Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4001 - Chapter 4010

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4001 - Chapter 4010

5741 Chapters

Kabanata 4001

Sinabi ni Claudia, “Bukod dito, may ilang bar din sila, mga hotel, at ilang building na may mga ilegal na serbisyo. At saka, may ilang underground casino rin sila.”Tumango si Charlie at tinanong siya, “Sino ang hahanapin ko kung gusto kong pumunta sa casino nila para maglaro ng ilang laro?”Tinanong nang hindi akma ni Claudia, “Mr. Wade… Hindi mo ako binibiro, tama…?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Syempre hindi.”Akala ni Claudia na pinagbabalakan ni Charlie ang casino ng kabila, at sinabi niya nang seryoso, “Ang casino ay isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan nila, at maraming tao na nagbabantay doon. At saka, may mga baril din sila para pigilan ang mga tao na mandaya. Hindi mo dapat pagbalakan ang casino…”Kumaway si Charlie at sinabi, “Wala akong ibang balak. Gusto ko lang maglaro doon ng ilang beses at matalo ng pera sa kanila sa parehong oras.”Pagkasabi nito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga habang sinabi niya, “Sobrang layo talaga ng Canada, at kailangan k
Read more

Kabanata 4002

Nang marinig ni Porter ang mga sinabi ni Charlie, tinanong niya nang nagmamadali, “Mr. Wade, balak mo bang labanan ang isang uri ng organisasyon?”“Tama.” Hindi ito itinago ni Charlie, at sinabi niya nang walang bahala, “May maliit na grupo na gumagawa ng masasamang bagay, at gusto ko silang puksain. Pero, hindi angkop para sa akin na patayin silang lahat. Kaya, bakit hindi ko na lang sila ipadala sa iyo bilang libreng trabahador? Siguradong hindi sila makakatakas sa buong buhay nila dahil may sampu-sampung libon sundalo ng Ten Thousand Armies na nagbabantay sa kanila.”Sinabi agad ni Porer, “Mr. Wade, kailangan mo ba ng tulong ko?”Pinag-isipan ito ni Charlie at sinabi, “Oo. Magpadala ka ng isa pang grupo ng mga sundalo. Mas mabuti na mas maraming tao ang ipadala mo, marahil ay mga dalawang daan na tao. Dapat dumating sila sa Vancouver sa loob ng tatlumpung oras, bago mag-gabi bukas.”Sinabi ni Porter, “Walang problema, Mr. Wade. Sapat na ang tatlumpung oras. Magpapadala ako ng ta
Read more

Kabanata 4003

Tumigil siyang mag-alangan. Habang tumatango, sinabi niya nang matatag, “Kung gano’n, tatawagan ko siya.”…Samantala…Sa ground floor ng isang Italian restaurant sa George Street.Nakaupo si Gopher sa isang malaking lamesa, siya mismo ang namamahala sa ilang tauhan niya na nagbibilang ng pera gamit ang dalawang money detector.Binabayan ng gang nila ang mga tauhan nila sa isang beses sa isang linggo, at ngayong gabi ang araw ng suweldo.Karamihan ng aktibong miyembro ay mga uri ng tao na naglalasing sa init ng sandali, walang pakialam kung makakaipon sila ng pera para sa mga maulan na araw. Gagastusin agad nila ang lahat ng pera nila pagkatapos itong matanggap, para lang maghirap na mabuhay habang hinihintay nila ang susunod na sahod nila.Ang buong gang ay binubuo ng mahigit pitong daang tao, at ang karaniwang weekly per capita salari nila ay hindi mas mababa sa one thousand Canadian dollars. Ang bayarin para sa weekly payroll ay halos nasa one million Canadian dollars.Haban
Read more

