sige, basta siguraduhin mong kakayanin mo at hindi ka malalagay sa alanganin!”Tumango si Charlie, “Mahal, balutin na lang natin ang mga pagkain. Ihahatid muna kita sa hotel. Doon ka na lang kumain.”Agad na tumugon si Claire, “Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Pwede ka nang dumiretso sa airport! Sasakay na lang ako ng taxi pauwi!”“Hindi pwede!” Umiling si Charlie, “Hindi ako mapapakali kung mag-isa kang babalik. Ihahatid muna kita sa hotel. Tandaan mo, huwag kang lumabas-labas hangga’t maaari.”Walang magawa si Claire kundi tumango na lang nang makitang nagpupumilit si Charlie.Ganoon din, pinakiusapan ni Charlie ang waiter na balutin ang mga pagkain sa mesa saka sila sumakay sa nirentahan nilang Audi A6 Touring Edition para ihatid si Claire pabalik ng hotel.Maingat na inihatid ni Charlie si Claire sa kanilang kwarto. Pagkatapos, hindi niya ito naka
Magbasa pa

Kabanata 3987

Nakasulat sa Oskian dialect ang iba’t ibang signboards ng mga buildings pati na rin ang pangalan ng mga kalye at ang mga pinto ng mga bahay. Pati rin ang itsura ng mga imprastraktura, Oskian style.Higit sa lahat, makikita sa magkabilang gilid na Oskians rin ang mga taong naglalakad dito. Kakaunti lang ang mga foreigners kaya mararamdaman mo na para bang nasa Oskia ka lang.Isa ang Vancouver sa may pinakasikat na Oskiatown sa buong mundo, at isa rin ito sa mga pinakamalaking Oskiatowns na mahahanap ng kahit sino.Sa siyudad na ito, 21% ng buong populasyon ang Oskians, ibig sabihin sa bawat limang tao sa Vancouver, may isa na Oskian.Ang Oskiatown ang lugar kung saan makikita ang karamihan sa mga Oskian sa Vancouver, kaya normal lang na kakaunti lang ang masisilayang foreigners sa bahaging ito.Ang Hasting Street na pupuntahan ni Charlie ang masasabing pinakaabala at pinakamasiglang bahagi ng Oskia Town. Pagkarating ng sinasakyang taxi ni Charlie sa kalyeng ito, mas lalong dumami a
Magbasa pa

Kabanata 3988

Napansin ni Charlie na mukhang nasa 17 o 18 years old pa lang ang edad ni Claudia at mukhang Eurasian ang kanyang itsura.Kulay asul ang kanyang mga mata, mahaba ang mga pilikmata, matangos ang ilong, at kulay hazelnut ang buhok. Perpekto ang kanyang itsura kung tutuusin.Subalit, kahit maganda ang kanyang itsura at perpekto ang kanyang mukha, may isang peklat mula sa sunog na nagsisimula sa kanyang kanang pisngi papunta sa leeg. Halata ang kanyang peklat at tuluyang pumangit ang kanyang balat sa bahaging ito. Nakakagulat ito at nakakabigla sa unang beses.Agad na tumagilid si Claudia para hindi ipakita kay Charlie ang peklat sa kanyang kanang pisngi. Inangat niya pa nang kaunti ang kanyang kuwelyo para itago ito nang hindi niya namamalayan.Napatitig si Charlie kay Claudia at nagsalita siya nang magalang, “Hello, Claudia. Magaling kang magsalita ng Oskian dialect.”Tumango nang bahagya si Claudia, “Maraming salamat sa papuri niyo, Mr. Wade…”Habang nasa tabi, nagsalita si Stepha
Magbasa pa

Kabanata 3989

May mga mobile food trucks rin sa pedestrian area ng magkabilang gilid ng kalye. May mga nagbebenta ng pancakes at prutas, at may mga nagbebenta rin ng burgers.Kahit tapos na ang tanghalian, makikitang mayabong pa rin ang takbo ng negosyo.Tumigil si Charlie para panoorin ang nasa paligid niya. Pakiramdam niya komportable at mapayapa ang buhay rito. Hindi niya makita o mapansin kung nasaan ang peligro.Sa pagkakataong ito, ilang mga binatilyo at dalaga na mukhang nasa high school pa o nasa 17 o 18 years old ang edad ang dumating sa tapat ng pinto ng convenience store. Nilagpasan nila si Charlie at binuksan nila ang pinto saka sila pumasok.Napalingon si Charlie. Nakita niyang isang Oskian na babae na may mahaba at blonde na buhok ang lider nila. Nakasunod naman sa kanya ang isang mayabang at magarbong Oskian na lalaki. Magkasabay silang naglalakad at magkaakbay na para bang magkasintahan.May dalawa ring babae na nakasuot ng makulay na damit sa likod nila at may lip ring pa ang i
Magbasa pa

Kabanata 3990

Sa harap ng panghihimok ni Gigi, walang emosyong nagsalita si Stephanie, “Binabalaan kita, kapag hindi ka pa umalis sa loob ng tindahan ko, tatawagan ko ang pulis!”“Tatawagan mo ang pulis?” Sagot ng babae, “Sige lang, tumawag ka ng pulis. Hindi ka ba naniniwalang kailangan ko lang tawagan ang tatay ko para bilhin ang buong hanay ng mga tindahan dito? Tignan mo na lang bukas, baka nag-iimpake ka na!”Nagtanong si Stephanie sa isang malamig na boses, “Bakit? Ano naman kung mayaman ka? Limang taon ko nang nirerentahan ang lugar na ito, pwede mo lang ako paalisin basta handa kang bayaran ang perang ginastos ko para rito at para sa breach of contract ng rental. Pwede naman akong lumipat sa ibang lugar, pero depende na lang kung kaya mong magbayad o hindi.”Mapanuyang sumagot ang babae, “Ate, hindi ka na bata pero parang musmos ka pa rin mag-isip! Hindi ka ba naniniwalang may 10,000 na paraan para masiguro kong hindi ka na makapagbubukas ng tindahan mo kahit saan at hindi maibabalik sa’y
Magbasa pa
PREV
1
...
397398399400401
...
575
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status