Kabanata 4004

“Sa tingin mo ba ay ayaw kong makisabay sa panahon?”Kinuskos ni Gopher ang mga sintido niya, naiinis. “Matagal ko na itong sinabi sa boss natin, pero ayaw niyang mag-invest. Sinabihan niya lang tayo na tiisin ito! Katulad mo, naiinis din ako! Wala akong magagawa dito.”Hindi nasisiyahan si Gopher sa kasakuluyang boss niya at kinamumuhian niya ang pamamaraan niya.Pagkatapos makuha ng bagong boss ang kapangyarihan, ang unang bagay na ginawa niya ay maglagay ng pera sa sarili niyang bulsa. Hindi man lang dumaan sa isipan niya ang kapakanan ng ibang nagtatrabaho.Kung hihilingin ng isa na isuko niya pansamantala ang kita niya at gamitin ang pera para sa isang pangmatagalan na investment na ang buong gang ang makikinabang, tatanggi siya. Maliban kung may kinalaman ito sa personal na kita niya, hindi siya magiging interesado.Hindi mahikayat ni Gopher ang bagong boss niya, lalo na dahil sobrang tigas ng ulo ng lalaki na iyon. Kaya, wala siyang nagawa kundi panoorin na mas lumala ang n
Read more

Kabanata 4005

Sa kaso ni Gopher, si Claudia ang nagpakilala sa kanya sa customer. Pero, syempre hindi niya siya bibigyan ng hati sa pera. Iiwasan niya ang papel niya bilang introducer at kukunin ang mga commission fee para sa sarili niya.At saka, kung susundan niya si Mr. Wade ngayong gabi at sasamahan si Mr. Wade na magsugal, siya ang magiging code boy at makukuha niya ang 25% ng matatalo ni Mr. Wade!Bukod sa 25%, makakakuha rin si Gopher ng 10% na hati sa natitirang 75% ng kita ng casinol.Nang maisip ito, tumaas ang interes ni Gopher sa misteryosong Mr. Wade na ito. Mas lalo siyang nanabik na makilala ang lalaki!Hindi ba’t parang kumatok sa pinto niya ang Diyos ng Kayamanan?Kaya, medyo nainip siya. Hindi na isya makapaghintay na manloko ng pera mula sa lalaking ito! Kung nagkataon na matalo ng one million dollars si Mr. Wade sa casino niya, lalangoy sa pera si Gopher!…Samantala, sa kabilang bahagi…Nagpapalit si Charlie ng 300 thousand Canadian dollars na pera sa sarili niyang US ba
Read more

Kabanata 4006

Nakaramdam ng matinding tuwa si Mrs. Lewis sa pagdating ni Charlie.Sinabihan niya si Stephanie na maagang isara ang kanilang tindahan. Sumunod, dinala niya si Charlie, Stephanie, at Claudia sa palengke para bumili ng mga kakailanganin nila sa hapunan.Ganoon din, namili si Mrs. Lewis ng mga sangkap para sa mga putaheng paborito niyang gawin, sinasabi niyang gagawa siya ng masarap na hapunan para kay Charlie.Tumulong si Charlie sa pagbuhat ng mga groceries papunta ng sasakyan pagkatapos nilang mamalengke. Sumunod, tumungo na sila sa tirahan ni Mrs. Lewis sa Vancouver. Si Stephanie ang nagmaneho ng kotse nila.Simula nang tumira siya sa Canada, kumuha siya ng driver’s license at bumili siya ng isang second-hand Chevrolet Sedan para ipagmaneho si Mrs. Lewis at Claudia sa Oskia Town.Hindi inaakala ni Charlie na bibili ng isang low-end second hand na kotse si Charlie. Hindi niya mapigilang magtaka at magtanong, “Stephanie, bakit hindi ka bumili ng mas magandang kotse?”Tumugon si S
Read more

Kabanata 4007

Gusto rin sanang tumulong ni Charlie sa kusina, pero pinalayas siya ni Mrs. Lewis at sinabi niyang isa siyang bisita. Hindi niya pwedeng hayaan si Charlie na magtrabaho sa kusina.Nang makita ang matinding reaksyon ni Mrs. Lewis, hindi na nagpumilit si Charlie.Ganoon din, pinagsamantalahan naman ni Stephanie ang pagkakataong ito para ilibot si Charlie sa villa.Pagdating ng alas otso, natapos na si Mrs. Lewis sa paghahanda ng masarap na hapunan sa tulong ni Claudia.Nilabas agad ni Stephanie ang isang bote ng juice mula sa ref. Habang nakangisi, kinausap niya si Charlie, “Kuya Charlie, walang umiinom ng alak sa amin. Kaya, juice lang ang mayroon kami!”Tumango si Charlie. Wala naman itong problema sa kanya. Lumapit siya kay Stephanie, kinuha niya ang bote, at binuhusan niya ang juice ang apat na baso.Samantala, kitang-kita sa ekspresyon ni Mrs. Lewis ang kanyang saya. Agad niyang inangat ang kanyang baso at ngumiti siya, “Tara na! Uminom tayo bilang selebrasyon sa pagbisita ni
Read more

Kabanata 4008

Hindi nagtagal, natapos na rin ang masiglang hapunan. Tinulungan ni Claudia at Stephanie si Mrs. Lewis na linisin ang mesa at hugasan ang mga pinagkainan nila. Ganoon din, mula sa kung saan, nag-ring ang cellphone ni Claudia. Si Gopher ang tumatawag.Nang sagutin ni Claudia ang tawag, maririnig ang boses ni Gopher mula sa kabilang linya. “Claudia, nasa tapat na ako ng pinto ng bahay ni Stephanie. Sabihan mo si Mr. Wade na lumabas.”Tumugon si Claudia, “Sandali lang. Kakausapin ko lang siya.”Pagkatapos, ibinaba ni Claudia ang tawag at bumulong siya kay Charlie, “Mr. Wade… Hindi, Kuya Charlie. Nasa tapat raw ng bahay si Gopher.”Tumango si Charlie. Nilapitan niya si Stephanie saka siya sumagot, “Stephanie bakit hindi mo ako samahan kung wala kang gagawin?”Alam ni Stephanie na pupunta si Charlie sa casino ni Gopher. Kaya, pumayag siya nang walang pag-aalangan, “Oo naman, Kuya Charlie. Teka lang, hintayin mo ako.”Pagkatapos, kinausap ni Stephanie si Mrs. Lewis, “Mrs. Lewis, sasama
Read more

Kabanata 4009

Nasorpresa si Gopher. “Sasama rin ba sila?”Kaswal na tumugon si Charlie, “Dadalhin ko sila sa labas para magsaya. Hindi ko ba pwedeng gawin iyan?”Balak sana ni Gopher na dukutin si Stephanie ngayong gabi. Sa totoo lang, nakapaghanda na rin siya ng mga tauhan na gagawa ng binabalak niya. Ayaw niya nang patagalin ang lahat kaya nagpanggap siyang nag-aalala, “Hindi yata bagay sa mga dalagang gaya nila na pumunta ng casino. Hindi magandang ideya na dalhin natin sila roon. Ano sa tingin mo?”Napasimangot si Charlie. Hindi niya pinag-isipan ang suhestiyon ni Gopher at agad siyang lumingon kay Claudia. “Claudia, may alam ka pa bang ibang casino? Doon na lang tayo pumunta.”Agad na nataranta si Gopher.Kung hindi pupunta si Charlie sa casino nila, siguradong mawawala ang commission niya ngayong gabi.Pero kung dadalhin ni Charlie si Stephanie at Claudia sa ibang casino, hindi lang siya mawawalan ng commission, pero mapapalagpas niya rin ang pagkakataon na dukutin si Stephanie.Ang cas
Read more

Kabanata 4010

Nang sundan ni Charlie, Stephanie, at Claudia si Gopher, napagtanto nilang may hidden room pala sa ibaba ng hagdan.Isang malaking hall na may area na 156 square meters ang sumalubong sa kanilang paningin, puno ito ng iba’t ibang klase ng gambling tables.Isang dealer ang nakatayo sa bawat gambling table. Subalit, ilang mga mesa ang masasabing mas kaunti ang tao kumpara sa iba.Isang sulyap lang ang kailangan ni Charlie para malamang hindi maganda ang takbo ng negosyo. Halos kalahati ng mga gambling tables ang walang customer. May iilan na iisa lang ang player, at para sa iba, nasa tatlo hanggang lima ang naglalaro. Sa madaling salita, masasabing nakakabagot ang ere.Napasimangot si Charlie at nagreklamo siya sa dismayadong tono, “Kaunti lang ang customers ng casino niyo. Bakit ganito ang sitwasyon?”Nakaramdam ng hiya si Gopher nang marinig ang tanong, hindi siya sigurado kung paano siya sasagot.Lalong lumalala nang lumalala ang lagay ng negosyo nila at paunti nang paunti ang m
Read more
PREV
1
...
399400401402403
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status